Ang nangyari, sa halip na high school level ang sunod na isasabak sa contest ay napunta sa tertiary level para lang pagbigyan ang mga magulang na nagpoprotesta kanina dahil sa pagkapanalo ni Devon as Math Champion para sa Elementary level.
Muling nagtungo ang kawawang bata sa entablado at inukupahan uli ang upuan kanina.
Si Flora Amor nama'y 'di na mapakali sa kinauupuan dahil sa sari-saring iniisip. Una, nag-aalala siya para sa anak, baka mabinat ito kakaisip sa isasagot. Pangalawa, tila mas lumalim pa ang tensyong namamagitan sa kanila ngayon ni Dixal. Mula nang madulas siya kanina at masabi ritong anak niya si Devon, 'di na ito nakipag-usap pa sa kanya at kapag panakaw niya itong sinusulyapa'y nakakunot lagi ang noo, mas lumalim yata ang iniisip.
Bago magsalita ang quiz master ay nag-vibrate ang phone niyang nakalagay sa kanyang bulsa. Ini-silent niya 'yon kanina nang 'di makaistorbo sa mga naroon kahit may tumawag sa kanya. Tumayo siya at sa labas ng social hall nakipag-usap sa tumawag.
"Flor, aalis kami ngayon ng mga kapatid mo, kasama sina kuya Ricky mo. Dadalo kaming kasal sa Silang. Bukas na kami makakauwi," paalam ng ina sa kabilang linya.
"Si Harold, sasama ba?" usisa niya.
"Kuu--tumawag sa'kin kanina, nando'n daw sila sa Makati kasama ng gf niya. Baka next week pa raw siya makauwi," sagot nito.
"Asikasuhin mo na lang muna si Devon at Linggo naman bukas, wala kayong pasok. Ano kumusta na 'yong baby ko d'yaan, nanalo ba sa contest?"
Hindi siya nakasagot agad. Ayaw niyang malaman nitong sumabak uli ang bata sa panibagong contest para lang patunayan sa lahat na hindi ito nag-cheat. Sa totoo lang kabobohang matatawag na nag-cheat ang kanyang anak samantalang ito lang ang nakaperfect ang score sa lahat ng mga kalahok. Ayaw lang aminin ng mga magulang ng natalong mga bata na napahiya ang mga ito dahil isang sais anyos lang na bata ang gumapi sa kanila. Pero wala na siyang magagawa, nangyari na ang lahat.
"Okay lang ang bata, Ma. Maya kunti uuwi na rin kami," sagot na lang niya pagkuwan.
"O siya, sige na't aalis na kami," anang ina saka pinatay ang tawag.
Siya nama'y nagmamadaling pumasok sa loob ng social hall at bumalik sa kinauupuan.
Nasulyapan niya si Dixal na nakahalukipkip na habang hindi iniaalis ang tingin kay Devon na 'di man lang kakikitaan ng pagkabahala sa sagot nito sa bawat tanong.
"Pang ilang question na ba 'yan?" usisa niya.
"Panglima," sagot ng guro.
Panakaw na uli niyang sinulyapan ang tahimik na si Dixal na nang mga sandaling 'yon ay nakapagtatakang butil-butil ang pawis sa noo.
Nagdalawang-isip siya kung pupunasan ba ng tissue ang noo nito o hahayaan na lang itong matuyuan ng pawis. Sa sobrang pananahimik nito na tila allergic sa kanya at ayaw siyang sulyapan man lang, gusto lang nitong ipabatid sa kanyang galit ito, galit na galit sa ginawa niyang pagsisinungaling at panloloko rito. Pero hindi siya nito basta masisisi. May amnesia siya, hindi niya alam kung ito nga talaga ng ama ng bata, although halos lahat ng anggulo ng mukha at katawan ni Devon ay namana sa lalaki, pero kahit siya ay 'di segurado sa hula niya.
Kung bakit pa kasi nadulas ang bibig niya kanina? Dapat binantayan niya ang lahat ng mga sinabi at pinanindigang kapatid niya lang si Devon. Pa'no kung bigla na lang itong magdesisyon na kunin sa kanya ang bata, ano ang gagawin niya?
Ingay na nagmumula sa kanyang likuran ang nagpabalik sa kanyang naglalakbay na isip.
"Walang duda, isang henyo ang batang 'yan!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki sa likuran.
"Oo nga. Biruin mong tama ang spelling ng sagot niya," segunda ng isa pa.
Nagtatakang napatingin siya sa sagot ni Devon sa illustration board.
"Niccolò Fontana Tartaglia"
Sino 'yon? Pa'nong nakilala 'yon ng kanyang anak?
"And the answer is Niccolò Fontana Tartaglia. Only Devon Salvador from Elementary Division got the right answer."
Napanganga siya. Pa'nong ang bata lang ang nakasagot no'n? Kahit siya, 'di niya kilala ang pangalang 'yon. Never 'yong naituro sa kahit anong subject nila. Kung naituro man, wala siyang matandaang gano'ng pangalan ng mathematician.
Maya-maya'y ini-announce ng quiz master ang mga pangalan ng mga kalahok na maglalaro sa diffucult round. Napalundag sa tuwa ang teacher ng bata pagkarinig sa pangalan ni Devon.
Siya nama'y 'di malaman kung anong gagawin nang mapansin niyang gusto nang tumayo ng bata at umalis ngunit napansin niyang nagpigil ito't tumingin sa dako nila. Sa pagkakataong iyo'y 'di na siya after sa isasagot nito. Mas nananaig sa kanya ang pagiging isang ina ngayon. Mas nag-aalala siya sa kalusugan nito kesa sa kahit ano pa man.
"One more round kiddo. Let them know who you really are," bulong ni Dixal mula sa kinauupuan. Napansin din pala nitong 'di na mapakali ang anak mula sa kinauupuan.
Narinig niya ang bulong na 'yon ng lalaki ngunit nagtaka siya nang tumitig ang bata dito at bahagyang tumango saka inayos ang upo. 'Wag sabihing narinig 'yon ni Devon sa gano'ng layo nito sa kanila.
'Naririnig din niya ang bulong ni Dixal? Di yata't mag-ama nga ang dalawa!' gulat na hiyaw ng kanyang isip.
Ngayon, segurado na siyang ang lalaki nga ang ama ng bata. Namana pala ni Devon ang talent niyang 'yon.
"Did you hear what I said just now?" sa wakas ay kunut-noong usisa ni Dixal sa kanya, marahil ay nagtaka sa naging reaksyon ng bata.
Umiling siya agad.
"Hindi. Ano ba'ng sinabi mo?" painosente niyang sagot.
Umawang ang labi ng lalaki para magsalita, at siya nama'y nakataas ang isang kilay at hinihintay ang sasabihin nito ngunit nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pinagmamasdan ang bawat anggulo ng kanyang mukha saka ito agad na umayos ng upo at muling tumingin kay Devon.
"There are only two questions for the difficult round and each question is worth 50 points. This time, we will give you thirty seconds to answer the question. And whoever wins will be the Math champion for the tertiary level," anang quiz master.
Natuon ang pansin niya sa itatanong ng quiz master. Kaya kayang sagutin 'yon ng anak? 'Pag nakasagot ang kanyang anak ngayon segurado na siyang genius nga ito.
"Here is the question," wika ng quiz master saka ipinakita ang isang equation na nakasulat sa illustration board.
"The equation 24x2+25x−47 divided by ax−2 =−8x−3−53/ax−2 is true for all values of x≠2/a, where a is a constant. What is the value of a?
Tinitigan iyong mabuti ng mga kalahok at 'yong iba'y nag-solve sa kanilang illustration board ngunit si Devon at ang isang kalahok ay magkasabay na nagtaas ng kanilang illustration board pagkatapos titigan ang equation at parehas ang sagot ng dalawa.
Napanganga siya. Si Dixal man ay napaangat ang pwet sa kinauupuan habang nakatitig sa bata.
"Time is up. And the answer is -3. Only two of the contestants got the right answer," anang quiz master.
Lalo siyang namangha sa katalinuhan ng anak. Lahat nakakitang wala man lang isinulat ang bata sa illustration board at ang kalahok na katulad ng sa sagot nito'y nasa huling upuan sa likuran at si Devon nama'y nasa pinakaunang hanay.
Nagsimula na uling mag-ingay ang mga naruon, iisa ang sinasambit.
"That Kid is a real genius. Magta-tie pa yata ang dalawang 'yan," narinig niyang sambit ng isang babae sa kanilang likuran.
"Next question, If x is the average (arithmetic mean) of m and 9, y is the average of 2m and 15, and z is the average of 3m and 18, what is the average of x, y, and z in terms of m?" Inulit nitong basahin ang nakasulat sa hawak nitong illustration board.
At tulad ng inaasahan, magkasabay na uling nagsulat ang dalawa at sabay na nagtaas ng illustration board at parehas ng sagot.
"Time is up. The answer is m+7. It seems that we have a tie here. Both Devon Salvador from Imus Elementary Division and Roldan Amigo from UP Manila got the right answer and they both got the highest score of 150 points, so we will have the clincher round for only the two of them para po malaman natin kung sino talaga ang panalo. And for your information, Mr. Roldan Amigo is a fourth year student who is the number one on the Dean's list of this university," pagbibigay impormasyon ng quiz master na lalong nagpaingay sa mga naruon maging ng mga board of judges.
Hindi nakatiis ang head ng board of judges at lumapit sa guro ni Devon.
"Ma'am, may I know the parents of your pupil?" tanong ng babaeng judge sa guro.
"Sila po ma'am. Mr. and Mrs. Salvador," sagot ng guro sabay turo sa kanila ni Dixal.
Napangiwi siya sa sinabi ng teacher. Hindi marahil nito alam na apelyido niya ang Salvador.
Bahagya pang tumaas ang kilay ng babaeng judge pagkakita kay Dixal na napapakamot sa batok.
"It's Mr. Amorillo here!" bulalas ng judge.
Alanganing tumayo ang lalaki saka nakipagkamay sa judge.
Ang guro naman ang kumunot ang noo pakarinig sa pangalan ng lalaki.
"I'm flattered that you could still remember me, Ma'am," bahagya lang ngumiti si Dixal.
"This is your fiancee?" takang usisa ng judge.
"My wife. And the kid right there is my son," proud na sambit ng lalaki sabay turo sa bata.
Siya nama'y yumukod lang sa judge saka nahihiyang itinuon ang atensyon kay Devon na gusto na talagang tumayo sa kinauupuan.
"Hello Mrs, Amorillo. I have something to offer to you about your kid. Pwede ho ba siyang magtake ng Stanford Binet test para malaman po natin kung gaano kataas ang kanyang IQ? " paghingi ng pahintulot ng judge sa kanya.
Umiling siya agad sabay tayo.
"Sensya na po, Ma'am. Pero hindi siya pwede ngayon. May lagnat po kasi ang anak ko. Natatakot nga po ako baka mabinat siya sa nangyayari ngayon. Next time na lang po," paliwanag niya.
"Oh sure sure. Hindi naman ho ako nagmamadali. Pero kung papayag kayo sa alok ko, next week pupunta ako sa school nila at iti-test natin ang IQ ng anak niyo. Merun po kasi tayong exclusive school para lang po sa mga batang katulad niya."
'Di pa man natatapos magsalita ang judge para sa contest ay patakbo nang lumapit si Devon sa kanila at nagpakarga agad sa ama.
"Dixal, I can't sit there anymore. Nagugutom na ako," reklamo nito sabay yakap sa lalaki.
Nagkatinginan sila ni Dixal.
"There's another one round kiddo," sabad ng judge.
"Just give the honor to that man. I know myself better. It's really boring to just sit there and answer those questions," angal ng bata dahilan para matameme ang judge.
Walang nagawa si Dixal kundi humingi ng paumanhin sa judge at sa guro lalo't ayaw nang bumitaw ng bata mula sa pagkakayakap dito.
Kaya't pinalapit ng judge ang quiz master upang ibigay sa isa pang kalahok ang pagkapanalo bilang Math Champion para sa Tertiary level.
Humingi na rin siya ng paumanhin sa guro ni Devon bago sila naglakad palabas sana ng social hall nang matigilan sila pareho ni Dixal pagkarinig sa tumatawag sa kanya.
"Flor! Wait!"
Magkasabay pa sila ng lalaking humarap sa kay Joven.
Huling huli niya kung paanong naningkit ang mga mata ni Dixal sa lalaking nakangiti pa habang palapit sa kanila.
"I thought sabay tayong aalis sabi mo kanina,"
anang lalaki.
Hindi siya agad nakapagsalita't sumulyap kay Dixal na salubong ang mga kilay na pinagmasdan ang lalaking kaharap.
"Ah-eh--uuwi na kami eh. Gusto nang umuwi ng anak ko," alanganin niyang sagot, 'di alam kung tama ang sagot niya.
"So, he is really your kid. And this guy is?" nakataas ang kilay nitong usisa.
"My boss!" bulalas niya agad sabay ngiti sa lalaki.
Nang panakaw niyang sulyapan si Dixal ay para na siyang kakainin nang buo sa talim ng titig nito sa sinagot niya.
"Oh, I see. Can I visit you later?"
"Ha?" napatingin siya agad sa lalaking may karga kay Devon, inaalam kung anong magiging reaksyon nito ngunit bago pa siya makasagot ay hinawakan na siya nito sa kamay at hinila palayo sa lugar na 'yon.
"I'm sorry, you can't!" sagot niya habang nakalingon kay Joven saka bumaling sa lalaking 'di man nagsasalita ay kitang kita sa mukha ang galit o marahil selos na nararamdaman.
Pero kung lumingon siya kahit isang beses lang ay makikita sana niya ang makahulugang ngisi ni Joven.
"So that was Dixal Amorillo. Interesting game.
Matutuwa si papa pag nalaman niyang pumapayag na ako sa gusto niyang mangyari," sambit nito habang nanatiling nakatanaw sa tatlong naglalakad palayo roon.