ดาวน์โหลดแอป
81.39% Aprodisiac Love Affair / Chapter 35: Chapter Thirty Five

บท 35: Chapter Thirty Five

Stephanie almost fainted last night kaya wala akong choice kundi ihatid siya sa bahay. Mom was confused when she saw us. I didn't want to explain everything kaya naman hinayaan ko na si Stephanie ang magsabi. Hindi ko alam kung anong nangyari sa usapan nila after that. Simula nung pumasok ako sa kwarto ko, hindi na ako lumabas.

I looked at my phone. Gusto ko nang maiyak. Halos hindi ako makatulog kakahintay sa text o tawag ni Tyler... Pero wala. Siguraduhin niya lang na nagka-amnesia siya dahil pag hindi, kahit ano pang irason niya, hindi ko tatanggapin. Kung wala siyang pakialam sa akin, then hindi ko na rin siya pakikialaman. Maybe he's already happy with that woman right now. Nakailan kaya sila kagabi?

Malakas kong tinapon ang cellphone ko. Tumama ito sa dingding kaya naman nagkalat ang mga pirason nito sa sahig. I don't care. I don't need that phone anyway. Para saan pa kung di ka man lang magawang kumustahin ng boyfriend mo?

I am not being selfish or needy. Isang text lang naman yung hinihingi ko. Isa lang. Kahit tuldok lang yung laman, malaman ko lang na buhay pa siya.

Binaon ko ang mukha ko sa unan. Ugh! Bahala na nga siya! Bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko na siya iisipin. Break na kami. Wala akong pakialam kahit walang closure. Kakalimutan ko na ang mga gagong tulad niya.

I am bored kaya binuksan ko na lang yung computer ko sa tabi. Pagka-online na pagka-online ko, si Tanya agad ang nagpop up sa messages ko. I read her message.

"Are you at the mall right now?" tanong nito.

Napakunot ang noo ko. "Nope. Why?"

Matagal bago ito nag-reply. Babalewalaen ko na sana ng nagpop up na naman ang chat box niya.

"I thought I saw you with your boyfriend. Babati na nga sana ako pero nakapasok na kayo sa restaurant."

Lumakas ang kabog ng puso ko. What does that mean?

"What do you mean by that?"

She sent me a picture. Parang tumigil sa pagtibok ng puso ko when I saw Tyler in the picture. He was smiling widely habang kausap ang isang babaeng nakatalikod.

"I thought it was you. Is she like her sister? They seemed close."

Napalunok ako. "Idk. I can't see her face."

Ang bobo ko dahil sa sinabi ko dahil after a couple minutes, nagsend ulit si Tanya ng picture and this time, kita na ang mukha ng babae. Tuluyan ng nabasag ang puso ko ng makitang ito yung babaeng kasama niya kahapon.

I feel like I'm in so much pain. Hindi ko alam ang iisipin ko. He didn't text me and ngayon nakikita kong nakikipag-ngitian siya sa ibang babae at mukhang hindi man lang siya bothered kung okey lang ba ako o kung saan ako.

Nakaka-insulto. After niya akong gamitin sa kahit anong paraan na gusto niya, parang iniwan niya ako bigla sa ere. Sawa na ba siya? Naisip niya na hindi naman talaga niya ako mahal at nanibago lang siya? I mean, I am young and fresh.... And now that I'm not fresh anymore, naghahanap na siya ng bagong putahi?

The chat box popped up once more. "Are you up for tonight? Punta kaming bar. I heard from Zen, nagpunta ka raw kahapon?"

She changed the topic. Of course, what's it to her anyway?

"Titingnan ko pa. May inaasikaso kasi ako ngayon." pagsisinungaling ko.

Nag-message pa siya pero hindi ko na binasa iyun. I shut my computer saka sumampa sa kama. Umiinit na ang gilid ng mga mata ko. Alam kong maiiyak na ako. I feel so weak and pathetic.

For the firs time in my life, bigla akong kinabahan. After what happened to my parents, then to Stephanie... Parang convinced na ako na malas sa pag-ibig ang pamilya namin. We're all dumped by the person we love... But I'm not like them. I'm not like my mom or Stephanie. Hindi ako nagpapakatanga sa isang lalaki. Kung ayaw na niya, ayaw ko na rin. Dapat sanay na ako sa rules nila. Diba?

Mahina akong natawa ng maramdaman ang isang patak ng luha mula sa mga mata ko. Kahit anong pagsisinungaling ko, hindi talaga naniniwala ang sarili ko sa akin. Ang traydor lang.

I suddenly burst out to tears. I wanted to stop but I can't... Then, I let it flow. I will cry now but I will be stronger later. I should never trust any man. I should never give my heart to one. The only person I have is myself.

"Saan ka pupunta?" tanong ni mommy ng makitang nakabihis ako.

"Out." tipid kong sagot.

"Na ganyan ang suot mo?"

I rolled my eyes. What's wrong with what I'm wearing? It's just a short shorts and a black lacy off shoulder crop top. Pinulupot ko ang denim polo sa beywang ko and I'm wearing a rubber shoes. I think it's casual. Edgy. Ano ba ang gusto niyang isuot ko? Gown?

"Go back to your room and change your clothes." she demanded.

"I don't need to change my clothes."

"Do you really want to be sexually assaulted?"

I laughed sarcastically. "My clothes do not determine my consent. Kung ayaw ko, ayaw ko."

Magsasalita pa sana siya but I am too tired to listen to her. Kailangan ko na lumabas. Narinig ko rin ang pagpuna niya sa buhok ko. Tss. Bakit ba ang dami niyang bawal? Gaano ba kamaling i-express ko ang sarili ko? I am loving my hair like this. Ngayon ko lang naman ito ginawa eh. I curled my hair again and I am actually planning to go to a parlor para talagang ipakulot na yung buhok ko ng hindi na ako mahirapan araw-araw.

Anyway, kailangan ko kunin yung gamit ko sa condo. Narealize ko ngayon lang kung gaano kahirap mag-commute araw-araw kaya babalik na lang ako sa dorm ko para hindi na ako mahirapan. I know... Palipat-lipat. Nakakahilo. Ano naman ngayon? Kasalanan ko ba kung marami lang talaga akong option?

Nasa condo na ako at inaayos ang gamit ko when I heard a doorbell. Thinking it's April, agad ko iyung pinuntahan at binuksan pero laking gulat ko na lang ng makita si Tyler na nakatayo sa harap ko habang suot pa nito ang suit niya. The same suit I saw him wearing while with that woman in the restaurant. Ano namang pinunta niya rito? May naiwan ba siya?

Pinasadahan niya ako ng tingin. Nakita ko ang pag-ngiti nito. I rolled my eyes.

"I came by earlier but you're not here so I thought I'd just come back... Glad you're already here. Where were you last night--"

"Sorry but I am really busy right now. If you need anything, just come back later." wika ko at walang kaabog-abog na sinarhan siya ng pinto sa pagmumukha niya mismo and to be honest I have never felt this satisfied my entire life. He deserved that. He should come back to his woman. Wala na siyang mahihita rito.

I went back to what I was doing. Narinig ko na namang may nag-doorbell. Hindi ko na iyun pinansin. Mapapagod rin siya. Kasi ako, pagod na rin kahihintay buong magdamag.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C35
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ