ดาวน์โหลดแอป
80.28% Broken Trust | Completed / Chapter 57: Chapter 55

บท 57: Chapter 55

Chapter 55: Truth Or Dare

"Sino ang mauuna?" Tanong ko.

"Sige, ako na lang," Volunteer niya. Agad niyang ipinasok ang kamay sa loob ng garapon at kumuha ng isang papel.  Pinapanood ko lang siya habang excited malaman kung ano iyon. "It was a dare," Huminga muna siya nang malalim bago niya iyon basahin. "Let someone touch one part of your body for about 20 seconds."

"Seriously?" Iniharap niya sa akin 'yong papel bilang patunay.

"Since tayo lang naman dalawa ang naglalaro rito. Basically, ikaw ang hahawak sa akin," He winked his left eyes and it made me feel awkward.

"Ew! Kadiri ka!"

"Green minded," He chuckled. "Don't worry, just hold my hand for 20 seconds and that's it. Simple as that."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa para kunin agad 'yong kamay niya at hawakan ito nang mahigpit, nagulat pa siya sa ginawa ko but eventually, naramdaman kong he also closed his finger into mine. Alam kong hindi siya kumportable dahil hindi siya makatingin sa akin nang maayos and I also feel his hand seems starting to moist.

"Okay na! 20 seconds has ended up," Binitawan niya agad ang kamay ko at pinunasan agad iyon gamit ang panyo niya.

"Pasmado ka?"

"Yep, but not all the time," Tumango-tango ako. "Your turn. Pick one!" Bahagya niya pang hinalo ang mga papel sa loob ng garapon bago niya ito ibinigay sa akin.

Pagkabunot ko ay agad ko iyon binasa. I raise my left eyebrow while reading it. "Truth. Do you pee in shower?" It was a craziest question I've read. "What kind of nonsence question is this? Pambihira, do I have to answer this?"

Humagalpak pa siya nang tawa at halos maluha-luha na. Samantalang ako, hinihintay siyang matapos. "Sorry," sabi niya habang nagpapahid ng luha. Nang mag-subside ang tawa at luha niya ay tumingin na ito sa akin nang deretso.

"Okay na? Tapos ka nang tumawa?" Malamig kong tanong.

"Sorry na. What's your answer, then?" Matawa-tawa niya pa rin sabi.

"Okay, fine. Minsan lang kapag tinatamad pumuntang toilet."

Mas lalo pa siyang humagalpak ngunit maya-maya sinundan ko na rin iyon. Actually, napatawa ako hindi dahil sa sagot ko, kung hindi sa paano siya tumawa. Napapaluha na naman siya, eh.

Sandali akong napatingin sa kanya, muling nag-flashback sa utak ko kung paano niya ako itrato kahapon, ibang-iba ang nasasaksihan ko ngayon. His blank face yesterday didn't exist now. And I'm happy for that even it's kinda weird.

"Sorry ulit," Nagpahid ulit siya nang luha niya. "Tinatamad ka pang pumuntang toilet? Eh, malapit lang naman iyon sa shower, ah."

"Ganoon ako katamad," Sabat ko. "Ikaw na sunod."

Kumuha na siya ng isang papel at binasa ito. "Describe what's your crush looks like."

"Dali! Sagutin mo na."

"Probably, she's the most beautiful creature I've seen. Napakasimpleng mag-ayos ng sarili and yet, still beautiful in my eyes. Kapag nasisilayan ko 'yong ngiti niya, mas lalo akong nahuhulog. Then, 'yong mga mata niyang nang-aakit, hindi ako magsasawang titigan iyon gabi-gabi. Siguro, baliw na nga ako sa kanya ngunit masaya ako para doon. Actually, 'yong histura niya bonus lang para sa akin iyon, eh. I'm more in love with her attitude, minsan na niya akong tinulungan sa problema ko. Napakabait at maintindihin," Napangiti ako sa mga sinabi niya. Napaka-sweet. Halata sa kanya kung paano siya hulog na hulog sa crush niya, base sa kumikinang niyang mga mata. Kung sino man iyon, huwag siyang magkakamaling i-reject itong si Prince.

"Sino bang tinutukoy mo?"

"There will be no follow-up question, Jamilla. That's a second rule," He chuckled. I just rolled my eyes and instantly pick up one paper from a jar.

Napatakip ako nang bibig dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala na maglalagay rin siya ng ganitong klaseng dare. "Ba't parang gulat na gulat ka? Basahin mo nga."

"Pambihira kasi itong dare na ito. Ayaw kong gawin."

"Basahin mo nga!"

"Switch clothes with someone of the opposite sex. Until you two get home."

"Naku, game?"

"Bakit kasi may ganito ka pang inilagay? Kahit naman ikaw ang nakakuha nito, wala rin akong choice."

"Sino bang may sabing ako ang naglagay niyan? Tulad mo, wala akong idea. Lahat ng mga truths and dares ang nasa loob niyan ay pinagawa ko lang sa kaklase ko."

"Pwes, aatras ako rito."

"Ang KJ naman nito! Gawin na natin."

"Are you serious? Look at my outfit. I'm wearing a dark blue dress. Huwag mong sasabihin itutuloy pa rin natin?"

"Minsan lang maging babae, gawin na natin."

"Bakla ka?"

"Sabi na nga ba itatanong mo iyan, eh," sabi nito. "Hindi ako bakla, gusto ko lang ma-enjoy itong araw na ito. Yet, I want this day would be my memorable day with you. Please?" He pleaded.

"Matapang nga ito. Sige na nga," Lumapad ang ngiti niya. Sinabihan niya ang driver na itigil muna ang sasakyan sa malapit na gasolinahan para doon kami magpalit ng mga suot namin. Hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako sa kagustuhan niya, bahala na. Gosh, kinakabahan ako.

-

Pahirapan kami ni Prince bago nagpalit ng mga damit namin. Mabuti't tinulungan kami ng driver niya. Nang pagkalabas ko ng banyo ay hindi ko mapigilan ang sarili para tawanan siya. He looked so different. Weird. Sa liit ng dress ko, hubog na hubog tuloy ang katawan niya.

"Ang gwapo naman natin," Puri niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Mabuti't hoody jacket at pants lang 'yong suot niya kanina kaya medyo hindi ako ganoon naco-concious para rito. Compare sa kanya na halatang pambabae ang suot. "Nagsisisi na ako kung bakit pumayag pa ako sa dare na iyon."

"Basta, wala nang bawiaan. Matapang ka, 'di ba? Pwes, panindigan mo," I chuckled. Ngumuso siya sa akin kaya mas lalo akong natawa. Tila, nabaligtad ang mga emosyon namin kanina. Ako 'yong ayaw pumayag pero ngayon siya naman. "Tingnan mo si Kuyang Driver, natatawa na rin."

"Ayos lang po ba suot ko, kuya?" Tanong ni Prince rito.

"Opo, mukha po kayong nawawalang isa sa disney princesses," Humagalpak pa ako lalo nang isinagot niya iyon. Gosh, sumasakit na ang t'yan ko sa kakatawa.

"Tara na, sakay na nga tayo," Inis nitong sabi.

Sising-sisi siyang bumalik ng sasakyan, samantalang ako ay hindi pa rin kayang i-urong ang pagtawa at inaasar siya. Hindi niya ako pinapansin subalit sinasamaan lang ako ng tingin. Ginusto niya 'yan, eh.

"Sige, tumawa ka lang."

"'Di ba, ang sabi sa dare, until we get home? Ibig sabihin—" Aasarin ko pa sana ulit siya ngunit sumabat ito.

"Oo! Magtitiis akong suot itong dress mo kahit nasa Windmill na tayo. Nakakainis naman, eh. Paano ko mag-pipicture ang sarili ko kung ganito hitsura ko?" Inis niyang sabi.

"Well, ginusto mo iyan, I gonna support you na lang sa kahihiyan mo mamaya," I chuckled. "Let's proceed, ikaw na ang sunod. Ako na lang ang bubunot," Hinayaan niya akong kumuha ng isang papel sa garapon.

"Aha! It was a dare! Kiss your crush," Ipinakita ko sa kanya 'yong papel.

"I can't be able to do it. She already have a boyfriend," Ipinako nito ang atensyon sa labas ng bintana. Pansin ko ang lungkot mula sa mga mata niya.

"So?" I am spechless.

"I refused."

"Then, do the punishment!"

"Puwedeng mamaya na lang tayo maglaro? I'm getting bored. Gusto kong matulog," Isinandal nito ang ulo sa bintana at ipinikit na ang mga mata.

Hindi ko alam kung bakit nag-iba bigla ang mood niya, it was because of the dress he wore or because of the dare? Hays, akala ko tuloy-tuloy na 'yong pagiging hype niya ngayon araw pero hindi rin pala.

Dismayado akong bumalik muli sa puwesto ko kanina, sa tabi ng bintana. I take another glance at him before I decided to get my phone and watch the live stream of our Sportsfest. Naisipan kong matulog ngunit ayaw ng diwa ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C57
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ