ดาวน์โหลดแอป
82.22% THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 37: SOUL BEAD

บท 37: SOUL BEAD

Pag-tapak ng mga paa ng grupo ni Veronica sa lupa na nasasakupan ng palasyo ng Hanaj, lahat ay napa-atras palayo kay Veronica. Sino ba naman ang hindi? Halos hindi sila maka-hinga sa pressure na pinapakawalan ni Veronica ng mga oras na iyon. Ang aura na naka-palibot sa kanya ay sobrang kapal. Tulad ng energy wave na pinakawalan niya sa Cloud mountain, ang kasalukuyang energy na pinakawalan niya ngayon ay kakaiba.

Naroon ang tinatagong pagkabigo, betrayal, at sakit ng puso. Sinikap ni Veronica na itago ang nararamdamang sakit habang kaharap niya kanina si Yohan. Masakit pala, masakit pala yung harap-harapan mong makikita ang galit sa mga mata ng taong hindi mo aakalain na uukit sa inosente mong puso. Alam ba ni Yohan kung gaano niya sinikap na siguradohin na magiging ligtas ang Drama kahit wala siya?

Paano kung sabihin niya na kung hindi dahil sa Dragon tears ni Ravi, patay na sana siya dahil sa pagsisikap niyang patunayan na hindi siya masamang tao? Bakit kahit sinakop na niya ang pinaka-matinding banta sa Drakaya, hindi parin makita ng binata ang totoong pagkatao niya? How could he be so cold hearted?!

"Master... Please be at ease. Isipin mo ang pamilya mo sa mundong ibabaw. Kapag nag-tagumpay ka sa paghanap ng susi kung paano bubuksan ang portal, makakalimutan mo rin ang taong dahilan ng nararamdaman mong sakit ngayon." Sinikap ni Ravi ang magsalita upang kahit papano ay mabawasan ang negatibong enerhiya na pinapakawalan ng kanyang master.

Naikuyom ni Veronica ang mga kamao. Ravi is right, narito siya sa Terra Crevasse upang gawing maayos ang lahat. At narito din siya sa Hanaj kingdom upang makuha ang isang bagay na tanging ang Reyna ng Hanaj lang may hawak. Ilang beses siyang napahugot ng hininga at mariing napa-pikit.

Kasabay ng pag-dilat ng kanyang mga mata, bumukas ang malaking gate ng palasyo. Nagsimulang ihakbang ni Veronica ang mga paa at pumasok sa malaki at mataas na gate. Sa loob ng wall, sinalubong sila ng ibat-ibang kulay na paro-paro na sa bawat Pagaspas ng kanilang pakpak ay naiiwan ang mga kumikinang na liwanag. Sa kanang bahagi ng malawak na hardin, naroon ang magandang lawa na napapalibutan ng kumikinang na mga puno at halaman. Sa kaliwa naman, ibat-ibang klaseng bulaklak at mga ginintuang bato ang kanyang nakita.

Inilipat niya ang kanyang paningin sa unahan, maraming mga elfs ang lumalakad at nagbibigay buhay sa mga puno at halaman sa paligid. Ang kanilang mga damit ay kasing kulay ng mga dahon sa paligid. Yeah, ganitong ganito ang kanyang nilikha noon.

"Nika, siguro ganito yung sinasabi nilang engkantadia." Sabi ni Rowel habang pinag-sasawa ang paningin sa paligid.

"Likely.." Tipid na sagot ni Veronica.

Napukol ang kanyang paningin sa isang nilalang na lumalakad palapit sa kanila. The man is wearing his golden robe, ang silver na kuronang gawa sa kumikinang na sanga ng kahoy ay lalong dumagdag sa kaakit-akit na itsura ng lalaki. Ang kulay puti at mahaba nitong buhok ay sumasayaw sa hangin sa tuwing inihahakbang niya ang kanyang mga paa. He's tall, more than 6 feet. Nakikita ni Veronica ang dibdib ng lalake na bahagyang nakasilip.

"Welcome to our Kingdom, Binibini." Halos paos na boses na bati sa kanya ng lalake.

Alam ni Veronica, ito ang lalakeng kausap niya gamit ang ibon. Ang kaisa-isang prinsipe ng Hanaj Kingdom, Clewin Kotrav. Bahagyang inuyuko ni Veronica ang ulo at magalang na tinanggap ang kamay ng Prinsipe na inialok sa kanya.

"My name is Veronica, these people are my friends." Pagkadaka ay sambit ni Veronica habang isa-isang tinitingnan ang kanyang mga kasama. "By the way Rowel, may ipapagawa ako sayo bago tayo maglakbay sa parteng timog ng Terra Crevasse." Ani Veronica.

"Ano yun?" Tanong ng kaibigan niya.

"Gusto kong mag-pasama ka kina Agartha at Ravi papunta sa Chuswar Kingdom."

"Hah?! Diba kalaban yun ng Drakaya? Anong gagawin ko doon?"

Isang kurot sa dibdib ang muling naramdaman ni Veronica ng marinig niya ang Drakaya. Gayunpaman, idinaan niya sa paglunok ng sariling laway ang pagtatago ng nararamdaman.

"Alam kong gustong-gusto mo nang makita ang iyong ama. Naroon siya ngayon sa Chuswar. Talk to him until I get you out of there. Sabihin mo sa kanya ang plano nating pag-hahanap ng susi ng portal pabalik sa mundong ibabaw. And also, tell him to give me the treasure na nakatago sa ilalim ng palasyo ng Chuswar. Kung gusto niyang makabalik sa mundong ibabaw, tell him to do everything to get that treasure and give it to me." Seryosong salaysay ni Veronica sa kaibigan na bahagyang namula ang mga mata.

Sa wakas, sa tinagal-tagal na panahon ng pangungulila. Makikita na niya ulit ang kanyang ama.

"Hindi ba delikado?" Nanginginig ang boses na sagot ni Rowel.

"No.. Nakita na niya ang mukha mo kaya alam kong kilala ka na niya. At isa pa, kasama mo si Agartha at Ravi kung sakaling magka-problema. Agartha, wag kang mag-alala, I'll protect Devaugn."

"I know.. Don't worry too, I'll protect your friend." Sagot ng babaeng divinian na bigla na lang ibinalik ang natural nitong anyo.

Namilog ang mga mata ni Clewin na hindi nakaligtas sa paningin ni Veronica. Nakita din niya ang pag-galaw ng tenga ng lalake habang nakatitig sa kagandahan ni Agartha.

"Clewin, Agartha is still a child. You can't be fall for her." Seryoso at puno ng pag-papaalala na bulong niya sa elf.

"I... I'm sorry." Pag-iwas tingin naman nito.

Tumango lang si nika at tsaka sinulyapan si Ravi. Gamit ang telepathy, kinausap niya ito.

"Ravi, kapag pumayag ang ama ni rowel na ibigay ang treasure ng Chuswar kingdom, gawin mo ang lahat upang makuha ang masiguro na ligtas na mapasakamay mo ang laman ng treasure box."

"Master.. Maari ko bang malaman ang laman ng box?"

"Yes.. It's the Soul bead." Sagot ni Veronica.

Soul bead.. Isa itong emerald na hugis buto. Ang soul bead ay ibinigay sa kanya ng kaibigang si Banawa noon. May kakayahan ang emerald na ito na pansamantala siyang bigyan ng dadag kapangyarihan ng soul ni Banawa. Sa madaling salita, kaya tinwag na soul bead ang nasabing emerald ay dahil, naglalaman ito ng maliit na parte ng soul ni Banawa.

Itinago niya sa ilalim ng lupa ang soul bead upang maging ligtas sa posibleng magka-interes dito. Mabuti nalang, wala pang ibang Dyos ang napadpad sa mundong ilalim. Kung nag-kataon, marahil ay nakuha na ito.

"Yes, master.. I'll get it at all cost." Sagot ni Ravi na mabilis ding nagpalit ng anyo as Dragon.

Sumakay dito si Rowel at Agartha na nagulat pa. Ilang sandali lang, mabilis na nawala sa paningin niya ang grupo ni Ravi. Nilingon ni Veronica si Clewin at tsaka akmang magsasalita na ng bigla na lang siyang nabuwal.

"Binibini!" Nag-aalalang sambit ni Clewin sa pangalan niya.

Pumulupot ang braso ng lalake sa katawan niya kaya napa-subsob siya sa dibdib nito. Nahihilo siya.. Siguro ay dahil sa sunod-sunod na araw na kulang siya sa tulog. Actually no, ilang araw na siyang walang tulog.

"You seemed tired. Let's go inside." Narinig niyang sabi ng elf.

Tumango lang siya bilang sagot subalit mabilis na napa-kunot ang kanyang noo ng marinig niya ang kalansingan ng mga bato at ilang bagay sa paligid.

"Take your hands off of her." Dinaig pa ang lalim ng dagat ng Pacific Ocean ang lalim ng boses ng may-ari ng boses na yun.

Nahihilo man, sinikap ni Veronica na lingonin ang may-ari ng boses. Pakiramdam niya ay lalo siyang nahilo ng makita kung sino ang nagsalita.

"Anong ginagawa ng tyrant king of Drakaya sa kaharian ng Hanaj?" Malalim at malamig ang boses ni Clewin ng magsalita.

Yohan, is currently riding his sword towards them. Madilim ang anyo ng lalake na para bang galit na galit. Ilang sandali pa, tumapak na rin ang mga paa nito sa lupa. Nagtama ang kanilang mga mata at nakita ni Veronica ang galit ni Yohan na naka-reflect sa mga mata nito. Ano nanaman kaya ang kailangan ng lalake sa kanya.

"Sabi ko, bitiwan mo si Veronica. Give her to me." Puno ng otoridad na sabi ng binata.

Tumaas ang mga kilay ni Clewin. Kasabay ng pag-guhit ng isang evil smile sa labi nito. Lalo niyang kinabig si Veronica at tsaka nag-salita.

"Are you her owner? Sino ka sa kanya para ibigay ko siya sayo? Ahh wait, let me ask her instead." Ani Clewin. "Tell me Veronica, should I hand you to him?" Tanong nito sa nahihilong si Veronica.

Ipinikit ni Veronica ang mga mata bago iminulat ulit at nilingon si Yohan. Naka-tingin sa kanya ang binata na para bang inaasahan nito na papayag siya. But, Veronica had enough. Tama na ang tatlong beses na muntik siyang saktan ng lalake.

"No.. Please take me inside. I feel dizzy..." Mahinang sagot niya.

Narinig niya ang pagpapakawala ng kapangyarihan ni Yohan laban kay Clewin. Ang mga kulay gintong bato ay lumutang sa hangin. Gayunpaman, dahil isang Hanjian si Clwen, the rocks fell on the ground.

"Give her to me!" Sigaw ni Yohan ulit.. "Veronica, come here!!" Tawag na niya sa pangalan ng babae.

"Your Highness, please... Enough already.. Tapos na ang obligasyon ko sa Drakaya. And... Ayaw na kitang makita." Iyon lang, at tuluyan ng nawalan ng malay si Veronica.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C37
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ