ดาวน์โหลดแอป
100% H&J Creations: A Father's Agony / Chapter 1: The Sea of Torment
H&J Creations: A Father's Agony H&J Creations: A Father's Agony original

H&J Creations: A Father's Agony

นักเขียน: HansJaed

© WebNovel

บท 1: The Sea of Torment

______________________________________

DISCLAIMER:

ᴛʜɪꜱ ᴏʀɪɢɪɴᴀʟ ᴡᴏʀᴋ ᴏꜰ ꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏꜰ ʜᴀɴꜱᴇʟ ᴀɴᴅ ᴊᴀᴇᴅꜱᴇɴ'ꜱ ᴄʀᴇᴀᴛɪᴏɴꜱ ᴀɴᴅ ᴀʟʟ ʀɪɢʜᴛꜱ ᴀʀᴇ ʀᴇꜱᴇʀᴠᴇᴅ ʙʏ ᴛʜᴇ ᴀᴜᴛʜᴏʀ. ɴᴏ ᴘᴀʀᴛ ᴏꜰ ᴛʜɪꜱ ꜱᴛᴏʀʏ ᴍᴀʏ ʙᴇ ʀᴇᴘʀᴏᴅᴜᴄᴇᴅ, ᴅɪꜱᴛʀɪʙᴜᴛᴇᴅ ᴏʀ ᴛʀᴀɴꜱᴍɪᴛᴛᴇᴅ ʙʏ ᴀɴʏ ᴍᴇᴀɴꜱ, ɪɴᴄʟᴜᴅɪɴɢ ᴘʜᴏᴛᴏᴄᴏᴘʏɪɴɢ, ʀᴇᴄᴏʀᴅɪɴɢ, ᴏʀ ᴏᴛʜᴇʀ ᴇʟᴇᴄᴛʀᴏɴɪᴄ ᴏʀ ᴍᴇᴄʜᴀɴɪᴄᴀʟ ᴍᴇᴛʜᴏᴅꜱ, ᴡɪᴛʜᴏᴜᴛ ᴘʀɪᴏʀ ᴘᴇʀᴍɪꜱꜱɪᴏɴ ᴏꜰ ᴛʜᴇ ᴀᴜᴛʜᴏʀ.

__________________________________________________________________________________________________________

PAUNAWA: Ang aklat na ito ay tahasang naglalaman ng temang pang-adulto na kinabibilangan ng mga hindi kaaya-ayang wika, mga sitwasyong sekswal, at mga grapikong paglalarawan ng karahasan. Ang materyal na ito ay nakalaan para sa mga mambabasang ansa wastong edad at maaring hindi angkop para sa lahat. Ang mga tauhan at kaganapang inilarawan sa akdang ito ay kathang-isip lamang. Ano mang pagkakapareho sa tunay na tao, buhay man o patay, o sa mga totoong kaganapan ay nagkataon lamang. Hindi pinahahalagahan o pinapaboran ng may akda ang anumang paguugaling inilarawan.

Kung ikaw ay wala pa sa wastong edad at hindi ka komportable sa ganitong uri ng nilalaman, mangyaring huwag nang ipagpatuloy ang pagbisita sa site na ito. Ang pagpapatuloy sa aklat an ito ay nangangahulugan na ikaw ay nasa legal na edad at kusang-loob na piniling magpatuloy.

Ang mga larawang ginamit para sa mga karakter sa kwentong ito ay nilikha gamit ang AI (Artipisyal na Intelehensiya). Ang mga imahe ay ginamit bilang biswal na representasyon lamang at hindi layuning kumatawan sa mga tunay na tao o paglabag sa anumang copyright. Ang lahat ngkarapatang legal para sa kwentong ito at mga karakter ay nanantiling pagaari ng may-akda.

Sa huli, ang may akda ay hindi orihinal na lengwahe ang wikang Tagalog, kaya't hinihingi nito ang paunang pagunawa sa maaaring kamalian sa mga balirala o pagbaybay, maging sa mga kakulangan sa paggamit ng mga angkop na salita.

__________________________________________________________________________________________________________

Character Portrait Disclaimer: The images contained within this novel are generated by artificial intelligence (AI) algorithms and are only for illustrative purposes within the context of the story. The character depicted is a product of my imagination, any resemblance to actual persons, living or deceased, names, or to actual events is purely coincidental. The AI-generated image does not reflect any personal views or intended representations beyond its role in enhancing the narrative.

Sa ating kultura, ang pagiging lalaki ay madalas na may katuwang, ang pagiging matatag, ang pagiging tagasuspento, o ang pagiging handang magpakita ng lakas sa harap ng mga pagsubok. Ngunit sa kabila ng mga inaasahang ito, maraming lalaki ang dumaraan sa mga panloob na laban, takot sa kabiguan, at pakiramdam ng kawalan ng kakayahan. Sa kalagayang ito, maaaring maramdaman ng isang lalaki na siya ay nasa isang alanganing posisyon sa pagitan ng pagsunod sa mga tradisyunal na konsepto ng pagiging lalaki at sa kanyang personal na pagnanais na maging totoo sa kanyang sarili. Ang resulta, madalas, ay isang labanan sa pagitan ng kung ano ang inaasahan ng lipunan at kung ano ang talagang nararamdaman o ninanais ng isang indibidwal. Samahan si Eugene sa kwento ng kanyang buhay. Magpatangay sa malakas na alon ng mainit na kwento ng mga pagsubok sa pagkalalaki ng isang amang si Eugene, kung paano at hangang saan ang isasakripisyo nito bilang isang ama.

PANIMULA

Sa madaling araw, nagising si Eugene sa ingay ng tilaok ng mga tandang kasabay ng ingay ng banayad na pag agos ng dalampasigan di kalauyan sa kanilang tahanan, senyales ng panibagong aras upang gampanan ni Euegene ang layunin na tiyakin ang kasapatan ng kanyang pamilya.

Sa katahimikan ng dilim ay nagliwanag ang isang maliit na apoy kasabay ang maiksing ingay ng pagkaskas ng posporo. Isindi ni Euegene ang lampara na nakapatong sa kanilang mumunting mesa na siyang magbibigay liwanag rito upang umpisahan ang araw-araw nitong gampanin bilang isang ama.

Sa maliit na barung-barong, si Eugene ay nag-iisa sa responsibilidad ng pagpapalaki sa kanyang mga anak sa kabila ng pagliasan ng kanyang unang maybahay na si Jewell. Ang pagkawala ni Jewell ay nag-iwan ng malaking puwang, ngunit ang kanyang pagsisikap at sakripisyo ay nagsisilbing ilaw sa dilim, nagpapalakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay at itaguyod ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Ang tahimik na umaga ay nagiging saksi sa kanyang walang pagod na pagsisikap, mga kamay na bagaman pagod, ay naglalaman ng pagnanais na mapanatili ang init at pagmamahal sa kanilang munting tahanan.

Sa madaling araw, bago pa man maglaho ang dilim, sa tahimik na kusina ay abala na si Eugene sa paghahanda ng pagkain para sa kanyang dalawang anak na tila naglalakbay pa sa mga panaginip.

Habang ang mga liwanag ng umaga ay hindi pa sumisilip, abala nang inihahanda ni Eugene ang kanyang mga kagamitang pangisda. Sa lamig ng madaling araw na ito, ang kanyang mga kamay, bagaman pagod na, ay may hawak na pangarap na makapagbigay ng sustento sa kanyang mga mahal sa buhay. Sa pagitan ng pagka abala't pagmamadali sa paghahanda ng kagamitan, nagkaroon ng isang sandali ng tahimik na pagninilay si Eugene. Ang unang sinag ng araw ay hindi pa sumisilip, ngunit ang kanyang puso ay naglalakbay na sa dagat, puno ng pag-asa at pangarap.

Habang abalang isinusuot ni Euegene ang lumang damit na tinapyasan ng manggas at napukaw ng banayad nitong ingay ang pandinig ng anak nitong gamay na ang kanyang galaw tuwing madaling araw, si Eul, ang panganay na anak ni Eugene sa lumisan nitong unang maybahay na si Jewell.

Dise-sais anyos na si Eul at namana ang angking kakisigan ng ama.

Pumungas ng mga mata ang binatilyo gamit ang kanyang mga kamay sabay bangon sa pagkakahiga at marahang umupo. 

Napalingon ang si Eugene rito, muli, sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagpapasalamat si Eugene na sa bawat pagmulat ng mga mata ng panganay nitong anak, nasisilayan nito ang mga matang minsang nagpa-ibig sa kanya, nakuha ng panganay nitong anak ang mga magaganda at bibiluging mata ng naunang may bahay ni Eegene na si Jewell; ang ina ni Eul, mga matang dating umalipin sa puso ni Euegene, mga matang saksi sa bawat pagsubok ng kanilang pagsasama na humantong sa kasalukuyan nilang sitwasyon, mga matang isang dekada nang hindi nasisilayan ni Euegene, na ngayon ay tanging sa mga mata na lamang ng panganay nitong anak na si Eul nito nakikita.

"Eul anak ikaw na munang bahala sa kapatid mo ah at maaga akong papalaot ngayon para mas makarami ng huli" Wika ni Eegene sa binatang anak habang isinusuot ang lumang damit.

"May almusal na diyan at nailuto ko na, magtira na lang kayo ng ulam niyo para mamayang tanghali at gagabihin si Tatay ha" Bilin ni Eegene sa anak na si Eul sabay bahagyang lumuhod at humalik sa noo ng bagong gising na binatilyo. Sunod rin itong dumapa sa bunsong anak na si Elvir na lumilipad pa rin sa ugoy ng malalim na pagtulog sabay hinalikan din sa noo.

Sinundan lang ito ng tingin ng binatang anak.

"Hindi ba ko sasama Tay?" Tanong ni panganay nito dito habang pumupungas pa ng mga bagong gising na mata.

"Anak, walang kasama ang kapatid mo kaya't di ka pwedeng sumama, kaya na ni Tatay to, basta bantayan mo muna ang kapatid mo ha" Sambit naman ni Eugene sa anak nito.

Nais mang isama ni Euegene ang panganay nitong si Eul sa pagpalaot ay walang magbabantay sa walong taong gulang nitong bunso na si Elvir.

"Tay gusto ko pong sumama, diba po kaarawan ko ngayon?, pinangako niyo po sakin na isasama niyo kong pumalaot sa kaarawan ko" Wika ni Eul sa ama.

Ngayon lamang naalala ni Eugene na ikalabing-anim na kaarawan na nga pala ng anak nito, at sa pagkaabala ay halos makalimutan niya ito.

Muli nitong naalala ang laging sinasabi nito kay Eul tuwing nagpupumilit na sumama si Eul na pumalaot, na isasama na lamang niya ito sa kanyang kaarawan, iyon ang laging ipinapangako ng ama rito dahil ayaw talagang isama ni Eugene ang mga anak sa pagpapalaot dahil hindi nito kabisado ang lagay ng dagat, at anumang oras ay laging may banta ang dagat sa kanilang kaligtasan. Subalit ngayon ay tila tinandaan ng kanyang anak ang kanyang pangako, at ayaw nitong maisip ni Eul na binigo siya nito sa kanyang mga pangako.

"Pero kasi anak, walang kasamang maiiwan ang kapatid mo rito" Pakiusap ni Eugene sa anak.

"Tay sige na po, kahit sandali lang, gusto ko lang po talagang maranasan kung paano pumalaot" Pakiusap ni Eul.

Ayaw ni Eugene na isama si Eul dahil ayaw nitong matutunan ni Eul ang pamamalaot dahil baka mawili ito at makagawian ang pagpapalaot at ayaw ni Eugene na maging tulad niya si Eul, na nangingisda lamang, ayaw nitong matulad sa kanya ang anak na nakadepende lamang sa biyaya ng dagat, mataas ang pangarap nito para sa mga anak.

Gayunpaman ay batid ni Eugene kung gaano kagusto ni Eul na makasama sa pagpapalot, kaya naman makokonsensya ng husto si Eugene kung hindi nito pagbibigyan ang pinangako sa anak na isasama ito sa pangingisda sa kaarawan nito na tanging magiging regalo na lamang nito rito.

"Sige, isasama kita, pero sandali ka lang, mamaya magising yang kapatid mo, alam mo na, baka umiyak yan kapag di tayo nakita rito, kaya hangang alas nwebe lang kita isasama sa pagpapalaot, kapag alas nwebe na ay ibabalik na kita sa dalampasig para mabalikan mo ang kapatid mo" Wika ni Eugene sa anak.

Kita ang pagkislap sa mga bagong gising na mata ng binatilyo sa sinambit ng ama.

"Talaga Tay?, isasama mo ko?" Di makapaniwalang wika ng binatilyo.

"Shhh!, baka magising yang kapatid mo at baka sumama pa yan" Wika ni Eugene kay Eul.

"Sige na at maghilamos kana, magpalit ka ng panjama at mag short ka nalang dahil mababasa yan" Utos ni Eugene sa anak.

"Sige po Tay, salamat po" Sabik na wika ni Eul at mabilis na bumangon.

Habang naghihilamos ang panganay na anak ay inumpisahan nang ibalot ni Eugene ang babaunin nilang pagkain dahil hindi pa sila naguumagahan at sa dagat na kakain ang mga ito dahil naghahabol sila ng oras. Madaling araw kasi mas mabisang manghuli ng mga lamang dagat tulad ng squid kaya't kailangan nilang magmadali.

Habang nagsisimula nang magbago ang dilim ng umaga, sinimulang lisanin ni Euegene ang kanilang munting tahanan kasama ang anak na si Eul, nag umpisang maglakad ang dalawa palayo.

Dama ng mag ama ang lamig ng simoy ng hangin, lalo pa at ika 27 na ng Disyembre ngayon, kakatapos lamang ng pasko at ilang araw lamang ay bagong taon na kaya naman napakalamig na ng simoy ng hangin. Ang agos ng dagat at ang panibagong araw ay naghintay sa kanila, umaasang ang kanilang pangingisda ay magdadala ng sapat na huli upang mapanatili ang kanilang simpleng pamumuhay.

Ang bawat hakbang ni Eugene ay puno ng pangako na magbabalik na may dalang biyaya, habang ang kanyang isipan ay abala sa mga tanong at posibilidad ng kanilang nakatakdang pagpapalaot. Habang galak na galak naman si Eul dahil makakasama itong maglayag sa ama sa madaling araw na ito na matagal na nitong inaasam na maranasan.

Habang papalapit ang mga ito sa madilim na dalampasigan, lalong lumalakas ang ingay ng paghampas ng tubig sa buhangin, unti-unting nababasa ang tinatahak nilang lupa, ang dagat ay nag-aanyaya, isang lugar ng mga pagkakataon at panganib, at bawat agos ay tila nagsasabing maaari nilang matagpuan ang hinahanap nilang pag-asa at kaunlaran. Sa bawat hakbang na inilayo nila sa kanilang tahanan, ang pangarap na makapagbalik ng may dalang biyaya ay nagbibigay ng init sa kanilang mga puso.

Walang kaalam-alam ang mag ama na ang kanilang pananabik na makakuha ng biyaya mula sa dagat ay magdadala sa kanila sa isang trahedya na babago ng kanilang buhay. Ang bawat hakbang patungo sa dagat ay tila papalapit sa isang madilim na kapalaran na magbabago ng kanilang pananaw sa mundo at maglalantad ng isang bagong kahulugan ng lakas at katatagan.

Habang sila ay naglalakbay sa alon ng umaga, punong-puno ng pag-asa at determinasyon, walang ideya ang mag ama na ang dagat, na tila isang kaibig-ibig na kaibigan, ay magdadala sa kanila sa isang nakapangingilabot na pagsubok. Ang mga alon, na sa ibang pagkakataon ay sumasalamin sa pag-asa, ay magsasakal sa kanilang buhay, at ang kapalaran ay magbibigay sa kanila ng pagsubok na hindi nila inaasahan.

Ipinagpatuloy na lamang ng mag ama ang paglalakad patungo sa baybayin, suot-suot ni Eugene ang isang lumang damit na kulay abo na pawang tinapyas lamang ang mga manggas, at lumang maong na short na ginupit lamang na dating pantalon, habang si Eul naman ay naka suot lamang ng manipis na tshirt at isang maong na short na dati rin nitong pantalon na ginupit lamang. Agad nang sumakay ang mag ama sa kanilang bangka dala-dala ang ilang timba na may mga gamit pangisda sa loob, magkasama silang naglayag, de motor naman ang bangka kayat hindi naman mahihirapan ang mga ito.

Habang sinasalo ng kanilang katawan ang malamig ng hampas ng hangin ng madilim na dagat at pinagmasdan ni Eugene ang galak na mababasa sa mukha ng binatilyo nitong anak na si Eul. Alam nitong masaya si Eul ngayon dahil natupad ang hiling nitong makasama sa pagpapalaot. Nalulungkot si Eugene na sa ganito kasimpleng bagay na lamang nagagalak ang anak nito, malayo sa ibang bata na materyal na bagay ang hiling sa kanilang kaarawan. Batid nitong sa murang edad ni Eul ay napilitan itong intindihin ang kalagayan nila sa buhay, hindi nasusunod ang luho at madalas ay nasasapat na lamang sa kung anong meron. At ang mas nakakapagpabagsak pa ng loob ni Eugene ay ang kinabukasan ng mga anak nitong walang kasiguraduhan nitong maipagkaloob, lalo na sa kasalukuyan na talagang kapos ang kanilang buhay, at sadyang pinagkakasya lamang ang kakarampot na kita. Nitong nagdaan kasi ay hindi gaano nakapalaot si Eugene gawa ng pagkakasakit ng bunsong anak na si Elvir, kung saan kinailangang isugod sa ospital ang bata gawa ng mataas na lagnat na kinalauna'y napag alaman sa ospital na dulot pala ng Dengue, kaya naman dalawang lingo ring kinailangang manatili sa ospital ng bata dahilan upang lumobo ang kanilang bayarin, mabuti na lamang ay napakiusapan ni Eugene ang dati nitong amo sa construction na hiramin ang titulo ng lupa nito upang mabayaran ang 300 thousand pesos na kulang nila sa ospital bukod pa iyon sa nauna nang itinulong ng kanyang among si Renato na 56,000 dulot ng pagkakasakit ni Elvir, na sa ngayon ay isa ring mabigat na alalahanin ni Eugene sapagkat hindi nagawang matubos ni Eugene ang titulo ng lupa ng kanyang amo na si Renato kaya naman napilitan ang amo nitong ipasa ang utang ni Eugene sa ibang tao upang mabawi lamang nito ang titulo ng kanyang lupa sa ospital, kaya naman tuluyang naipasa ang utang ni Eugene na 300 thousand sa ibang taong hindi nito kilala. Mabigat itong alalahanin para kay Eugene lalo pa at hindi malaman sa kung saan ito huhugot ng perang maipangbabayad sa utang nito at ilang amatagal-tagal na rin nitong tinataguan ang naturang utang.

"Bahala na, sana'y pagkalooban tayo ng Panginoon, pasensya na anak kung hindi ko maipagkaloob ang buhay na nararapat para sa inyo" Tanging nabanggit ng ulirang ama sa sarili.

Sa kasalukuyan at nasa di kalayuang parte na ng dagat ang mag ama.

Habang umaandar ang bangka ay tumayo si Eul at inilabas ang maselang laman nito dahil nagwawala na ang pantog nito sa pagka ihi, humawak ito sa dulong poste ng bangka at nagumpisang umihi, habang nakatayo at kasalukuyang inilalabas ang likidong naipon sa kanyang magdamag na pagtulog ay nakatingin ito sa mundong nababalot sa mahinahong liwanag ng bukang-liwayway, nakaramdam ng pasasalamat sa simpleng kagandahan ng umaga.

Sa bawat sandali na lumilipas, nagsimulang humupa ang dilim ng gabi, napalitan ng banayad na init ng pagsikat ng araw.

Inihinto ni Eugene ang bangka sa isang parte ng dagat na kalmado ang tubig, dito ay inumpisahan nitong ihulog ang lambat na panghuhuli nito.

"Tay mamimingwit po ako" Wika ni Eul sabay kuha ng mga fishing bait at isang bulate na pain.

"Dahan-dahan sa pagbuklod mo niyang tali ah, matalim yang mga taga na yan" Paalala ni Eugene sa anak.

Makikita sa mga mata ni Eul ang pagkasabik nito sa kanyang pamamadwas na tila muling nagbalik sa pagkabata matapos ang matagal na panahong napilitan itong talikuran ang pagkamusmos gawa ng maagang responsibilidad sa kanyang nakababatang kapatid sa ama na si Elvir. Madalas kasi ay si Eul ang naasahan ni Eugene na magbantay sa bunsong si Elvir lalo pa kapag umaalis si Eugene upang pumalaot okaya ay umextra sa mga construction, isa pa ay napaka-sakitin ni Elvir kaya't hindi pwedeng matanggal ang tingin rito kaya naman madalas ay hindi magawa ni Eul ang gusto gawa ng laging nakaatang na responsibilidad sa pagbabantay sa nakababata nitong kapatid.

Kahit paano ay masaya si Eugene na makitang nasasabik ang anak sa kanyang ginagawa, sa simpleng bagay na ito kasama siya ay masaya na si Eul, hindi ito naghahanap o nanghihingi ng materyal na bagay dahil alam nitong wala rin silang kakayahan.

"Tay kanina pa ako namimingwit dito bakit wala pa akong nahuhuli?, ganito po ba talaga kahirap manghuli ng isda?" Tila dismayadong wika ni Eul sa ama.

"Anak alam mo hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang biyaya ang lalapit sayo, may mga panahon talagang mailap ang mga isda kaya mahirap manghuli" Wika ni Eugene sa anak.

Samantala ay ini-angat ni Eugene ang lambat nito at may nahuli naman itong mangilan-ngilang mga squid, subalit dahil kakaonti lamang ang mga ito ay balak sana ni Eugene na makahuli ng maraming isda ngayon nang may maibenta pa sila sa mangilan-ngilang turistang dumadayo sa kanilang lugar upang maipambili ng bigas at iba pang pangangailangan nila.

Kaya naman muling nakipagsapalaran si Eugene at pinaandar muli ang bangka upang bahagya pang magpaka layu-layo sa pagbabakasakaling mas swertehin sa ibang ibayo.

Ngunit tila minamalas si Eugene ngayon dahil mag a-alas nwebe na ay kakaonti parin ang huli nito. Tumataas na rin ang araw kaya't unti-unting dumadampi sa kanilang balat ang init nito lalo pa at walang tarapal ngayon ang kanilang bangka gawa ng pagkakasira nito sa nakaraang bagyo at hangga ngayon ay hindi pa napapalitan ni Eugene gawa ng matinding kakapusan.

Habang si Eul naman ay kasalukuyang nakararamdam na ng gutom dahil hindi pa ito nakapag almusal dahil tanging kape lamang ang laman ng tiyan nito ng lisanin ang kanilang bahay.

"Tay gutom na po ako" Wika ni Eul sa ama.

"Buksan mo na yung binaon nating pagkain diyan at nang makakain kana, kanina pa kasi kita pinapakain eh masyado kang abala sa pamimingwit mo" Wika ng ama.

Hindi kasi pansin ni Eul kanina ang pagkain dahil abala nga ito sa kanyang pamimingwit na magmula kanina ay nakaka isang isda pa lamang ito.

"Kayo po Tay kain na rin po kayo, sabay na tayo" Anyaya ni Eul.

"Sige anak una kana, aayusin ko lang itong lambat" Saad naman ng ama.

Agad kinuha ni Eul ang nakabalot na pagkain at nagumpisa itong kumain.

"Tay anong oras na po kaya niyan?, si Elvir po baka magising na yon" Nag aalalang wika ni Eul sa ama.

Wala namang dalang orasan ang dalawa kaya't hindi nila alam ang oras, bagamat maliwanag na sa pligid at tirik na rin ang araw.

"Oo nga eh, hindi ko naman kasi akalaing ganito kadamot ang dagat ngayon, ibabalik na sana kita sa dalampasig pero masyado na tayong malayo, sayang din ang gasolina kung babalik pa ako dito matapos kang ihatid, kaya't siguri maya-maya mas makakarami na rin tayo ng huli, isa pa agad naman ding lilipat si Elvir kina tita Matet mo pag di niya tayo nakita doon" Wika ng ama.

Ayaw na rin kasing muling bumalik ni Eugene sa dalampasigan para lamang ihatid at iuwi si Eul para may magbantay kay Elvir, nanghihinayang rin kasi si Eugene sa gasolinang kokonsumohin ng bangka sa pagpapabalik-balik nila lalo pa at sobrang mahal ng gasolina ngayon, kaya naman magbabakasakali na muna si Eugene na magpaka layu-layo baka mas swertehin ito sa ibang ibayo, alam rin naman nitong kapag gumising si Elvir na hindi sila nakita sa bahay ay tiyak agad ring lilipat si Elvir sa kapit bahay nila at bayaw ni Eugene na si Matet, ang bayaw ng ikalawang asawa ni Eugene na si Elsa na matagal na ring namayapa.

Pinapatuloy ni Eugene na magpakalayo sa pagbabakasakaling maabot ang parte ng dagat kung saan may mahuhuli itong mga isda, hangang sa di namalayan ni Eugene na masyado na itong napalayo at ni wala na nga itong matanaw na kahit anong isla mula sa kinaroroonan nila sa kasalukuyan, maski ang lugar nila ay hindi nadin nito matanaw, tubig lamang ang tanging pumapalibot sa paligid, gayunman, bagamat may kaunting pangamba ay hindi naman ito tumigil sa panghuhuli ng isda sapagkat alam pa din naman nito ang ruta pabalik.

Ilang minuto pa ang naka lipas ay sa wakas ay may mga nahuli na ding isda si Eugene, subalit kokonti lamang ang mga ito, pinaki-kukuhanan niya sanang maka dami upang may maibenta pa sa mangulan-ngilang mga turista sa lugar.

Patuloy na lumayo ang bangkang sakay ang mag ama, abala sa pangingisda ang mag ama sa ilalim ng tirik na tirik na araw, tagaktak ang pawis ngunit hindi nila ito alintana. Hangang sa hindi napansin ng dalawa na may lumapit na isang speed boat sa kanilang bangka, sakay-sakay ng speed boat na ito ang anim lalaking pawang malalaki ang mga pangangatawan, nagulat ang mag ama ng tawagin sila ng mga ito.

"Pare, abalang-abala ata kayo diyan sa panghuhuli niyo ah" Nakangising wika ng isang lalaki.

Napukaw ang atensyon ng mag ama sa mga ito kaya napatingin ang mga ito sa kanila, hindi naman sila sinagot ni Eugene, sa halip ay binaling lang ulit nito ang tingin sa kanyang ginagawa at hinila lamang ang lambat na may nakapaloob na mga isdang nahuli nito mula sa tubig,l. Dahil hindi ponansin ni Eugene ay muling nagsalita ang lalaki sa speed boat.

"Aba suplado ata ito ah!" Wika ng isang lalaki kay Eugene.

Nakaramdam naman ng kaba si Eul sa sinambit ng lalaki.

Nang sinabi iyon ng lalaki ay saka pa lamang sila pinagtuunan ng pansin ni Eugene.

"Ano bang kailangan niyo pare?" Tila iritableng wika ni Eugene.

"Naliligaw ba kayo?" Dugtong pa ni Eugene sa pag-aakalang turista ang mga ito sa lugar.

Walang kamalay-malay ang mag ama sa tunay na pakay ng mga lalaki.

Sumagot ang isa.

"Ahmm, o-oo naliligaw kami, maari ba kaming magtanong?" Wika nito.

"Kung alam ko sagutin ang itatanong niyo'y bakit hindi" Iritable pa ring sagot ni Eugene.

Nagulat si Eugene nang ibingaga ng mga ito ang speed boat sa lumang bangkang sinasakyan nilang mag ama na nakapagpa alog sa buong bangka, sumampa ang isa sa mga lalaki sa bangkang sinasakyan nito, medyo umalog pa ang bangka dahil sa kabigatan nito, kapwa malalaki kasi ang katawan ng anim at lahat ay tadtad ng mga tatoo at maraming mga hikaw sa iba't-ibang parte ng katawan. Nang makalipat na ang isa ay sumunod naman ang iba hangang silang anim ay nakalipat na lahat sa bangka. Napatayo si Eul at agad na tumabi sa ama sa takot, gulat man at nalilito'y tinanong ni Eugene ang tatlo kung bakit nagsilipatan ang mga ito sa kanyang bangka.

"May problema kasi ang speed boat namin" sagot naman ng isa.

Napansin naman ni Eugene ang isang itim na travel bag na hawak-hawak ng isa na tilay may kabigatan,

"Ano laman niyan?" Walang ideyang pagtatanong nito sa mga lalaki.

"Ah ito ba?, hmm mga gamit na ipang-aayos sana ng speed boat" sagot ng isa

"Paano ko ba kayo matutulungan sa speed boat niyo?, pasensya na mga pare pero limitado lang ang alam ko sa ganyan lalo pa at hindi naman ako pamilyar sa makina ng mga yan" Wika ni Eugene sa mga ito.

"Teka, kanina pa tayo naguusap pare ngunit di pa namin alam ang pangalan mo, anong pangalan mo?" Tanong ng isa,

"Euegene, Euegene ang pangalan ko" Sagot nito.

Nang marinig ay tila pasikretong nagtinginan at ngumisi ang anim sa isa't-isa habang abala si Eugene sa pagsiyasat sa speed boat ng mga ito at tila iniisip kung ano ang problema nito.

"Hmm ako nga pala si Nato" Pakilala ng isa na may mga tatoo sa dibdib at magkabilang mga braso, naka hikaw ng malalaking bilog na parang mga singsing ang magkabilaang mga tenga nito, maging ang bawat daliri nito ay may mga tatoo ng mga karakter na hindi maintindihan ni Eugene, may suot itong tila leather na kwintas na ilang beses pinaikot sa kanyang leeg at may naka sabit na dalawang malalaking bilog na tila mga malalaking singsing, may malaking bakal rin ito sa kanyang bisig, na hindi alam ni Eugene kung para saan, siya ang may dala sa itim na bag na puno ng kung anong mabibigat na mga gamit.

"Siya naman si Mando" Pakilala naman nito sa isa pang napakalaking lalaki, sa wari ni Eugene ay mahigit anim na talampakan ang tangkad nitong Mando, sobrang laki ng pangangatawan, tadtad rin ng tatoo sa buong katawan, may kahabaan ang buhok habang may pamumula ang mga mata na tila adik ang istura, naka kwintas ito ng silver na may krus na pendant, may hikaw rin ito sa kanang tenga.

"At siya naman si Arturo" Pakilala nito sa isa pang kasama nila na buzzcut ang gupit, naka suot lamang din ng maong na pantalon at walang damit pang itaas, mas malaki si Mando kumapara rito kay Arturo pero di hamak na mas bato-bato ang pangangatawan ni Arturo, bakat na bakat ang mga abs nito, puno ng tatoo ang dibdib at magkabilang mga kamay, mapanga ang mukha habang malalim ang mga pisingi, may pagkamaitim ang paligid ng mga mata nito, makapal ang mga kilay, naka kwintas rin ito ng silver na may krus rin na pendant, may suot itong relo sa kabilang kamay at itim na perlas na pulsera naman sa isa.

"Ako naman si Nolan pare" Pakilala naman sa sarili ng isa, malaki rin itong tao, medyo disente ang gupit pero badboy na badboy ang itsura, may hikaw ito sa kanang chickbone nito at sa ilalim na labi, malaki ang pangangatawan at tadtad rin ng tatoo sa magkabilang dibdib at mga braso subalit di tulad ng iba nitong kasama ay may kulay ang mga tatoo nito sa katawan, may kaputian rin ang kutis nito. Mayy suot itong tila mga maliliit na kadena sa kabilang kamay na tila ginawang pulseras at sa kabila naman ay mga bakal pulseras na may mga naka usling mga tusok.

"Ako si Eloy" Pakilala naman ng isa sa bandang likuran, medyo magulo ang buhok nito, maganda ang hubog ng katawan at may pagkamanipis ang bewang, puno rin ng tatoo sa katawan at nakasuot lamang rin ng maong na pantalon, may hikaw ito sa magkabilang tenga at may suot rin na silver na kwintas.

"Ito naman si Buldog" Pakilala naman ni Eloy sa katabi nitong lalaki, malaking tao ito, may kaputian, kalbo ang buhok, malaman at bato-bato rin ang pangangatawan, may mga tatoo rin sa magkabilang mga dibdib at mga kamay at meron pa sa bewang nito na bahagyang natatakpan ng suot nitong maong na pagtalon, may suot rin itong relo sa isang kamay at naka suot rin ng silver na kwintas na may krus na pendant. Bagamat wala itong hikaw sa katawan ngunit lubhang nakakatakot ang itsura nito, mukha itong preso na nakawala sa kulungan, hindi rin ito tumatawa at seryoso lamang ang tingin.

Hindi maiwasang mag alangan at makaramdam ng kaba ng mag ama sa anim na ito, gayunpaman ay tinanguhan lang sila ni Eugene habang wala padin itong kaalam-alam sa tunay na pakay sa kanya.

"Anak mo ba yan?" Wika ni Nolan na pinunto si Eul.

"Oo, panganay ko" Sagot ni Eugene dito.

Tumango naman ang mga ito at sabay na ngumisi. Nagtaka si Eugene sa pagngisi ng mga ito na tila nakakaloko kaya naman mas kinabahan ang mag ama ngayon.

Walang anu-ano'y biglang binuksan ni Nato ang itim na bag at inilabas dito ang isang lubid na ikinagulat ng mag ama.

"Para saan yang lubid?" Tanong ni Eugene dito.

Hindi sinagot ni Nato ang tanong nito, bagkus ay lumapit ito ng dahan-dahan kay Eugene at tumingin ng tila linulusaw ito sa lagkit ng tingin nito habang hawak-hawak nito ang matabang lubid.

Dito ay nakaramdam na ng kaba si Eugene.

"Anak" Wika ni Eugene kay Eul at pinatago ito sa kanyang likuran upang protektahan sa ano mang balak ng mga lalaking ito.

Itutuloy...

A FATHER'S AGONY FULL STORY IS NOW AVAILABLE ON MY INKITT ACCOUNT: https://www.inkitt.com/edit/1350912


next chapter
Load failed, please RETRY

ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ เขียนรีวิว

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C1
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ