ดาวน์โหลดแอป
76.92% Dawn Of Human / Chapter 10: Kabanata 9

บท 10: Kabanata 9

Michael's P.O.V.

Nagmamaneho ako pauwi sa bahay ng may isang lalaki ang nakita ko na naglalakad mag-isa habang may mga sugat sa kanyang katawan. Inihinto ko ang ang sasakyan ko sa tapat niya saka ibinaba ko ang salamin, napatingin naman siya saakin.

Kita ko sa kanyang pang-iitsura ang paghihirap dahil sa mga sugat sa kanyang katawan kaya naman lumabas na ako at tinulungan ko siya.

"parang malala na yata ang kalagayan mo brad, sumama ka na lang saakin, dadalhin kita sa ospital" sabi ko sa lalaki saka inalok ko siya at tinulungan na makapasok sa loob ng sasakyan ko. Pinaupo ko siya sa may unahan sa may driver seat. Pumasok na rin ako at nagmaneho.

"di mo alam ang pinapasok mo, dapat hindi mo nalang ako tinulungan, magugulo lang ang buhay mo at ng pamilya mo" sabi pa ng lalaki. Nag-iinarte pa yata bagkus na magpasalamat nalang kasi nag-aalala pa akong kumusa na tumulong sakanya tapos pagbabantaan pa ako.

"pero salamat na rin" dagdag pa niya, mind-reader yata ang lalaking ito eh nabasa yata ang pinag-iisip ko.

"maliit na bagay" pagbibiro ko naman sakanya pero ngumiti lang siya saakin. Napaisip tuloy ako na baka adik ang lalaking ito at kaya ito may dugo kasi baka pinaghahabol ng mga kasamahan niya sa sindikato, baka pati ako madamay.

"wag kang mag-alala kasi di naman ako miyembro ng sindikato" sagot pa niya.

Mind-reader nga talaga ang kumag na ito, wag na nga lang ako mag-iisip kasi nalalaman nalang din naman niya.

"Sino ka ba talaga, bakit alam mo ang nilalaman ng isipan ko? manghuhula ka ba?" tanong ko sakanya pero ngumiti lang ulit siya saakin. Nakapagtataka lang kasi na alam niya ang iniisip ko, o baka naman baliw itong kasama ko, ano sa tingin niyo?

"Okey fine! hindi ako baliw at Jude ang pangalan ko, ayos na?" sagot ng lalaki.

Sasabihin din naman pala ang pangalan tapos pinaghihirapan pa ako. May saltik siguro ang lalaki na ito, dapat siguro di ko nalang siya tinulungan, dapat siguro pinabayaan ko nalang siya mamamatay sa daan. Ang pilosopo kasing sobra, nakakapikon.

"by the way Michael, wag mo akong dadalhin sa ospital, kung maari ay sa simbahan na lamang" sabi niya pa saakin.

Parang tanga lang, kailan pa naging manggagamot ang pari? May tama siguro talaga ang lalaki na ito, doktor ang kailangan niya at hindi naman pari or else mamamatay na siya kaya magpapabendisiyon na.

"doktor ang kailangan mo, hindi pari kaya sa ospital tayo, saka teka paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sakanya. Oo nga pala, paano niya nalaman ang pangalan ko, stalker ko ba siya? Impossible naman yun.

"wala, nakita ko lang sa driver license mo, ayun oh!" palusot niya na sagot saka itinuro ang driver license ko na nasa harapan sa may front window nakalagay.

"paano yan napunta diyan?" tanong ko sakanya kasi nasa may bag ko yan nakalagay pero bakit nandiyan na agad yan. Napatingin ako sa kasama ko na nakanguso.

"oh bakit ganyan ka makatingin saakin? wala akong alam diyan" sagot niya. Napakunot noo nalang ako na tumingin sakanya.

Sino ba talaga itong kasama ko at bakit napakamisteryoso naman niya yata. Hindi ko nalang siya pinansin bagkus nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho papunta sa simbahan, dun niya gusto pumunta kaya dun ko nalang siya ihahatid at baka naglilingkod pa ito sa simbahan.

Lucifer's P.O.V

Masaya kong pinagmamasdan ang lupain ng kung saan maghahari ako. Ang kasamaan ng mga tao ang lubos na nagpapalakas saakin. Sa bawat krimen, pagpapahirap, at pagmasarili ng mga tao ay may kakaibang lakas itong binibigay saakin.

Biglang may naramdaman akong kakaibang puwersa ng kasamaan kaya naman nagtiyaga akong hinanap ito hanggang sa nakarating ako sa isang Science Laboratory kung saan maraming mga Scientist ang sumusubok na gumawa ekspiremento para sa anti-covid vaccine pero may isang lalaki ang may edad ang naramdaman ko ng kakaibang puwersa ng kasamaan.

"ikaw ang magiging susi sa paghahari ko dito sa mundo, wahahhahaha!" sabi ko sa sarili ko kasabay ng aking malakas ng pagtawa. Lumapit naman ako sa matandang lalaki na palingon-lingon sa paligid pero walang nakakakita saakin kahit isa sa kanila.

"narinig niyo ba yun? malakas na tawa ng demonyo" narinig ko pang tanong ng matanda sa mga kasama niya pero wala ni isa ang pumansin sa sinabi niya.

Ibig sabihin, naririnig niya nga ako. Siya na nga ang magbibigay daan para masakop ko ng tuluyan ang mundo. Hindi na mapipigilan ang paghahari ng kadiliman. Ang daigdig ay mapapasaakin ng tuluyan.

WAHAHAHAHHAHAHAHA!!!

"excuse me, puyat lang siguro ako sa sobrang trabaho" paalam ng matanda saka iniwan na niya ang kanyang ginagawa. Lumabas na siya ng silid na iyon habang ako naman itong sinusundan siya sa kanyang pinupuntahan.

Sa kasusunod ko sakanya, napansin ko na parang nanghihina siya na para bang nahihirapan na siya sa paghinga. Ngunit kapag sinuswerte ka nga naman, walang tao sa paligid kasi nasa parking lot na kami. Patuloy lang siya sa paglalakad habang ako naman itong sumusunod sakanya hanggang sa nawalan na siya ng malay at himandusay na ang kanyang katawan sa sahig ng lugar.

"this is the moment that I've waited for" sambit ko pa ng tuluyan na niya ipinikit ang kanyang mga mata. Nakita ko pa ang pag-alis ng kanyang kaluluwa sa katawan niya at pagwala nito na parang bula. Sinamantala ko na ang pagkakataon, pumasok na ako sa loob ng katawan ng matandang Scientist na ito.

Ang katawan na ito ang gagamitin ko para makuha ang minimithi kong paghahari. Balang araw, luluhod saakin ang mga nilalang ng Diyos, ako ang sasambahin nila at hindi na ang panginoon na kanilang pinaniniwalaan.

Pumasok na ako sa sasakyan na kotse na pagmamay-ari ng matanda saka nagmaneho na pauwi sa bahay niya. Kailangan dahan-dahan lang ang mga kilos na gagawin ko hanggang sa unti-unti na masakop ko na ang mundo at kilalanin nila akong Diyos, ako na ang sasambahin nila.

Malapit na matapos ang paghahari ng kabutihan sa mundo. Ang kasamaan naman ang sisimula ng lumaganap. Ipagpatuloy lang ng mga tao ang ginagawa nila na masama sa mundo para mas lumakas pa ang kapangyarihan ko.

Ako si Lucifer ang itinakwil na anghel ng Diyos na kilala sa tawag na Satanas, ako ang anghel ng umaga na dating pinagkakatiwalaan ng panginoon na sinasamba ng lahat na nilalang, ako ang dating anghel na lubos na pinagkakatiwalaan niya ang magpapabagsak din sakanya sa tulong ng kasamaan ng kapaligiran.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C10
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ