Sa isang restaurant.
Abala ang lahat dahil oras na tanghalian. Kaliwat kanan ang umorder pero sa tuwing may dumarating magalang silang bumabati.
Pagbukas pa lang ng pinto ng restaurant napatingin na ang lahat sa bagong dating na binata. Maganda ang tindig nito at magara kung pumorma, halatang mayaman. Makinis ang balat nya at mapapagkamalang babae ang maamo nyang mukha.
Naghanap ito ng bakanteng lamesa ngunit tila puno na. Aalis na sana sya ng lapitan ng isang waiter.
"Sir, magisa lang po kayo?"
Tumango ito.
At dinala sya ng waiter sa isang sulok ng restaurant.
Napakunot ang noo ng lalaki dahil may nauna ng nakaupo sa tinuro nyang lamesa at ang tanging bakante ay ang katapat nito.
Luminga linga ang lalaki at nagbabaka sakaling may iba pang bakante.
"Pasensya na Sir, rush hour po kasi e!"
Wala syang nagawa kung hindi maupo sa tapat ng kustomer na walang pakialam sa nangyayari.
Nagugutom na sya at eto ang unang restaurant na nakita nya.
"Ano pong order nyo Sir?"
Tiningnan nya ng matalim ang waiter hindi ito sumagot sabay tingin sa katapat.
"Sige Sir tawagin nyo na lang ako pag oorder na kayo!"
Sabay talikod nito.
"Ano ba't di mo kinuha ang order?"
"Hindi nagsalita e tiningnan lang ako tapos tumingin dun sa katapat!"
"Baka naiinis dun sa katapat!"
Sabay tingin sa lalaki.
"Mabuti pa mamaya mo na balikan at marami pang dumarating!"
Pagkalipas ng dalawampung minuto binalikan nya ang lalaki.
"Sir, nakapili na ba kayo ng order?"
Pero hindi rin sya sinagot tinaas lang ang kamay na parang pinahihinto ito at pinaalis.
Nanggigil na sya sa lalaki.
"Bakit ba hindi na lang sya umorder kanina pa sya!"
"Baka inaantay matapos yung kumakain sa tapat nya! Ayaw siguro ng may kasama sa mesa!"
Kaya inantay nitong matapos ang nasa tapat na kustomer saka ulit lumapit.
"Sir, pwede na naman siguro kayong umoder?"
Wala na ang pagiging magalang nito.
Pero tinuro lang nito ang mga pinagkainan ng umalis na kustomer.
Tumawag ang waiter ng maglilinis.
"Naiirita na ko sa kanya!!!!
Kung hindi lang mukhang mayaman yan kanina ko pa sya pinaalis!"
"Wag ka ng mairita dyan, alam mo na ang gagawin! Hehe!"
Kaya pagka linis ng mesa agad nya itong nilapitan.
Siguro naman oorder ka na, Sir!"
Arogante nitong sabi.
Hindi ito pinansin ng lalaki at tiningnan lang ang menu. pagkaraan ng sampung minuto saka lang sya nakapili ng gustong kainin.
Agad na umalis ang waiter at nagtungo sa cook saka may ibinulong dito.
Ngumisi lang ang cook.
Sa loob ng kusina napansin ito ng isang babaeng naghuhugas ng pinggan.
'Sino na naman kaya ang kawawang bibiktimahin ng mga ito?'
Alam nyang pag nagbulungan ang mga ito may customer na naman silang mabibiktima ng kababuyan nila. Ganito sila kapag naiinis sa isang kustomer.
Lahat ng mga narito ay ganito ang ginagawa kaya may plano na syang umalis dito. Hindi nya makakayanan ang kababuyang ginagawa nila.
Kahit sya ay hindi kumakain dito sa takot na baka gawin din sa kinakain nya iyon.
Nang matapos ang cook na lutuin ang inorder ng lalaki, nakita nya kung paano dinuraan nito ang pagkain niluto bago ibinigay sa waiter.
Pag bukas ng pinto ng kusina, sinilip niya ang waiter kung kanino nya ito ibibigay. At nanlaki ang mata nya ng makilala ang taong iyon.
Pagkaabot ng waiter, tumalikod na ito at ngingisi ngising umalis.
'Mag enjoy ka dyan! Hehe!'
Pero nagulat sya ng makitang tumatakbo papalapit ang bagong taga hugas nila ng pinggan. Nilagpasan sya at dirediretso sa lalaki sabay hampas sa kamay nitong may hawak ng kutsara.
"Edmund, huwag mong kainin yan!"
Napatingin ang lahat sa malakas pagbagsak ng kutsara.
Nagulat si Edmund at saka galit na tiningnan kung sino ang gumawa nito sa kanya.
Edmund: "Nicole?"
Bigla lapit ng waiter na nagsilbi kay Edmund.
Waiter: "Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa mo dito sa labas? Diba dapat nasa loob ka at naghuhugas ng pinggan?"
Sabay harap kay Edmund.
"Pasensya na Sir, bago lang kasi sya dito, hamo at pagsasabihan ko! Sige na ho, kumain na kayo!"
Sabay abot ng bagong kubyertos.
Pero nakita na ni Edmund ang babala sa mukha ni Nicole na parang sinasabing delikado kung kakainin nya ito.
Edmund: "Huwag mo syang paalisin! Dito lang sya!"
Sabay sabi sa waiter ng makitang hinawakan nito ng mahigpit ang braso ni Nicole.
Waiter: "Pasensya na Sir pero madami pa syang dapat hugasan sa lababo!"
Edmund: "Hindi sya aalis, tawagin mo ang manager at bitiwan mo sya!"
Pinipilit ni Nicole makawala sa pagkakahawak. Nasasaktan na ito pero hindi pa rin binibitiwan ang braso nya.
Tumayo na si Edmund at saka nilapitan ang waiter at tinanggal ang pagkaka hawak nya kay Nicole.
Waiter: "Teka bakit ka ba nakikialam? Ba't hindi ka na lang maupo at kumain dyan?"
Nanggigil nitong sabi.
Edmund: "Ang sabi ko tawagin mo ang manager mo!"
Hindi ito kumilos at parang nangiinis na tinawanan lang sya.
Kaya kinuha na ni Edmund ang cellphone at humingi ng tulong.
Edmund: "Lolo andito po ako sa restaurant malapit sa talyer!"
Uncle Rem: "Kaya ka siguro tumawag dahil me nangyari dyan at may plano silang gawan ka ng kalokohan kaya kailangan mo ng tulong! Tama ba ako?"
Edmund: "E, Opo Lolo pasensya na po!"
Uncle Rem: "Sige may papupuntahin akong mga tao dyan para makatulong!"
Edmund: "Salamat po 'Lo!"
Natawa ang waiter ng madinig nya na ang Lolo pala nya ang kausap, akala nya kung sino na!
Waiter: "Hoy! Kung ayaw mong kainin yan bayaran mo na lang at umalis ka na, pero iwan mo yang babaeng yan dito!"
Itinago ni Edmund si Nicole sa likod nya.
Edmund: "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap ang manager nyo!"
Waiter: "Abat loko to .... ang yabang ah!"
"Oy kanina pa ko napipikon sa'yo kaya pwede ba umalis ka na!"
Edmund: "Bakit, ano bang ginawa ko at napipikon ka? Sa naalala ko wala naman akong sinabi at ginawa sayo para mapikon ka!"
Nairita ang waiter sa sinabi ni Edmund dahil totoo ang sinabi nya na wala nga itong ginawa sa kanya kung tutuusin. Sadyang madali lang talaga syang mairita.
Napansin ng ibang nag tatrabaho duon ang sitwasyon at isa isa silang lumapit para tulungan ang kasama nilang waiter.
Naalarma si Edmund ng makitang nakapaligid na sa kanila ang halos lahat ng mga tauhan ng restaurant at lahat sila ay handang umatake.
Sa dami ng mga nakapaligid, paano nila matatakasan ito?