ดาวน์โหลดแอป
57.75% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 562: Labintatlong taon kitang minahal (33)

บท 562: Labintatlong taon kitang minahal (33)

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

"Kung kinakailangan kong magsabi ng malalanding salita sa ibang babae para lang mahanap ko siya, kakalimutan ko nalang na pinuntahan kita." Kagaya ng laging nangyayari, hindi hinayaan ni Lu Jinnian na makapagsalita si Qiao Anxia at nagpatuloy, "Dahil gusto kong maging karapatdapat sakanya."

Pagkatapos magsalita ni Lu Jinnian, tinanggal niya ang kamay ni Qiao Anxia na nakakapit sakanya at mabilis na naglakad palabas ng café.

Kahit na hindi nagpakita sakanya si Qiao Anhao dahil sa nangyari sa Xu Enterprise, at kahit na hindi niya ito mahanap, hindi niya talaga kayang isuko nalang ang pagmamahal niya para rito. 

Hindi niya pa nalilinis ang kanyang pangalan at kung magsasama sila, siguradong pagiinitan rin ito ng mga taong galit sakanya. Ang pwede niya lang gawin ngayon ay mahalin ito kagaya ng dati.

Kahit na ang ibig sabihin ng pagmamahal na 'yun ay kinakailangan niyang bitiwan ang lahat para lang mahalin siya ni Qiao Anhao. 

-

Nang makita ng assistant na palabas na si Lu Jinnian ng café, dali dali nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan para makapasok ito sa loob. Pagkapasok niya sa loob, agad siyang nagtanong, "Mr. Lu, alam mo na ba kung nasaan si Miss Qiao?"

Walang emosyon na umiling si Lu Jinnian. 

Noong mga oras nay un, ang assistant na umaasa ay bigla ring nalungkot.

Nabalot ng katahimikan ang sasakyan hanngang sa basagin ito ni Lu Jinnian nang magsalita siya, "Umuwi ka nalang muna."

"Pero Mr. Lu…"

"Ayos lang ako, umuwi ka nalang muna." Bagamat walang emosyon ang boses ni Lu Jinnian, ramdam ng assistant na ito talaga ng gusto niyang mangyari. 

Nagalangan pa ang assistant noong una pero bandang huli, tumungo nalang siya. Agad niyang ibinigay ang susi kay Lu Jinnian at bumaba ng sasakyan. 

Habang magisang sa loob ng sasakyan, nanatili lang si Lu Jinnian na nakaupo ng tahimik bago niya ito pandarin at dahan-dahang umalis.

Kung hindi niya talaga ito mahanap, gusto niya ng gawin ang pinaka baliw na paraan nanaiisip niua – ang hinbtayin ang kuneho na lumabas sa lungga nito. Kahit na hindi siya patawarin ni Qiao Anhao dahil sa nangyari sa Xu Enterprise, sigurado namang uuwi pa rin ito sa bahay ng mga Qiao, tama ba?

Kagaya ng kanyang naisip, dumiretso siya sa bahay ng mga Qiao para hintayin si Qiao Anhao. Kung umaga pa ito uuwi, handa siyang maghintay ng buong araw. Kung habang buhay pa, edi maghihintay siya habang buhay.

-

Ito na ang pangalawang araw na nagising si Qiao Anxia sa kalagitnaan ng gabi na nakita niya ang sasakyan ni Lu Jinnian na nakaparada sa labas ng bahay nila.

Nakaparada ang sasakyan sa mismong entrance ng bahay nila at kung hindi siya nagkakamali ay isang araw at dalawang gabi na itong nandoon. At kahit kailan ay hindi pa ito umaalis. 

Simula noong pumarada ang sasakyan, hindi pa nagbukas ang pintuan nito, o maging ang tao sa loob ay hindi pa rin lumalabas. Kung hindi mabusisi ang taong titingin, iisipin nito na walang laman ang sasakyan.

Pero kung titignang mabuti ang sasakyan, mapapansin na maya't mayang nagbubukas ang bintana nito at mayroong taong naguunat sa loob na may hawak na sigarilyo.

Ang taong nasa loob ay kasing tahimik ng sasakyan niyo. Kahit kailan ay hindi ito nangistorbo ng kahit sino. 

Alam ni Qiao Anxia na ang taong nasa loob ng sasakyan ay hinihintay si Qiao Anhao, na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. 

Sa kalagitnaan ng gabi, ilang beses na sinubukang lumabas ni Qiao Anxia para sabihin kay Lu Jinnian na nasa ospital si Qiao Anhao. 

Pero sa tuwing maglalakad siya palabas ay lagi siyang nagaalangan.

Isa pa, habang nakikita niya itong naghihintay sa labas, hindi niya mapigilang masaktan ng sobra. 

Isang umaga, ang sasakyang pumarada ng sa loob ng limamput anim na oras ay sa wakas umalis na rin. 

-

Makalipas ang apat na araw at apat na gabing pagiging comatose, sa wakas at nagising na rin si Qiao Anhao.

Pagkamulat niya ng kanyang mga mata, napansin niya na mag'gagabi na. Pinagmasdan niya ang bawat kanto ng kwarto at naramdaman niya na medyo nahihirapan siyang igalaw ang kanyang ulo. 

Medyo matagal pa siyang nakahiga sa kama bago niya naramdaman ang matinding pananakit ng kanyang ulo.


next chapter
Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C562
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ