Chapter 2
Papasok na siya ng araw na iyon ng maalalang kailangan niyang makakuha ng isang tangkay rosas sa garden ng ama niya.
Hay naalala naman niya ang tatay niya. Sabi ng tatay niya ay pagtumagal ng tatlong taon at matibay parin ang flower garden nito ay papalitan niya pangalan ng garden. From 'flower garden', to 'flower farm'. She cringe at the thought.
"Ano ba naman si itay kung ano-anong naiisip. Magdadalawang taon pa naman ang flower garden na iyon. Hay.. wag na lang pakialaman, sa kanya naman iyon hindi sakin."
Malapit na siya ng matanaw na may mga costumer na ang garden nila. Naroroon na ang tatay niyang bising bisi. May mga inaasikaso itong costumer. Lilima pa ang tauhang kayang swelduhan ng kanyang ama kaya pag marami talaga ang costumer ay tumutulong na rin ang ito.
Napapaisip tuloy siya. Araw-araw ang ilang mga costumer nila para bumili ng maraming bulalak. Ano kaya ang gagawin nila sa maraming bulaklak?.
"Baka kagaya ko ang ilan na may pagbibigyan, o di kaya dahil fresh na fresh ito? Pipitasin pa kasi ito. O di kaya dahil napakagandang tingnan ang garden dahil sa ibat ibang klase ng bulaklak? O di kaya dahil sa lahat?" Napahagikhik siya sa naiisip.
Dumiritso siya sa hanay ng pinakagusto niyang bulaklak " hmm.. Hindi na ako magpapaalam Kay tatay isang tangkay lang naman atsaka araw-araw naman akong pumipitas mula last week"
Nasa gate na siya ng school ng matanaw niya ang grupo ng lalaking pag-aalayan niya ng bulaklak. Nasa hallway ang mga ito naghahagikhikan at siguradong dahil ito sa mga crushes. Ngunit agad niyang napansin na wala ang lalaki.
Nagtaka siya sapagkat hindi ito humihiwalay sa barkada. Gayunpama'y lumapit siya sa mga ito.
"Hello good morning..!" Cheerful na pansin niya sa mga ito. Tumutok naman agad ang tingin nila sa kanya.
"Hi Anabel. Si Jana ba ang hanap mo?" Tanong sa kanya ni Analyn. Tumango siya.
"Umiiwas iyon sayo.. " sabad naman ni Abigael.
Kumunot ang noo niya dito. "Bakit daw?"
Tumingin ito sa hawak niya. Inginuso "Malamang dahil Jan"
Napatingin naman siya sa hawak. Itinaas. "Nasaan siya" tanong na lang niya.
"Hindi namin alam basta na lang nagpaalam na magbabanyo." Sagot naman ni Divina. Apat na magkakaibigan ang mga ito si Divina, Abigael, Analyn, at Johnny o mas kilala sa kampus nila bilang Jana the bakla.
Si Johnny ang aalayan niya ng hawak na isang tangkay na rosas. Mahigit isang linggo na niyang ginagawa iyon at ngayon nga ay pinagtataguan na siya.
Lumakad na siya papunta sa pinakamalapit na banyo. Walang pag-aalinlangang pinasok ang men's room. Nagulat pa ang dalawang lalaking laman ng dalawang walang pintong cubicle na iyon. Ang isa pa nga ay hindi na tinapos umihi. Magbubuka sana ang mga ito ng bibig para magsalita ng unahan na niya paniguradong singhal lalabas sa mga bibig ng mga ito lalo na yung nabitin.
"Sorry akala ko pambabae ito, wala kasing sign na nakalagay na panlalaki." Dali-dali siyang lumabas tinungo ang ladies room. Gaya ng una wala ring pag-aalinlangang pumasok siya. Inisa-isa niyang binuksan ang limang cubicle ng ladies room. Walang tao.
Lumipat siya sa kalapit na cr ngunit gaya ng una ay wala rin si Johnny. Tumingin siya sa pambisig na relo, napamura na lang siya, oras na para sa flag ceremony! .
Dali-dali siyang naglakad papunta sa pila nilang second year. Nag-uumpisa na ang pag-awit nila ng lupang hinirang! Maingat muna niyang inilapag ang bag sa paanan niya at maingat rin niyang ipinatong ang rosas sa ibabaw ng bag niya bago tumayo ng tuwid ipinatong ang kanyang palad sa kaliwang dibdib at kumanta na rin.
Sa dagat at bundok sa simo'y at sa langit mong bughaw..
Ang kislap ng watawat moy tagumpay na nagniningning..
Habang kumakanta ay palinga-linga rin siya. Sinisilip ang hilera ng fourth year na natatakpan mula sa kanila ng linya ng third year. Nagbabakasakaling matanaw si Johnny. Ngunit kahit anong paninilip ang gawin niya ay hindi niya ito nakita. Maraming hilera ang third year at mahahaba pa.
"Stop na sa katatanaw mo Anabel, ang sama na ng tingin sayo ni ma'am margie." Sabi ng nasa likod niya si Marisa. Kaibigan niya at pinsan. Madalas na mag-away sila pero nagbabati rin minsan. Tumingin naman siya sa gawing likod, nakita nga niya ang masungit na guro nila..
Nang matapos ang flag ceremony, tumakbo na siya sa room nina Johnny aabangan niya ang lalaki doon para di na ito makaiwas. Open na ang room ng mga ito. Pumasok siya umupo sa pwesto ni Johnny. Nakita niyang Papasok na sana ito ng makita siya agad itong umatras at hindi tumuloy.
Sinundan agad niya ito.."sandali Johnny.. " tumatakbo na siya.
Huminto ito ng nasa side na sila ng building ng 4rth year highschool. Walang masyadong dumadaan sapagkat class hour na at kung meron man ay hindi sila napapansin dahil puros nagmamadali ang mga into.
Lukot na lukot ang mukha ni Johnny ng tumingin sa kanya. Iniaabot na niya dito ang rosas.
"Flower na naman? Paki-usap tigilan mo na ito ha. Hindi kakayanin ng beauty ko ang mga ginagawa mong into. Hanap ka ng boylet na ligawan hindi yung kagaya Kong diyosa.." inis na sabi nito. Minasahe pa nito ang noo.
Hindi nagpatinag si Anabel sa inis nito. "Good morning Johnny wag no masyadong stressin ang sarili mo. Tanggapin mo na lang itong alay Kong rosas tanda na ikaw ang napili ng aking pusong magustuhan." Hahawakan sana niya ang kamay nito para ilagay roon ang bulaklak ng inilayo nito.
"Last na itong pagbibigay mo ng bulaklak sa akin tatanggapin ko ito. Bukas aasahan kong hindi ka na magbibigay ng ganito.." Tinanggap na nito saka pinahid ang ilong na may pawis. "Hayy. Naiistress ako sayo.. baka isipin ni miguel na nagugustuhan kita maturn-off pa iyon sa akin. Che! Dyan ka na nga panira ka ng araw.." Nagmarcha na itong umalis.
Pinagmasdan niya ito, napangiti siya ng sadyang kinikembot nito ang baywang. Lahat yata ng gawin nito at nagpapangiti sa kanya.
Tumakbo na rin siya papuntang klase niya. Nadatnan niyang nagchecheck attendance si ma'am Margie.
"Good morning ma'am.. Sorry nag-cr kasi ako kaya medyo late ako.." Hingi niya ng paumanhin dito.
Sinamaan lang siya ng guro ng tingin at hindi na nagkomento pa sa excuse niya. Siguradong alam naman nito kung saan siya galing. Kalat na kalat sa buong kampus ang panliligaw niya Kay Johnny o Jana da bakla.
Nakaupo na siya ng may kumalabit sa kanya. "Kumusta ang lakad mo?" Mababang boses na tanong ni Marisa sa kanya. Nasa likod lang niya ang upuan into.
"OK lang. Medyo inis siya sa akin" pabulong na sagot niya. Nakatutok sa unahan ang mata niya para hindi sila mapansin ng guro..
"Anong OK lang?" Pangungulit into.
"Ssssshh" sagot na lamang niya. Ayaw niyang makipagbulungan masakit sa lalamunan.
Maya-maya lang ay nagsimula na ang lecture, nagumpisa na rin maokupa ni Johnny ang isipan niya, mali kasi long time ago na nito naokupa ang isip niya.
Una niyang nakita ang lalaking noong first year pa lang siya sa nutrition noon. Nagperform ang mga ito ng sayaw , ang galing nitong sumayaw. Sa paningin ni Anabel ay ang sexy at cool nito. Hindi na niya hiniwalayan ng tingin ito hanggang matapos ang araw na iyon. Para siyang stalker na sunod ng sunod dito ang mata niya.
Kinabukasan ay inabangan niya ito sa gate, sinadya niyang mas maagang pumasok. Di pa siya nakatatagal ay may tumabi sa kanya, si Marisa inirapan niya ito nag-away lang sila noong isang araw at di pa sila bati.
"Mukhang may inaabangan ka.." Panimula nito. Hindi siya sumagot.
Tumikhim ito. "Sorry Anabel hindi ko talaga sinasadya na sigawan ka. Marami kasi akong iniisip nun."
"Di wow.. Wag mo akong kausapin.. Masama talaga ang loob ko sa ginawa mo.." Sabi niya at akmang lalayo ng matanaw niyang papalapit na yung inaabangan niya, itinuon niya ang tingin dito. Ang gwapo nito, kamukha talaga nito and Korean actor na si Lee min ho less lang ang kaputian at tangkad ng actor. Kayumanggi kasi ang kulay ni johnny at katamtaman lang ang tangkad na MA's bumagay dito.
Napangiti siya. Lalapitan na sana ng pigilan siya ni Marisa sa braso. Gusto niyang ipiksi ang kamay ngunit binitawan agad siya nito. Kunot noong binalingan ito.
"Siya ba ang inaabangan mo?" Nakangiti ng nakakaloko ito.
"Oo siya at pwede ba wag mo akong pigilan?! Nakakasira ka ng diskarte.!." Pasinghal na sagot niya pero mahina lang dahil malapit na ito.
"Wag mo ng ituloy dahil bading yan.." Natatawang sagot into.
Nagulat naman siya sa nalaman ngunit napaisip siya baka ginugood time siya ni Marisa dahil hindi niya tinanggap ang sorry nito.
Bumaling siya sa lalaking may mga kasama nang mga babae. Nagsalubong ang kilay niya lalo na nung tumawa ang lalaki. Ang tinis ng boses nitong halatang sinadya.
"Girl mas gwapo si lito Jan ah.." Maya-maya ay sabi nito.
Nakakanganga lang siyang nakatingin dito , dumaan pa ang mga ito sa harap niya pero hindi pa rin siya tumitinag.
"Hahahaha epic talaga ang mukha mo anabel kung alam mo lang"
Sinamaan niya ito ng tingin at pumasok na lang siyang bigo.
Mula noon hanggang tanaw na lang ginawa niya Hindi na siya nakipagkilala hanggang last week.
Nagulat siya ng may malakas na pumalo sa mesa niya.
"Miss Basil kung pumasok ka lang para magguni-guni ay makakalabas ka na.!" Nagtitimping sigaw in ma'am Margie . patay!.
Sumulyap siya sa mga kaklaseng tahimik ngunit halatang nagpipigil na humagalpak ng tawa.
"Hmmn ma - ma'am ano po.. sige lalabas na ako." Sabi na lang niya sa guro nilang nagliliyab na sa galit. Binitbit niya ang kanyang bag at lumabas.