ดาวน์โหลดแอป
58.17% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 566: Labintatlong taon kitang minahal (37)

บท 566: Labintatlong taon kitang minahal (37)

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

"Si Lu Jinnian?" Naguguluhang bulong ni Qiao Anhao. Noong sandaling icheck niya ang top ten sa mga headline, napansin niya na anim sa mga balita ay patungkol kay Lu jinnian kaya dali dali siyang nagtanong kay Zhao Meng, "Kamusta siya? Bakit siya pinaguusapan ngayon?"

 "Qiao Qiao, ayoko sanang sabihin ito sayo… pero sabi mo diba gusto mong magtrabaho sa entertainment circle? Pero bakit hindi ka nagchecheck ng mga entertainment news! Naiinis na sagot ni Zhao Meng bago nito idetalye ang buong nangyari.

 "Noong sobrang pinaguusapan ka na ng lahat, may isang taong nagkalat na si Mr. Lu ay illegitimate chile ng Xu Enterprise na kabibili niya lang!

Sa mga nakalipas na taon, hindi matawaran ang mga followers ni Mr. Lu. Isa pa, kailan lang noong binili niya ang Xu Enterprise, kaya ngayon ay mainit ang mata ng lahat sakanya. Mabilis na kumalat ang balita at agad na natabunan ang scandal mo." 

"Qiao Qiao, sa totoo lang, sa tagal kong kakilala si Mr. Lu…. Ibig kong sabihin, mula middle school ay magkakalse na kami. Ang buong akala ko ay ulila na siya. Hindi ko naman inakala na stepbrother pala siya ni Xu Jiamu!

 "Pero, Qiao Qiao, kung sino man ang galit kay Mr. Lu, ang pinupuntirya ng mga ito ay ang kanyang nanay."

Pagkatapos magsalita ni Zhao Meng, napindot na ni Qiao Anhao ang top searched topics. 

 Tunay ngang nagkakagulo sa internet! Di hamak na mas malala ang mga pinaguusapan ng netizend kumpara sa pagkakakwento ni Zhao Meng. Sa mga nakalipas na taon, nakalikom si Lu Jinnian ng napakaraming taga hanga, pero siyempre, kapag mas sikat ang isang tao, ay mas marami rin ang mga taong nagagalit dito. 

Kaya kapag ang mga fans at haters ay nagbanggan, sobra alaga ang nangyayaring away sa internet. Napakagulo ng lahat at sa totoo lang, ang mga marketers at gumagawa ng mga meme ay lalong tumataas ang kita ng dahil dito. Habang dumarami ang mga taong naguusap, lalong umiinit ang balita at napakahirap na nitong pahupain. 

 "Qiao Qiao, hindi ko talaga alam na ang nanay pala ni Mr. Lu ay dati ring artista na bumibida sa mga porno na pelikula. Mayroon pang naglabas ng video nito sa internet at ang…. Nanay niya rin pala ay minsang ding naging pokpok…. Talagang nakakaawa si Mr. Lu."

Partida, sa video chat palang nagsasalita si Zhao Meng, pero nanginginig na ang mga daliri ni Qiao Anhao sa bawat salitang binibitawan nito. Walang tigil siyang nagscroll para basahin ang magkakahalong sumusuporta at bumabastos kay Lu Jinnian. Habang patagal ng patagal, pabiogat ng pabigat ang nararamdaman niya. 

"Qiao Qiao, malalim na ang gabi. Kailangan ko ng matulog. Tinatawagan na rin kasi ako ng boyfriend ko. Oh sige, ikamusta mo nalang ako kay Mr. Lu. Hindi ka niya mahanap noon kaya ilang beses siyang bumalik dito. 

"Noong unang beses na dumating siya, mukhang hindi pa siya natutulog 'nun. Gusot gusot ang mga damit niya at namumula na ang kanyang mga mata. Grabe talaga ang istura niya 'nun dahil mas malala pa siya sa isang pulubi. Sa totoo lang, sa tagal kong kakilala si Lu Jinnian, buong puso akong naniwala na perpekto siya. Pero noong araw lang na yun ko siyang nakitang nagkaganun.

 "Noong nakita niya ako, hinawakan niya ang mga balikat ko kasi bakit hindi ko raw sinasabi kung nasaan ka? Ang boses niya… sobra talagang nakakaawa. Para siyang isang desperadong bata."

Pagkatapos sabihin ni Zhao Men gang mga gusto niyang sabihin, muli siyang nagpaalam "Bye bye" Pero noong ibababa niya na ang tawag, may biglang pumasok sa isip niya. Ilang sandali siyang natigilan bago siya magpatuloy, "Qiao Qiao, sa totoo lang, noong pumunta dito si Mr. Lu. Alam kong mahal na mahal ka talaga niya. Na para bang sobra sobra ang pagmamahal niya sa iyo."

Sa pagkakataong ito, tuluyan ng pinutol ni Zhao Men gang video call. 


next chapter
Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C566
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ