LANCE'S POV
I'm so happy seeing Feira smiling right now. Even a small thing can make her happy. We're holding hands while walking, entering to the Amusement Park.
Kagagaling lang namin sa restaurant at naisipan ko na dalhin ko siya rito.
Binigyan kami ng lalaki ng tickets at tuluyan nang nakapasok.
"Feira, always be by my side, okay? There are so many people here, what if you get lost again? Hold my hand tight," sabi ko sa kaniya at tumango lang siya na may ngiti sa kaniyang mukha. Nakaukit sa kaniyang mukha ang pagkamangha.
"First time mo ba rito?" tanong ko.
"Siguro. Parang first time lang ang lahat ng ito sa akin eh. Salamat sayo, Ced. Sobrang saya ko ngayon," masayang sabi niya.
"Don't thank me. It's my duty to make my wife happy," nakangiti kong wika sabay umakbay sa kaniya.
"Now my wife. What do you want to do first?" tanong ko.
"Sakay tayo no'n oh!" excited niyang sabi sabay tumalon-talon pa.
"Sige na Ced. Doon tayo sa rollercoaster, please!" paki-usap niya sa akin sabay hawak sa laylayan ng damit ko.
"I uh...b-bakit rides pa? Pwede naman iyong bump cars, iyong caterpillar o kaya swing. Sa 3D cinema nalang tayo," sabi ko.
"Sa horror house nalang!" masaya niyang sabi sabay tingin sa tickets namin kung saan nakalista ang mga rides at iba pa.
Napahinga nalang ako ng malalim at napakamot sa aking batok.
'Okay na yan kaysa malula' sabi ko sa aking sarili.
"Fine! Tara na nga!" sabi ko sabay hila sa kaniya papunta ro'n pero hindi siya naglakad at nakatingala lang na nanonood sa rollercoaster.
"Grabe ang saya nila," rinig kong sabi niya. Napatingin din ako don.
Ano naman ang masaya diyan? Kaniya-kaniyang sigaw lang man 'yan sila.
"Ced? Parang mas okay sa rollercoaster. Sakay nalang tayo. Patapos na sila. Sige na, please," pakikiusap niya sa akin na may ngiti sa labi, parang kumikinang pa nga mga mata niya eh sabay kumurap-kurap.
"Bakit diyan pa?!" medyo naiinis kong tanong.
"Eh, gusto ko eh," nakanguso niyang sagot.
"Takot ka lang diyan eh," sabi niya ngunit di lang ako umimik.
"No, I'm not!" pagsisinungaling ko.
"Kung hindi, eh di, tara na!" nakangiti niyang sabi at dahan-dahan akong kinalakad papalapit doon.
Nakangiti iyong nagbabantay sa gate ng rollercoaster kay Feira.
"Hi, Ma'am. Pakita niyo po sa akin ang ticket niyo,"
"Eto po kuya oh," sabi niya sabay pakita sa lalaki.
"Pwede ba? Burahin mo iyang ngiti mo sa mukha. Or pwede huwag ka na lang ngumiti kapag asawa ko kaharap mo," naiinis kong sabi.
"Kainis," bulong ko sa aking sarili.
Yumuko ang lalaki at sumeryoso ang mukha.
"This way, Ma'am and Sir," sabi niya.
"Tss!"
"I'm so excited! Eeeiiih! Tara na, Ced."
"Yeah. Coming," sabi ko at sumusunod lang sa kaniya.
Umupo na kami at sinecure ko ang belt ni Feira.
"Hey? Safety naman 'to diba? Hindi ito matatanggal? If so, I'm gonna make sure this place will go bankrupt or file a case from the owner up to the staffs!" seryoso kong sabi at pagbabanta.
'Bakit pa kasi ito ang napili eh!'
"Don't worry, boss. It's safe," sabi ng lalaki.
"Paandarin niyo na kuya~"
'Tss. Excited. Sana nga di umandar'
Nang naka sigurado na sila na maayos na ang lahat ay pinaandar na nila ito. Unti-unti kaming gumalaw paangat. Napahawak ako ng mahigpit sa hawakan. Samantalang si Feira ay abot tenga ang ngiti. Nakataas pa ang kamay sa ere. Nang pababa na kami ay bigla akong napapikit sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari basta naririnig ko lang ang tilian at sigawan nila, lalo na 'tong nasa tabi ko.
Ramdam ko na ipinatong ni Feira ang kamay niya sa akin.
"Aaaaahhhh! Ang saya niiiitttooooo! Waaaaaaahhh~"
"Ceeeeeeddd?? Aaayooooss kaaaa laaaaang?"
"Suuuumiiiigaaaaw kaaaa, aaaang saaaayaaaa~"
'Oh my God, please help me. I think I'm gonna die this night.'
"AAAAAAHHHHHHHH!" sigaw ko. Ilang minutos lang ay natapos na kami. Pagbaba namin ay nanginginig ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko, bumaliktad lahat ng mga organs ko. Alog na alog na sila, pababa, pataas at patagilid.
"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Feira.
"Gusto kong sumuka. Aaarrcckkk" hinang-hina kong sabi sabay takip sa bibig ko at tumakbo sa malapit na cr at doon nagsusuka. Nanghilamos ako ng mukha at kumain ng mint candy. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas.
Nakita ko si Feira na halatang nag-aalala sa akin. Naghihintay sa labas ng cr.
"Ced!" sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya at ako ang unang kumawala sa pagyayakapan namin at hinalikan ang noo niya.
"Ayos ka lang?" alala niyang tanong at biglang nalungkot ang mukha niya.
"I'm fine, wife. I'm okay now."
"Sana sinabi mo sa akin na takot ka ro'n. Sana sinabi mo na malulula ka. Sana sinabi ko sa akin na hindi mo kayang sumakay roon," sabi niya.
"Sana alam mo na, I will do anything for you. You're the only one person who successfully made me ride the rollercoaster. At least I've overcome it, slowly," ngiti kong sabi.
"Salamat talaga. Pero sana, dapat nagsasabi ka kung ano ang ayaw mo at gusto. Hindi naman pwede na ako lagi iniintindi mo," sabi niya.
"Yes, wife. I will,"
"Good," ngiting sabi niya.
"So, what's next, wife?" tanong ko.
"Sa horror house tayo!" sabi niya.
"Okay lang naman doon diba?" Tanong niya at tumango lang ako.
Naglalakad na kami papunta sa horror house. Ipinakita ang aming ticket saka kami ipinasok sa loob. Nasa sampu kami, silang walo kapit-bisig. Kami ni Feira magkahawak lang ang kamay.
Palinga-linga kami sa paligid at pumapasok sa bawat silid. Dapat kasi namin mahanap ang daan palabas.
Biglang tumunog ang creepy doll na dumudugo ang mata na nakaupo sa rocking chair. Nagtilian naman sila, ako syempre nagulat lang. Si Feira naman parang wala lang sa kaniya.
'Nanggugulat pa eh. Batuhin kita diyan ng cellphone eh makikita mo!'
Ngayon nasa isang silid kami na madilim. Magkahawak kamay parin kami ni Feira.
"Ced? Saan na ang kasama natin?" pabulong na tanong ni Feira.
"Ewan ko. Nakalabas na siguro," sagot ko nalang.
"Tara na nga at lumabas na tayo. Saan na ba ang hayop na labasan na iyon!" naiinis kong sabi.
Papasok na sana kami sa kabilang silid ng bigla may sumulpot na lalaki na nakasuot ng barong at duguan ang leeg nito, maitim ang ibabang parte ng mata niya at may kutsilyo na nakabaon sa tiyan niya.
"Sh*t!" pagmura ko dahil sa gulat. Hinawakan naman nito si Feira sa braso sabay gawa ng ingay na parang zombie.
Hinawakan ko ang kamay ng lalaking panget na ito at pinaikot, napunta ako sa likod niya.
"Don't touch, my wife!" galit kong sabi at napa-aray naman ang lalaki.
"Tss!" Pinakawalan ko na siya at aakma na suntukin ang mukha niya dahil ginulat niya ako kaso nagsalita si Feira.
"Ced! Tama na iyan."
Ibinaba ko ang kamao ko at hinila siya palabas doon. Maya-maya ay nahanap na namin ang labasan at lumabas na kami. May lalaking nakabantay sa labas.
"Hoy! Mukhang na injured ko ang braso sa isa sa kasama niyo. Here's the money. Enough na iyan diba?" tanong ko sabay inabot ang 5k sa kanila.
Nabigla naman iyong lalaki sa inasta ko. Binalewala ko nalang siya at hinawakan ulit si Feira at naglakad na kami palayo don.
"Mananakot na ngalang may pahawak-hawak pang nalalaman. Tss. Masyadong ewan!" bulong ko sa sarili ko.
"Dapat hindi mo iyon inaway ang lalaki. Dapat nag-sorry ka," sabi ni Feira.
"What?! Nagbigay na ako ng pera para pagamot sa injured na kasama nila," sabi ko.
"Hindi sa lahat ng oras pera ang pinatatakbo. Marami paring mga bagay na hindi kaya bilhin ng pera," panenermon niya.
"I feel sorry, wife. That's why I gave money. Nainis lang kasi ako kasi hinawakan ka pa niya. Nagulat din ako sa pagsulpot niya kaya muntik ko na mabali ang kamay niya," paliwanag ko.
"Sa susunod huwag ka nang manakit ha?"
"Hindi naman talaga ah," sabi ko.
"Ced?" Huminga ako ng malalim at tumango sabay nagsalita.
"Yes, wife," sabi ko at ngumiti lang siya.
"Tara, bili tayo ng pagkain," sabi ko at tumango lang siya.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay nagyaya siya na sumakay ng Ferris wheel.
"Halika na, Ced!" masaya niyang sabi at umupo na kami.
Umandar na ang Ferris wheel. Dahan-dahan kaming umikot. Halos lahat ng nakasakay ay mga couple.
"Tignan mo ang mga stars, Ced. Ang ganda nila."
"Yeah. Just like you."
"H-Ha?"
"You're like a star who shines in my life. You're also beautiful, more beautiful than a star, more brighter than a star, and I love you more than anything," nakangiti kong sabi at nagkatitigan kaming dalawa.
This heart of mine keeps on banging in my chest. It pounds so loud, making me deaf. It beats with the right rhythm. My heart clearly recognized her. My one true love.
"I love you too, Ced," ngiting sabi niya at hinalikan ko siya sa noo.
"Marrying a dead is not a bad luck after all," sabi ko at tumawa ng kaunti.
"I'm so lucky having you, Ced. Thank you for being my husband for a shorter time. I love you so much. Pero, Ced may dapat pa kasi akong gawin at ayaw ko na madamay ka pa,"
Nakakunot ang noo ko sa aking narinig.
"Ano naman?"
"Gusto ko malaman ang rason kung bakit ako namatay at sino ang pumatay sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa akin at bakit ko ito sinapit," sabi niya na naiiyak.
"Kung hindi lang sana ako patay, tapos nagkakilala tayo, hinding-hindi kita iiwan. Mamahalin kita ng sobrang tagal, hanggang sa pagtanda," malungkot niyang sabi.
"Wife? You heard that? You're my wife. So it means I'm already involve to your problem. I will help you. Leave it to me, okay?" sabi ko.
"Per--"
"No buts, Feira. I'm going to help you. I'm going to help you to find that heartless murderer!" gigil kong sabi at niyakap niya lang ako na umiiyak.
"Salamat, Ced" narinig kong sabi niya at hindi na ako nagsalita. Iniisip ko kasi kung sino ang may gawa kay Feira nito.