ดาวน์โหลดแอป
5.55% Enchanted in Hell (Tagalog) / Chapter 3: Beauty and the Beast

บท 3: Beauty and the Beast

Kasalukuyang inaayos ni Theo ang puwesto ng mga alcoholic beverages sa estante nang dumating si Dr. Steve, ang personal psychiatrist niya.

Huminto siya at binaba ang basahan na ginamit niya sa pagpupunas ng bote. Humarap siya kay Dr. Steve. Marami siyang gustong sabihin dito.

"Kumusta?" tanong nito.

"Ayos lang," sagot naman niya.

Inabot niya muna sa doktor ang paborito nitong drinks bago naglagay ng sariling inumin sa baso. "You know, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko..." Tumungga siya sa baso. "Alam kong hindi mo sasabihin sa iba ang kinukwento ko."

Tumango si Dr. Steve kay Theo. Bago lang nang magkakilala sila ni Theo. Siya ang pumalit sa dating personal psychiatrist nito na si Dr. Cabrera.

"They are forcing me to go out in this house...malaki na raw ako. Dapat pag-aralan ko nang humarap sa mga tao."

Hinawakan ni Theo nang mahigpit ang kaniyang glass. Kung alam lang ng mga magulang niya ang naranasan niya ay baka maunawaan siya ng mga ito kung bakit takot siyang lumabas ng mansion.

"After what happened seventeen years ago, ayoko nang lumabas pa..."

Tumango-tango lang si Dr. Steve. Nauunawaan niya ang lalaki. Normal lang na ma-trauma ito at tumangging lumabas pa matapos ang nangyari.

Tumungga muli si Theo ng wine. "Pero hindi lang 'yon ang problema..."

"Ano 'yon?"

"I think I'm attracted to my mom..."

Pinagmasdan ni Theo ang psychiatrist. Hinihintay niya ang response nito. Akala niya magugulat ito sa inamin niya pero nanatili lang itong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kaya unang kita niya pa lang sa doktor ay palagay na ang loob niya rito.

"I started to realize it nitong nakaraan lang..."

Umiling-iling si Theo at napahawak sa sintido. Ang doktor pa lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Sigurado siya na kapag kinuwento niya iyon sa mga magulang ay magugulat ang mga ito.

"Normal lang na maramdaman mo iyan." Pinatong ni Dr. Steve ang kamay sa balikat ng pasyente. "That's why I really recommend na subukan mong lumabas dito."

Tumungga ulit siya. "I have no plan na gawin iyan. Nabuhay ako ng ilang taon sa loob lang ng bahay na 'to. Kaya ko pang mabuhay nang mas matagal dito."

Tumawa si Dr. Steve at tinapik-tapik ang balikat ng kausap. "Okay, I understand. But what if...what if mawala na ang daddy at mommy mo? Sinong mamamahala sa negosyo niyo?"

Nagbaba si Theo ng tingin at iniwasan ang mata ng doktor. "Andyan naman ang tito at pinsan ko..."

Nais niyang tumulong sa negosyo nila pero paano? Hindi nga niya magawang iapak ang mga paa sa labas nila. Paano siya makakatulong kung hindi siya makalabas dito? Puwede siyang tumulong sa pamamagitan ng internet at computer pero hindi sapat iyon.

Lalong humigpit ang hawak niya sa kaniyang baso. 'How worthless and useless he is!'

"At isa pa, I have my online business so I can live." Pinilit niyang ngumiti habang sinasabi iyon sa doktor. Ayaw niyang ipahalata rito ang totoo niyang nararamdaman.

Tumango-tango lang si Dr. Steve kahit na gusto niyang ipamukha sa kaharap na hindi nito kakayaning mabuhay ng mag-isa, kailangan nito ng tulong mula sa ibang tao. Pilit niyang iniintindi si Theo dahil sigurado kasi siyang hindi nito magugustuhan kung kokontrahin niya ang bawat sinasabi nito.

"How about your mom?" tanong ni Dr. Steve.

Naalala ni Theo ang kaniyang ina. Ang ina niya lang ang nag-alaga sa kaniya noong panahon na iyon. Inintindi siya nito—pinakain, pinaliguan at binihisan. Naalala niya pa noong bata siya na tinataboy niya ito sa kaniyang kuwarto pero hindi ito sumuko. Pinaramdam nito ang pagmamahal sa kaniya. Kaya naman noong bumisita ito sa kaniya noong nakaraang araw, na-realized niya ang nararamdaman.

Mahal niya ang ina. Iyon ang sigurado siya. Masasaktan siya kapag nalaman niyang may nangyaring masama rito.

"I'll continue to love her," sagot niya. Hindi niya naman mapipigilan ang sariling damdamin. Wala namang masama na mahalin niya ang ina basta wala siyang masamang gagawin.

Huminga si Theo nang malalim. Paano kaya kung malaman ng papa niya ang nararamdaman niya para sa ina? Siguradong bubuhos ang galit nito kapag nalaman na ang sarili nitong anak ang karibal sa asawa.

Palihim siyang tumawa. Ayaw pa naman ng ama niya na masira ang reputasyon ng pamilya. Kaya nga mukhang mas pabor dito na ikulong na lang sa mansyon ang sariling anak kumpara sa malaman ng iba na may anak itong may sira sa ulo.

Hindi na nagtagal si Dr. Steve. Nagpaalam na rin ito kay Theo.

Babalik na sana si Theo sa kuwarto nang makita niya ang isang babae sa sala nila. Nakayuko ito at abala sa pagpupunas ng mesa. Mayamaya ay tumayo ang babae. Nagpunas ng pawis sa noo at huminga nang malalim.

Tumingala ito at tumingin sa direksyon niya. Nakapuwesto siya sa taas ng hagdan at nakakapit sa hawakan.

"Sino ka?" nauutal na tanong nito.

"That should be my line. Sino ka?" balik na tanong niya rito bago tuluyang bumaba.

"Rina."

Tumango-tango si Theo. Marahil ito na ang babaeng tinutukoy ng mga magulang. Sinabi kasi ng mga magulang niya na kukuha ang mga ito ng tauhan para panatilihing malinis ang mansion at para na rin may magluto ng pagkain para sa kaniya.

Hindi siya pumayag noong una dahil hindi na niya kailangan ng magluluto para sa kaniya. Matagal na siyang nag-iisa sa mansion kaya natutunan niya nang asikasuhin ang sarili. Kaya kahit pagluluto ay siya na rin ang gumagawa. Subalit dahil sa pakiusap ng ina niya, pumayag na rin siya na may pumasok pa sa mansion. Basta isa lang. Kaya nga lang ay hindi niya inaasahan na babae pala ang nakuha ng mga ito.

"Anak ako ng tumanggap sa 'yo rito," sabi niya sa babae.

Napansin niya ang paglaki ng mata ng babae. Napaturo ito sa kaniya. "Ikaw?"

"Yup."

"Akala ko bata ang tinutukoy nila, bata kasi ang nasa picture." Pautal-utal pa rin ang pagsasalita nito.

"Maybe they showed you a picture of me when I was eight," paliwanag niya rito. Ang picture na iyon ang huling larawan na nakuha sa kaniya. Matapos kuhain iyon ay hindi na iyon nasundan pa. Tinatanggihan niya na kasing magpakuha ng litrato simula nang mangyari ang bagay na iyon sa kaniya.

"'Yong batang may hawak ng story book?" paniniguro nito.

Tumango ulit siya, "Yes, 'yong story book na pambata. Beauty and the Beast."

Tumawa ang babae. Napatingin siya sa mga mata nito. Iyon ang unang pagkakataon na naka-encounter siya ng babae bukod sa ina niya.

Balingkinitan ang babae, one-sided braid ang hairstyle at morena ang balat. Nakasuot ito ng maluwang at mahabang blazer kapares ang leggings.

Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng kaniyang short. 'The woman is nothing compared to her mother. She is really unattractive.'

"Nga pala, anong pangalan mo?" tanong nito at unti-unting lumapit sa kaniya.

Umatras siya at napalunok. "I'm Theo..." Nilayo pa niya lalo ang sarili sa babae. "Huwag ka masiyadong lumapit sa akin."

Tinuro ng babae ang mukha niya. Napahawak din siya sa kaniyang pisngi. Alam niya kung ano ang tinitingnan nito. Ang mahabang hiwa niya sa kaliwang pisngi. Hindi niya gustong may pumapansin sa peklat niya. Naiirita siya lalo kapag tinatanong ng mga ito kung ano ang nangyari doon. Kapag may nagtatanong kasi ng ganoon sa kaniya ay hindi niya maiwasan na hindi alalahanin ang nangyari.

"Bakit may peklat ka sa pisngi?"

Sabi na nga ba niya. Alam na niya ang nasa isip ng babae. Alam na niya na tatanungin nito iyon.

"'Huwag mo ng alamin," sagot niya at tinalikuran na ito.

.....

Naiwan sa sala si Rina. Bigla na lamang nagalit sa kaniya si Theo. Tinanong lang naman niya kung ano ang nangyari sa mukha nito pero bigla na lamang siya nitong inalisan.

Nagpatuloy siya sa pagpupunas. Buong akala niya talaga ay bata ang aalagaan niya. Nagulat siya na isa na pala itong binata. Sabagay, maganda na rin iyon dahil hindi na siya masyadong mahihirapan. Malaki na ito at kaya na nitong maligo at kumain sa sarili lang. Maliban na lang kung hindi pa nito kayang paliguan ang sarili.

Napailing siya sa naisip. Hindi naman siguro darating ang panahon na siya ang magpapaligo sa lalaking iyon. Hindi niya kakayanin iyon. 'Huwag naman sana.' Matatanggap niya pa kung susubuan niya lang ang lalaki sa pagkain pero ang magpaligo rito ay isang malaking iling. Hindi niya gustong makita ang malaking tutubi nito.

Paulit-ulit niyang sinampal ang sarili. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak niya.

Tumayo siya at huminga nang malalim. Habang kausap niya si Theo ay napansin niya ang malamlam nitong mata. Kung walang buhay ang loob ng mansion, mas walang buhay ang mga mata nito.

Tumingin siya sa kurtinang nakatakip sa bintana para manatiling madilim ang loob. Malawak at maganda sana ang mansion na iyon pero parang wala namang nakatirang tao. Para bang sa halip na tao ay mga nagtatagong halimaw ang nakatira roon. Mukhang matagal na rin ng huling nakatikim ng linis ang lugar sa dami ng dumi. Kanina pa kasi siya nagpupunas ng alikabok sa loob pero hindi pa rin siya nangangalahati. Sa sala pa lang ay kumain na siya ng mahabang oras. Marami pang alikabok ang naghihintay sa kaniya.

Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang likod ng kaniyang kamay. Mabuti pa ang bahay nila, kahit maliit lang ay masaya—may buhay. Nagsisiksikan man sila sa maliit na bubong pero marami naman silang masasayang alaala doon.

May mga malalaking frame ang nakadikit sa pader. Larawan ng kasal nina Armando at Caridad. Halos larawan lang ng mag-asawa ang nakikita niya. Wala ang larawan doon ni Theo.

'Nasa'n ang kay Theo?'

Umiling-iling siya at inalis ang tingin sa mga frame. Marami pa siyang dapat gawin. Tama na muna ang pahinga at pagtulala. Sa tuwing mapapatingin kasi siya sa mga gamit sa loob ay napapahinto na lang siya palagi. Kanina pa niya tinitingnan ang loob, hindi pa siya nagsawa! Hindi siya matatapos agad kung patuloy siyang matutulala sa mga magaganda at mamahaling mga bagay na nakikita niya sa loob.

Papunta na sana siya sa kusina nang may marinig siyang malakas na sigaw. Boses iyon ni Theo!

Nabitawan niya ang hawak na walis at dustpan. Umakyat siya sa hagdan at hinahap ang pinanggalingan ng sigaw. Hindi lang pagsigaw ang narinig niya, may kasama rin iyong pag-iyak.

"Help me! Mom!"


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ