Hindi ko alam kung bakit napapayag ako ng bestfriend ko na magtherapy. One moment pinag-uusapan lang namin ang need ko to start a new life, the next moment sinasamahan niya na ako sa pinsan niyang pyschiatrist, Dr. Marcus.
I have depression daw. Gosh, di na ako nagulat. Mas magugulat siguro ako kung sinabi niyang walang mali sa akin. Akala ko katulad siya ng ibang psychiatrist na bibigyan ka ng pad paper tsaka idradrawing mo kung ano ang nafefeel mo.
Maganda ang pag-uusap namin. Parang casual lang. Tinanong niya ako kung ano 'yong pinakamajor na issue ko sa buhay ko. Isang pangalan lang ang naisagot ko: Edward Kenric Yao.
Minsan siya ang issue, minsan siya ang solution. But he is so major.
Sabi ko nagbago ang buhay ko mula ng makilala ko siya. Simula ng makilala ko siya parang wala ng maayos na nangyari sa buhay ko. Simula ng makilala ko siya, sa kanya na umikot ang mundo ko.
Tinanong ako ni Dr. Marcus kung bakit ganun ang nangyari sa buhay ko? Bakit umikot ang mundo ko kay Kenric?
Sinagot ko siya na kukulangin ang isang oras para maikwento ko lahat kasi halos dalawang dekada na ang history namin.
Nginitian ako ni Dr . Marcus. Sabi niya willing siyang malamam amg buong history ko sa kanya. Sa ganun daw kasi, maiintindihan niya kung ano talaga ang nangyari sa amin.
Tinanong niya uli ako kung okay lang na gumawa ako ng parang journal/history book sa part ng buhay kung saan nandoon si Kenric.
Hindi ko alam kung gusto kung balikan lahat. Kailangan ko pa kasing ungkatin 'yong memories na sana hindi nalang nangyari. Pero tumango lang ako. Siguro naman alam niya ang ginagawa niya. If makakatulong 'yong journal na makapagsimula ako ng new life, eh di magjojournal.