ดาวน์โหลดแอป
61.53% Hey, Kid! (TAGALOG) / Chapter 24: Chapter 20: Coward

บท 24: Chapter 20: Coward

Ibinaba ko ang suot ko para lumabas ng kaunti ang cleavage ko. Bwahahaha. "Does that mean... I'm your baby?" Hirit ko. Biglang napapreno si Dice kaya muntik na akong masubsob, buti na lang nakaseatbelt ako.

"What are you talking about?" Niluwagan niya ang necktie niya. Ang hot! Hihi.

"Naiinis ako sayo." Sabi ko.

"Why?"

"Bakit nakikipag-usap ka sa ibang babae tapos ako iniwan mo. Is it because they're prettier than me?" Natawa siya sa tanong ko. Ano bang nakakatawa 'don? "Bakit di ka sumasagot? I hate you!"

"Before I answer that question, answer my question first."

"Huh? What *hik* is your question?" Sa lahat ba naman ng oras, bakit ngayon pa ako sininok.

"Do you like Key?"

"Hmm, Yes?" Syempre, ang bait kaya ni Key. Parang totoong kuya na ang turing ko sa kaniya.

Hindi na nagsalita pa si Dice kaya kumanta na lang ako.

"Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Like a river flows surely to the sea

Darling so it goes

Some things are meant to be

Take my hand, take my whole life too

For I can't help falling in love with you

Like a river flows surely to the sea

Darling so it goes

Some things are meant to be

Take my hand, take my whole life too

For I can't help falling in love with you

For I can't help falling in love with you"

Nang makarating kami sa condo ay pinagbukas ako ni Dice ng pinto. Muntik na akong matumba sa pagbaba ng kotse. Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Dice. Bridal style. Madilim na ang paligid kaya wala nang nakakakita sa amin. 12:30 na kasi ng gabi. Nasa tapat na kami ng pinto, at sinabihan ko si Dice na ibaba na ako dahil kaya ko na.

"I like you." I said out of nowhere. Napatigil naman siya sa pagpress ng passcode para buksan ang pinto.

"You said you like Key."

"Huh? When?— ah, yes I like him, pero hindi 'yung like na iniisip mo." Paliwanag ko. "I like you the most." I gasped nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa condo. He slammed the door. Nasa loob kami, sa tapat ng pinto.

"What did you just say?" Ay, bingi ka Dice?

"I said, I like you the most." *Hik* I smiled at him, yung ngiting ewan, basta ngayon ko lang ginawa.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi naman ako pumalag. Akala ko ikikiss niya ako sa lips dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa, halos 1 inch na lang. Bigla kasi siyang tumayo ng maayos and then lumingon sa ibang direksyon, ano bang ginawa niya? Haha, di ko gets. Di ko pa rin mabalanse ang sarili ko dahil sa pagkahilo kaya sumandal ako sa dibdib ni Dice. Naramdaman ko naman ikinagulat niya iyon.

"Can we sleep together?" Hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang iyon.

"What?" Bingi na yata talaga si Dice.

"Can we sleep together, just like before?" Ulit ko.

"No, we can't." He answered.

"Why?"

"We just... can't."

Niyakap ko siya. Halos katapat lang ng tainga ko ang dibdib niya at hindi ko maintindihan kung bakit naririnig ko ang mabilis na kabog nito. Lasing din ba si Dice?

"Hindi kita papakawalan until pumayag ka." Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

"Stop doing this. I'm already at my limit."

"Titigil lang ako sa isang kondisyon." I smirked at him. Wala ka nang kawala.

"Spill."

Tumingkayad ako para maabot siya. Yes, I kissed him on his lips. Parang smack lang naman. "Gotcha." Pagkatapos n'on ay bigla akong nakaramdam muli ng matinding pagkahilo at kasunod ay ang pagdilim ng paningin ko. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari pagkatapos.

Kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko kaya hindi ako nakabangon kaagad. Paglabas ko ng kwarto ko ay may naamoy akong kakaiba galing sa kusina kaya agad akong nagtungo doon. Nakita ko si Dice sa tapat ng stove. Aba, first time 'to. Nagluluto ba siya? Naramdaman yata niya ako kaya bigla siyang lumingon sa direksyon ko.

"Does your head hurts?" Bungad niya.

"Yeah." Sagot ko naman.

"I made a soup for your hangover." Nagtaka ako. Hangover? Ah, oo nga pala, marami nga pala akong nainom kahapon.  Pero bakit ganoon, sapat na ba iyon para malasing ako? Ang baba naman yata ng alcohol tolerance ko. Sa bagay, hindi naman kasi ako marunong uminom. Pinilit kong alalahanin ang iba pang mga nangyari kahapon, pero lalo lang sumakit ang ulo ko.

Habang kumakain kami ni Dice ng breakfast ay hindi ko mapigilang mailang dahil nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Huh? No... there's nothing." Napakamot siya sa ulo. Ang weird.

"Nga pala, may nagawa ba akong nakakahiya kagabi?" Kabadong tanong ko. Nagwoworry ako, baka kasi pinagsamantalahan ko si Dice kagabi nang wala ako sa wisyo.

"Huh? Ah, wala naman." Nahahalata ko na may bumabagabag kay Dice dahil ngayon ko lang siya nakitang ganiyan, yung parang lutang na ewan.

"Are you sure?" Paninigurado ko.

"Yeah... *Coughs*"

Hindi muna ako pumasok ngayong araw dahil masama talaga ang pakiramdam ko, kinahapunan naman ay nagsend si Erine ng mga notes niya. Nagsend din ako ng picture at nilagyan ko ng "imy", nagreply naman siya ng picture niya na may "imyt huhu". Nung nalaman niya ang dahilan kung bakit ako umabsent, pinagsabihan ba naman ako haha, lasinggera na raw ba ako.

Nasa sofa lang ako habang nakatingin sa pinto, hinihintay ko kasing umuwi si Dice. Nang makauwi si Dice, sinabi niya sa akin na hindi na siya magtuturo (sa friday na ang last day) dahil tapos na ang maternity leave ni Mrs. Reyes, kaya palagi na siya sa office. Magkakaroon ng senior prom ang USJ, at pagkatapos ay Christmas break na.

Pagkatapos naming magdinner, napagkasunduan naming manood ng movie. Romance ang gusto ko pero action naman ang gusto niya, nagtalo pa kami nung una pero nagwagi din ako, haha.

Seryoso lang akong nanonood at inaabsorb ang mga pangyayari. I gazed at Dice for a bit, pakiramdam ko pinagtitiisan lang niyang manood haha, parang napilitan. Nakaupo siya sa mahabang sofa at nakasandal dito habang ako naman ay nasa sahig. Nakahawi sa gilid ang basa niyang buhok at may nasampay na towel sa leeg niya. Napalanghap tuloy ako, hmm, amoy bagong ligo at ang hot!

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya ibinaling din niya ang tingin niya sa akin. Nagpeace sign nalang ako, pero aminado ako na kinabahan ako. Tumayo ako saka naupo sa tabi niya, nangangawit na kasi ako sa sahig haha.

Ibinalik ko na lang sa pinapanood namin, halos nasa climax na pala. Hindi ko na nasundan ang story dahil distracted ako kay Dice. Bakit kasi ang gwapo? Huhu.

Maya maya pa ay bigla na lang hinila ng male lead yung female lead, tas nagkiss sila. Ayiiiieeee kilig ako. Narealize ko na nakangiti na pala ako, at higit sa lahat, katabi ko nga pala si Dice. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa kawalan.

"Bakit tulala ka?" Tanong ko.

"H-huh?"

"Huhkdog." Sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Saan mo naman natutunan 'yan?" Nakataas pa rin ang kilay niya.

"Kay Ciro."

"Stop saying that word, it's annoying." Aniya.

"Ha?"

"I said—"

"Halaman."

"One more and I'll switch off the TV." Inabot niya agad yung remote at akmang pipindutin ang off button.

"Sa(a)n?"

"What san?"

"Sandok."

"Fck." Hala nagmura na.

"Haaaa?"

"I'll shut your mouth if yo—"

"Habangbuhaykitangmamajsjdvdjajajsjf—" hindi na ako nakapagsalita dahil tinakpan niya ang bibig ko. Dahil sa lakas ng pwersa ng kamay niya ay napahiga ako sa sofa, nahila ko ang tuwalya niya sa leeg kaya naisama ko siya pagkakabuwal ko.

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan. We heard a weird noise coming from the movie we're watching, kaya pareho kaming napatingin doon. Sa lahat ng timing bakit ngayon pa? Spg sceneeee. We looked at each other again. We're so close, i can even hear his breath.

Halos mapatalon kami sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Mama at Papa. Alam nga pala nila ang passcode ng condo, huhu.

"What's the meaning of this? Shihandra?" Tumayo ang mga balahibo ko nang marinig ko iyon mula kay Papa.

"Mali p-po ang iniisip niyo—"

"How dare you, Mr. Lucrenze? You broke your promise!" Nag-echo sa buong paligid ang sigaw ni Papa.

"Honey, calm dow—" Mama tried to calm him down by holding his hands.

"How am I supposed to calm down? Our daughter is only 17 years old— argh, I know it's our fault because we forced her but—"

"Mr. De Dios, what happened is just an accident. Still, I apologize." Sa sobrang intense ng pangyayari, hindi na ako makapagsalita.

"Papa, he's right, it's j-just an accident." I said.

Halatang halata sa mukha ni Papa ang galit niya, parang kahit anong oras ay makakasakit siya. Pumagitna ako sa kanila ni Dice, at saka hinarap si Papa.

"Somehow, I can't completely trust you anymore." Papa said, looking directly into Dice's eyes. Tahimik lang si Dice, hinihintay ko siyang sumagot pero hindi niya ginawa. Iniisip niya rin siguro na kapag sumagot pa siya ay lalo pang lalala ang sitwasyon.

"Pa, bakit po k-kayo napadalaw? Gabing gabi n-na po." Pag-iiba ko sa usapan.

"That's not the issue here, Shihandra. Why were you two in that position? Paano naging aksidente 'yon?" He looked at me, I don't know if he's angry, irritated or worried.

"Hon, don't talk to your daughter like that."

"Mr. de Dios, I really apologize for what happened. I tried really hard not to do anything to your daughter, we're both a man so you know what I mean. I can't blame you if you can't trust me because I can't trust myself either." Dice said.

Nagbuntong hininga si Papa. Trying to calm himself down. "Shihandra, come with us. We're going home."

"What?!" Naghang na yata ako dahil sa sinabi ni Papa.

"Sumama ka na lang." Papa ordered.

"A-ayoko po." I said.

"What happened to you? Dati hindi ka naman tumatanggi sa mga iniuutos ko sayo. You never said no!"

"B-but—" sasabihin ko pa sana na ayoko talagang sumama sa kanila pero hinawakan ni Dice ang kamay ko. Kaagad ko naman siyang nilingon.

"Go with them." Bulong niya. Kung sasama ako sa kanila, sino ang magluluto para sa kaniya at sasabay sa kaniya sa pagkain? Sinong maglilinis ng bahay?

Hinawakan na ako ni Mama sa braso, sumunod na lang kami kay Papa palabas.

"My dear daughter, intindihin mo na lang ang Papa mo okay?" Mama said.

"Opo."

Pag-uwi namin sa mansion, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Kumakabog pa rin ang dibdib ko dahil sa reaksyon ni Papa kanina.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko, at sinabing "Anak, pwede ba akong pumasok?"

"Opo, Papa." Pagkatapos kong sumagot ay kaagad siyang pumasok at naupo sa tabi ko.

"Bakit niyo po ako pinauwi?" I bluntly asked.

"To be honest, 'nak, lahat naman siguro ng Ama, ganito ang magiging reaksyon kapag nakita ang anak nila sa ganoong sitwasyon."

"Pero, kayo po ang may gustong magpakasal ako sa kaniya..." I said. Sila ang may gusto nito, tapos ngayon ganito?

"Ayoko naman talagang ipakasal ka agad, Shi. Tutol ako noong una, pero nang malaman ko ang sitwasyon ng Mommy Daisy mo, nagdalawang isip ako." He paused, and sighed. "There are more reasons that I can't tell you yet, so please understand. Before your wedding, I had a talk with Dice... he promised me not to do anything inappropriate to you."

"I can assure you, tumutupad po siya sa pangako niya." I looked at Papa's eyes, trying to make him believe.

"From what I saw earlier, I can't make my mind believe that. Parang nagflashback nga ang lahat ng mga memories noong bata ka pa, I realized that I'm still not ready to give my precious daughter to someone else." Natouch naman ako sa sinabi niya, huhu. Di naman kasi madalas nagsasabi si Papa ng mga ganiyang salita sa akin. "Pero hindi na natin maibabalik ang lahat, you're already married, but that doesn't mean that I am allowing you to do everything you want. Now, please stay here for a few days, sa ganito lang ako mapapanatag."

"Gaano katagal po akong mag-sstay dito?" I asked.

"Hmm, I wonder how long... Btw, mind to explain?"

Ngn.

I explained everything in detail. Wala namang ginawang masama si Dice sa akin, at sigurado akong wala siyang gagawin sa akin.

"Are you sure aksidente lang ang lahat?" Am I being suspicious? Bakit ayaw pa rin maniwala ni Papaaaa?

"I'm sure, Pa. Infact, I am the one you shouldn't trust."

"What do you mean?" Halatang naguguluhan siya, hindi siguro niya ako maintindihan. Dapat ko bang sabihin? Haaaa bahala naaaa.

"Pa, I... l-like Dice." Nanlaki ang mata ni Papa dahil sa gulat. Ilang segundo siyang natahimik at nakatingin lamang siya sa akin.

"How about him?"

"I don't know, maybe he... doesn't?"

"That's ridiculous! Paano naman niya hindi magugustuhan ang napakaganda kong anak?" Parang mas lalo lang siyang nainis dahil sa sinabi ko. "I thought you hate him, 'di ba tutol ka sa kasal ninyo dati?"

"That's in the past, Pa. Feelings can... change."

Sana magbago rin ang feelings ni Dice, sana magustuhan niya na rin ako.

"Do you really like him so much? Alam ba niya?" Napahinto ako, so much? Dumating na ba ako sa point na 'yun?

"I already told him."

"Anong sabi?"

"Di pa daw po siya sigurado."

"WHAT?! He's a coward!"

***


ความคิดของผู้สร้าง
emi_san emi_san

Upspree! Sobrang busy ko these days dahil sa exams ang performance tasks sa school kaya ngayon lang nakapg update. Next week na po ang next update ko, thank you for reading!

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C24
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ