ดาวน์โหลดแอป
47.47% QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 46: 7.8 Killing Me Softly

บท 46: 7.8 Killing Me Softly

[Sandy Margaux…]

I frantically excused myself from those stranger's company lalo na at out of place ako sa mga pinagkakasiyahan nila. Kasama ko ngayon si Maki sa bar counter kung saan namin madalas makitang tumambay ang mga magulang niya dati gayon din sina mama tuwing may special occasion sa Plantito's Ville.

"Hays! Salamat naman at natapos na rin ang mga kailangan kong gawin." Napahikab na lamang ako sa sobrang haggard at umupo ako malapit sa countertop habang may hinahalungkat si Maki sa mga alak na nakadisplay.

"Gusto mo bang uminom?" He asked me na tila nag-aaya pa ng tagay sa mga oras na iyon.

"Mixed drinks ba? Ayos lang naman sa akin pero ano ba ang best recommendation mo?" tanong ko sa kanya dahil wala naman akong ideya kung ano ang inumin na swak sa personality ko.

"Ang totoo niyan eh marami na kaming drinks na sinubukang gawin pero base sa ingredients na meron dito, at least dalawang variation ang matitimpla ko." Pilit na pinapaunawa sa akin ni Maki ang mga naging experience niya sa kanilang university tungkol sa mga napag-aaralan nila.

I guess it's also important for him na magmamana rin ng negosyo nila na maging hands-on sa kanilang food quality gayon rin sa kanilang mga drinks. It won't be a question anymore kung bakit siya nasa HRM program and I'm happy na makita ko siyang nagpapasikat sa harapan ko as he started to flip those bottles around the air. Oh, my G! Sana ganito lagi ang nakikita ko everyday na stucked parati sa kakisigan niya.

"May problema ka ba? Parang natulala ka na dyan sa kinauupuan mo." Nagpaparinig ba ang lalaking ito? But of course, I tried my best na hindi magpahalata na kinikilig ako.

"Ano ba ang tawag sa inumin na iyan?" I asked him without knowing kung nang-aasar ba siya sa akin or what. May hinalo si- yang beer doon sa mug kasama ang juice na I hope eh hindi pineapple dahil nasusuya ako sa lasa nun. Ewan ko ba kung bakit ako pihikan sa pagkain mula ng umalis ako sa bahay nila papuntang Amerika.

"Shandy." Maki said and my eyes flinched after hearing that.

"Wait... Bakit naman katunog pa ng pangalan ko? Wala ka bang ibang maisip o sadyang binibiro mo lang ako?!" sabi ko sa kanya na parang hindi ako satisfied sa ginagawa ni Maki sa akin.

"Nagtanong ka pa kasi. Shandygaff talaga ang tawag dyan noon pero pinaikli lang ngayon sa 'Shandy' para madaling matandaan." He explained to me na tila nangangatwiran pa sa aking inosenteng pag-iisip pagdating sa alcoholic beverages.

"Ano bang malay ko sa mga iyon ?!" reply ko sa kanya at tila pinagtatawanan pa ang kagunggungan ko sa mga bagay na iyon.

"Sorry na po. Ito na; served chilled at ready na for bottoms up." ayon kay Shinichi at binigay niya sa akin ang beer mug. Sa walang pagtatagal ay agad kong nilasap ang humahagod sa lalamunan na inumin at mukhang malakas ang tama nun sa akin.

"Sinasadya mo ba akong malasing para pagsamantalahan ang kahinaan ko?" nasabi ko sa kanya at tila ngumisi pa siya sa akin. Feeling nasa cloud nine na ako at parang mahina ang tolerance ko ngayon sa alcohol di gaya ng dati sa Pilipinas kapag may inuman sa kanto namin.

"Beer lang iyan na may halong lemon. Iyan mismo ang paborito kong inumin at gusto ko lang matikman mo para maalala mong banayad ka sa panlasa at laging binabalik-balikan." sabi ba naman niya sa akin mga friends.

Silence really makes me feel nervous. Hindi ako makapag- salita dahil sa sinabi niya sa akin kanina lang at mukhang my blood rushed so rapidly. Hindi ako naoffend pero grabe na ito and my heart can't take this too much sugary words na lumalabas sa pananalita ni Maki.

"Are you trying to imply something?" tanong ko sa kanya at nabasa niyo namang napa English tuloy ako ng wala sa oras ng dahil sa tindi ng pagkahumaling ko sa kanya mismo na sarili kong kapatid.

"Importante ka sa akin Sandy at gusto ko lang mag-enjoy ka while it last dahil hindi natin alam kung kailan pa tayo magkakaroon ng ganitong klase ng pagkakataon na magkasama tayo na gaya nito." He explained to me as he started to prepare the second drink.

Hindi ko na masyadong napansin kung anong klaseng liquor ang nilagay ni Shinichi sa blender but I was so excited noong nakita ko ang vanilla ice cream sa tabi niya and he scoop it para isama sa mixture.

Matapos niyang iblend and mga ingredients at binigay niya sa akin ang inumin. "Santa Sleigh ang tawag dyan pero wala na iyang kasamang alcohol." sabi niya sa akin and I feel relieved after hearing such assurance from him.

"Cheers?" He asked me habang nakataas ang baso niya matapos niyang ibigay sa akin ang inumin ko.

"Cheers!" sabi naming pareho and as we savor ourselves to those kinds of luxury na ngayon ko pa lang na experience.

Maswerte lang talaga ako na nagkakilala kami ni Shinichi ng dahil sa tiwala ng mga magulang namin sa bawat isa kaya't papahalagahan ko ang bawat sandali na kasama siya bago pa ako maubusan ng oras sa aking vacation trip dito sa Kanagawa.

- BACK TO SCENE -

Umalis na ako sa bar noong pinatawag na si Maki ng kanyang mga magulang sa reception hall. Nagkulong muna ako pansamantala sa loob ng isa sa mga cubicle ng women's restroom para makapag-unwind sa mga iba pang plano na gagawin ko sa aking vacation gayong I'm finally free sa pesteng Covid na iyan.

Nabanggit ko na dati that his culinary skills are kinda savagely good especially his spicy curry dahil naalala ko ang lutong caldereta ni mama sa bukid namin doon sa probinsya. Marinig ko lang ang tilamsik ng mantika sa kawali ay talagang naglalaway na ako sa kilig kapag siya ang nagluluto ng putaheng iyon.

Lumabas din ako matapos ang long minutes of private matters with myself but I didn't notice na may nakaharang pala na dalaga sa pintuan ng cubicle ko kaya natulak ko siya. Mabuti na lang at hindi nasubsob ang mukha niya sa gilid ng lababo.

"Ouch! Mag-ingat ka naman sa ginagawa mo." sermon niya sa akin at hinihimas-himas niya ang bukol nito sa ulo niya.

"Naku po. Sorry talaga sa nangyari. Nakaharang ka kasi sa pintuan kaya ayan tuloy ang napala mo sis." I comforted her and somehow it was so careless from my part para masangkot pa ako sa ganitong klaseng encounters. My clumsiness seems to be so embarrassing.

"Hillary, hindi ka pa ba tapos dyan?" tanong ng lalaki sa labas ng CR na medyo familiar ang boses niya.

"Sandali, patapos na rin ako dito Mitsui." sagot ng kasama ko sa loob ng comfort room habang nagreretouch ng kanyang makeup.

"Wait a minute, kapeng mainit... Are these jerks the reason why Claire suffered emotionally?" I thought to myself habang nireremind ko ang sarili ko sa lahat ng mga pinagdaanan ni Clare sa pangangalaga ng mga private doctors noon as I'm also a witness to her martyrdom.

⏱Flashback⏱ ►

Masakit sa damdamin na makita siyang nakabedridden sa hospital bed niya na puro tube ang nakasaksak sa kanyang airway system. Sapantaha ko, mula pa noong magkasama kami ni Claire sa America ay ang madalas na kalungkutan sa puso niya habang pilit na lumalaban sa kanyang karamdaman.

"Sandy, baka busy lang si Mitsui. Hayaan na muna natin siyang gawin ang anumang pinagkakaabalahan niya ngayon." Claire asked me while I'm calling on her phone.

Halos manginig ako noon sa takot dahil sa banta na maaari siyang malagutan ng hininga sa harap ko. Masyado pa kasing kunsintidor si Claire kaya wala na siyang pakialam kung tawagan man siya ng Mitsui na iyon o hindi.

"Ayan ka na naman Claire. For almost two years mong iniinda iyang kalagayan mo ni minsan eh hindi ka man lang niya kinamusta. Ang kapal talaga ng mukha nun na jowain ka kung ganyan siya." panenermon ko sa kaibigan ko.

"Kinausap naman niya ako noh kaso matagal ng nakalipas ang huling pagkakataon na tinawagan niya ako." Claire is still trying to defend her boyfriend sa harap ko para lang sabihin na mali ang akala ko sa ugali ni Mitsui.

Every week kong sinusubukan na makipagreach out sa siraulong Hisashi Mitsui na iyan para pakiusapan na mag-usap lang sila tungkol sa mga buhay nila kaya lang ay mailap pa sa daga ang taong iyon na tipong social media account ay banned ako sa account niya.

I can feel in her voice na nawawalan na siya ng pag-asa. "Okay... Let's be honest here, shall we?! Hindi na ako magtatagal sa mundong ito. May taning na ang buhay ko, naiintindihan mo ba ang sinasabi ng doktor sa akin?" She insisted her beliefs on me na hindi ko matanggap ever since I've met her as a buddy.

I don't want to accept the reality na one of these days ay maglalaho na siyang parang bula. What the F! Ito na naman ang melodrama alibi niya. Hindi namin mapigilang umiyak sa mga pagkakataong iyon at hindi pa siya nakuntentong saktan ang feelings ko sa sinabi niya sa akin.

"Please, kung magkita man kayo ni Mitsui somewhere ay huwag ka na sanang magalit sa kanya. Wala din siyang idea sa mga nangyayari sa akin dito." mahinang sabi Claire sa akin na hindi matanggap ng puso ko.

"Mahirap pigilan ang galit friend sa true lang. Bakit ayaw mong ipasabi kay Mitsui kung ano ang nangyayari sa'yo dito?" I asked Claire about her reasons for not stating the truth.

"It's simply useless. Tumatakbo ang oras at wala na din naman akong magagawa para isalba pa ang buhay ko." She said in her most depressing tone.

"So ganoon na lang iyon? Susuko ka na lang ba kaya mo nasasabi iyan sa akin?" tanong ko kay Claire at tila pumapatak na ang luha ko sa sama ng loob.

"Ilaban ko man iyong forever na pinangako namin sa isa't isa, papunta na rin naman ako sa huling hantungan kaya don't waste any further efforts for me para magalit ka pa sa kanya."

Claire was really forgiving sa mga playboy na gaya ng jowa niya. Hindi naman sa nakikialam ako sa love life nila pero there is a possibility na nagtataksil ang lalaking iyon dahil sa ghosting mode niya sa kaibigan ko.

◄ ⏱End of Flashback⏱

Back to the current insight ay sinundan ko ang babaeng kasama ko palabas ng CR at laking gulat ko nang makita ko ang Mitsui na iyon right in front of my teary eyes. What's even worse is that wala silang pakialam kung may nakakakita man sa kanilang naglalampungan.

"Wow naman... Masyado talagang magaling maglaro ang tadhana noh?!" I interrupted their sweet yet cheesy moment through sarcastic claps na tagos to the bone ang pangguguilt trip ko sa kanila.

Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi gumawa ng iskandalong ikakapahamak ng reputasyon ko sa harap ni Maki pero ibang klaseng demonyo talaga ang lalaking ito at tila patay malisya pa sa presensiya ko. Kung tutuusin ay mga trespassers ang dalawang ito dahil hindi naman sila invited sa event na inaasikaso namin.

"Siguro naman hindi mo pa ako nakakalimutan diba Mitsui?" dagdag kong pahayag na pagmumukha nilang hudas.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung madalas kasama ni Claire sa university niyo sa America. Naririnig ko lagi ang ingay mo sa background kapag nagtatawagan kami sa telepono." seryosong sabi ng Mitsui na ito at saka pa umeksena ang haliparot na babaeng nakahawak sa braso niya.

"Grabe ka naman sweetheart. Hindi mo man lang ako nain- form na may secret convo kayo ni Claire. Bakit hindi mo ako sinabihan?" Hindi talaga nagpipigil ang babaeng iyon sa kakaling- kis sa lalaking iyon.

"Nakaraan na iyon Hillary kaya huwag kang masyadong mag-inarte." komento ni Mitsui.

"Magjowa na pala kayong dalawa. Kailan pa? Noong pagkatapos bang namatay ni Claire or bago niyo pa nabalitaang patay na siya?" tanong ko sa kanila at medyo natuwa si Hillary na ipagmalaki ang boyfriend niya sa akin.

"It's actually none of your business kung kailan kami naging magkasintahan ni Mitsui. We just basically started over our new life without her. As simple as that girl." Hillary said as she leaned towards Mitsui.

My goodness... alam kong nagpapahinga ka na Claire sa iyong version of heaven pero patawarin mo ako dahil I can't just keep my silence all alone lalo na at nilapastangan nila ang existence mo sa mundo. Hindi ko rin maintindihan kung paano mo naging best friend ang umagaw sa boyfriend mo pero one thing's for sure, wala silang sariling paninindigan sa'yo.

"Congrats sa inyo ah. No hard feelings pero mayroon nga palang huling inihabilin sa akin si Claire para sa inyo bago siya namatay." I smiled to them creepily hanggang sa maramdaman ng babaeng haliparot na iyon ang galit ko sa kanilang dalawa ni Mitsui.

"Aray! Bitawan mo nga ako." biglang nandilim ang paningin ko sa mga pagmumukha nila. I just heard Mitsui cursing me dahil minumudmod ko sa basurahan ang pretty face kuno ng girlfriend niya ngayon.

"Tigilan mo na iyan. Ano bang karapatan mong saktan siya gayong wala naman siyang ginagawang masama sa'yo?" Inaawat ako ni Mitsui at mabuti nalang medyo busy ang mga tao sa event at hindi nila kami napapansin masyado.

"Tanga ka lang siguro Mitsui o baka parehas lang cheap at masama ang budhi niyo." sinumbatan ko si Mitsui mula sa pwesto ko.

"Ganoon na lang ba siyang kadaling palitan hah?! Tiniis ni Claire ang paghihirap niya para lang gumaling sa sakit niya tapos malalaman ko lang na may iba ka na kaya never mo siyang pinursue at sinubukang mahalin ulit na gaya ng dati." Naiiyak na ako sa ginawa nila kay Claire.

"Nalulungkot din naman akong malaman ang side niya pero anong magagawa ko? Wala na dahil huli na noong nalaman ko ang nangyari sa kanya at hindi na siya babalik kahit kailan." pinamukha pa sa akin ni Mitsui kung gaano siyang makasarili.

"Ang dami niyang sinakripisyo dahil lang sa tiwala niya sa'yo tapos bumigay ka lang sa sulsol ng babaeng iyan." insultong sabi ko kay Mitsui habang lalong nag-aalab ang pagkamuhi ko sa kanilang dalawa.

"Huwag mo ng patulan ang baliw na iyan sweetheart. Umalis na tayo bago pa tayo kuyugin palabas." sabi nung Hillary sa boyfriend niya.

"Aba'y dapat lang noh at huwag na huwag kayong magpapakita sa akin mga bwisit kayo." Pinagbantaan ko sila at iniwang basang sisiw sa basurahan and I'm kinda proud of it since they deserve a glimpse of morality na nawala na sa kokote nila.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C46
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ