ดาวน์โหลดแอป
3.1% FLOWER OF LOVE / Chapter 4: YOU'RE MINE

บท 4: YOU'RE MINE

Nasa loob na ng silid-aralan si Flora Amor nang tanghaling 'yon pero 'di pa rin mawala sa isip niya ang magjowang nakita sa Mang Inasal.

Ang ganda ng babae, ang pula ng mga labi, makinis at maputi ang balat, sexy 'tsaka halatang office girl. Perfect match sila ng lalaking nabunggo niya kanina.

'Di niya pansin ang sariling salubong na ang mga kilay.

Sa lahat ng magjowa sa loob ng kainan, bakit sa dalawa pa natuon ang pansin niya?

Dahil ba ngumiti sa kanya ang lalaki 'tsaka nakipagkilala sa kanya kaya feeling niya magkaibigan sila at curious na siya sa lovelife nito?

O dahil tinitigan siya nito kanina na parang may gusto ito sa kanya kaya nagseselos siya do'n sa babae?

'Yaks!'

Kelan pa siya nagkaro'n ng desire sa isang lalaki?

Nagblush siya sa pumasok sa isip.

Nang mabunggo niya ito sa labas ng mall ay wala man lang siyang nakitang nakaka-attract sa mukha nito.

Pero bakit no'ng nasa loob na ito ng kainan at gumanti ng titig sa kanya'y bumilis agad ang tibok ng kanyang dibdib na parang hinahabol siya ng aswang?

Ang pakiramdam na 'yon, 'di niya kayang ipaliwanag nang maayos. Sa totoo lang, hindi naman niya 'yon naramdaman sa kahit kaninong lalaki, kahit kay Anton.

Iyon kaya 'yong love?

Yakkk! Sino ba 'yon para ma-inlove siya agad nang gano'n lang?

"He's not my type!" Ang laman ng isip ay naibulalas niya.

"Sino, Beshie?" usisa agad ng kaibigang binata.

"Ha? Wala!" bigla niyang bawi.

"Bakla, wala yata ang jowa mong shota ng bayan," pakli ni Mariel sabay siko sa braso ni Anton.

Lumingon si Flora Amor sa likuran nila. Hindi lang si Phoebe ang wala do'n. Pati si Elisse.

Seguro, gumala din ang mga ito at nakalimutan ang oras kaya 'di nakapasok sa panghapong klase.

"Kawawa naman si Elisse," narinig niyang bulong ng kaklase sa harapan niya.

"Kasalanan niya, pader ang binangga niya. 'Di kasi maitahimik ang bibig," sagot ng katabi.

Nangunot ang noo niya kasabay ng pagpisil ni Anton sa kanyang braso habang nakaakbay sa kanya.

Bakit? Ano'ng nangyari sa babaeng 'yon? Baka may ini-bully tapos 'di nito alam palaban pala.

"I heard they're a family of pushers," naalala niya ang sinabi nito kahapon.

Awang ang mga labing hinanap niya ng tingin ang nakasabay nilang pumasok kahapon.

Huh? Napikon si Megan sa sinabi ni Ellise at pinatulan nito ang malditang kaklase nila?

Pinagmasdan niyang maigi si Megan mula sa kinauupuan sa harapan, pero likod lang nito ang nakikita niya. Halos dalawang taon na niyang kaklase si Megan pero hindi ito ang tipo ng babaeng papatol sa mga pari-parinig liban na lang seguro kung totoo.

Halata sa mukha ang pagkagulat at kaba saka dumeretso siya ng tingin sa chalkboard. May tao palang gano'n? Mukhang mabait pero demonyita pala?

Wala sa sariling napatingin siya kay Anton na noo'y seryoso ang mukha. Buti na lang, totoo ang mga kaibigan niya sa kanya.

Tinanggal ni Anton ang kamay sa likuran niya nang makitang pumasok ang instructor nila sa subject na Fundamentals of Accounting.

"Beshie, ano daw ba nangyari kay Ellise?"

Kinalabit niya si Mariel sabay yuko sa ulo at nagtago sa likuran ng nasa unahang kaklase.

"Pinalipat daw ng school, Beshie," paanas na sagot ng kaibigan.

Tumango-tango siya at umayos nang upo saka muling sinuyod ng tingin si Megan. Bigatin pala ang mga magulang nito? Dahil lang sa sinabi ni Ellise kahapon ay pinatalsik ito sa school nila?

Di-makapaniwalang ibinaling niya ang tingin sa guro kahit wala naman do'n ang isip.

-------

"BESHIE, ihahatid na kita sa inyo," si Anton habang pababa sila sa hagdanan ng building.

Tapos na ang klase nila at wala naman siyang assignment ngayon kaya maaga siyang makakauwi.

"Hoy bakla, mauuna na ako ha? Magpapasama ako kay mama bumili ng dress para sa party ng papa mo," paalam ni Mariel sa binata at sunod na bumaling kay Flora Amor.

"Beshie, 'yong make-up kit mo, pagamit ako ha?" Sabay hagikhik.

Tumawa siya, "Sure!"

"Beshie, mauna ka na. May pupuntahan pa kasi ako," aniya sa binata.

"Saan, samahan kita," giit nito.

"'Wag na, Beshie. May bibilhin din ako."

Mariin siyang tinitigan ng binata at nang mapansing gusto niyang mapag-isa ay 'di na ito namilit.

Mag-isa siyang naglakad nang marahan sa covered walk na tila binibilang ang bawat hakbang habang nakayuko.

Pinag-iisipan niya kung pupunta siya'ng palengke ngayon. Pero hindi niya alam kung saang banda ng palengke sa bayan naroon ang mga magulang, kung saan ang pwesto ng mga ito. Ayaw ng mga itong nagpupunta sila doon lalo na siya.

Subalit gusto niyang alamin kung ama ba niya ang nakita sa mall kanina. Ano'ng ginagawa nito doon? Imposible namang doon ito namamakyaw ng mga isda.

"Hi!"

Bahagya lang niyang narinig ang tinig na 'yon. At dahil malayo ang lipad ng isip, nagulat pa siya nang biglang may humawak sa kanyang braso.

Agad siyang kumawala sa mapangahas na lalaking humawak sa kanya. Nang iangat niya ang ulo'y 'yong nabunggo kanina ang tumambad sa kanyang harapan. Napatigil siya sa paglalakad.

Kunut-noong sinulyapan ito at agad ding iniiwas ang tingin.

"Remember me? I'm Dix," nakangiti nitong wika sa kanya.

Napilitan siyang tumingin dito, blangko ang expression ng mukha.

"Dito ka pala nag-aaral. May pinuntahan lang ako dito at nakita kitang naglalakad kaya lumapit na ako," alanganin nitong paliwanag habang nakatitig sa mukha niya.

"You mind kung sumabay ako sa'yo?"

Gentleman naman ang lalaki kaya kahit 'di siya sumagot ay 'di naman din siya tumanggi.

Nagsimula siyang maglakad. Sumabay lang ito.

Nalilito siya. Kanina 'di niya maipaliwanag ang nadarama habang nakatitig sila sa isa't isa. Ngayon ay parang naiinis pa siyang nakita ito. What was with her?

"I also graduated here, you know," anito pagkuwan.

Tumango lang siya, hindi nakangiti at 'di rin nakasimangot.

"By the way I'm Dix Amorillo, 22 years old." Bigla itong huminto sa paglalakad at humarap sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi huminto na rin.

Pero hindi siya sumagot.

"May I know your name?"

Tikom ang bibig na bumaling siya dito.

Ano ba'ng isasagot niya? Hindi siya supladang babae pero hindi naman din siya palakaibigan. Wala lang siyang pakialam sa sinasabi nito.

"Ah, I remember!" Pumilantik 'yong lalaki.

"Flor, right?" Hindi nito inilalayo ang tingin sa kanya habang nakangiti.

"Can I have your number?"

Salubong ang mga kilay na tumingin siya rito.

"I mean, if you don't mind."

Gentleman naman ang lalaki sa tingin niya pero bakit parang atat itong makilala siya? Gano'n ba mag-approach ang mga lalaki ngayon? Wala siyang alam. Ang mga kaklase niya'y 'di naman gano'n at walang pumapansin sa kanya sa school liban kay Anton kaya 'di niya alam pa'no makikipag-usap sa lalaking kaharap.

"Magagalit po ang boyfriend ko," hindi niya alam kung bakit malakas ang loob niyang sabihin iyon o ayaw lang niyang malaman nitong wala siyang number kasi wala mama siyang smartphone.

"So it's true that you're his property," matabang nitong wika.

Nagtaka siya sa sinabi nito.

'I'm someone's property?' ulit ng isip niya.

'Tingin ba ng lalaking ito, isa akong bagay na pwedeng gawing pag-aari ng kung sino lang?'

Naiinis siyang lumayo at hindi na inalam kung sumusunod ito o hindi.

Sino naman kaya ang sira-ulong magsasabing pang-aari siya nito?

Gago seguro 'yong lalaking 'yon, walang magawa sa mundo kaya siya nilapitan.

Mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya sa gate at dere-deretso ang lakad patawid sa highway nang nakayuko kaya 'di niya napansing may humahagibis na sasakyang palapit sa kanya.

"Amor!"

Nagulat siya sa sigaw na 'yon at napalingon. Ngunit biglang may humila sa kanyang kamay, sumubsob ang kanyang mukha sa isang matikas na dibdib. Narinig niya ang malakas na sigawan ng mga tao.

Nakaramdam siya ng sobrang takot. Ano'ng nangyari?

"Damn! "

Narinig niyang sambit ng nakayakap sa kanya.

Bago pa siya makabawi ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila palayo sa gate ng eskwelahan papunta sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Tumingin ka sa dinaraanan mo, tanga! " may estudyanteng bumulyaw sa kanya nang malakas.

Saka niya lang napansing nasa gilid siya ng highway at hila-hila ng isang lalaki.

Nang mapatapat na sila sa kotse ay saka siya nito binitawan at isinandal sa may pinto ng sasakyan paharap dito.

"For God's sake! What were you thinking out there!?" naniningkit ang mga mata at salubong ang mga kilay na sigaw nito sa kanya, kitang-kita ang mga ugat sa leeg.

Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nasigawan ng isang lalaki at isa pang estranghero para sa kanya.

Pero nangangatog ang mga tuhod niya sa 'di maipaliwanag na dahilan.

"A-ano ba'ng nangyari?" parang batang tanong niya.

Mangani-nganing suntukin nito ang sasakyan subalit nagpigil at inilamukos na lang sa mukha ang palad.

Ang lalaking ito, kanina'y nakangiti pa habang nakatitig sa kanya, kung bakit ngayon ay galit na galit.

"Alam mo bang muntik ka nang masagasaan ng jeep kanina?" pilit na pinapakalma ng lalaki ang sarili.

Natigilan siya. Ang akala niya'y nasa may gate pa lang siya, hindi pa tumatawid.

Lalong nanlambot ang mga tuhod niya. So, kung 'di siya nito hinila agad pabalik baka nasagasaan na siya? Kaya pala nagsigawan ang mga tao habang nakasubsob siya sa dibdib nito?

"G-gano'n ba?" Halos hindi na lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig niya sa sobrang takot.

Out of mixed emotions, biglang pumatak ang mga luha niya. Nang makita iyon nang binata'y bigla itong nataranta, hindi alam ang gagawin.

"Oh I'm sorry sweetie. I didn't mean to say that," agad siya nitong niyakap.

Ang yakap nito, mahigpit, trying to comfort her, walang pakialam kung magagalit siya o hindi. Seguro gan'to ito mag-comfort ng babae 'pag nakikitang umiiyak.

"Hey, I'm sorry. I was just afraid. I thought I had lost you."

Kahit paanas ang boses nito, dinig na dinig niya ang mga salitang 'yon.

She suddenly felt her heart beat so fast that she couldn't even breath.

Bahagya niya itong itinulak.

His voice, the way he utter words... damang dama niya ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.

Kanina lang sila nagkita pero bakit ramdam niya ang mga sinasabi nito?

Tila natauhan ito at pumormal ang mukha.

"If you're okay now, then I'll take you home," pormal na nitong wika.

"'Wag na po," nanghihina pa rin niyang sagot.

Nagsalubong na uli ang mga kilay nito saka hinawakan ang kamay niya at binuksan ang pinto ng sasakyan sa harapan nila at ipinasok siya sa loob.

Hindi na siya nakaimik. Liban sa wala siyang lakas at nanghihina pa rin, wala rin siyang lakas na sumalungat dito.

Nang makapasok ang lalaki'y saka nito pinaharurot ang sasakyan subalit nang mapansing mahigpit ang pagkakahawak niya sa foam ng upuan ay binagalan nito ang pagpapatakbo.

Nakita niya itong ngumiti sa ginagawa niya.

"Sensya na po, ngayon lang ako nakasakay ng gan'tong sasakyan," pulang-pula ang pisngi niya sa sobrang hiya.

Inihinto nito ang sasakyan at ikinabit ang seatbelt niya saka pinatakbo na uli iyon.

Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng perfume nito, hindi nakakasawang amoyin.

"You're really interesting, Amor," Ang lapad ng ngiti nito.

Buti na lang hindi ito nakatingin sa kanya, kung hindi, makikita nitong pulang-pula ang pisngi niya sa sobrang hiya.

Pero ano'ng gagawin niya, ngayon pa lang naman talaga siya nakasakay ng gano'ng sasakyan tsaka 'di siya sanay sa mga mabibilis ang pagpapatakbo. Sa jeep pa nga lang, nasusuka na siya 'pag hindi trapik at mabilis magpatakbo ang driver.

Napapasulyap siya dito habang 'di mawala ang mga ngiti nito sa labi.

'Di niya alam kung nanunuya ito o talaga lang natutuwa sa kanya. Kahit ano pa 'yon, hiyang hiya siya. Iniisip seguro nitong taga-bundok siya at walang alam sa mundo.

Nang mapansing tahimik siya'y inihinto na uli ang sasakyan at humarap sa kanya.

"Are you okay now, sweetie?"

Tumango siyang nakayuko. Pa'no siyang makikipagtitigan dito'y pulang-pula ang pisngi niya kanina pa? Sa bawat bigkas nito ng mga endearment, bumibilis lagi ang tibok ng kanyang puso.

"Amor, you're really interesting."

Sa biglang angat ng mukha niya sa pagkagulat sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya'y muntik nang maglapat ang mga labi nila. Awang ang mga labi at bilog ang mga matang tumitig siya nang mariin.

Ang boses nito ay ang lagi niyang naririnig na tumatawag sa pangalan niya! Ang mga matang iyon ang nakipagtitigan sa kanya sa mall!

"Amor, have you been kissed before?" Ang boses nitong malamig at paanas ay tila ba may magnet na humihigop sa kanya palapit dito.

Marahan siyang umiling.

"Then, let me be the first." Pagkasabi'y hinawakan nito ang kanyang baba at inilapat ang bibig sa nakaawang niyang mga labi.

Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat, subalit ang ginagawa ng mga labi nito sa bibig niya'y tila nag-uutos sa kanyang pumikit at namnamin ang tamis niyon.

Pumikit siya at bahagyang napaungol. Gan'to pala ang halik, matamis, masarap sa bibig, parang may libo-libong kuryenteng sumasalakay sa buo niyang katawan and she felt something aching inside her.

Napaungol nang marahan ang lalaki saka siya mabilis na pinakawalan.

Tigagal siyang napatitig dito.

"Oh, sweetie. Please stop staring at me," parang nagmamakaawa nitong sambit, pigil ang emosyong nararamdaman habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Para siyang binuhusan ng tubig sa narinig at biglang umayos ng upo.

Ano'ng nangyari? Bakit hinayaan lang niyang halikan siya ng lalaking ito? Kanina niya lang ito nakita at nakilala pero bakit sumusunod lagi ang katawan at puso niya pati isip sa sinasabi nito?

Dinig na dinig niya ang sunud-sunod nitong paghinga habang pinapaandar ang sasakyan.

Bigla din itong natahimik.

Wala siyang imik habang nakaderetso ang tingin sa kalsada pero ang isip niya'y lumilipad. Bakit 'di niya sinampal ang lalaki no'ng hinalikan siya? Bakit 'di niya sinipa at lumabas agad sa sasakyan nito?

Bakit???

Naramdaman niyang huminto uli ang sasakyan at dumukwang ito sa kanya saka tinanggal ang pagkakabit sa seatbelt.

Napangisi ito nang mapansing inilayo niya ang mukha sa mukha nito.

"You're mine from now on, Amor. No one is allowed to touch even your skin aside from me," ang huling sinabi nito saka binuksan ang pinto sa tabi niya.

Agad siyang lumabas at patakbong lumayo sa kinaroroonan nito.

Kung paanong nakauwi siya ng bahay ay hindi niya alam. Ang alam lang niya'y nanginginig ang buo niyang katawan, nangangatog ang mga tuhod niya, at hanggang sa mga sandaling 'yon ay dama niya ang mga labi nito sa mga labi niya.

Paulit-ulit niyang binasa ng laway ang mga labi, nalalasahan pa niya ang matamis na laway nito, naaamoy pa niya ang mabango nitong hininga.

Wala sa sariling inilapat niya ang daliri sa mga labing dinampian ng mga labi nito at wala din sa sariling nakagat niya iyon.

"Ouch!"

------

"ABA, malaking himala! Ang linis ng bahay ngayon!" bulalas ng ina niya pagkapasok lang sa pinto ng bahay.

Napapangiti siyang sumalubong at kinuha ang bitbit nitong dalawang supot ng grocery.

"Dami mo yatang pera ngayon, Ma," aniya habang inilalagay sa ref ang nakasupot nang isda at mga gulay.

"Wala na kasi kayong babauning pagkain sa eskwelahan bukas, kaya nagpunta na akong SaveMore bago umuwi," paliwanag nito habang inilalabas ang dalawang supot ng hotdog at tatlong supot ng tocino sa pinagsidlan.

"Itong tocino, baon mo 'to nang 'di ka nahihiyang kumain sa canteen kasama ng mga kaibigan mo."

"Mas gusto ko pa rin 'yong tortang talong, Ma," tugon niya.

"Ano ba'ng nakain mo't naglinis ka ng bahay ngayon?" usisa nito.

"Para namang 'di ako naglilinis ng bahay." Agad siyang sumimangot.

"O bakit, hindi ba totoo? Lahat iniaasa mo sa mga kapatid mo. Kain-tulog ka nga lang dito eh." Pakaswal lang ang panunumbat nito.

"Hmp! Pa'no nga'y araw-araw akong busy sa mga project namin sa school," pagtatanggol niya sa sarili sabay irap.

"Asus! Palusot ka pa." Pigil ang ngiti nito habang napapasulyap sa kanya.

Mula sa hapagkainan nila'y inilang hakbang lang ni Aling Nancy ang sala at agad na sumandal sa luma nang sofa.

Sinulyapan niya ang ina saka minadaling iligpit 'yong mga supot na pinaglagyan ng pinamili nito.

"Ma, bili tayo'ng juice," yaya niya.

Tumango ito saka inabutan siyang bente pesos.

Katabi lang naman nila 'yong tindahan sa labas kaya mabilis siyang nakabalik pagkabili ng Tang pineapple juice.

Ilang minuto lang ay inaabutan na niya ng tinimplang juice ang ina.

"Malamig ba 'to?"

"Opo, Ma."

Pagkatapos inumin ang juice ay ibinalik sa kanya ang baso at pumikit.

Tinabihan niya ito sa pag-upo.

"Ma..." lambing niya.

"Ilang taon ka no'ng naging jowa si Papa?" patay-malisya niyang tanong saka sinabayan ng salin ng juice ang ininuman nitong baso sa ibabaw ng lamesita sa harap nila.

"Kinse lang."

"Landi niyo naman, Ma! Kinse?" di-makapaniwalang sambit niya.

Tumawa ito nang malakas.

Napangiti siya.

Lumuhod siya sa ibabaw ng sofa at kunwari'y hinilot ang mga balikat nito.

"Ma..."

"Hm..."

"Hinalikan ka ba agad ni Papa no'ng manligaw sayo?" pakaswal niya uling usisa.

Napadilat ng mata ang ina at taas ang kilay na tumingala sa kanya.

"Bakit, nahalikan ka na ba ni Anton?" nanunudyong tanong nito.

"Hindi ah!" Nahampas niya ito sa balikat.

"Ba't naman ako magpapahalik do'n eh 'di ko naman jowa 'yon. Bestfriend ko lang 'yon," pairap pa niyang sagot saka pabagsak na umupo sa tabi nito.

Tumawa na uli ito.

"Ma," muling baling niya rito, inayos ang upo.

"'Pag ba hinalikan ka ng lalaki, tapos sinabing, 'you are mine', kayo na ba no'n?" curious niyang tanong saka awang ang labing tumitig sa kausap, excited na naghintay ng sagot.

Kunot-noong humarap sa kanya ang ina, mariin siyang tinitigan sa mukha. Matagal bago ito nagsalita.

"Depende. Bakit, may humalik na ba sa'yo?" nakangiting usisa nitong may kahalong panunudyo.

Kahit gano'n ang mama niya, bungangera, pero pagdating sa mga seryosong bagay, hindi ito agad nagagalit basta 'wag lang siyang magsisinungaling at susunod lang siya sa mga gusto nito.

Namula siya bigla sabay iwas ng tingin at kinuha 'yong basong pinagsalinan kanina saka tinungga ang laman no'n.

"First love mo, anak?" curious na usisa nito.

Nahihiya siyang tumango.

"Kelan mo nakilala? "

"Kanina pong umaga." Pulang-pula ang mukha niya kaya napayuko siya.

"Kelan ka hinalikan?"

"Kanina lang bago ako umuwi."

Bigla siyang binatukan ng ina. Muntik na siyang mapasubsob sa lamesita kung 'di niya naitukod agad ang isang kamay.

"Ma naman eh!" atungal niya.

"Gaga ka talagang bata ka!" bulyaw nito.

"Kaninang umaga mo lang nakilala tapos nagpahalik ka na agad?" Napatayo ito sa inis.

Hindi siya nakapagsalita sa pagkapahiya. Namali yata ang timing niya sa pangungumpisal dito.

"Dapat pinaabot mo man lang ng isang linggo! Nagpakipot ka man lang muna sana!" sermon nitong nakapameywang.

"Ma, 'di na uso 'yon ngayon. 'Yulong iba nga wala pa sa edad ko buntis na," nakasimangot niyang tugon saka inayos ang upo pero ang mga tuhod ay nangangatog sa kaba. Pa'no kung galit nga ito?

"Ano na lang pala ang sasabihin no'ng lalaking 'yon? Na easy to get ka?" patuloy nito sa panenermon saka bumalik sa pagkakaupo pero salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya.

"Sino ba 'yon?"

Napatingin siya dito. Sa tono ng salita nito'y parang 'di na ito galit.

"Sino 'kako 'yon?"

Biglang naging blangko ang mukha niya, nag-isip. Alam niyang nagpakilala ang lalaki pero bakit 'di niya matandaan ang pangalang sinabi nito?

Hinampas siya ng ina sa balikat.

"Pano mo nasabing first love mo eh hindi mo pala kilala tapos nakipaghalikan ka agad. Gaga ka talaga!"

Napakamot siya sa batok.

"Pero Ma, hindi kayo galit?" pakli niya agad habang tinitingnan ang ekspresyon ng mukha nito.

Sumeryoso ang mukha nito, saka pinagmasdan uli siyang mabuti, tinimbang ang lahat. Maya-maya'y napangiti na.

"First love mo 'yon eh, tsaka nagpahalik ka na do'n. Ano pa magagawa ko?" kibit-balikat nitong sagot.

Humagikhik siya bigla sabay yakap dito.

"Proud talaga ako sa Mama ko." Pinugpog ito ng halik sa pisngi hanggang sa humagikhik na din ang huli.

"Basta hanggang halik lang ha? Tsaka 'pag nagkausap kayo uli, alamin mo lahat pati address niya. Itanong mo kung ano pangalan ng mga magulang 'tsaka kung ano'ng kurso. Baka mamaya eh tambay lang pala at 'di nag-aaral," pakaswal lang na payo nito na para bang hindi seryosong bagay ang pinag-uusapan nila at ang kausap ay hindi ang anak kundi isang kaibigan.

Humagikhik uli siya.

"O, 'yong mga kapatid mo, puntahan mo muna. Do'n ka muna kay Mamay Elsa. Ipapatawag ko na lang kayo kay Harold pag nakauwi na ang mga kapatid mong nag-aaral," utos nito pagkuwan.

"Basta Ma, hindi ka galit? Hindi mo sasabihin kay Papa?" paneneguro niya.

"Oo na."

Tuwang tuwa siyang tumayo at halos tumakbo palabas ng pinto subalit napahinto rin agad bago tuluyang lumabas saka lumingon sa ina.

"Ma, si Papa pala?" usisa niya.

"Naku, 'wag mo nang hanapin 'yon at madami pa kaming isdang 'di naibenta kanina. Hanggang hatinggabi pa 'yon. Do'n na lang daw siya matutulog sa palengke," sagot nito.

Nang tuluyan siyang makalabas ng bahay ay bigla itong natulala, maya-maya'y nag-unahang pumatak ang mga luha sa mga mata hanggang sa tuluyan na itong napahagulhol.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ