ดาวน์โหลดแอป
61.03% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 130: Close Ba Tayo?

บท 130: Close Ba Tayo?

"Magusap tayo!

Sumunod ka!"

Singhal ni Anthon kay Miguel.

Nilusob nya ito matapos nyang harangin ang sasakyan ni Miguel.

Pagkatapos bumalik na sa kotse nya para pasunurin si Miguel sa isang lugar na pwede silang magusap.

Ibinaba ni Miguel ang bintana ng kotse nya para kausapin si Anthon.

Miguel: "Wooh! Wooh! Ang lakas ng dating ah! Ikaw ba yan Anthon?

Muntik na kitang di makilala ah!"

Binuksan nito ang kotse at bumaba.

Miguel: "Pero... ba't naman ako susunod sa'yo? Close ba tayo?"

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, hindi yung nag fe feeling matapang ka pero hindi naman!"

Tumigil si Anthon sa pagsakay ng kotse nya at muling humarap kay Miguel.

Galit na galit itong lumapit saka hinawakan ang kwelyo nito.

Anthon: "Binabalaan kita, Miguel! 'Wag na wag mong lalapitan ang asawa ko! Layuan mo si Issay!"

Miguel: "Hahahaha!"

"Grabe nakakatakot ka ha!

Mukha kang asong nauulol!"

"Kaya lang .... ikaw ang klase ng aso na kahol lang ng kahol pero hindi nangangagat!"

"Yan lang ba ang kaya mo?"

At hinawakan nito ang dalawang kamay ni Anthon, tinanggal sa pagkakapit sa kwelyo nya at tinulak palayo sa kanya.

"Akala mo ba basta basta mo na lang ako matatakot?

Nagpapatawa ka!"

"Saka .... teka ... bakit mo ako pinalalayo kay Issay? Sino ka para magutos sa akin ng ganyan?"

Anthon: "Ako ang asawa nya! Ako ang mahal nya!"

Miguel: "Asawa? hmmm!

Ganun ba?

Bakit nuon?

Nung girlfriend ko pa si Issay hindi naman kita pinagbawalan na umaligid sa kanya ah?

Nakalimutan mo na ba?

Ako pa nga ang nag papayo sa'yo kung ano ang dapat mong gawin para mapansin ka ni Issay!"

Nagbalik sa alaala nya ang lahat ng tinulong ni Miguel sa kanya para mapansin lang sya ni Issay.

Nung una hindi pa nito alam na si Issay ang babaeng tinutukoy nya pero ng malaman ni Miguel, hindi ito nagalit at ni hindi sya nito pinagbawalan.

Anthon: "Hindi ako katulad mo, hindi mo mahal si Issay! Kung totoong mahal mo sya bakit wala kang pakialam kahit na suyuin ko pa sya?"

Miguel: "Hahaha! Nakaka tawa

ka!"

Akala mo kaya hindi ako nagalit sa'yo ng malaman kong si Issay ang babaeng mahal mo ay dahil sa hindi ko mahal si Issay?" Nagkakamali ka!

Mukhang hindi mo pa kilala si Issay!"

"Una kaya hindi ako nagalit sa'yo at hindi kita pinagbawalan dahil may tiwala ako kay Issay at nirerespeto ko sya! At alam kong hindi nya ko basta basta lolokohin!"

"Pangalawa alam kong mahina ka! At dahil sa kahinaan mo bahag ang buntot mo, kaya alam kong hinding hindi mo magagawang lapitan si Issay!"

"At ikatlo dahil naawa ako sa'yo Anthon, awang awa ako sa'yo nuon at hanggang ngayon naawa pa rin ako sa'yo!"

"Gusto mong malaman kung bakit ako naawa sa'yo? Ha?"

"Kasi baligtad na ang sitwasyon natin ngayon! Sabi mo asawa mo na si Issay pero bakit hindi ka pa rin masaya? Bakit hindi pa rin nawawala ang mga takot mo?!"

"Kaya kung ako sa'yo wag ako ang balaan mo kung hindi yang sarili mo! Kung hindi mo tatratuhin ng mabuti si Issay, darating ang araw mawawala sya sa'yo, dahil sya mismo ang lalayo sa'yo!"

Anthon: "HINDI AKO DUWAG AT HINDI AKO LALAYUAN NI ISSAY!

DAHIL MAHAL NYA AKO! MAHAL NYA AKO!!!

Sabay sugod kay Miguel ng suntok pero....

Sinangga lang ito ni Miguel at saka tinadyakan si Anthon na napaupo sa lakas ng tadyak sa kanya.

Muli itong bumangon at sinuntok si Miguel pero iniwasan lang sya ni Miguel at saka tinadyakan ulit.

Ilang beses paulit ulit na nilulusob ng suntok ni Anthon si Miguel, pero ni isang suntok hindi tumama sa kalaban nya at sa huli binabawian lang sya ng tadyak nito.

Hindi sya makapaniwalang kahit na nasa edad na si Miguel hindi pa rin nya ito kaya. Ni hindi man lang nya magawang mapaalis ito sa kinatatayuan nya.

Nung bata pa sila, hinahangaan nya ito pagnakikita nyang nag sparring sila ni Luis.

Malakas silang dalawa ni Luis at natutuwa sya pagnakikita nyang nag i sparring ang dalawa.

Lagi nya silang pinanonood at laging nasa isip nya nuon na magiging katulad nya rin ang dalawa.

Pero ngayon, malaki na ang pinagbago ng katawan nya. Hindi na sya ang dating patpatin nuon pero bakit hindi nya magawang patamaan ng suntok si Miguel?

'Ganito ba talaga ako kahina?'

Napasalampak sa pagod si Anthon. Isang paa lang ang ginagamit ni Miguel para pabagsakin sya, paano kung ginamit din nito ang mga kamay nya?

Isang paa lang ....

Miguel: "Ano bang ikinatatakot mo Anthon, bat ayaw mo akong palapitin kay Issay? Natatakot ka bang malaman nya na ang mga 'hero act' mo sa kanya ay ako ang nagturo sa'yo?"

"O, natatakot ka na kahit anong gawin mo hindi mo makakayang tapatan man lang ang husay ni Issay!"

"Masyado kang mahina para sa kanya pero masyadong syang malakas para sa'yo!"

"Umpisa pa lang alam mo na hindi kayo match!"

Hindi makapagsalita si Anthon hindi lang dahil sa pagod kung hindi dahil sa iyon ang totoo.

Paano kung malaman ni Issay ni Issay na magkakilala kami ni Miguel?

Paano kung sabihin ni Miguel na sya ang nagtuturo sa kanyang manligaw?

Paano pag nalaman lahat ito ni Issay?

Paano?

Paano?

Paano?

Walang katapusang paano na naglalaro sa isip ni Anthon.

Miguel: "Anthon, ito na ang huling maipapayo ko sa'yo, kung talagang mahal mo si Issay dapat naintindihan mo sya!"

"Matagal na kayong magkakilala ni Issay, pero pakiramdam ko hanggang ngayon hindi mo pa rin sya lubos na kilala!"

"Paano kung malaman nyang ikaw ang dahilan kaya ako nawala ng San Roque?"

"Alam ko ang ginawa mo Anthon! Alam kong ikaw ang nagsabi sa Lolo ko na nakabangga ako.

At malapit na itong malaman ni Issay kahit sabihin ko man o hindi!"

At tumalikod na ito, sumakay ng kotse nya at iniwan si Anthon na nagpupuyos sa galit at takot.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C130
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ