ดาวน์โหลดแอป
33.33% Chicken, Beer, & Kyungsoo / Chapter 2: CHAPTER 2

บท 2: CHAPTER 2

BUSY si glezee sa pag-aasikaso sa pang anim niyang pasyente sa umaga na iyon. Kadalasan sa mga patients ay carpal tunnel syndrome ang diagnosis. Aside from being active in sports, those members are also busy with their businesses kaya naaabuso nito ang mga kamay nito. Kahit nasa kalagitnaan ng treatment session ay panay ang pagring ng mga mobile devices nito. Ang iba, doon nakikipag-close ng business deal sa isla. May mga company conferences din na ginagawa doon. At kahit ganoon na lamang kayaman ang mga ito, they are all down to earth creatures. Inalok pa siyang maglunch kasama ng mga ito kaso pinili niyang samahan si Sham.

"But she's with Charles right now." Sagot ng inaasikaso niyang pasyente na si Shownu. 

"Chu Santos?" 

Tumango lang ito. Nabigla siya sa sinabi nito at mukhang nahalata nito iyon dahil saglit siyang napahinto sa pag-uultrasound ng kamay nito. Agad naman niyang pinagpatuloy iyon.

"Ah, sige. Pero hindi ba nakakahiya naman sa inyo? Empleyado lang ako dito."

"Wala namang problema doon, ah. Tsaka, treat ko na rin ito sa'yo dahil ikaw ang nag-asikaso sa'kin. Last week it was Sham, and I took her to dinner. Kaya nga siguro nagselos si Charles at bigla na lang binabakuran si Sham. Hindi naman ako flirt. Mabait lang."

Natawa siya sa sinabi nito. Ngunit nagring ang tenga niya nang binanggit nito na nagseselos si Charles. Wala yatang sinasabi sa kanya ang kaibigan niya? Ang dami talagang tsismis na nakukuha niya mula sa mga members na tungkol rin sa mga kapwa nito member. So far sa anim niyang pasyente, lahat ng mga ito ay madaldal. Alam na nga ng mga ito kung ano ang nasaksihan niya kaninang umaga.

"So tell me.." Nagsalita na naman si Shownu. "How do you find his body?" 

Biglang nasamid sa sariling laway si Glezee sa tanong ng lalaki. Iyon na yata ang pinakamatagal na five minutes. Hindi pa rin tapos ang pag-uultrasound niya sa kamay nito kaya hindi rin siya makaiwas sa nakakabiglang tanong nito. 

"Hmm. Okay naman po yung katawan ni sir. Malusog." Hindi naman nito tinanong kung macho ba. Masmabuti na safe ang answer na ibinigay niya. Baka ano pa ang isipin nito at ipagtsismisan na sa kasama nitong members. 

"Ang vague naman noon. Paano ba yung malusog?" 

"Yung sapat na para makapag-aral ka ng anatomy sa muscular system." 

Sa wakas at tumunog na ang timer. Agad na pinunasan ni Glezee ang kamay nito para matanggal ang ultrasound gel habang ito naman ay natawa sa sagot niya.

 "Sapat na rin para lagnatin ka?" Maslumakas ang tawa nito nang muntik na niyang mahulog ang ultrasound head. "Relax, Glez. Nagbibiro lang ako. Oh, speaking of malusog. Kyungsoo!"

Biglang nataranta si Glezee sa paglilinis ng gel sa ultrasound head. Narinig kaya nito ang pinag-usapan nila? Babagalan niya na lang para mabusy siya at hindi na niya ito kailangang harapin.

"Naglunch ka na?" Tanong ni Shownu dito.

"Hindi pa." Tipid na sagot nito. 

"You want to join us? Magla-lunch kami ni Glezee."

"Leave her alone, Shownu." 

Napalingon si Glezee sa sinabi nito only to find out that he was standing right behind her. He was wearing a riding habit: black leather jacket, white tight trousers, at riding boots. She has never seen a man so intimidating yet reassuring at the same time. Kung ang mga kasama nitong miyembro ay punong-puno ng kalokohan sa katawan ito naman ay parang wala lang. Ngunit hindi niya kayang balewalain ang titig nito. 

"I'm sorry if I made you uncomfortable earlier." He said in a serious tone. His eyes fixed on hers.

"I'm sorry din natapon ang kape niyo." 

"Apology accepted." His lips curved giving a hint of a smile. Nagulat siya nang ngumiti ito. Marunong pala itong ngumiti? Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kakabahan. Para kasing may lihim sa mga ngiti nito. O baka naman nag-o-overthink lang siya.

"C'mon, Kyungsoo. If you're really sorry for your little show, you should at least treat her some lunch. I bet she's hungry." Pangungulit ni Shownu dito. Kyungsoo placed his hands on his hips and faced his co-member. Tila napaisip ito sa sinabi ng kaibigan nito.

Aangal na sana siya ngunit narinig niyang nagreklamo ang mga alaga niya sa tiyan.

"O, narinig mo 'yon?" Dagdag pa nito. Did he really have to point that out?! Hindi niya alam kung ano ang balak ni Shownu at kung bakit nito pinipilit si Kyungsoo na sumabay sa kanilang maglunch. Basta ang alam niya, masasakal niya ito kapag hindi pa ito tumigil.

Lumingon si Kyungsoo sa kanya.

"Where do you want to eat?" He asked with a curious look on his face. Lumampas ang tingin niya dito saglit at nakita ang nanunuksong ngiti ni Shownu habang tumaas-baba ang mga nito.

"Wrong question, Kyungsoo." Singit ni Shownu. "Never ask a woman that question kung ayaw mong abutin kayo ng siyam-siyam. It's either "ikaw bahala" o "kahit saan". If I were you, invite her to eat her favorite food." 

"Fine." Kyungsoo shot Shownu a glare before looking back at her. "Let's go get you your favorite food then." 

Biglang nagring ang cellphone ang ni Shownu.

"Hello?" Hindi nawala ang kunot sa noo ni Shownu habang nakikinig sa taong nasa kabilang linya. Maya-maya pa ay napabuntong hininga ito before shooting them an apologetic look. "I'll be there." He said before putting down his phone.

"I'm so sorry, guys. Something urgent came up. I hope you two enjoy your lunch." He smiled cheerfully before walking out of the clinic. Sinundan niya ito ng tingin. So meaning silang dalawa lang ni...

"I guess you're stuck with me."

Kyungsoo. The handsome man in his riding habit standing in front of her with his cold smile na may halong pagka-asar. 

"Don't worry. I'll make sure I'll make a better company than him. Are you ready?"

"Let me just go get my wallet."

"Don't bother. We'll put it on his tab since pareho tayong pinagtripan niya." He arranged the chair Shownu just used and motioned towards the door. "Ladies first."

Nauna na siyang maglakad.

"Until what time ang lunch break mo?" He asked as he opened the door for her.

"I have an hour and thirty minutes."

There were a few cars and a horse in  the parking space. She turned to him with a confused look. Kyungsoo was still wearing his riding habit.

"Is that your horse?" 

"Yes. He'll take us to Sabor a Mi."

Kyungsoo walked towards the huge black stallion chewing a carrot. Ito ang sasakyan nila? 

"Pero hindi ako marunong sumakay ng kabayo."

He motioned her to come closer so she's standing next to the him and the stallion.

"This is Boomer. He's trustworthy so you shouldn't worry. At a count of three I'll give you a lift so place one foot on the stirrup and hold onto the pommel." He instructed. pointing the parts he mentioned. "I'll be right behind you."

She blinked at him. "Seryoso ka?"

Tumango naman ito. "Akong bahala sa'yo. Kapag nadisgrasya ka kasama ko, ako ang sasalo ng lahat."

"Promise?" she held out her pinky. 

"Promise." Kyungsoo has a confused look on his face but he locked his pinky with hers anyway. 

"Alright. One.." He started counting. She placed her left foot on the stirrup while her left hand held the pommel of the saddle. 

"two," She felt Kyungsoo's hands on her waist. 

"three." She was lifted off the ground and onto the stallion. She then felt him behind her. "It's okay, Glezee. I'm here. Hold on tight."

His arms found their way around her. His breath on her ear as he spoke. She can even smell him. He was that close. The horse started to run. Hindi niya alam kung hooves ba ng kabayo ang naririnig niya or sariling tibok na ng puso niya. Bakit ba siya ninenerbyos ng ganoon? Sanay naman siyang madikit sa mga lalakeng pasyente dahil na rin sa trabaho niya. Pero yun nga lang, hindi siya nagtatrabaho ngayon at hindi niya ito pasyente. And she was about to have lunch with this handsome man maneuvering the horse.

"Okay ka lang ba diyan?" He asked from behind. She turned her head to look at him only to find out what awaited for her. Kyungsoo's lips was only a few inches away from hers. She also noticed how smooth his skin was. Walang bakas ng pimple o kahit na anong tagyawat. Seryoso itong nakatingin sa daan ngunit tila naramdaman nito ang pagtitig niya at nagsalita ito ulit. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. "Enjoying the view?" 

 Mabilis pa sa alas kwarto siyang lumingon ulit sa harap niya. 

"Yes po!" She made herself sound cheerful na halatang fake dahil umangat ng halos isang octave ang tono ang boses niya. "Baka maglibot ako mamaya. Kagabi lang kasi ako dumating kaya hindi ko masyado naaninag ang mga nadaanan ko. Hehe!"

"Maganda ang view mamayang hapon sa Tierra Bonita. You should check out the sunset. Tapunan mo ulit ako ng kape kung pangit." Seryosong sabi nito.

"Hala siya, oh. Sorry na nga, sir." Napalingon ulit siya dito. Nakalimutan niyang sobrang lapit nga pala ng mukha nito kaya umiwas ulit siya ng tingin. "S-sorry na, sir."

Narinig niyang tumawa ito. Kahit papaano ay naibsan ang nag-aabnormal niyang puso.

"Huwag mo na nga akong tawaging 'sir'. Hindi mo naman ako pasyente. And I'm taking you to Sabor a Mi for a lunch date not a treatment session."

"Okay po."

"Say it."

"Say what?"

"My name. Wag kang po at opo sa'kin. Ihuhulog kita."

"Uy grabe ka naman sir_" Marahas na pinahinto ni Kyungsoo sa pagtakbo ang kabayo dahilan ng pag-angat ng dalawang paa nito sa harapan at siya naman ay parang mahuhulog kung wala lang ang lalaki sa likod niya. "Kyungsoo!!!!" Malakas na sigaw niya. Seryoso pala ito sa banta nito?!

"Good girl." He said as he tapped her head lightly. She can feel his shoulders shaking from behind. She turned to him and saw him laughing at her. But he immediately stopped and coughed. "Sorry. We're here."

Nauna itong bumaba pagkatapos ay inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Paano nga ba siya bumaba ng kabayo? Katulad lang rin ba ng pagbaba sa motor? Ah, bahala na. Bumaba siya sa paraang alam niya. She felt his hands on her hips once again until her feet touched the ground. Nanlambot yata ang tuhod niya sa takot at napahawak siya kay Kyungsoo. Mabilis naman siyang inalalayan nito.

"May nanalo na. Umuwi na tayong lahat!" Nakita ni Glezee si Chanyeol kasama ang dalawa pang miyembro na nakaupo sa labas ng verandah. Mabilis na bumitaw siya kay Kyungsoo. Tumawa ang isa sa mga kasama nito samantalang ang isa naman ay tiningnan lang sila saka umiling-iling habang may kausap sa cellphone. Parang polar opposites ang kasama ni Chanyeol, isang nakangisi lang at isang walang emosyon. At kung kaninang umaga ay nakariding habit si Chanyeol, ngayon naman ay nakawetsuit na katulad ng dalawa nitong kasama. Ang active talaga nito kaya naman batak na batak ang muscles.

"Bahala ka. Basta bayaran mo ang pagpapaluto mo ng isda o kung anuman yang nahuli mo."

"Negosyo pa rin ba iniisip mo kahit may date ka na?" Siya naman ang tinuunan ng pansin ng nakangising lalaki. "Hi! I'm Jimin. That one busy guy is Suho. We're Kyungsoo's friends." 

"I'm Glezee. I guess I'm Kyungsoo's friend too." Natatawang sagot niya. 

"I can say you are. You even shouted his name." Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Kung ganoon narinig rin ng iba pang customers ang eksena nila? "You're cute, Glezee. Tayo naman magdate next time."

"Ha? Eh_" 

"Tumigil ka nga Jimin kung ayaw mong isumbong kita kay Patricia."

"Tinetesting lang naman kita Kyungsoo kung ano ang magiging reaksyon mo. And you passed the test!"

Hinila na siya ni Kyungsoo papasok sa restaurant. She heard the boys laughed as they left. May sayad nga yata sa utak ang mga ito. Pero ang payo sa kanya ng kaibigan niya, sakyan niya lang.

"Huwag mong patulan ang kalokohan ng Jimin na 'yon."

"Hindi talaga."

They entered the restaurant by the sea. The interior looked sophisticated as well as the people dining inside. Siya lang yata ang nakajeans at rubber shoes. Sana pala nag-ayos muna siya ng sarili before sila umalis para kahit papaano ay magmukhang presentable siya. 

Dinala siya ni Kyungsoo sa second floor ng restaurant kung saan mas tanaw ang kabuo-an ng dagat. He even pulled the chair for her to sit. First time niyang naranasan iyon. Uso pala talaga ang mga ganoong gestures? Nagpasalamat siya dito at ito naman ay naupo sa tapat niya. Hinubad nito ang leather jacket nito which revealed a while long sleeved polo.  Medyo bumakat pa ang braso at chest nito. She couldn't help but admire those pecs and biceps. They were seated by a huge glass window kung saan tanaw niya ang lawak ng dagat pati na rin ang karatig na mga isla.

Lumapit sa kanila ang waitress para kunin ang orders nila. Tiningnan niya ang menu. Mukhang masasarap naman ang pagkain pero wala dito ang hinahanap niya. Ewan ba niya at para siyang naglilihi.

"Wala kang nagustohan?" Inangat niya ang kanyang tingin mula sa menu. Nagtataka ang mukha ni Kyungsoo. "Pwede ka namang magrequest. Sabihin mo lang ang gusto mo."

"Sorry, ha? Alam kong Spanish restaurant ito pero pwede bang magrequest ng kimchi fried rice at yangnyeom fried chicken? O kahit spicy fried chicken na lang?" Nahihiyang tanong niya sa waitress. Bumaling naman kay Kyungsoo ang babae. Tinanguan lang ito ni Kyungsoo.

"What about for your drinks, ma'am?"

"Ice cold beer, please." Nginitian niya ang waitress. 

Lumingon ulit ito kay Kyungsoo na nakatingin lang sa kanya.

"I'll have what she's having." Sabi nito nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kanya. Siya na ang pumutol sa kanilang titigan at binalingan ng atensyon ang view sa labas. Naiilang na siya. Nag-aabnormal na naman ang tibok ng puso niya.

Inulit ng waitress ang kanilang order bago ito umalis. Bumaling ulit siya kay Kyungsoo na hanggang  sa mga oras na iyon ay nakatingin pa rin sa kanya.

"Hindi ko alam mahilig ka pala sa alcohol." Sabi nito ng walang bahid ng panghuhusga.

"Pangalan ko lang naman ang alam mo tungkol sa'kin." Pamimilosopo niya dito. 

"I mean wala sa mukha mo."

"Wag ka kasing judgmental." Nabigla ito sa sinabi niya. Nginitian niya lang ito ng matamis. Hindi niya mapigilang asarin ito. Medyo naiinis pa rin siya sa ginawa nitong pananakot sa kanya kanina. "Bakit parang ikaw yata ang boss dito?"

"Well, that's because I own the place."

"Talaga? Sa'yo itong lugar na 'to?"

"I own the restaurant. Si Suho ang may-ari ng country club." Tumangu-tango lang siya. Ano pa nga ba ang ine-expect niya mula dito? 

"Ah, ano nga pala ang ginagawa mo sa clinic kanina?" Tanong niya dito.

"Kumuha lang ako ng medical certificate."

"Bakit? Nadisgrasya ka?"

"Ang sadista mo naman."

"Dehydrated kasi siya." Napalingon siya sa nagsalita. It was Andoni. Ito yung isa pang crush ng kaibigan niya. Kung si Charles at intsik, ito naman italiano. "Naturingang isang magaling na chef ngunit binabale wala ang pagkain." 

"At ibaban siya ni Suho sa arena kung wala siyang med cert na maipakita pagkatapos niyang sumali sa cross country race kanina." Kasama nito si Jinyoung. Nagliwanag ang mukha niya nang sumilay na naman ang napakagwapong ngiti nito. "Hi, Glezee. Mabuti naman at mukhang nag-eenjoy ka unang araw mo dito."

"You're Sham's reliever?" Andoni asked.

"Yes, doc."

"Cool." Bumaling ito kay Jinyoung. "Required bang maging cute ang mga OT?" 

"I guess." Sagot naman ni Jinyoung nang nakangiti pa rin sa kanya. 

Siguro kung hindi lang siya brokenhearted dahil sa ex niya ay sinimulan na niyang magpacute dito. Pero grabe. Nahihiya pa rin siyang tingnan ang mga ito dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Parang mga peke o kaya naman artista.

Tumayo si Kyungsoo mula sa kinauupuan nito at kinaladkad ang dalawang kaibigan palayo.

"I'll be right back, Glez. Titingnan ko lang kung maayos bang naluluto ang request mo." Pahabol na sabi nito. Natatawang tumango siya dito. Ang close yata ng mga members sa isa't isa. Binalingan niya ulit ang magandang tanawin sa labas. Ang sarap tumalon mula sa kinaroroonan niya. Sa weekend sisiguraduhin niyang makakapagtampisaw siya sa dagat.

"Is it just me or talagang there is cheapness in the air?"

"Right? Amoy hampas lupa talaga. Look at those pair of worn out jeans and shoes."

Napalingon siya sa mga nagsalita. Dalawang babaeng nakacocktail dress at high heels ang dumating at naupo sa table malapit sa kanila. Tiningnan siya nga mga ito mula ulo hanggang paa. Kung may mga mayayamang down to earth, meron ding mayayaman na mukhang earth. Palibhasa mapera ang mga ito kaya basta basta nalang siyang minamaliit. Hindi naman niya magawang awayin ang mga ito.

"I can't believe one of the members took her out on a date."

"I refuse to believe it either. Baka charity work lang."

Gusto mang pagbuhulin ni Glezee ang dalawang babae ay hanggang sa isip nalang niya iyon.

"Excuse me?" 

Nagulat siya sa nagsalita. Isang babaeng nakablack leather pants at jacket ang umupo sa tapat niya. The lady had red lipstick on and looked really gorgeous as she crossed her legs and combed her long hair while raising an eyebrow at the women who spoke ill.

"And you are?" Tanong ng mga maldita dito. Tinawanan lang ito ng babaeng kakarating lang.

"You don't even know me and you act as if mayayayaman kayo? What a joke! At kung may naaamoy kayong kacheapan, mga sarili niyo 'yon. So please get off your high horse."

"Anong kaguluhan ito?" It was Sehun. His face serious. Good mood naman ito kaninang umaga ngunit nakakatakot na ito ngayon. "Cherry, please don't terrorize Marie and Mae."

"Sehun, ibalik mo sa kwadra yang mga kabayo mo at nangangamoy na itong Sabor a Mi ng horses' shit. At pagsabihan mo rin na wala silang karapatang mangmaliit ng kahit na sino."

Sehun turned to her. "I'm sorry, Glezee. Ako na ang bahala rito." He faced the woman he called Cherry. "Don't tell Suho about this. He doesn't have to know."

"Well, hindi naman kami close ni Suho. That will depend on ate Xai." Napabuntong hininga lang si Sehun at saka umupo kasama ang dalawang bwisit na babae. Siya naman ay nilingon ang babae sa tapat niya. "Hi! Sorry kung nabigla ka. Hindi ko kasi kayang palampasin ang mga ganitong pangyayari. You see, I'm allergic to social climbers. Ako rin ang savior ng mga api. Kaya't hanggang nandito ako, wala kang dapat alalahanin."

"Oo nga. Ako lang naman ang inaapi mo." Si Shownu naman ang dumating. "Hi, Glezee! Nameet mo na pala si Cherry. Siya ang dahilan kaya hindi ako makapaglunch kasama ninyo ni Kyungsoo."

"Aba, Shownu kung labag sa kalooban mo I'm not forcing you to have lunch with me. Maraming guwapo dito kaya hindi ako malulugi kahit wala ka." Bumaling si Cherry sa kanya. "Huwag kang magpapaloko dito, Glezee. Malandi talaga itong bwisit na 'to." At tuluyan na itong umalis na sinundan naman ng nagkakamot sa ulo na si Shownu.

Matagal pa ba si Kyungsoo? Maraming eksena ng lumipas at hindi pa rin ito nakabalik. Ilang minuto bago niya ito nakitang lumabas sa kitchen at medyo pinagpapawisan pa.

"I'm sorry natagalan ako."  Naupo ito sa harap niya. He's white long sleeves are now rolled up to his elbows. "I took over the kitchen for a while para ma-enjoy mo ang one hour and thirty minutes eating your food."

Natouch siya sa sinabi nito. Nabawi ang lahat ng panglalait na ibinato sa kanya ng mga bwisit na babae. Kaya okay na ulit siya. "You didn't have to do that. I'm a very patient person." 

"Well, I'm not. At gutom na rin ako. But I'll take note of that."

Kinuha niya ang kanyang panyo mula sa bulsa niya at inabot ang noo nitong pinagpapawisan. "Ganoon ba kaintense sa loob ng kitchen niyo para pagpawisan ka? Inutusan mo na lang sana ang mga tauhan mo tutal naman trabaho nila iyon. " 

He held her hand that was wiping his sweat. She was caught by surprise and blinked as his face was no more than 5 inches away from hers. And he was looking at her as if analyzing her face. Napaurong siya. Ano bang ginagawa niya?

"Sorry. Ikaw na magpunas sa sarili mo." Binigay niya dito ang panyo niya. Umayos siya ng upo habang ito naman ay sinunod ang sinabi niya. 

"Thanks.." Tila wala sa sariling wika nito. 

Biglang nagring ang phone niya. She looked at the name registered on the screen. Kung sagutin na lang kaya niya para matahimik na ito? Pero baka isipin naman nito na may pag-asa pa silang magkabalikan dahil in-entertain pa niya ito. So she declined the call.

"Why don't you just answer the phone and tell him to back off once and for all?" Ibinulsa nito ang panyo niya. "Wag ka ng magtaka kung lahat ng member ay kilala ka na o may alam na sa lovelife mo o sa nangyari kanina sa pantry. Lalo na't nakasalamuha mo ang dalawa sa pinakatsismosong miyembro."

"Oy, panininirang puri 'yan, Kyungsoo." singit ni Sehun mula sa kabilang table.

Kyungsoo shrugged as if saying, See? I told you.

"Well, I really don't want to talk to him. Wala na rin akong sasabihin sa kanya. Kaya bahala na siya sa buhay niya."

Mabuti na lang at dumating na ang order nila at inumpisahan na niyang sunggaban ang nirequest niyang pagkain. Nakailang subo na siya ngunit napansin niyang nakamasid lang ang lalaki sa kanya na tila may hinihintay na feedback.

"What?" She asked with her mouth full. Umiling ito at inumpisahang kumain. Tumangu-tango pa ito habang sunod sunod ang pagsubo.

She pinched the chicken with fork and took a bite. Damn, it's good. She took one bite after another. Maanghang lang talaga masyado pero masarap. 

"Woah.. I love it." She sniffed and coughed a bit. Pero hindi siya weak at sanay na siya dito dahil ito ang go-to food niya. 

Hindi muna niya pinansin ang kadate niya nabusy rin sa paglantakan ng pagkain. Nang makaubos siya ng dalawang plato ng kimchi fried rice ay tumigil na siya. Parang puputok sa sobrang busog ang tiyan niya.

Napadansal siya sa kanyang upuan at tinanggal ang kanyang salamin. She wiped it with the end of her scrubs. Pagkatapos ay inalok siya ni Kyungsoo ng tissue na tinanggap naman niya para punasan ang pawis sa noo niya. Hindi man lang ito pinagpawisan o namula.

"Bakit nga pala ikaw ang reliever ni Sham?" Tanong nito habang pinag buksan siya ng canned beer. "Hindi mo ba mamimiss ang city life?"

"Sawa na ako sa city life. Gusto ko naman mamuhay ng tamihik kahit one week lang."

"Oh, is it because of your infamous ex-boyfriend again??" He was pouring his beer in a glass with ice. 

She sighed as she poured herself a drink in her own glass with ice. "Yes. I have no idea what he has to say but I am so  done with him. In the first place, he was the one who cheated so why bother me now." Umiling-iling siya bago lumagok. "Ahh..The best combination talaga ang chicken at beer. You should add this in your menu. Pero hindi na siya Spanish dish."

"Ikaw lang naman ang nagrequest nito. Hindi ko ito idadagdag sa menu but I will make sure you get to eat this whenever you want." He said with a smile. Hindi niya mapigilang hangaan ang ngiti nito. Ang tipid talaga. Parang mahal yata ang bayad kapag ngumiti ito na kita ang ngipin. Mas nagiging obvious ang pagiging babyface nito. Until his face is back to being serious. Inisang lagok nito ang laman ng baso bago nagsalin ulit. "You should have cut off all connections with that man kung ayaw mo ng makipagcommunicate."

"I did. I've been ignoring him for a week already. I can't afford to change my mobile number dahil nandito lahat ng contacts ng client ko."

"Block his number then." He said before drinking  from his glass, not breaking the eye contact between them. He looked like he was doing a TV commercial. Man, she would buy herself a dozen of those canned beers. "Don't tell me you're actually considering answering one of his calls?"

"Maybe. Someday. But not now. Masyado pang fresh."

"Why? Cutting off all connections means wala ng pakialaman ever. Kahit ikamatay niya pa iyan."

Nagulat siya sa sinabi nito. "Wow. Who hurt you?"

He laughed softly. Ay ang gwapo...

"No one. Because I won't give anyone the chance to do so. And if ever man masaktan ako, I make sure to get even. An eye for an eye. A tooth for a tooth." He took another gulp of his beer before he continued. "And because he cheated on you, you should go on with your life. Don't imprison yourself in the past. Go ahead and date another man. I don't believe in that three-month-rule. Magmo-move on ang tao kung kailan nito gusto. Huwag kang magpatalo sa ex mo'ng kayo pa pero may iba na."

"So parang hahanap ako ng rebound, gano'n?"

"It won't be a rebound kung aware ang both parties na you're only dating for fun and not for marriage. Para naman hindi rin unfair sa part ng date mo."

"At nagiging madaldal talaga 'yang kasama mo kapag nakainom ng alcohol." It was Jin with Andoni. Mukhang tapos na yata kumain ang dalawa. "Mauuna na kami ni Andoni sa clinic. And Kyungsoo, mind your alcohol. Bawal ang lasing dito."

"Restaurant ko ito, Jinyoung." 

"I know. Pero wala akong balak na gawin mong alalay ang OT ko."

"OT mo?"

"Oo, OT ko. Bakit?"

Hindi na siya sumingit sa asaran ng dalawa at minabuti na lang niyang ubusin ang beer niya. Mahina pala talaga sa alak si Kyungsoo dahil namumungay na ang mga mata nito. How could this man sound so callous yet look so fragile?

"Fine. She won't be your OT after a week anyway." He then looked at her, his eyes round and soft. He looked gentler now compared to the glare he gave Jin. "You go with them, Glez. I'll have to return Boomer to the stables habang nasa tamang wisyo pa ang utak ko . I'm sorry I couldn't handle my alcohol so well." He reached to tuck a lock of her hair behind her ear, not tearing his gaze away. "I hope you enjoyed the food I cooked for you. I'll see you later." His lazy grin started to show. 

Hindi naman siya madaling tamaan ng alak pero bakit nagpapalpitate na siya?


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C2
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ