ดาวน์โหลดแอป
85.52% His Sweet Peculiar Wife is a Bit Fierce / Chapter 65: Chapter 65

บท 65: Chapter 65

Flashback...

"Lena, pumasok na kayo sa loob at gabi na, ano pa ba ang ginagawa niyo diyan sa labas?" Tawag ng isang butihing ginang na siyang naging tagapag-alaga ng tatlong anak ng mga Silvan. Ang angkan ng mga Silvan ay isa sa mga angkan na maituturing mong ilap sa ibang tao. Malimit mo silang makikitang nakikipaghalubilo sa ibang mga pamilya, maimpluwensya rin ang pamilyang ito dahil sa angking katalinuhan ng bawat myembro ng angkang ito.

Ang mansyon naman ng mga Silvan ay nakatirik sa pinakatuktok ng isang kabundukan, malayo ito sa kabihasnan ngunit hindi din naman ito nahuhuli sa pamumuhay ng mga taga-lungsod. Napapalibutan ito ng kagubatan na siyang pangunahing depensa naman ng kanilang angkan. Kung hindi ka taga-roon ay paniguradong mawawala ka dahil na din sa masukal na kakahuyan pumapalibot dito.

"Nana Karing, hinihintay namin si Papa, gabi na subalit wala pa din siya." Sagot ng dalagang si Allena, bakas sa boses nito ang matinding pag-aalala. Hindi pa man din nakakasagot ang ginang ay nasipat nila ang kanilang amang naglalakad papasok sa gate kasa-kasama ang isang binata na hindi nila mawari kung saan nanggaling.

"O, Lena, bakit nasa labas pa kayo? Halina kayo sa loob at napakaraming lamok dito, mamaya magkasakit pa kayo." Pag-aaya ni Gustavo sa mga anak nitong dalaga. Nang makapasok na sila sa loob ay doon lamang ipinakilala ni Gustavo ang kasama nitong binata. Natatayang mas matanda lamang ito sa kanila ng isa o dalawang taon. Maamo ang mukha nito at mapusyaw ang kulay kayumanggi nitong mga mata. Hindi ito kaputian ngunit hindi rin naman maitim, katamtaman lang din ang tangkad nito at kulay itim ang medyo kulot nitong buhok.

"Siyanga pala Alejandro, ito ang mga anak ko si Allena,Allysa, at Allyana. Mga anak ito naman si Alejandro, mula ngayon ay iturong niyo siyang paramg kapatid ninyo. Nagdesisyon kami ng Mama mo na ampunin na si Alejandro, matagal na siya naming pinababantayan doon sa ampunan sa bayan." Wika nito at tumango lang naman ang tatlo. Wala silang pagtutol sa desisyon mg kanilang ama dahil alam din naman nilang nakilatis na ito ng padre de pamilya nila.

Mabait si Alejandro at matulungin sa loob ng bahay. Natuwa naman ang tatlo dahil amg dating mabibigat na bagay ay si Alejandro na ang gumagawa. Dahil sa maselan nilang sitwasyon ay hindi nila nagawang kumuha ng katulong maliban kay Nana Karing na simula pa lamang nang mga sanggol sila ay naninilbihan na sa pamilya ng mga Silvan. Dati rin itong tagapag-alaga ng kanilang ama kaya naman ay gamay na nila ang pag-uugali ay loyalidad nito.

"Alejandro, punta tayo sa batis, samahan mo na kami. Hindi magagalit si Papa kapag kasama ka namin." Ani Allena na noo'y nakagayak na. Kasunod nito ang dalawa nitong kapatid na ngingisi-ngisi habang bitbit ang dalawang basket na puno mg pagkain. Kasalukuyang naman abala si Alejandro sa pagkukumpuni ng maliit nitong bahay kubo na nasa ilalim ng isang malaking puno ng mangga.

Napakamot naman ng ulo si Alejandro habang nakatingin sa tatlong walang ginawa kundi ang kulitin siya. Napabuntong-hininga lamang ito at wala nang nagawa kun'di ang sumang-ayon na samahan ang mga ito. Alam din naman kasi niyang aalis pa rin sina Allena kahit hindi siya sumama kaya mas mabuti na rin na sumama siya at nang mabantayan niya ang mga ito.

Natuwa naman ang tatlo at agad na umambresete sa braso ni Alejandro habang si Allena naman ang tila nagsipbing lider nila na siyang tagaturo kung saan sila dadaan. Kung titingnan ang apat ay tila magkakapatid lang ang mga ito.

Pagdating sa Batis ay agad na silang naglatag ng banig at doon nahiga. Lumipas ang oras at naging masaya naman ang apat sa kanilang mumunting picnic sa batis. Simula noon ay lagi nang magkasangga ang apat. Kapag bumababa sila ng lungsod ay tika isang bodyguard si Alejandro na laging nakabantay sa kanila. Ikinatuwa naman ito ng ama nina Allena.

Lumipas pa ang ilang linggo,buwan at taon at mas naging malapit pa ang magkakapatid kay Alejandro. Itinuring nila itong isang tunay na kapatid at hindi na rin ito naging iba sa kanila.

Isang araw habang namamasyal mag-isa si Allena ay may nakasalubong siyang binata sa kagubatan. Sugatan ito at animo'y pagod na pagod. Madungis din ang pananamit nito at maging ang buo nitong katawan.

"Miss can you help me, I'm lost." Wika nito sa garalgal na boses. Tila tinamaan naman ng kidlat si Allena nang makita nito ang napakagwapong mukha ng binata. Matangoa ang ilong nito at malalantik ang pilik-matang nagsisilbing binata ng napakaganda nitong mata. Matipuno ang pangangatawan nito at makinis din ang maputi nitong balat.

"Saan ka ba galing bakit ka napadpad dito?" Agap na tanong niya sa binata at mabilis itong inalalayan dahil sa paika-ika nitong paglalakad. Dinala ito ni Allena sa mansyon at agad na nilapatan ng paunang lunas.

"Saan mo naman nadampot ang binatang iyan Lena?" Tanong ni Allysa.

"Sa gubat habang naglalakad ako." Simpleng sagot ni Allena habang maingat na tinatali ang benda sa braso ng binata.

"Ano pala nag pangalan mo, tinulungan naman kita at kita mo naman hindi kami masamang tao." Saad ni Allena at ngumiti naman ang binata.

"Liam, Liam Vonkreist. Nahiwalay kasi ako sa mga kasama ko, nagcacamping kami tapos bigla nalng ako nahiwalay sa kanila tapos nahulog ako sa isang bitag kaya ako nagkaganito." Salaysay naman ng binata.

Nanatili pa mg ilang araw si Liam sa mansyon ng mga Silvan hanggang sa gumaling ang sugat niya at sa mga araw na iyon ay nagkamabutihang-loob si Liam at Allena na siya naman ikinainis ni Alejandro. Ang dating atensyon ng dalaga na nakatuon lang sa kaniya ay bigla nalang nawala at nabaling sa isamg binatang kakakilala pa lamang nito.

Doon na din nagsimula ang matinding pagbabago sa ugali ni Alejandro. Nang umalis si Liam ay nag-iwan ito ng pangako na muli siyang babalik ulit sa lugar na iyon. Halos dalawang taon din ang lumipas nang bumalik si Liam. Sa pagkakataong iyon ay pormal niyang hiningi kay Gustavo ang kamay ng anak nito. Hindi naman tumutol si Gustavo dahil kilala niya ang mga magulang ni Liam at nakikita naman niya kay Allena ang kagustuhan nitong maging kabiyak ng puso ang binata.

Lubos ang kasiyahan ng mag-anak ngunit lingid sa kaalaman nila ay hindi na pala natutuwa si Alejandro sa mga nangyayari. Mabilis na lumipas ang mga taon. Nagkaroon ma din ng katipan si Allysa sa katauhan ni Damian na isang businessman. Tulad ni Allena ay nilisan din niya ang mansyon at ang tanging naiwan ay si Allyana, ang papa nila, si Nana Karing at Alejandro. Nang mamatay si Gustavo ay wala nang naging komunikasyon si Allena ay Allysa sa kanilang kapatid maging kay Alejandro. Ang buong akala nila ay nakapag-asawa na din ito.

"Patawarin mo ako Yana, hindi kita dapat imiwan sa mansyon. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin sayo ni Alejandro. " Umiiyak na saad ni Allena habang marahang pinupunasan ang mga sugat ng kapatid.

"Lena, ilabas mo na si Yana dito, tama na ang sakit na dinanas niya sa kamay ni Alejandro. Hayaan mong saluhin ko ang sakit. Hindi ako takot masaktan. Lena pakiusap." Saad ni Allysa habang humihikbi. Nakadikit sa dingding ang ulo niya habang walang tigil sa pagtulo ang kaniyang luha.

"Ako ang kailangan niya, bakit kailangan niya kayong saktan. Ako ang may kasalanan sa kaniya."

"Wala kang kasalanan Lena, sadyang dem*nyo lang talaga si Alejandro. Marahil ay ito talaga ang tunay niyang ugali. Lahat ng kabutihan niya noon ay puro pagkukunwari lamang. Huwag mong sisihin nag sarili mo. " wika ni Allysa .


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C65
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ