Ilang oras din na animo'y naglalakbay sa kawalan ang isip ni Mira. Panaka-naka niyang nararamdaman ang pagturok ng karayom sa kaniyang balat at sa bawat sakit na nararamdaman niya ay siyang dahan-dahan pagbabalik naman ng kaniyang huwisyo. Malabo ngunit may mga naiintindihan siya sa mga katagang pinag-uusapan ng mga tao habang abala ang mga ito sa kaniya.
"Sir, mukhang ang isang ito ay isang natural kagaya ni Dylan, malakas ang brainwaves niya gayong nakakailang turok na kami ng pampakalma sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay paniguradong naririnig pa niya ang usapan natin ngayon at nararamdaman pa niya ang mga karayom na tumutusok sa kaniyang balat." Wika ng isang babae.
"Kumusta ang health data niya?"
"Parehong malusog ang bagong specimen at maari silang isalang sa susunod na proseso. Wala pong magiging problema." Tugong ng babae sa katanungan ni Alejandro.
"Magaling kung ganun. Simulan na ninyo ang proseso ng pagsasalin." Utos niya na agad din sinunod ng kaniyang mga tauhan.
Ang proseso ng pagsasalin ay isang mahalagang hakbang upang makuha nila ang natatanging cells sa katawan ng mga naturals na pinaniniwalaan naman nila na siyang magiging susi ng tagumpay ng kanilang mga ekspiremento. Iilan lamang sa mga nasalinan ng dugo at cells ng hawak nilang naturals ang naging matagumpay.
Bukod sa napakaraming complications ay nariyan din ang mga adverse effect at incompatibility ng cells sa tuturukang katawan ng tao.
Mostly ay nagiging abnormal o namamatay ang sample. Halos hindi na rin nila mabilang kung ilang bata na ang namamatay sa kanilang mga kamay dahil sa complications na ito. Subalit ika ng ng kanilang lider, hanggat may perang dumadaloy sa kanilang organisasyon at hanggat napakaraming bata ang napupunta sa kanilang orphanage ay hindi sila titigil hanggang sa magtagumpay sila.
Walang paglagyan ang kasabikan ni Alejandro nang malaman ang resulta ng mga naunang test kina Dylan at Mira. May tsansa nang magtagumpay ang matagal na nilang plano na bumuo ng isang perpektong hukbo ng mga taong may kakaibang abilidad. Ito na din ang magiging daan niya sa buhay na walang hanggan.
Sa kalagitnaan ng nasabing proseso ay nagtataka ang mga doktor at siyentipiko nang biglang mag fail ang kanilang ekspiremento. Parehong pumasa ang naunang blood samples ng dalawang specimen subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nag-failed ito sa proseso. Halos nakalimang ulit sila ngunit pareho pa rin ang resulta.
"Ano ang nangyayari? Possible ba ito? Dr. Grey, what are your insights regarding this matter?" Taning ng isang babaeng nakaputi.
"I can hardly pin point where did it go wrong. Did you skip the steps?"
"No Doctor, we strictly adhere to the steps given." Paliwanag naman ng nakasalaming binata. Halos lahat sila ay nagtaka dahil dito. Lingid sa kaalaman nila, bago pumasok sa base sila Mira at Dylan ay binigyan sila ng gamot ni Jacob na sa oras na kuhanan sila ng blood samples o kahit turukan sila ng kahit anong gamot ay kusa na itong maa-activate. Ito din ang dahilan kung bakit hindi naging tugma ang unang test sa sumunod nitong proseso.
Dahan-dahan na ding bumabalik ang huwisyo ng dalawa ngunit nanatili na lamang silang nakaestatwa sa kinahihigaan nila at pasimpleng nakikiramdam sa nga nangyayari. Wala na din ang kaba nilang nararamdaman nila kanina dahil alam na nilang umeepekto na ang gamot na ibinigay sa kanila ni Jacob. Lahat ng ituturok sa kanila ay magiging walang silbi dahil sa gamot na iyon. Kung medisina at pagtuklas ang pag-uusapan ay pihadong si Jacob na ang mangunguna. Likas sa binata ang pagiging magaling sa medisina dahil nanggaling pa siya sa angkan ng mga kilalang doktor at siyentipiko. Iyon din ang unang naging dahilan ni Alejandro para dukutin si Jacob noong bata pa ito.
Bahagyang ipinilig ni Mira ang kaniyang ulo sa gilid upang makita niya ang sitwasyon ni Dylan. Palihim silang nagtanguan at muling nanumbalik sa una nilang sitwasyon.
Dahil dito ay pansamantala silang ibinalik sa kanilang pinagkukulungan silid. Nang maramdaman nilang nakalayo na ang mga ito ay dahan-dahang iginalaw ni Mira ang kaniyang katawan. Una niyang ginalaw ang mga daliri sa kaniyang paa, papaitaas. Nang maramdaman niya ang pagbabalik ng lakas niya ay tuluyan na siyang umupo sa kaniyang higaan. Pagbaling niya sa higaan ni Dylan at nakita niya itong nakaupo na rin. Seryoso at di maipinta ang mukha ni Dylan.
"Narinig mo ang usapan nila?" Tanong ni Mira sa binata.
"Of course. I've never imagine that they're this rotten." Madilim ang mukhang sagot ni Dylan. For some reason, they felt bad about the rest of the kids enduring that painful process. Lalo na si Mira dahil habang dumadampi sa kaniyang balat ang mga kamay ng mga taong iyon ay isa-isa niyang nakikita sa alaala ng mga ito ang mga batang dumaan sa maramjng pasakit bago tuluyang bawian ng buhay. Nakakapanlumo at nakakapangilabot. Walang kapatawaran ang kanilang ginagawa sa mga batang iyon.
Pilit na iwinaksi ni Mira ang masasalimuot na alaalang iyon bago muling bumaling kay Dylan.
"Nakita ko si Mommy sa alaala ng isang doktor. Nandito nga siya Dylan. Nakita ko pa na may kasama siyang isang babae sa kwarto pero nakahiga lamang ito sa higaan. Hindi ko alam kung iyon ang Mommy mo." Saad ni Mira na bakas sa mukha niya ang matinding kagalakan dahil napatunayan niya na buhay pa ang kaniyang ina. Subalit bukod sa kagalakan ay nag-aalala din siya sa kalagayan ng mga ito.
"Sa tingin ko ay malubha ang kasama ni Mommy, Kailangan natin silang tulungan, pero paano natin malalaman kung nasaang kwarto sila?" Tanong ni Mira at bigla niyang naalala ang kausap niya. Bukod sa kanila ay sigurado ang mga taong may likas lang na abilidad ay ang Mommy ni Dylan ang ang Mommy niya.
Bumalik siya sa kaniyang pagkakahiga at agad na pinalakbay sa kawalan amg kaniyang isipan.
"May itatanong ako. Nais ko sanang malaman kung aling kwarto kayo naroroon? Maari ka bang magbigay ng hudyat o ingay bukas sa pagdaan namin?" Wika ni Mira sa kaniyang isipan.
"Maari subalit huwag kang magpapahalatang para sa inyo ang hudyat na gagawin ko. Mag-akto kayong normal at balewala lamang ang inyong mga naririnig." Tugon naman nito sa malumanay pa ring boses.
"Walang problema doon. Sisiguraduhin naming hindi kami mahahalata ng mga tauhan ni Alejandro." Sambit ni Mira.
"Isa sa dahilan kung bakit nais kong malaman ang kinaroroonan niyo dahil nakita ko sa alaala ng isang doktor na may kasama kayong malubha ang kalagayan ngayon. Mayroon akong gamot dito na magpapabilis ng paggaling ng kaniyang mga sugat at iniindang sakit. " wika ni Mira at narinig niya ang paghinga nito ng malalim sa kaniyang isipan.
"Oo, malubha si Allyana. Dahil sa kagagawan ni Alejandro. Lubos naming ikatutuwa kung mayroon kang lunas na magtatanggal ng mga sakit na kaniyang nararamdaman." Saad ng kausap ni Mira. Ramdam niya ang matinding pag-aalala nito na kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang umiiyak ito dahil sa pagkaawa sa sitwasyon ng kaniyang kapatid.
"Allyana? Ano po ang pangalan niyo?" Tanong ni Mira habang kinakabahan.
"Allysa, ang kasama ni Allyana si Allena. Triplets kami ngunit si Allena ang tumatayong nakakatanda sa amin." Tugon nito. Sumikdo ang kaniyang dibdib at bigla siyang napabangon sa higaan. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at hindi na niya napigilan pa ang mapahagulgol sa pag-iyak. Agad naman siyang dinaluhan ni Dylan upang kausapin kung ano ang nangyari.
"Dylan, magkapatid ang mga Mommy natin. Mommy mo ang kausap ko." Hagulgol na wika ni Dylan at natulala si Dylan. Hindi niya akalaing tama ang kutob niya. Buhay ang kaniyang ina. At malamit na niya itong makita.
"Mira, nasaang silid sila?" Agap na tanong ni Dylan at napailing naman si Mira bilang tugon. Isinalaysay niya rito ang napag-usapan nilang plano upang malaman nila kung saang kwarto naroroon sina Allysa.