ดาวน์โหลดแอป
66.66% Cradled Hearts / Chapter 14: Chapter 12

บท 14: Chapter 12

HIS heart skipped a beat, his eyes widened, his lips parted but did not say any word, and his body froze.

Naghalo-halo na ang nararamdaman niya sa gabing iyon: anger, nervousness, and puzzled. Si Rafael iyong tipo ng lalaki na hangga't maaari ay hindi niya gustong ipakita sa mga tao ang mga luha niya. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilang tumulo ang mga iyon mula sa mga mata niya.

"No! No! No!" Sa wakas ay nagawa niyang magsalita. Sunod na lamang niyang naramdaman ay ang pagpulupot ng matanda ang mga kamay nito sa magkabilaang gilid niya at niyakap siya nito nang mahigpit. Rinig na rinig niya ang pag-alo nito sa kanya. Pero hindi iyon sapat para mapataha siya lalo na at ang mga magulang niya ang pinag-uusapan.

"Hannah, tell me that's not true! Please," nanginig ang boses ni Rafael. Pero mas lalong bumagsak ang mga balikat niya nang umiling ito at inulit pa ang mga nalaman mula sa tawag.

~•~

KULANG na lamang ay magwala noon si Rafael pero hindi iyon ang tamang gawin at tamang panahon. Minabuti na lamang niyang kalmahin ang sarili at puntahan ang mga magulang sa hospital na kinaroroonan ng mga ito.

He was with Hannah, na tahimik lamang na nakadungaw sa bintana sa may passenger's seat. Sa katunayan, si Elena dapat ang sasama sa kanya, ngunit sinabi nito na ang huli na lamang ang magbabantay sa mansion. Papunta sila ngayon sa North Makati General Hospital, isa sa mga pampublikong ospital sa kanlurang bahagi ng Makati City. Pinalooban lamang niya ang suot na sando ng manipis na gray jacket at pantalon naman sa ibaba. Si Hannah naman ay kupas na pantalon at ang paborito nitong varsity jacket.

Nasa gawing silangan ang subdibisyon kung saan sila naninirahan kaya malayu-layo ang kanilang lalakbayin. Panay ang pindot niya sa busina ng kanyang sasakyan dahil ang inakala niyang shortcut patungo sa hospital ay ito pala ang may mabigat na daloy ng trapiko.

Masuwerte sila at nakahanap si Rafael ng eskinita na maglalabas sa kanila roon papunta sa ibang daan. Nakahinga siya nang maluwag at binilisan nang bahagya ang pagpapatakbo sa sasakyan. Hindi masyadong dagsa ng sasakyan ang daang iyon.

Halos isa at kalahating oras ang nakalipas. Pasado alas-onse na nang madaling araw bago nila narating ang nasabing lugar. Sa tulong ng mga street light sa may isang tabi at liwanag na nanggagaling mismo sa hospital ay maliwanag na nakikita niya ang paligid.

May mga nakatanim na mga dwarf trees, na engrande ang pagkaka-landscape, sa may parking light. May mga private cars, ambulansya, at rescue unit ang nakaparada roon. May mga tao siyang nakikita na nakaistambay sa labas. Siguro ay nagpapahangin. May mga nakikita rin siyang paparating pang sasakyan.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Rafael sa may harap at bintana ng kanyang sasakyan. Naghahanap siya ng maaaring pagparadahan dahil halos punuan na iyon. Pero 'laking pasasalamat niya nang makita ang tabi ng isang police mobile,  na pagmamay-ari ng Makati City Police District.

Iginiya niya ang sasakyan doon at nang mapirmo na ay  napasinghap siya ng hangin. Sinusubukan niyang patatagin ang kanyang sarili. Halos manghina siya kanina. Hindi niya kayang makita ang kinahihinatnan ng mga magulang niya. Pero kinakailangan niyang tatagan ang kanyang loob.

He turned of the engine. Pagkatapos niyon ay walang-imik at nagmamadali siyang pumasok sa loob ng hospital. Diretso lamang ang tingin niya sa harapan. Nawala sa isip niya si Hannah pero nang lumingon siya sa likuran ay nakasunod ito sa kanya. Wala ring imik at palipat-lipat ng tingin sa magkabilang-gilid. Yakap-yakap nito ang sarili na para bang nilalamig.

Maluwag ang bawat pasilyo ng ospital. May mga tao at staff ng hospital pero malaya pa rin siyang nakakapaglakad. Kaagad niyang hinanap ang help desk ng gusali.

Ipinatong niya ang mga kamay sa ibabaw ng counter at naghanap ng nurse na puwedeng tumulong sa kanya. "Excuse me, Miss," magalang niyang tanong sa nakatalikod na babaeng nurse. Humunto ito sa pag-aayos ng kung ano at nilingon siya nito.

Umangat ang tingin ng nurse dahil abot hanggang kili-kili lang ito ni Rafael. "Yes, Sir? Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" nakangiting tanong nito.

He cleared his throat. "May mga na-admit bang pasyente rito na nagngangalang Alexandrei at Agnes Del Vista? The my parents."

Mukhang alam ng nurse ang tinutukoy niya at hindi na ito nag-abalang tingnan ang record. "Ah, meron po, Sir! Kaano-ano po ninyo—"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang nurse. "I'm their son."

"Fifth floor po, Sir. Room 028," sagot ng nurse. "May mga pulis po roon kaya madali po ninyong mahahanap."

"Thank you." Tumango siya at nagpaalam na sa staff. He eyed Hannah. Siguro ay alam nito ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon at sinundan siya nito papunta sa pinakamalapit na elevator.

Hindi na nila kinailangan pang maghintay nang matagal. Pagkarating nila roon, malapit sa hagdan papunta sa iba't ibang palapag, bumukas ang pinto niyon at sumalubong sa kanila ang walong tao. Dalawa sa mga ito ay nurse at ang natitira ay mga kamag-anak ng pasyente.

Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay nababakante na ang elevator. Nauna nang pumasok doon si Hannah at dalawa pang tao. Pero hindi na niya naipagpatuloy ang paghakbang ng mga paa nang may umagaw sa atensyon niya. Isa sa mga lumabas ay kapansin-pansin ang pabango nito. Mayroon siyang kilalang tao na kapareho nito ng pabango.

Dali-dali siyang tumalikod at umagaw sa paningin niya ang isang tao na nakasuot ng dark gray jacket, natakpan ang ulo nito ng hood ng suot. Halos dalawang metro lamang ang pagitan nilang dalawa. At sigurado siyang lalaki iyon dahil sa hulma ng katawan at panglalaki ang suot nitong black jeans at Nike na sapatos. Nakapamulsa rin ang mga kamay nito.

"Eris." Kusang kumawala iyon sa bibig ni Rafael. Napansin niyang napahinto ito at bahagyang gumalaw ang ulo nito. Parang sinusubukan siya nitong tingnan. Sumilip ang isang ngiti sa mga labi ni Rafael. "Eris, ikaw ba 'yan?"

Pero muling nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki. Kusang humakbang ang mga paa ni Rafael upang habulin ito pero umagaw sa atensyon niya ang boses ni Hannah.

"Sir Rafael, pasara na po ang elevator," napalakas nang bahagya ang tinig nito. "Halika na po!"

Napa-tsk at napailing na lang si Rafael at nag-iba ng direksyon. Hinabol niya ang papasarang elevator. Sinabi na lamang niya sa sarili na hindi iyon ang kapatid niya. Nagkataon lang na huminto ito at kapareho ang pabango ni Eris.

Parang sa mga hotel ang ikalimang palapag. May sari-sariling kuwarto ang bawat pasyente. Naisip ni Rafael ay iyon ang mga private room sa hospital.

Pagkalabas nila sa elevator ay kaagad nilang hinanap ang sinabing kinaroroonan ng mga magulang niya. Sa pinto ng bawat kuwartong madapuan niya ng tingin ay may mga numero. Sa gawing kaliwa ay ang room number 1 hanggang 20 at sa kanan naman ay ang room 21 hanggang 30.

Umagaw sa atensyon nila ang isang kuwarto sa gawing kanan. May mga pulis sa labas ng pintuan niyon. Saglit ay bumukas ang pinto. Iniluwa niyon sina Naoimi at...

"'Ma?" May bahid ng pagkagulat at pagtataka sa tinig ni Rafael. Kung tutuusin ay dapat masaya siya sa mga nakikita. Wala siyang makitang tama ng bala o dugo sa suot nitong pulang blouse na pinarisan ng black satin pants. Malaya ring nakakagalaw ang kanyang ina.

But her uneasiness was too obvious. Pansin ni Rafael na habang kinakausap ni Naoimi ang kanyang ina, hindi mapakali ang mga daliri nito. Nanginginig ang mga iyon pati ang mga labi nito. Nagre-reflect sa may ilaw ang mga luha nito. Her voice was a little bit of shaky, too.

Pero kahit na ganoon ay gumuhit ang isang malawak na ngiti sa mga labi ni Rafael. Walang mapagsidlan ang saya niya na makitang nasa maayos na kalagayan ang kanyang ina.

Hindi na niya napigilan pa ang mga paa na humakbang at patakbong pumunta sa kinaroroonan ng kanyang ina. "'Ma!"

Napatingin sa kanya ang ina. Napabulyahaw ito sa pag-iyak at sinalubong siya nito ng isang mahigpit na yakap na para bang ilang taon silang hindi nagkita. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib. Ramdam din niya ang panginginig ng mga kamay nito sa kanyang likod.

"Raffy! Hijo!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Agnes. "I-I love you! I was so scared. I really am! I thought we were going to die! No! I couldn't! I couldn't!"

Walang ibang nagawa si Rafael kundi ang haplusin ang likod ng kanyang ina. Ramdam na rin niya ang paghapdi ng mga mata niya. At hindi niya napansing tumutulo na pala ang mga iyon.

"Mr. Del Vista, alis na kami," paalam ni Naoimi. "Ma'am, salamat po sa pakikipag-cooperate sa amin. Napakalaki ng naitulong ninyo. Aabisuhan na lang po namin kayo kung may update na kami. Sa ngayon, maiwan po muna namin kayo."

Tumango si Rafael. Patuloy lamang sa pag-iyak ang kanyang ina. "I'll talk to you tomorrow, Officer," basag ang boses na sabi niya. Tumango naman ang pulis at naglakad ito paalis kasama ang mga kasamahang pulis. "Hannah, can you get a glass of water for her please? Tingnan mo sa loob kung may water dispenser. Ako na ang bahala kay Mama."

"Sige po, Sir," sabi ni Hannah. Sinundan ng tingin ni Rafael ang pagpasok nito sa loob.

"Tell me, Raffy. Saan kami nagkamali ng Papa mo? Why did this happen to us?" nanginig ang boses ni Agnes.

"Wala kayong ginawang masama, 'Ma. You did everything what you think was right. Tumutulong kayo sa mga nangangailangan without asking for anything in return. Kung ano man po ang nangyari sa inyo ni Papa, it's their fault and not you, so please stop blaming yourself," alo ni Rafael sa kanyang ina.

"Sir, ito na po 'yong pinapakuha n'yong tubig sa akin," singit ni Hannah habang maingat na iniaabot kay Rafael ang isang styro cup na halos puno ng tubig.

"Thank you." Kinuha iyon ni Rafael. "'Ma, uminom po muna kayo ng tubig. Take it slow, baka po mabulunan kayo. Inhale... exhale... There you go. Great."

He handed the empty cup to Hannah.

"Thank you, Raffy," Agnes' voice now calm. Muli itong napayakap sa kanya. "Thank you for everything. I feel better now, but I'm still cared. Natatakot ako na baka maulit ulit ang mga nangyari."

"Nandito lang ako, 'Ma," he almost whispered. "Nandito lang ako. Anyway, how was Dad?"

Kumawala sa pagkakayakap ang kanyang ina at tiningnan siya nito sa mga mata. "He was shot with a bullet, Raffy."

Mariing napapikit ng mga mata si Rafael at nag-igting ang panga sa rebelasyong iyon ni Agnes. Napakuyom din siya ng kamao pero pinigilan niya ang sarili na mapasuntok sa pader.

Hinawakan ni Agnes ang kanyang mga kamay. Nanatili ang tingin nito kay Rafael. "But don't worry, Raffy. Natanggal na ng mga doktor ang bala sa binti niya. He's awake. The doctor's doing some tests to know if he doesn't have internal bleedings or whatsoever. I pray there's none. And..."

Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael. "Ano 'yon, 'Ma?"

"I'm thankful that a good samaritan still exists," sabi nito. "He reminds me of you, Raffy. What he did was heroic. He saved us from death! He's inside. Injured and unconscious."

Napasilip si Rafael sa loob ng kuwarto. Tama nga ang kanyang ina. A man, who was on his early twenties, was lying on the bed. Natatakpan ng benda ang palibot ng noo nito at may mga aparato na nakasalpak sa bunganga nito at sa pulsuhan. Normal ang heart beat rate nito gaya ng nakikita ni Rafael sa monitor. But he was in a deep sleep.

Habang nakatingin siya sa mukha ng binata ay hindi niya maiwasang mapahanga. Naisip niya, kahit na parami nang parami ang mga taong gumagawa ng krimen, may mga tao pa ring handang tumulong sa mga taong nangangailangan.

He raised his right fingers to his forehead and saluted. "Thank you, man," halos hangin na ang lumabas sa bibig ni Rafael nang sabihin iyon.

Alam niyang hindi sapat ang saludong iyon para bayaran ang katapangang ipinamalas ng binatang iyon. Pero gagawa siya ng paraan para kahit papaano ay matulungan din niya ito basta't naaayon pa rin sa ikararangal ng bansa.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C14
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ