ดาวน์โหลดแอป
54.54% After You Fall Asleep / Chapter 12: Chapter 11

บท 12: Chapter 11

JASON'S POV

Tulad nga ng sabi ko, dito ako natulog sa kwarto niya. Una, ayaw niyang magkatabi kami pero sa sobrang pangungulit ko eh napapayag ko siya. Sus, nagpakipot pa eh gusto naman pala. Pfft.

"Natatakot ako." Biglang sabi niya. Nakaunan siya sa dibdib ko.

Oh diba tama ako. Gusto niyang magkatabi kami. Hahaha!

"Saan ka natatakot? Eh nandito naman ako." Sagot ko.

"Baka maulit lang 'yong dati, na iiyak na naman ako kapag wala ka o andyan ka." Bulong na lang iyon at ramdam ko ang panginginig niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon.

"Huwag kang mamroblema, hindi na kita papaiyakin kasi masakit din sa aking makita kang umiiyak dahil sa mga ginagawa ko."

Tumingin siya sa akin at kita ko sa mga mata niyang nababahala siya.

"Promise, I won't hurt you again."

I hug her, at napangiti ako nang niyakap niya din ako.

"Hindi kita iiwan, promise."

"Huwag kang mag-promise kung hindi ka naman sigurado." Naiinis na sabi niya, napatawa ako kaya hinampas niya ang braso ko.

Tama nga naman siya. Sabi nga nila, 'Promises are made to be broken.' Pero, sigurado na ba akong hindi ko siya iiwanan?

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Hindi ko alam pero susubukan ko."

Hindi siya sumagot. Tinignan ko siya, and there, nakapikit na ang mga mata. Pambihirang babae 'to tinulugan pa ako.

"Good night, baby." Mahinang sabi ko at hinalikan siya sa noo at tumabi na sa kanya.

Wala naman akong gagawing kakaiba dito. Nagpipigil ako! Hindi pa ito ang tamang oras para mag— aish! Bahala kayo kung ano ang iniisip niyo. Basta ako, masaya ngayon kasi matutulog akong katabi ang babaeng nagmulat sa akin sa katotohanan, na may hangganan ang mga sekreto, na kahit anong tago ang gagawin mo mabibisto ka.

Thanks for this girl, nalaman ko ang lahat ng tungkol sa akin. Sa tagal ko dito sa mundong ibabaw, masarap pala mamuhay ng ilang taon, kasi marami ka pang makikilala. At kahit ilang taon na ako, masasabi ko pa rin na binata pa ako sa itsura ko. Walang sekretong itatago nga diba? Kaya ito, sinasabi ko ang totoo. Parang 18 years old lang din ako ngayon.

Bigla siyang gumalaw kaya natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano. Niyakap niya ako at napangiti ako sa sinabi niya habang nakapikit ang mata.

"Mahal na ata kita, Jason."

--

MARGARETTE'S POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa noo ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang kakaibang Jason, na para bang nag-iba ang aura niya dahil magkatabi kaming natulog.

Ngiting-ngiti siya sa akin. Anyari sa lalaking 'to?

"Good morning, baby." Sabay halik ulit sa noo ko.

Hinampas ko ang bibig niya.

"Nakakarami ka na ah!" Sigaw ko.

Tumawa lang siya ng tumawa. Tsk! Ang aga pa para sirain ang araw ko. Tumayo na lang ako sa kama at dumiretso sa banyo. Ito na naman ako, naiirita pag may iba siyang ginagawa pero kung lambingin at hawakan niya ako lumalambot ang puso ko.

"Huwag kang mag-alala, babantayan kita."

Sa sinabi niyang 'yon kagabi nakaramdam ako ng kakaiba. Paano kung maulit na naman 'yong mga nangyari? Na lagi na lang ako umiiyak ng dahil sa kanya? Ano ba ang tamang gawin para hindi ko na maranasang masaktan?

Naalala ko din ang sinabi ni Lennard kahapon, hindi ko alam kung papayag ako sa gusto niya nang malaman ko kung ano din siya.

Naloloka ako! Dalawang bampirang gwapo ang nanliligaw sa akin. Sino ang pipiliin ko? 'Yong matagal ko nang kilala o ang nagsabi sa akin ng…

FLASHBACK

Gabi na ako lumabas ng kwarto kasi nakaramdam ako ng gutom sa kakaiyak at pagmumukmok. Pababa ako ng hagdan ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko 'yon at si Lennard ang nakaharap ko. Kasama niya 'yong tatlong kaibigan niya. Nginitian lang nila ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Lennard.

Tinignan ko siya at marahan akong tumango.

"Dun tayo sa labas." Sabi niya.

Inakbayan niya ako at umupo kami sa kabilang kalsada.

"Maiwan niyo muna kami." Sabi niya sa tatlo at umalis naman sila.

Tahimik lang kami pero maya-maya siya din ang bumasag non.

"Ah Margarette, pwede bang magtanong?"

"Ano 'yon?" Sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Pwede bang manligaw?"

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko alam ang isasagot ko.

"Can I?" Muling tanong niya.

Tinignan ko siya at ngumiti. Siguro hindi naman masama itong gagawin ko diba? Pero may isang tao lang dapat kong sagutin at hindi ko pa alam kung sino sa kanilang dalawa.

"Oo naman." Mahinang sagot ko.

Nakita kong kuminang ang mga mata niya at napapitlag ako nang bigla niya akong yakapin, pero iba ang naramdaman ko sa yakap niya. Hindi ko alam pero… haaay ewan kung ano 'to.

"Wala bang may magagalit?" Tanong niya. Humiwalay siya sa yakap.

'Oo, meron. Pero huwag mo nang alamin kasi alam kong magsasakitan lang kayo na ako ang dahilan. Okay lang na ako ang masaktan sa ginagawa niyo.'

Gusto ko sanang sabihin 'yan sa kanya pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"W-wala." Nauutal na sagot ko.

Pero kinakabahan ako, paano kung makita niya kaming magkasama dito? Paano kung iiwan niya na naman ako ng walang paalam?

"Okay, sure ka ha? Kasi kapag meron mapapatay ko siguro siya."

Hindi ko siya sinagot. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Isang tao lang naman ang gusto kong kausapin kahit ang dami niyang kasalanan na ginawa.

"May ikukwento ako sayo, makinig ka." Basag niya sa pag-iisip ko.

"Ano 'yon?" Walang gana kong sagot.

"Alam mo bang may taong nabubuhay galing sa hukay at amoy bangkay?"

Natigilan ako sa sinabi niya kasi alam kong meron.

"Saan mo naman nalaman 'yan?" Natatawang tanong ko. Pekeng tawa.

Nakita ng dalawang mata ko kung paano siya naging masaya dahil sa pinatawa niya ako. Nawala bigla ang gutom ko sa ginawa niya.

"Wala, naisip ko lang." Sabay tawa niya kaya natawa na din ako.

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang nararamdaman ko para kay Lennard. Oo nga't gwapo siya, pero hindi ibig sabihin na may gusto ako sa kanya. At isa pa, hindi naman nakakatawa 'yong joke niya, at ngayong alam ko na kung sino 'yong mga taong nabuhay galing sa hukay.

Eh bakit ako pumayag na manligaw siya sa akin na in the first place si Jason ang nauna? Ang tanga ko naman!

Sino ba dapat ang pipiliin ko?


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C12
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ