ดาวน์โหลดแอป
83.33% Gloom Series 3: Beautiful Imperfection / Chapter 5: Chapter 4

บท 5: Chapter 4

Chapter 4 : Stubborn patient

XENA CARTER's POV

I FOUND myself inside the hospital, kahit siguro nakapikit pa ako ay malalaman ko na kung nasaan ako ngayon. Amoy pa lang, eh.

Napaungol ako sa sakit nang gumalaw ako. Kumikirot ang tagiliran ko.

Napahilot ako sa sentido ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa akin pagkarating ko pa lamang sa Pilipinas.

Ang ganda nang pagkakasalubong sa akin ng Pinas, eh. I heaved a sigh. 

"Urgh!" I groaned in pain nang maramdaman ko ulit ang kirot sa sugat ko. Bumangon kasi ako at isinandal ko ang likuran ko sa headboard ng hospital bed.

Nasa private room ba ako ng hospital? Nakarating kaya rito si Lay? 

Bumukas bigla ang pintuan at naaninag ko na may doctor na papasok sa loob. I immediately close my eyes. Where is my sunglasses by the way?

"You're awake, ay shit! You forced yourself to get up from your bed?! See yourself! Nagdurugo na ang sugat mo!" 

Nagpanting ang tainga ko sa narinig at kumunot ang noo ko. Doctor ba 'to? Bakit minumura niya ako?

"Sh*t you too," malamig na sabi ko.

Narinig ko ang footsteps niya towards my direction. I can even smells his manly perfume. Dimwit.

May pinindot siya ng kung ano at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko na mabilis kong hinampas.

"Don't touch me, dimwit," I told him and I heard his heavy sigh.

"Stubborn," he murmured and I rolled my eyes.

Nilahad ko ang palad ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang beautiful eyes ko. Ayokong ipakita sa kung sinu-sino lang ang mata ko. Ang suwerte naman nila.

Hinawakan niya ang palad ko, binawi ko ito at mas kumunot ang noo ko.

"Why are you touching my hand? Dimwit, give me my sunglasses!" sigaw ko at narinig ko pa ang pagsinghap niya.

"Amazona," bulong na naman niya.

"Now you know. Come on, dimwit, my sunglasses," mariing sabi ko pero kalmado lang ako.

Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na hawakan niya ang kamay ko? Nilahad ko lang para makuha ko ang panangga sa mata ko. Hindi ko sinabing hawakan niya, tss.

"Give me alcohol, dimwit. You touch my hand and I am 100 percent that your germs---yikes! I can't even imagine that," maarteng saad ko.

"Ang arte, 'kala mo maganda," I heard him whispering again. May iritasyon sa boses niya.

"I heard that, dimwit."

"Oh, so you can understand. I thought isa kang hilaw na Amerikana," he said.

"You j*rk," I commented.

Padabog na nilagay niya sa kamay ko ang sunglasses ko at winasiwas ko ang kamay ko. Naramdaman ko ang kuryente mula sa kamay niya.

"I told you not to touch me! You have a germs," I said while gritting my teeth.

"I'm a doctor, amazona."

"I didn't ask you that and I don't care, kung ano ka pa," I said at sinuot ko na ang panangga sa mata ko.

Bumukas ang pintuan at sabay na tanong ng boses babae. "What's the matter?" she asked the man.

"Your stubborn patient, look at herself. She moves herself kaya dumugo ang sugat niya. Ang dapat sa kanya ay itali na lang para hindi na makagalaw," anito at nagmulat na ako ng mga mata.

Una kong nakita ang babae, marahil doctor siya. Maganda siya at kung titingnan mo ay mukhang mabait naman. Matangkad din siya.

"What a jerk," sabi ko at nilakasan ko ang boses ko para marinig niya.

"W-wait! Ano'ng ginagawa mo?!" gulat na tanong sa akin ng magandang doctora.

Tinanggal ko kasi ang dextrose sa pulse ko. Stubborn patient pala, ah. Mukhang stress ang lalaki kaya sana mas ma-stress siya ngayon.

Parang wala lang sa akin ang pagtanggal ng dextrose ko sa palapulsuhan ko. 

"I'm going home," I said in a cold tone.

Hinawakan ko lang ang sugat ko sa tagiliran ko saka ako bumangon.

"What the fuck?!" dinig kong mura niya kaya mas napangiti pa ako lalo.

"M-Miss, ano ka ba naman. B-baka mas lalong bubuka ang sugat mo!" sabi ng doctora. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago ako naglakad palapit sa pintuan ng private room na 'yon.

Napamura ako nang tumama ang noo at ilong ko sa matigas na dibdib ng lalaki. Humarang ba naman sa dinaraanan ko.

"Don't block my way, dimwit."

"Let me help you para mas bubuka ang sugat mo," aniya at tinanggal niya ang kamay ko sa tagiliran ko saka dumiin ang paglapat ng kamay niya sa sugat ko. Napaawang ang labi ko. How dare him!

Samu't-saring mura ang narinig niya mula sa bibig ko at halos maiyak ako sa labis na sakit n'on.

Ang lapit-lapit nang katawan namin sa isa't-isa at naiilang ako. Nanunuot din sa akin ang pabango niya. At wala akong pakialam kung gusto ko ang amoy niya!

"Kier!"

"She's stubborn, doctora, eh," anito at dumiin na naman ang palad niya.

Dahilan nang paghikbi ko. Urgh! Dapat hindi ako umiyak! Bakit biglang naging emotional ako?!

Nagusot ang suot niyang robe dahil kumuyom ang kamao ko roon.

"Just fucking kill me," I told him before I lost my conscious. But before that, I heard him cussing. Jerk.

***

Nagising ulit ako at nasa loob pa rin ako ng hospital. Where's Lay? Nakasunod ba siya sa akin kanina o baka nagligpit ng mga kalat ko kanina? Tsk.

Maingat na bumangon ako at napahawak ako sa ilong ko. Wala na naman ang sunglasses ko. Dimwit na 'yon, baka tinanggal na naman.

Napangiti ako nang makita na nasa bed side table lang, inabot ko ito at sinuot.

Napatingin ako sa pulse ko saka ko tinanggal ang dextrose for the second time around. Hinagod ng kanang kamay ko ang mahaba kong buhok. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit sa pintuan. Naka-hospital gown pa ako. Tiyak na aawatin din ako ng mga nurse.

I heaved a sigh, tiningnan ko ulit ang bed at ang coach sa loob. Wala akong damit na puwedeng ipangpalit ko para makaalis na ako ngayon dito.

Ayoko sa hospital, feeling ko magkakaroon ako ng malubhang sakit dito.

MAKAKAGAWA naman siguro ako ng paraan para hindi na ako mapansin ng mga doctor at makaalis na agad.

Pinihit ko pabukas ang doorknob saka ako lumabas. Napangiti ako nang makitang walang doctor ang pagala-gala sa area na ito. Maybe private room ang floor na ito kung kaya't tahimik at walang katao-tao. Well, pribado naman talaga.

Nagsimula na akong naglakad at hinintay na bumukas ang pintuan ng elevator. Palinga-linga pa ako sa paligid. Kung matatakutin ka ay baka hindi mo gugustuhin ang mapunta sa floor na ito. Bakit kasi napaka-tahimik dito?

Narinig ko ang pagtunog ng elevator at naibaling ko ang paningin doon. Akma na akong sasakay ng elevator nang magulat ako bigla. Dahil may doctor pala ang nakasakay roon. Ang tangkad niya at parang modelo ang tindig.

Kumabog bigla ang puso ko. Napaka-pamilyar sa akin ang lalaki. Grey eyes at may kakapalan ang kilay niya. Matangos ang ilong. Grabe kung makakatitig siya sa akin. Malamig 'yon pero tila may panghuhusga tapos parang galit kahit wala namang emosyon ang mukha niya.

Bumaba ang paningin siya sa pulse ko. Tumikwas ang kilay ko at tinago ko sa likuran ko ang kamay ko dahil may kaunting patak 'yon ng dugo nang tinanggal ko kanina ang dextrose ko.

Humakbang paabante ang doctor bagay na ikinaatras ko. Bigla akong natakot, eh! Tapos kinakabahan pa ako sa hindi malaman na kadahilanan.

Tumaas pa lalo ang kilay ko kahit medyo hindi naman niya ito makikita dahil sa laki ng sunglasses na suot ko.

Nagsunud-sunod ang paghakbang niya palapit sa akin kaya umatras pa ako nang umatras.

Hanggang sa maramdaman kong wala na akong maaatrasan pa. Ano ba ang kalok*hang nangyayari sa lalaking ito? At tila may galit siya sa akin, ah!

Tumagilid ang ulo ko nang pinuwesto niya ang kanang braso niya sa gilid ng ulo ko.

Dug, dug, dug, tunog 'yan ng puso ko. Sino ba 'to?!

Hinawakan niya ang sunglasses ko kaya roon na ako natauhan. Hinampas ko ang kamay niya at sinamaan nang tingin kahit hindi naman niya makikita.

"I can't see your eyes, pero alam kong masama ang tingin mo sa akin," may pangungutyang saad niya.

Pati ang boses niya ay napaka-pamilyar din sa akin. Parang narinig ko na. Hindi ko lang maalala.

"Who the heck are you?!" malamig na tanong ko sa kanya at bigla ko rin naalala ang lalaki kanina sa loob ng private room ko.

Siya nga 'yong hampas-lupa na doctor kanina.

Nagsalubong ang kilay niya at napatiim bagang.

"Stubborn patient," bulong niya at hinila ako sa braso.

"H-hey! Don't touch me, dimwit. You have germs," mariin ang boses na saad ko at ang damuho, ngumisi lang siya sa akin tapos dinala pa niya ang kamay ko sa noo niya pababa sa leeg niya. Ew!

Pinagpunas pa niya ito ng pawis niya sa leeg na mas nagpa-irita sa kalooban ko!

"Kadiri ka!" saad ko at humalakhak siya bigla. Natigilan ako. Bakit ang sexy ng tono ng boses niya? Tila nang-aakit at amused na amused.

Teka nga muna...sino ba 'to? Bakit parang kilala ko?

#GS3:BI


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C5
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ