ดาวน์โหลดแอป
93.89% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 123: C-122: TURNING HOME AGAIN

บท 123: C-122: TURNING HOME AGAIN

SAN LUIS, BATANGAS

"Narito na tayo sa ating bahay!" Masayang bulalas ni Joaquin sa kanyang mag-iina.

"Yes, Mommy nandito na tayo ulit!" Sigaw naman ni VJ na nauna nang bumaba ng sasakyan at nakangiting hinintay ang mga kapatid na makababa rin.

Habang sa passenger seat naman bumaba na rin si Amanda.

Hindi na rin niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pinto ni Joaquin na siya sanang plano nitong gawin.

Maaga silang gumising ng araw na iyon upang bumiyahe pauwi ng Batangas.

After 3 years mula ng araw na umalis siya dito ngayon lang ulit siya nakabalik. Matapos ang mga hindi magandang nangyari noon.

Gusto man niyang kalimutan ang lahat ng ito. Ngunit hindi pa rin maiwasan na sumalit ito sa kanyang isip.

Dahil narito pa rin naman ang lahat ng mga magagandang alaala niya noong siya pa si Angela at wala pa siyang maalala sa kanyang nakaraan.

Kung minsan iniisip niya ano kaya kung wala pa rin siyang naalala?

Ngunit pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya kahit paano masasabi niyang mas naging matatag na siya ngayon at may lakas na nang loob na haraping muli ang lahat.

Upang ipaglaban ang karapatan nila kay Joaquin. Hindi na siya tulad noon, noong siya pa si Angela.

May isang bagay pa ang gusto niyang gawin kaya siya bumalik. Gusto niyang simulang ayusin ang lahat ng gulo na iniwan niya dito.

"Hey! Bakit ang tahimik mo naman yata asawa ko, may problema ba?" Tanong ni Joaquin sabay yapos ng braso nito sa kanyang baywang.

"Hmmm, wala naman kailangan pa bang mag-ingay?" Pagsalungat niya sa tanong nito.

"Hmmm, hindi naman pero kailangan rin hindi pilosopo!" Tugon nito na sinabayan pa ng maasim na ngiti at pagpisil sa kanyang baywang.

Natawa na lang siya sa ginawi nito. Alam niyang naiinis na ito sa kanya.

"Mommy halika na po sa loob nauna na sila kambal!"

"Ha'?"

Hinawakan na ni VJ ang kanyang kamay at inakay siya palapit sa bungad ng bahay.

Hindi na tuloy niya napansin na nakababa na pala ang kambal.

Dahil ngayon ay karga na ni Liway si Quiyel at si Quian naman ay buhat na ni Didang.

Nakita niya ng sinalubong ito ni Nanay Sol. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matutuwa?

Pagkakita niya sa matanda sobrang na-miss niya ito. Medyo tumanda ito ng konti kaysa sa dati. Ngunit natatandaan niya na ito pa rin ang Nanay Sol na iniwan niya noon.

Nang lumingon na ito sa kanilang direksyon at magtagpo ang kanilang paningin. Tuluyan nang nalaglag ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

Kasabay rin ng pagkaalala niya sa mga masasayang araw nila sa bahay na iyon.

"A-Angela Anak ikaw nga ba iyan hija?" Nangingilid na rin ang mga luhang pagkilala nito sa kanya.

"Nanay Sol!" Patakbo na niya itong nilapitan at niyakap.

Saglit na nanatili lang sila nitong magkayakap habang pareho ring umiiyak. Bago pa ito muling nagsalita matapos nitong pahirin ang sariling luha.

"Hija ano bang nangyari sa iyong bata ka, bakit ngayon ka lang nagpakita? Halina kayo sa loob at ng makaupo, siguradong ring napagod kayo sa biyahe." Anyaya muna nito sa kanila.

"Mahaba pong kwento Nay, pero huwag po kayong mag-alala. Unti unti ko iyong maikukuwento sa inyo sa mga susunod na araw."

Nagtuloy tuloy na rin sila sa loob maging ang mga bata. Si Lester na nakasakay sa kasunod nilang sasakyan ay bumaba na rin upang ipasok ang kanilang mga gamit. Tinulungan naman ito ng dati niyang driver na si Anton.

"Ang ibig mo bang sabihin niyan dito na ulit kayo mananatili?" Tila natutuwang tanong naman ng matanda na naipagkamali ang ibig niyang ipahiwatig.

Tumingin siya kay Joaquin upang

magpatulong ng isasagot.

"Baka hindi pa po Nay, alam n'yo na, naroon ang trabaho ko at si VJ pumasok pa sa school. Pero huwag po kayong mag-alala dadalasan po namin ang pag-uwi dito." Saad naman ni Joaquin.

"Bakit hindi na lang po kaya kayo ang sumama sa amin sa Manila Nay?" Bigla niyang naisip na itanong.

"Naku paano naman kaya itong bahay kung walang maiiwan dito para mag-asikaso?" Tugon nito.

"Bakit nga ba hindi na lang kayo sumama sa amin Nay? Tutal wala pa naman po dito si Papa para naman may makasama ang mag-iina ko sa bahay." Suhest'yon naman ni Joaquin.

"Sabi ko naman kasi sa iyo kumuha ka na ng kasambahay. Buti may nag-aalaga sa mga bata?"

"Nariyan naman po si Didang at si Ate Liway! Sige na po Nay sumama na po kayo sa amin pagbalik ng Manila."

"Naku ang batang ito paano ba ang gagawin natin?" Nalilitong sagot naman ng matanda.

"Sige na po Nay pagbigyan n'yo na po ang asawa ko. Kahit po hangga't hindi lang nakakabalik si Papa. Parang nagbabakasyon lang kayo nu'n sa amin ako na ang bahalang magsabi kay Papà."

"Mga batang ito o siya hindi pa naman kayo ngayon uuwi hindi ba? Mabuti pa ipaghanda ko na lang muna kayo ng miryenda." Tugon na lang nito.

"Baka bukas po ng hapon Nay! May pasok na po kasi ng Monday eh'."

"Oo nga pala, ang laki na ng mga bata. Kambal pa pala ang naging Anak n'yo at kay guguwapo!" Komento pa ng matanda.

"S'yempre naman Nay kanino pa ba magmamana, kita n'yo naman ang galing kong gumawa no?" Sinabayan pa nito ng pagkindat sa kanya.

"Hmmm, yabang nito hindi na nahiya kay Nanay Sol!"

"Mahiya, bakit totoo naman ah'?" Nakatawang pagtatanggol ni Joaquin sa sarili.

"Oo nga naman kasi kamukhang kamukha niya ang kambal at si VJ. Kaya hindi maipagkakamali na mag-aama talaga sila."

"Oh' hindi na ako ang nagsabi niyan!" Tumatawang saad nito na may pagmamalaki sa sarili.

"Hmmm, at sino pa nga ba ang magiging kamukha ng mga iyan eh' ikaw ang Tatay nila!"

"Tama nga naman, sandali nga at iwanan ko muna kayo diyan. Ipaghanda ko muna kayo ng miryenda habang niluluto pa ang ating pananghalian." Nagtuloy na ito sa kusina.

"Nawala na ang mga bata..."

"Hayaan mo na sila siguradong niyaya na naman iyon ni VJ kung saan saan. Baka niyaya lang ni VJ na mamitas ng mga prutas.

'Panahon pa ng Lychee at ng Rambutan ngayon, siguradong nariyan lang ang mga iyon sa paligid. Hayaan mo na sila para masanay na rin sila dito."

"Sabagay nga!" Tugon ni Amanda at saka siya sumandal sa balikat ni Joaquin.

"Napagod ka ba sa biyahe?" Tanong ni Joaquin at saka siya pinasandal sa dibdib nito at marahan ring hinaplos ang kanyang buhok.

"Hindi naman naiisip ko lang ang mga nakaraan, saka naaalala ko rin ang Papa mo."

"Hey! Papa mo, don't you think the past about you and Papa?

'Saka hindi ba Papà natin siya and you are his daughter too remember?!"

"Hindi naman sa ganu'n, alam ko naman 'yun?

'Naisip ko lang na, kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Papa? Kapag nalaman niya na tayo na ulit?" Aniya.

"Anong problema kung malaman niya? Alam naman ni Papa na mahal kita."

"Nahihiya kasi ako sa kanya dahil sa mga ginawa ko. Sinuway ko siya noon at binalewala ang lahat ng ginawa niya sa akin."

"Maiintindihan naman niya 'yun at alam rin niya na mahal talaga natin ang isa't-isa.

'Lalo na ngayon na malalaman ni Papa na dumadami na talaga ang kanyang mga apo at siguradong matutuwa 'yun na makita at makilala ang kambal."

"Sana nga matanggap pa rin niya ako tulad ng dati. Kahit na marami akong nagawang mali noon." Tugon niya na hindi na napigilan pa ang emosyon.

"Ssshhh, bakit ba nag-iisip ka ng gan'yan? Alam kong hindi galit sa iyo si Papa kaya huwag mo nang alalahanin 'yun!" Saad ni Joaquin.

"Kung ganu'n pala hindi pa alam ng Papa n'yo ang plano ninyong pagpapakasal?" Sabay pa silang napalingon ng magsalita si Nanay Sol na nagmula sa kusina.

"Huh'?"

"Ah' hindi pa kasi namin nakakausap si Papa. Gusto ko po sanang kapag okay na ang lahat dito. Saka ko na lang sasabihin kay Papa ang lahat." Ang totoo sadyang iniwasan talaga niyang sabihin sa mga ito ang lahat.

"Pero bakit naman hijo hindi ba wala namang problema kahit malaman ito ng Papa mo?

'Natatakot ka pa ba na malaman ng Papa mo ang relasyon n'yong dalawa?" Naguguluhan at kunot ang noong tanong nito.

"Ah' h-hindi po Nay a-ang totoo bumubwelo lang naman po ako!" Alanganing ngumiti si Joaquin.

"Naku ang mga batang ito bakit naman kailangan ninyo pang bumubwelo sa Papa n'yo? Tapos naman na ang mga nangyari noon wala na ang lahat ng iyon.

'Ang kapatid mo naman ay maayos na rin ang buhay ngayon at siguradong masaya na ring kasama ang mag-ina niya.

'Kaya bakit pa kayo mag-aalala sa sasabihin ng inyong Papa. Sigurado namang walang gusto ang inyong Papa kun'di ang maging masaya na rin kayong dalawa. Tulad rin ni Joseph at ni Amara."

"Huh' nag-asawa na po si Joseph at si Amara?" May pagkalito naman niyang tanong.

"Ha' sandali hindi mo pa ba nasabi sa kanya ang tungkol doon hijo?" Nagtatakang tanong rin ng matanda kay Joaquin.

"Po ah' hindi pa lang po namin napag-uusapan k-kasi m-marami po kasing nangyari nitong huli." Hindi makatingin sa kanyang tugon ni Joaquin.

"Hmmm, o baka naman kasi nag-aalala ka pa sa magiging damdamin ni Angela sa kapatid mo?" May pag-uusisang tanong pa nito. Tila naipagkamali naman nito ang tunay niyang dahilan.

Ngunit mas mabuti na iyon mas pabor ito sa kanya para maitago pa niya ang totoo dahilan.

"Naku, hindi po alam naman po niya na noon pa man ay kapatid lang talaga ang turing ko kay Joseph. Saka masaya po akong malaman na mayroon na rin po pala siyang sariling pamilya."

Totoo iyon naman talaga ang kanyang nararamdaman pero ang totoo nagulat pa rin siya.

Habang si Joaquin ng mga oras na iyon mas piniling huwag na lang munang magsalita upang makapag-isip ng sasabihin.

"Eh kumusta naman po sila ngayon ng napangasawa niya?" Sunod niyang tanong.

"Kung ganu'n hindi pa rin nasabi sa iyo ni Joaquin kung sino ang kasama niya ngayon?"

"Bakit po, sino po ba ang naging asawa niya kilala ko po ba?"

Napaangat ang mukha ni Joaquin at napahugot ng malalim na paghinga. Kasabay ng matinding kaba.

"Hindi mo pa rin alam hija?" Dito na parang nakaramdam si Angela ng kakaiba.

"Ah' Nay hindi pa kasi namin napag-usapan naging masyadong mabilis ang pagkakasundo naming dalawa. Kaya hindi ko pa naikwento sa kanya ang mga nangyari noong wala siya dito."

"Ha' b-bakit ano bang nangyari noong wala ako m-may masamang nangyari ba kay Joseph at Amara?" Nag-aalala nang tanong niya.

"Naku hindi, hindi ganu'n Anak maraming nakakagulat na nangyari. Pero naging maayos naman pagkatapos ng lahat at ang maganda pa doon..

'Masaya na ngayon ang kapatid mong si Amara sa piling ni Joseph at ng kanilang Anak at may kasunod na nga!" Masayang saad ng matanda.

"Totoo po ba ang sinabi n'yo si Amara at si Joseph?" Bulalas niya sa magkakahalong emosyon.

"Oo silang dalawa rin ni Kuya Joseph ang nagkatuluyan. Gusto ko namang sabihin sa iyo, iyon kaya lang hindi pa lang ako nagkaroon ng pagkakataon."

"Kailangan naman iyang pagkakataon na hinihintay mo para sabihin sa'kin ang lahat."

"I'm sorry, huwag ka sanang magalit ayoko lang naman na magkaroon ka ng dagdag na alalahanin. Ang dami nang nangyari nitong mga nakaraang araw."

"Sabihin na nating ganu'n na nga pero hindi ka nga ba talaga nagkaroon ng pagkakataon o iniisip mo lang na maaapektuhan pa rin ako?

'Sandali iniisip mo ba na hindi ako magiging masaya para doon sa dalawang taong parehong mahalaga sa akin?" Malungkot na tanong ni Amanda kay Joaquin.

Habang sa isip ni Joaquin ng mga sandaling iyon...

'Sana nga ganu'n lang kasimple ang dahilan ayoko lang namang masaktan ka. Dahil hindi mo na rin maiiwasang malaman ang totoo sa iyong pagkatao.

'Handa akong magsinungaling para sa'yo.

'Huwag lang kitang makitang labis na nasasaktan ng dahil sa kasinungalingang iyon.

'Dahil ngayon mas naiintindihan ko na ang kapatid mo. Kung bakit natatakot siyang malaman mo ang lahat?'

"Oh' bakit hindi ka magsalita, bigla ka yatang natahimik diyan nawalan ka na ba ng dila?"

Muling tanong ni Amanda ng hindi pa rin ito kumikibo at tila ang lalim ng iniisip.

"Huwag sana kayong mag-away ng dahil lang sa bagay na iyan. Mabuti pa doon na tayo sa kusina ng makakain muna kayo.

'Ipinatawag ko na rin ang mga bata. Sige na, tayo na!"

Huminga siya ng malalim at saka tumayo sinikap niyang maging mahinahon. Dahil hindi niya gustong maging si Nay Sol ay mag-alala pa sa kanila.

Bakit ba parang nadadalas yata ang hindi nila pagkakaintindihan nitong huling mga araw. Kung kailan pa nagpaplano na silang magpakasal at magsama ng pang habang buhay?

"Angela!" Muli siya nitong nilapitan at niyakap.

"Huwag ka nang magalit sige na naman oh' siguro nga nagkamali lang ako at na-miss interpret ko ang magiging reaksyon mo.

'Pero maniwala ka hindi ko naman 'yun itatago talaga sa'yo ng matagal. Kung gusto mo tawagan natin sila ngayon na mismo?" Saad nito kasabay ng hiling na sana huwag itong kumagat sa sinabi niya.

"Hmmm, pasalamat ka mahal talaga kita at ayokong malaman na naman ng mga bata na nag-aaway tayo!

'O Sige na sa ibang araw na lang din natin sila tawagan pagbalik na lang natin ng Manila." Aniya upang hindi na rin ito mag-alala.

"Sabi ko na nga ba hindi mo rin ako matitiis eh'." Daig pa nito ang nakarinig ng isang magandang balita ng dahil sa sinabi niya.

Naramdaman pa niya ang biglang paghugot nito ng malalim na paghinga.

Ang makitang masaya ito sa sinabi niya ay sapat na para mapawi ang inis niya sa lalaki.

Saka talagang namang mahal na mahal niya ito. Kung tutuusin naman maliit na bagay lang ang pinagtatalunan nila. Hahayaan ba nilang ito lang ang makasira sa kanilang pagsasama?

Hindi! Hindi siya papayag na magiging ganu'n kababaw lang ang kanilang relasyon.

"Ang totoo inaalala ko lang rin ang kalagayan mo. Alam ko kasing marami ka nang inaalala nitong huling mga araw. Naisip ko lang na huwag na lang muna ngayon.

'Kailangan ng magandang timing para masabi ko ang lahat sa'yo sa paraang mas matutuwa ka. Pero hindi ko alam na mauunahan rin pala ako ng sitwasyon."

"Okay na kalimutan na natin 'yun nakakahiya tuloy kay Nanay Sol dito pa tayo dumayong magtalo."

"Ang mga batang ito wala naman kayong dapat ipag-alala sa'kin. Natural lang din sa mag-asawa ang paminsan minsang nagtatalo at dumadaan sa problema. Lalo na at nagsisimula pa lang naman kayo.

'Huwag n'yo lang dalasan saka sikapin n'yo rin na palaging magkasundo bago pa matapos ang araw at higit sa lahat iwasan n'yong makita ng mga bata ang inyong pagtatalo.

'Dahil karapatan nilang mabuhay ng panatag ang loob at maging masaya sa piling ng kanilang mga magulang iyon ang inyong pakatandaan."

"Tama po kayo Nay!"

"Hmmm, ito po kasing alaga n'yo Nay lagi na lang akong inaaway. Saan pa kaya siya makakakita ng kasing bait at kasing guwapo ko kapag pinakawalan pa niya ako?"

"Nay, Sol nasaan na po ang miryenda mukhang may gutom na dito." Saka sila sabay sabay na nagtawanan.

"Halika na gutom lang 'yan!"

"Okay!"

Matapos ang sandaling iyon naging masaya na ang mga sumunod na sandali.

Kaya naman labis nilang na-enjoyed ang buong maghapon sa pamamasyal sa buong farm.

Wala silang sinayang na sandali dahil alam nilang limitado lang naman ang pananatili nila doon.

Dahil kinabukasan kailangan na rin nilang makabalik ng Maynila.

____

Kinabukasan may oras pa naman sila kaya muli naman nilang ginugol ang natitira nilang oras sa Resort.

Pero s'yempre hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataon na madalaw ulit ang food shop.

Ang food shop na sandali ring naging kanya at naging pangarap rin niya noon.

Pagbaba pa lang niya ng sasakyan ng muli niya itong masilayan. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

Ang lugar na iyon ang naging kabuuan ng pangarap niya noon. Kaya paano ba niya magagawang kalimutan ang lahat ng nangyari sa lugar na ito?

Naramdaman niya ang biglang pag-akbay sa kanya ni Joaquin at ang pagpahid ng kanyang luha. Gamit ang sarili nitong panyo.

"Hey, cheer-up honey!"

Napahinga siya ng malalim at kinuha dito ang panyo siya na ang nagtuloy ng pagpapahid sa kanyang mga mata. 

Muli niyang kinalma ang sarili bago pa sila pumasok sa loob.

"Mama halika na sa loob, naroon si Tita Alyana at Tita Diane sa loob siguradong magugulat sila sa'yo kapag nakita ka!" Tuwang saad ni VJ.

"Dahan-dahan lang Anak baka naman madapa si Mama mo niyan."

"Hmmm, sige nga halika na..."

Tulad ng dati maraming costumer's sa loob wala siyang nakitang binago sa shop.

Tulad pa rin ito ng dati noong iwan niya parang na-enhanced lang at gumanda. Nadagdagan rin ng mga makabagong mga kagamitan.

Muli niyang inikot ang paningin sa paligid hanggang sa mapako ang kanyang tingin sa maliit na hagdan sa pagitan ng opisina at kitchen.

Ah' ito pala ang nabago dahil wala naman ito dati.

"Ang hagdang iyan ang ginagamit nila papanhik sa itaas ng opisina.

'May hagdanan sa labas pero yan ang ginagamit nila dito sa loob. Pinalagyan na ni Daddy ng 2nd floor itong shop. Hindi mo ba napansin sa labas?"

"Ah' kaya pala biglang tumaas hindi ko lang pinuna."

"Itong dating opisina n'yo ang naging stockroom at locker na rin ng mga crew. Nasa itaas na ang opisina at ang buong control ng shop." Paliwanag pa ulit ni Joaquin.

"Ah' ganu'n ba, kaya pala mas naging maayos at maganda na ngayon."

"Maganda na rin noon pina-enhanced lang ni Papa para daw pagbalik mo mas maging comportable ka."

"Okay lang mukhang naalagaan naman itong mabuti nu'n dalawa ng mas higit sa kakayahan ko noon. Masaya ko na kahit nawala ako mas gumanda ngayon itong shop."

"Sigurado gusto ni Papa na bumalik ka ulit dito."

Pinili niyang huwag na lang kumibo at magkomento.

"Gusto mo bang tumuloy na tayo sa office? Halika na para makita ka na nila." Suhest'yon ni Joaquin ng hindi pa rin siya kumibo.

"Dito muna tayo gusto ko lang munang i-enjoy ang paligid. Matagal rin kasi akong hindi nakabalik dito."

"Okay kung 'yan ang gusto mo, halika doon tayo maupo." Turo ni Joaquin sa bakanteng mesang malapit sa counter. Naroon na rin kasi sila Didang at ang mga bata.

"Good morning Sir, Ma'am!" Pagbati ng lahat ng mga staff at crew. Hindi na niya kilala ang mga ito o baka hindi lang niya matandaan?

Kaya naman ngiti lang ang naging tugon niya.

Hindi rin nagawang iwasan ang bulungan ng mga staff patungkol sa kanya.

"Baka girlfriend siya ni Sir?"

"Mas maganda pa rin si Ma'am Liscel."

"Oo nga siya kaya ang bagong girlfriend ni Sir anak kaya nila 'yun kambal?"

"Siguro kamukha ni Sir Joaquin eh' kaya lang hindi naman niya kamukha."

Gusto nang tumayo ni Joaquin pero pinigilan lang niya.

"Hon, okay ka lang..." Nag-aalala nang tanong nito.

"Okay lang hayaan mo na lang sila, hindi pa kasi nila ako kilala."

"Eh' di ipapakilala kita!" Tugon ni Joaquin.

"Joaquin!"

____

Habang sa loob ng opisina isang staff ang nagparating ng kanilang pagdating...

"Ma'am Alyana dumating po si Sir Joaquin may kasama pong babae. Saka kasama rin po si VJ at saka may dalawa pang bata na kambal po yata kamukha rin ni Sir ang cute!" Tawag agad ng isa sa mga staff sa opisina. Gamit ang intercom monitor ng shop upang ipaalam sa head office.

"Ha' sinong kasama? Ah' okay sige baba na lang ako diyan." Naguguluhan namang tanong pa ni Alyana.

"Sino daw ang dumating?" Tanong naman ni Diane.

"Si Sir Joaquin daw nasa ibaba. Bakit kaya hindi pa tumuloy dito sa opisina? Saka may kasama daw babae."

"Oh' sino naman kaya ang kasama?"

"Hello po!" Sabay pa silang napalingon sa biglang pagsulpot ni VJ sa loob ng opisina.

"Oh' hello VJ... Sinong kasama mo baby?" Tanong agad ni Alyana.

"S'yempre si Papa at saka ang mga kapatid ko. Hulaan n'yo kung sino pa ang kasama ko?"

"Sino naman kaya 'yun at saka may kapatid ka na talaga?"

"Opo at dalawa pa! Sumama na lang po kasi kayo sa akin sa ibaba para naman makilala n'yo na po sila."

"Aba at mukhang botong boto ka diyan sa bagong Mommy mo ah'. Mukha bang may nakalimutan ka na yata?"

"Hindi po ah' hinding-hindi ko po makakalimutan ang Mamà Angela ko. Dahil siya pa rin ang number one Mommy ko! Number two si Mommy Liscel pero nasa heaven na siya kaya only one na lang po ang Mommy ko." Buong pagmamalaking saad nito.

"Eh' sino 'yung ipapakilala mo sa amin, naku ha'?"

"Basta sumama na lang po kayo sa akin." Nakangiti pa rin tugon nito.

Sumama nga itong bumaba kay VJ napasunod na rin tuloy pati si Diane.

____

Ilang sandali ang lumipas ng may lumabas sa kitchen na tila namumukhaan niya...

"Ano bang pinagtsitsismisan n'yo d'yan at nagbubulungan pa yata kayo?" Saad ng kitchen crew na kalalabas lang.

"Si Sir Joaquin Chef may kasama pong babae girlfriend niya yata?"

Sinundan naman nito ang itinuturo ng isang kahera. Humangga ito sa kanilang direksyon.

Dahil napaharap ito sa kanila, nginitian naman niya ito at tinanguan. Isa ito sa mga Chef nila na pinagkakatiwalaan niya noon naalala na niya.

Si Chef Monti...

Tila nagulat naman ito ng makilala siya sabay alis nito ng suot na head dress at deretso itong lumapit sa kanila.

"Ma'am? Ma'am Angela kayo nga Ma'am!" Lumabas ito ng counter at lumapit sa kanilang mesa.

"Ma'am kailan pa po kayo nakabalik ang tagal n'yo pong nawala ah' babalik na po ba kayo dito ulit?" Sunod-sunod na tanong nito.

Natawa naman siya sa naging pagsalubong nito sa kanya.

"Isa-isa lang Chef, anong gusto mong unahin ko. Pero bago kita sagutin nasaan na 'yun iba at saka kumusta na kayo dito?"

"Naku Ma'am mabuti naman kami lagi pa rin naming sinusunod ang mga bilin n'yo Ma'am s'yempre.

'Kung itatanong n'yo ang iba kami pa rin naman ni Chef Dina sa kusina nadagdagan nga lang ng mga bago. Saka may tatlo pang crew ang naiwan sa loob. Ang iba naman na-retained sa office. Ang iba nagsipag-asawa na yata kaya umalis."

"Ganu'n ba kaya pala puro bago na ang ibang mga nakikita ko."

"Opo Ma'am ang tagal n'yo rin po kasing nawala. Sana nga po ay bumalik na kayo Ma'am para mas masaya."

"Hahaha talaga lang ha'? Pero baka hindi ko pa magawa sa ngayon. Marami pa kasi kaming ginagawa ng Sir mo."

"Ay! Sir Good morning po."

Good morning, dumalaw lang kami ng Ma'am Angela n'yo. Baka bumalik rin kami agad ng Manila ngayong araw.

"Ang bilis naman, ah' teka pala sandali ipapakilala ko kayo sa mga bago nating staff."

"Ha' naku hu..."

"Madam!"

"Ate Angela!"

Sabay pang tawag sa kanya ng dalawang niyang kaibigan si Alyana at Diane.

Muli na naman tuloy siyang nakaramdam ng pamimigat ng kanyang mga mata. Na-miss rin niya ang mga ito.

"Sabi ko na magugulat kayo kapag nakita n'yo na si Mama ko eh'!"

"Bakit ngayon ka lang bumalik saan ka ba nagpunta ang tagal mong nawala!" Umiiyak na tanong ni Alyana.

"Babalik ka na ba ulit dito Ate makakasama ka na ba ulit namin Chef?" Tanong naman ni Diane.

"Kayo talaga kumusta na kayo dito okay lang ba kayo dito?"

"Okay naman kaya lang nami-miss ka na namin kasi bigla ka na lang nawala at umalis."

"Pasensya na kayo pati kayo nadamay sa gulo ng utak ko noon. Pero alam ko naman na kakayanin n'yo talaga kahit na wala ako. Tiwala naman ako sa inyong lahat at ngayon nga napatunayan na ang galing n'yo talaga!"

"Mas mabuti pa rin na narito ka, bumalik ka na."

"Sorry guys, pero sa'kin na lang muna itong Ma'am n'yo. Alam n'yo naman na ang tagal ko rin hinintay nito. Kaya hayaan n'yo lang munang maayos namin ang lahat. Bago ko siya pakawalan, okay?"

"Ah' wala na kaming masabi Sir, kun'di masaya kami para inyong dalawa at sana tuloy-tuloy na talaga Sir!"

"Ah' wala na talagang urungan ito pinikot na ako eh' kaya wala na tuloy akong nagawa."

"Hala! Ang yabang naman nito baka nga maniwala sila sa'yo!"

"Kung ganu'n kasalan na talaga Madam?!"

"Wow! Kailan ang kasal?"

"Wala pa namang date pero sana malapit na..." Si Joaquin na rin ang sumagot.

"Congrats po Ma'am, Sir!"

"Salamat!"

"Ah' pakikilala ko pala 'yung dalawang Anak ko! Ito si Quiyel at si Quian."

"Wow! Ang cu-cute naman nila kamukhang kamukha rin ni VJ."

"S'yempre kapatid ko sila eh' saka Anak sila ni Mama saka sabay sila pinanganak ni Mama. Ang galing no dalawa agad sila, saka gagawa pa nga sila ni Mama ng bago naming kapatid eh'."

"Hala! Secret lang natin 'yun!"

"VJ Anak ang daldal mo Anak!"

Halos mamula tuloy si Amanda dahil sa sinabing iyon ni VJ.

Nagtawanan tuloy ang mga nakarinig...

_

"Ehem! Bakit kayo nagtitipon dito anong meron?"

Sabay sabay silang napalingon sa pinagmulan ng tinig.

"Huh' Dorina?"

"A-Angela?!"

*****

By: LadyGem25

(08-13-21)


ความคิดของผู้สร้าง
LadyGem25 LadyGem25

Hello Guys,

Kumusta kayo? Dahil lumagpas na tayo ng 1M views, natuwa naman ako! Kaya hinabaan ko rin ang chapters para masulit ang inyong pagbabasa.

Sana magustuhan n'yo ulit ito. Palapit na po tayo sa ending konti na lang?

Pero sana bago pa tayo matapos mabigyan n'yo rin ng reviews ang story.

Para ma-feel natin na talagang nagustuhan n'yo ito. Pero s'yempre salamat rin sa paulit-ulit n'yong pagvotes, comments at higit sa lahat sa inyong pagbabasa.

GOD BLESS & THANK YOU!

MG'25 (08-13-21)

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C123
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ