ดาวน์โหลดแอป
89.89% QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 88: 9.1 Pet Peeves

บท 88: 9.1 Pet Peeves

[Kaede Rukawa...]

*Meowoooo… Meowoooo… MEOWOOO!*

Tsk! Unang bungad pa lang ng lunes ay siguradong kaakibat na nito ang masamang pangitain. Hindi lang naman iyon isang guni-guni dahil isang hamak na puting pusa lang naman ang nananadyang galitin ako.

Kinapa ko muna ang ulo ko sa pag-aakalang ginulo na naman niya ang buhok ko. May sapi pa naman din siya lagi kaya ganito ako kapraning tuwing sasapit ang umaga. "Oi!! Kung ayaw mong maging siopao, lumabas ka na sa kwarto ko, dali na!!" Mariing utos ko sa makitid nitong pag-iisip nang buhatin ko si Kumo na sadyang hindi pinakain ni ante kahapon bilang parusang nararapat sa gaya niya.

Aminado rin naman ako na it literally serves him right dahil kinalat mismo ng pusang ito ang laman ng sarili niyang litter box sa buong bahay. Kung nasagad niya man ang pasensya ko ay naihagis ko na malamang si Kumo sa labas ng bintana, ngunit pinili ko na lang magtimpi at binalibag ko siya sa sahig. Ikaw ba naman ang pinaglinis ng kinalat ng ibang namamahay na peste, sino ba ang hindi maiinis doon?! 

Samantala ay nagulantang ang senyoritong animales sa mga oras na ito noong biglang magparamdam sa kanya ang presensya ng amo niya. Nawala si Kumo sa paningin ko nang mabaling ang aking atensyon sa isang atribidang tita na nakababatang kapatid ng tatay ko. "What the heck! Ano pang ginagawa mo dyan sa higaan mo, Kaede? Diba may pasok ka pa?!" Okay just give me a break already. 

"Sandali lang naman tita. Alas kwatro pa lang po ng madaling araw tsaka hindi naman naglalakad mag-isa ang Shohoku sa ibang bakanteng lote." Papungas-pungas pa ang mata ko at wala na akong ibang matinong masasabi bukod dito dahil sira na naman ang tulog ko. Sobrang saya ko nga at malaking sakit sa ulo ang inambag nilang dalawa lalo na si Kumo na kinulang ng lamon sa cat food.

"May I remind you iho na wala ka sa bahay niyo. You are miles away from Shohoku ngayon, di gaya ng dati, kaya huwag mo akong sinasagot ng ganyan." I knew it. Triggered na naman ang ante Roannes na 'to sa kung anumang away ang sinabak niyan kontra sa asawa niya.

Gaya ng laging nangyayari sa bahay na ito ay hindi na naman ako tinatantanan ni Kumo sa paglalaro malapit sa higaan ko.

*Myeah!* aniya at ewan ko ba kung anong problema sa akin ng pusa na ito at napakaterritorial niya masyado sa akin nitong mga nagdaang araw. Pasalamat talaga na hindi naihi ang pusang ito sa kwarto kung hindi ay lagot na naman ako sa may-ari ng bahay na ito.

"Istupido! Baka mahawa ka ng katarantaduhan sa lalaking iyan. Stop biting him, Kumo!" The irony from her own words. Ni wala na din atang pakialam ang tita ko kung madisgrasya man ako dahil sa pusa niya. Imbes na makatulong ay lalo pang lumala ang sitwasyon ko.

"Argh😤!! Alright. That's it." reklamo ko sa kanya at napatayo akong bigla sa higaan ko. Sinubukan kong alugin si Kumo nang matagtag siya sa pagkakakagat niya sa kamay ko.

Nilapitan ako ni ante Roannes para pakainin na sana si Kumo sa labas ng kwarto ko. "Hoy! Tigilan mo na iyan. Isa…" bulyaw ni ante at kahit bigyan niya pa si Kumo ng treats ay hindi pa ako pinapakawalan ng hayop na ito. Nakadakma pa din ang ngipin nito sa kamay ko kaya lalo akong nababanas sa kadramahan niya.

Animal cruelty daw pero wala na akong magagawa kung mahampas ko na siya sa kada sulok ng kwartong ito dahil sa katigasan ng ulo ni Kumo at napakahirap niyang pasunurin. "MMRREEAARRRR!" I hissed during those minutes at his face dahil hindi na talaga matutukan ng maayos ang animal na iyon. 

Nang makawala sa akin si Kumo ay bigla ba naman akong pinaratangan ni ante sa pagbabago ng ugali ng pusa niya. "Hay nako! Kawawa naman ang baby ko." Sabi ni ante Roannes sa pusa niya na masyadong rotten spoiled gaya ng hininga niya.

That rascal was filled with kisses galing kay ante at balot na balot siya sa yakap ng amo ni Kumo. "Mabuti na lang at naturukan ng anti-rabies ito kung hindi, sa kangkungan ang bagsak mo. Diba sinabi ko naman sayo na huwag mong papapasukin si Kumo dito sa kwarto mo?! Ang hirap pa man ding linisin ang tatami mats dito…" And so on and so forth, lumalabas na lang sa kabilang tenga ko ang pinagsasabi ni ante Roannes sa akin.

Mabuti sana kung si ante Roannes talaga ang naglilinis pero simula noong inampon nila ako dito sa bahay nilang mag-asawa habang nakadeploy ang papa ko sa ibang bansa ay tahasan na nila akong ginawang utusan 24/7. Hindi naman ako nagrereklamo sa pakikitungo nila sa akin pero kung ayaw nila ng dagdag na problema, dapat sana eh hinayaan na lang nila akong mag-isa sa bahay. Mas nagagawa ko kasi ang gusto kong gawin doon sa bahay namin kaysa dito na sobrang higpit ng pagkakatali nila sa leeg ko. Nakakasakal na lalo pa't hindi ka naman nila maituring ng maayos bilang parte ng pamilya.

Kung prangkahan lang naman ang basehan, ayoko talagang magtagal sa isang set up na lagi na lang pinamumukha sa'yo ang kamalian ng magulang mo. Kahit dekada pa ang lumipas eh panay na lang pinapaalala ng ante Roannes na isang malaking pagkakamali na pumatol si papa sa gaya ng nanay kong manggagamit at manloloko pa kuno. Ayon sa kanya ay wala daw pagpapahalaga sa usaping dignidad ang nanay ko at hinahayaan lang ang ibang lalaki na galawin siya.

Sa totoo lang ay wala na akong panahon na intindihin pa ang mga haka-hakang pinagsasabi ni ante tungkol kay mama dahil una sa lahat ay hindi ko din naman personal na kilala ang mama ko. Wala din naman nabanggit ang papa ko sa akin tungkol sa naging trabaho ni mama bago sila nagkakilala at hindi ako obligadong ipagtanggol si mama sa masahol na pananalita ni ante. Wala na din naman akong pakialam kung minahal ba niya ako ni minsan sa buhay niya bilang anak niya o hindi.

"... Hoy Kaede, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?!" Nabigla na lang ako sa mga pinagkakakatak niya sa akin. Ano bang klaseng huling habilin iyan?!

"Hah?! Alin po ba doon?" I clarified to her kung ano ba ang tinutukoy niya na kanina pa kumukuda sa tenga ko.

"Kaya mo naman na lapatan ng first aid ang sarili mo diba? Matanda ka naman na." Saad ni ante Roannes at binuksan niya mismo ang cabinet kung saan nakatago ang first aid kit sa kwarto ko. Nilapag iyon ni ante ng marahan upang agad na din siyang makapagluto ng pagkain namin.

"Mag-almusal at maligo ka na din pagkatapos mo dyan." Dagdag pa niyang sabi at saka nila ako iniwan ni Kumo sa kwarto. 

"Sige po." Mahinahong tugon ko naman sa kanya na may halo pang pagkainis sa pagmumukha niya. "Mga gunggong talaga…" kako sa isip ko.

Isang bagay lang ang sinisigurado ko sa inyo. I hate drama, which means that I don't need a motherfucker goofing around someday at sasabihin niya sa aking minahal niya ako kahit wala naman siya sa mga taon na kailangan ko siya sa buhay ko. These people na kasama ko ngayon are already enough to deal with because they are always getting into my nerves at ayoko ng may dumagdag pa sa problema.

- BACK TO SCENE -

The hallway towards the kitchen area is still covered in darkness while their malicious Khao manee was luring around the neighborhood already para maghanap ng maiistorbo. 

Sa masters bedroom naman, napabalikwas ng gising si Harry dahil wala sa tabi niya si Roannes. Agad niyang pinuntahan ang asawa niyang si Roannes na nangangalampag na ng utensils at appliances sa kusina para paghandaan ang umagang bubungad. "Good morning beh! Tulungan na kita dyan." Mahinahong saad nito kay Roannes na di maipinta ang mukha sa sobrang pagtatampo.

Nakadungaw si Harry malapit sa pinto, leaning towards the other side, nang biglang umirap si Roannes sa kanya. "Jusme! Leave the rest to me." Sa sobrang moody at tono pa lang ng pananalita ni Roannes ay mapagtatanto na malalim ang pinanghuhugutan ng pagtatampo niya sa asawa niyang si Harry.

Because of this, he reach out to her at nagtungo siya sa dining area kung nasaan si Roannes. Niyakap niya si Roannes mula sa likuran niya at nagwikang, "Sorry na beh kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo na lumabas kami ng barkada ko. I promise, hindi na ito mauulit." ani Harry na nagpapakalambing sa kanyang maybahay.

She was kinda uncomfortable kaya binukod ni Roannes ang sarili niya for her personal space at harap-harapan niyang sinabi kay Harry ang issues niya sa kanya. "Pwede bang lumayo ka sa akin?! Ang init dito eh." nagtataray na sambit ni Roannes at pinagpatuloy na ang kanyang gawain sa kusina.

Hindi maikubli ni Harry ang tuwa sa pagpapakipot umano ni Roannes kaya lalo niya pa itong inasar lalo. "Playing hard to get ka pa beh. Alam mo namang ilang beses ko ng nakita ang buong pagkatao mo within our entire relationship." nagpaparinig na sabi ni Harry that time.

Despite her ignorance ay napukaw naman ang atensyon ni Roannes nang laruin siya ni Harry sa pisngi nito habang kinukurot. "Ang cute mo talaga beh!" Pinanggigigilan ni Harry ang maumbok na pisngi ni Roannes sa mga oras na iyon.

"Ihhh! Stop it na nga HARRISON. Hindi ka nakakatuwa sa pinaggagagawa mo." Reklamong saad ni Roannes at hinampas niya si Harry sa balikat nito. Halos mamula ang balikat ni Harry sa sobrang lakas ng pwersa na ginamit ni Roannes.

"Aray ko po! Galit ka nga dahil kinukumpleto mo ang pangalan ko. Don't worry beh, babawi ako sa'yo sa mga pagkukulang ko." Ngiting sabi ni Harry kay Roannes.

"Sumosobra ka na nga eh. I didn't even realize na kahit masyado kang happy-go-lucky, I still fell in love with you so hard." Nababanas na bulong ni Roannes sa kanyang sarili tungkol sa pagiging insensitive ni Harry sa nangyayari sa mga taong malapit sa kanya.

Out of nowhere, Harry suddenly take the first move. Batid niyang nakaligtaan niya ang wedding monthsary nila ni Roannes kahapon kaya naman he tries to lean in for a kiss. Hinawi nito ang buhok na nakaharang sa mukha ni Roannes as he let his genuine side be heard in the four corners of the kitchen.

"Beh, I'm really sorry about my antics kanina. Sa gandang lalaki ko kasing ito ay hindi ko naman inakalang seseryosohin mo ang tulad ko sa relasyon natin. Hindi man ako ang pinakamabuting asawa sa paningin ng ibang nakakakilala sa atin pero I just want you to know that I'm trying to change for the better dahil mahal na mahal kita Roannes." Harry said from the bottom of his heart habang tutok na tutok sa mapungay na mata ni Roannes.

However, something felt awkward inside her heart - beating faster than the speed of sound. Nahihiya tuloy si Roannes na magtampo dahil sa nakaligtaang okasyon kaya napangisi na lang siya kalaunan sa reaksyon ni Harry sa kanya. "Eh ano pa nga ba ang magagawa ko, past is past na nga kaya I love you too beh." She cupped his face with her hands and start kissing him swiftly.

"I love you more Roa—" hindi na natuloy ni Harry ang kanyang sweet talk dahil sa pang-iistorbo sa kanila ni Kumo, este ng "favorite" pamangkin nila sa pamamahay na iyon.

"Tita, may nakatago pa po bang sabon dyan?" Bulyaw ni Rukawa mula sa hallway. Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ni Harry sa nerbiyos dahil madilim pa ang langit sa madaling araw na iyon at bigla siyang nakarinig ng problemadong binata tungkol sa hygiene nito.

"Tignan mo na lang dito sa ilalaim ng cabinet. Baka may nakasiksik pa dito na hindi pa nabubuksan." ani Roannes at kabud lang nagpasintabi si Rukawa sa pagitan nilang dalawa ni Harry para kunin ang kailangan niya.

Kaunting segundo lang ang lumipas ngunit masyado na iyong matagal para sa patience ni Harry. Halatang-halata sa hilatya ng mukha niyang hindi siya natutuwa sa tuwing nakikita niyang nagpapapansin si Rukawa sa kanyang asawa para maagaw sa kanya ang atensyon niya. 

Nang mapansin ni Rukawa na parang sasabog na sa inis si Harry ay agad naman itong nagsabi ng, "Don't worry, wala po akong nakitang gumagawa ng maligno dito." sarcastic jokes sounds pretty normal from Rukawa pero ibang usapan iyon pagdating sa pandinig ni Harry.

"Ikaw talagang bata ka…" Harry was gritting with annoyance. Nang makaalis na si Rukawa bilang hadlang sa kanilang good time ni Roannes, the madam suggests the unexpected for them to work on.

"Sabay na kaya kayo pumasok sa Shohoku tutal first day mo din naman sa school na tuturuan mo beh?!" ani Roannes at lalong nagpintig ang pandinig ni Harry dahil hindi siya sumasang-ayon sa suhestiyon niya.

"Hindi na po tita. Magbibisikleta na lang po ako kahit malayo." Agad tumanggi si Rukawa sa alok ni Roannes.

"May tama naman siya beh. Buti nga eh ginagamit na din niya ang utak niya sa tamang hangarin." ani Harry with a plastic smile on his tick face.

Bago pa uminit ang tensyon ay agad naman inagapan iyon ni Roannes. "Ano bang sinasabi mo dyan?!" ani Roannes na hindi makapaniwala sa naririnig niya mula sa kanyang asawa. 

At dahil walang kumikibo sa mga kasama niya ay ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang agenda. "Anyways, ihatid mo muna ako sa Shoyo Highschool para sa class orientation ko sa mga bago kong estudyante pagkatapos dumeretcho na kayong dalawa sa Shohoku. Okay lang ba?" paglilinaw ni Roannes sa kanilang dalawa.

"Well, if you insist beh. I can absolutely deal with this dude lalo na kapag PE na ang subject niyan." napapakamot na lang si Harry sa kanyang sintido dahil sa kinahinatnan ng mga di inaasahang pangyayari.

"Hmmp! Dibale na. Mauna na po ako." tipid na sagot ni Rukawa at dumeretcho na ito sa banyo para makapaglinis na ng kanyang katawan.

Meanwhile, Harry suddenly asked her about her nephew. "Alam kong ilang buwan na din natin kasama iyang si Kaede pero kailan ba siya aalis dito at uuwi sa kanila?" aniya sa kanyang asawa na nagrereklamo sa presensya ni Rukawa sa bahay.

"Bakit? May problema bang nangyayari sa inyong dalawa ng pamangkin ko na hindi ko alam?" Concerned na tanong naman ni Roannes at hindi makapalag si Harry sa pagkakataon na iyon.

"Huwag mo sanang mamasamain beh ang sasabihin ko pero nawawalan kasi tayo ng privacy bilang mag-asawa dahil sa kanya." katwiran naman ni Harry sa pagkakataong iyon.

"Is that so? Pero hindi mo naman kasi dapat maging problema si Kaede sa totoo lang. Aminado naman akong may mga pagkakataon na salbahe talaga siya at may sariling mundo pero he is part of my family bago pa tayo nagkakilala." ayon kay Roannes na sinusubukang kumbinsihin ang asawa na pagpasensyahan ang ugali ni Rukawa sa kanya.

"Ewan ko ba beh. Sadyang kumukulo lang ang dugo ko kapag nandyan siya at umaastang siya lang ang tao dito sa bahay natin." tugon naman ni Harry.

"Siguro it's his own way of dealing with you pero sana magets mo din na hindi niya kayang mamuhay ng mag-isa kahit kinukulong niya pa ang sarili niya mula sa ibang tao." paliwanag naman ni Roannes at saka niya niyakap si Harry bilang pampalubag loob sa naudlot nilang good time together.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C88
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ