ดาวน์โหลดแอป
26.66% The Probinsyana and the Heartless CEO / Chapter 4: Chapter four

บท 4: Chapter four

Nagising ako bigla at napaunat at napamulat bigla ng maalala ko na nandito pala ako sa opisina ng boss ko.

Napatingin ako sa paligid at nagulat ako na kama na ang kinahihigaan ko kaya napabangon ako.

Anong ginagawa ko dito? Ito agad ang tanong ko sa sarili ko at napatingin ako sa paligid ulit.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko agad si Sir Gabriel na nakatingin sa akin.

"Gising ka na pala." Sambit niya kaya napatingin ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama ko.

"Pasensya na po at nakatulog ako." Bulong ko agad at napahawak ako ng mahigpit sa kama.

"Bumangon ka na para makakain na tayo ng tanghalian." Sabi niya kaya napatingala ako sa kanya at tumango na lang kahit nagtataka pa rin ako.

Lumabas na siya ng silid at bumangon na malamig kaya napahawak ako sa braso ko.

Isang pinto ang nakita ko at marahil ay ito ang banyo kaya lumapit ako dito at binuksan ko.

Banyo nga ito kaya pumasok ako at napakabango amoy lalake, amoy ng gwapo kong amo kaya napangiti ako.

Umihi lang ako at nagsabon ng kamay ko at inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko at naghilamos.

Inamoy ko muna ang towel na nakasabit dito at dahil mabango ay ito na lang ang ginawa kong pamunas ng mukha ko.

Huminga muna ako ng maluwag saka lumabas ng banyo at diretso sa pinto at lumabas ako.

Nagulat ako ng opisina pa rin pala ito ng boss ko at nakita ko siya na may inaayos sa lamesa.

Mangha ako dahil may kwarto rin pala dito sa opisina niya.

Napatingin siya sa akin at sinenyasan ako na lumapit kaya lumapit ako.

"Tara na kumain na tayo." Sabi niya kaya napatingin ako sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.

Tila nagutom ako bigla ng makita ko ang masasarap na nakahain napatingin ako sa amo ko ng paupuin niya ako kaya umupo na ako.

"Sir pasensya na po nakatulog ako inabot pala ng ilang oras ang tulog ko." Paghingi ko ng pasensya sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Sige na ayos lang kumain ka na." Sabi niya kaya kumuha na ako ng pagkain.

Humigop muna ako ng umuusok na sabaw at napangiti ako dahil napakasarap nito.

Nagsimula na rin kumain ang amo ko tahimik lang ito kaya kumain na rin ako ng tahimik.

Grabe ang sarap ng mga pagkain at nabusog ako sobra may desert pa na gelato ice cream.

"Salamat sa pag-aayos mo ng mga papeles ko at paglinis ng buong opisina." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Ayos lang po sir magulo po kase masyado baka hindi ka nakakapagtrabaho ng maayos sa kalat." Sabi ko sa kanya kaya napatango siya at bahagyang ngumiti.

Tila may mga paro-paro na nagsiliparan sa harap ko at mga kumikintab na bagay ng ngumiti siya.

Napahawak ako sa puso ko ng malakas rin itong kumabog kaya napatanga lang ako sa kanya.

"Sumama ka na sa akin na sunduin ang mga anak ko mamaya." Sabi niya mayamaya kaya napatingin ulit ako sa kanya at tumango ako.

Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan ko na ang pinagkainan namin.

May kwarto, may banyo at may maliit na kusina pa dito na siya marahil natutulog kapag maraming trabaho.

Kaya pala minsan ay hindi na ito umuuwi sa mansyon.

Naalala ko pala sina Carla sigurado ako na bobombahin ako ng mga iyon ng tanong kaya napahinga na lang ako ng malalim.

Sumilip muna ako sa labas dahil nandito pa ang amo ko dahil naiilang pa rin ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo diyan?" Nagulat ako ng nasa harap ko na pala ang amo kaya nagulat ako at napaupo kaya napahawak ako sa balakang ko dahil sumakit ito.

"Sir naman eh nakakagulat ka naman." Nasabi ko bigla kaya nagulat ako sa sinabi ko at napatakip ng bibig at tumingala sa kanya.

"Kasalanan mo yan para kang may kasalanan na nakadungaw diyan." Sabi niya saka binigay sa akin ang kamay niya para makatayo ako.

"Halika na tumayo ka diyan." Sabi niya ulit kaya tinanggap ko na lang ang kamay niya.

Nagulat pa ako sa mainit niyang kamay at hindi ako makapaniwala na mahahawakan ko ang kamay niya.

"Salamat po sir." Mahina kong turan sa kanya kaya akma ko na ulit hihilahin ang kamay ko sa kanya pero ayaw niyang bitiwan.

"You know i don't know why i am feeling this right now." Mahina niyang turan kaya napatitig ako sa kanya na nagtataka.

"Alin po sir?" Tanong ko sa kanya bigla habang nakatingala ako sa kanya.

"This feeling..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya at bigla na lang akong kinabig at naramdaman ko na lang na dumampi na ang labi niya sa labi ko.

Sa gulat ko ay hindi ako agad nakakilos dahil sa ginawa niya at gulat na gulat pa rin.

"Open your mouth baby." Bulong niya saka ako muling hinalikan.

Dito ay wala sa loob na binuka ko ang bibig ko at naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala na hinahalikan ako ngayon ng amo ko at hindi man lang ako nakaramdam ng takot bagkus ay para akong dinuduyan sa napakalambing na paraan ng paghalik niya.

Pareho kaming humihingal habang magkadikit ang mga noo namin nakahawak pa rin sa leeg niya ang kamay ko at napakalakas ng tibok ng puso ko.

"I'm not sorry for kissing you Sonata." Bulong niya kaya napatingala ako sa kanya dahil masyado siyang mataas kaysa sa akin.

"Ayos lang po sir pasensya na." Bulong ko kaya napatitig rin siya sa akin.

"Bakit ka humihingi ng sorry?" Tanong niya kaya kinabahan ako at napalunok.

"Hindi ako marunong humalik." Mahina ko na turan sa kanya kaya mahina siyang napatawa.

"I will teach you how baby." Bulong niya kaya lalo naman lumakas ang tibok ng puso ko.

Nandito ako sa banyo at nahihiya talaga ako na lumabas kanina ay naranasan ko ang napakasarap na halik ng amo ko at hindi ko maiwasan na hindi matakot.

Biglaan lang ang mga nangyari at paulit-ulit ko pa rin na kinukurot ang braso ko dahil baka panaginip lang ito pero totoo dahil nasasaktan ako.

Inayos ko ang damit ko at inayos ko rin ang buhok ko at napatitig ako sa salamin.

Namumula ang pisngi ko at namamaga ang labi ko dahil sa ilang minuto yata na pinanggigilan ni Sir Gabriel ang mga ito.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko at napahinga ng malalim.

Napapitlag ako ng bigla na lang bumukas ang banyo at pumasok ang amo ko.

"Why took you so long?" Tanong nito kaya napatitig ako sa kanya at napalunok.

"Pasensya na sir." Mahina ko na turan sa kanya kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

Napatitig ako sa kanya at lalo akong kinabahan lalo na ng haplusin niya ang labi ko na namamaga.

"This lips is only mine." Bulong niya kaya napalunok ako at lalo akong kinabahan.

"Masakit po." Mahina ko na turan kaya napatingin siya sa akin.

"I'm sorry baby." Mahina niyang turan kaya kinabig niya ako at niyakap kaya napaiyak ako.

Napayakap ako sa kanya at hinayaan niya lang ako na umiyak ng umiyak bago kase sa akin ito.

Ang pakiramdam na ganito at ang kilos ni Sir Gabriel na malambing at hinayaan lang ako na umiyak ng umiyak.

Nakaupo lang ako dito habang may kausap sa telepono si Sir Gabriel at patingin-tingin lang sa akin.

Napapayuko na lang ako dahil nahihiya pa rin ako sa kanya napahawak na lang ako sa kamay ko ng mahigpit.

Kinuha ko na lang ang magazine na nakalagay dito sa lamesa at nagbasa-basa na lang.

Mangha kong tinitigan ang magazine at nandito pala si Sir Gabriel siya ang cover issue ng magazine na ito at napakagwapo niya dito kahit hindi siya nalangiti.

Nabasa ko dito na sa edad dalawang pu't limang taong gulang ay magaling na siya sa pagnenegosyo at nagmana na siya ng isang buong kumpanya.

Matalino, Mayaman, Masipag at Gwapo ito ang mga katangian na nakapaloob sa kanya kaya naman maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kaya napasimangot ako.

May mga model na na-link sa kanya dahil umaatend siya sa mga sosyal na party ng mayayaman sa ibang bansa.

Walang-wala ako kumpara sa mga babae na nandito sa litrato na kasama niya na nakuhanan ng picture.

Inis ko itong pinitik at lalo akong napasimangot lalo na ng makita ko ang babae na nakahawak sa braso nito.

Ang ganda nito at model at sikat na sikat kilala ko ito dahil madalas siyang pag-usapan ni Carla at Ate Yoly.

"Bakit ka nakasimangot?" Nagulat ako ng magsalita si Sir Gabriel na nasa tabi ko na pala.

"You're reading this magazine uh." Sabi niya at kinuha ito sa akin ayaw ko pa itong bitiwan dahil naiinis pa ako.

"Bitaw nagbabasa pa ako." Seryoso ko na turan sa kanya kaya napatitig siya at napangiti at hinawakan na ang kamay ko at bigla akong hinalikan kaya nabitiwan ko ang magazine.

"Don't worry kahit magaganda itong nasa tabi ko ay ikaw pa lang pinakamaganda na nakita ko sweetheart." Sabi niya saka ako hinalikan ulit at ang puso ko literal na dumagundong na naman sa kaba.

"Nagbibiro ka lang walang-wala ako sa mga babaeng yan." Mayamaya ko na sabi sa kanya kaya tumawa siya ng mahina.

Napatanga na lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na makikita ko na tumatawa siya at parang gusto ko na ulit na magpabihag sa kanyang mga braso.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ