ดาวน์โหลดแอป
69.23% Dawn Of Human / Chapter 9: Kabanata 8

บท 9: Kabanata 8

Author's P.O.V.

Sa isang malaparaisong lugar, makikita ang mga inosenteng bata na masayang naglalaro, mga babaeng nagkwewekntuhan kasabay ng kanilang pagtatawanan habang ang mga matipunong mga lalaki naman ay abala sa pagbabantay sa tahimik nilang lugar.

Walang ibang makikita sa lugar na iyon kundi ang mga mababait, mapagmahal, masiyahin at mga mabubuting nilalang ng Diyos na kung tawagin ay ang mga Anghel.

Ngunit sa gitna ng kanilang tahimik na kapaligiran, isang anghel na sinugo ng Diyos na magbatantay sa lupa ang hinihingal na dumating sa kalangitan.

Nagtatakang napatingin sakanya ang mga anghel sapagkat ang bagong dating na ito ay may mga dugo sa kanyang katawan na may sugat.

"anong nangyari sayo, bakit napaaga ang iyong pagbabalik?" salubong na tanong ni San Pedro sa may sugat na Anghel.

"ikinalulungkot ko po na sabihin sainyo na wala na ang isang kasama ko" malungkot na sagot nito na halatang nararamdaman ang sakit ng sugat sakanyang katawan.

"anong ibig mong sabihin?" tanong ulit ni San Pedro kasabay ang paglitaw ng di maaninag na liwanag, ang imahe ng diyos.

"Panginoon, patawarin niyo po ako sapagkat di ko nailigtas ang mundo" salubong na sambit ng anghel sa napakaliwanag na ilaw at lahat sila magsiluhod dito.

"nakita ko ang iyong ginawang paglaban sa kasamaan ngunit sadyang tao na rin ang may gusto magpasakop sa puwersa ni Lucifer, sila na ang gumagawa ng mga bagay na nagpapalakas sa katauhan ng itinakwil kong anghel" kalmado na sagot ng maliwanag na bagay, ang sumisimbolo sa imahe ng Diyos.

"panginoon, ito na po ba ang kataposan?" tanong ng anghel kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Ang bilog ay umiikot, ang hangin ay patuloy sa pagtangay ng kanyang sarili, isipin niyo nalang ang isang puno na dati inaalagaan at ngayon ay napapabayaan, ano ang mangyayari dito?" sagot ng Diyos kaya naman natahimik ang lahat na nag-iisip.

"wag kayong mawalan ng pag-asa, isang binata ang patuloy na naniniwala sa inyong mga anghel at saakin, hangga't may naniniwala saatin, hindi mananaig ang kasamaan kaya wag kayong panghihinaan, gabayan niyo sila" sagot ng panginoon.

"ngunit pinatay na po si Florence, wala na po ang anghel na nagbibigay lunas, pinatay na siya ni Lucifer at nasa lupa naman ngayon si Jude, ang anghel na ng bibigay proteksiyon para sa kaligtasan ng mga tao, nabali ang kanyang mga pakpak dahil sa pagharap nila ng itinakwil ninyong anghel kung kaya't di siya makalipad pabalik dito, dibko rin naman siya mabuhat sapagkat maging ako'y nahihirapan sa paglipad dahil sa kalagayan ko" paliwanag na sagot naman ni Lorenzo, ang anghel ng kaligtasan. Natahimik ang kabadong mga anghel dahil sa narinig nila na iyon.

"walang katapusan ang buhay sa mundo, may meron ang wala at wala ang meron, ikaw nalang ang pipili kung paano mo iyon bibigyan ng kabuluhan" matalinhagang sagot ng Diyos na di agad nakuha ng mga anghel ang ibig iparating nito.

"gabayan niyo po ako" paghihingi ng pahintulot ng anghel sa panginoon.

"ipikit mo ang iyong mga mata" sagot ng Diyos at ipinikit naman nga ni Lorenzo ang kanyang mata. Pagdilat niya ay nasa lupa na siya nakatayo, wala na ang mga sugat at sakit na nararamdaman sa kanyang katawan na maging ang kanyang mga pakpak ay maayos na rin.

Masayang lumipad ang anghel para hanapin ang kanyang kasama ng biglang nakarinig siya ng humingi ng tulong. Nasa isang madilim at liblib na lugar at napapalibutan iyon ng mga puno. Tinungo niya ang lugar na iyon at nakita niya ang isang lalaki na napapalibutan ng tatlong may kutsilyong matitikas na lalaki.

Dahan-dahan siya na bumaba siya sa may gilid para wag siya makita at itinago niya ang kanyang mga pakpak saka siya lumapit sa mga ito para sawayin.

"anong ginagawa niyo, alam niyo ba na masama yan?" bulyaw niya sa mga holdaper na napatingin sakanya at itinuturo pa ang kutsilyo nito sakanya.

"at sino kang pakialamero ka? Gusto mo ba na ikaw ang tamaan nitong hawak ko" sagot naman ng isang holdaper lalaki habang patuloy lang siya sa paghakbang palapit sa mga ito.

"kayong mga tao, hindi ninyo iniisip ang kinabukasan ng mundo bagkus lubhang nagiging makasarili kayo at mismong kayo na rin ang gumagawa ng paraan para maghari ang kasamaan tapos ipagdarasal niyo sa Diyos na ibigay sainyo ang inyong kahilingan, hihilingin niyo na iligtas kayo mula sa ginawa ninyong kasamaan, anong silbi ng paniniwala ninyo sakanya kung di niyo naman ito ipinaparamdam at ipinapakita" pag-aaral ni Lorenzo sa mga holdaper na natahimik.

"tara na, hayaan nalang natin yan tutal nasa atin na naman ang kailangan natin" sagot ng isang holdaper saka nagsitakbohan na ang mga ito habang naiwan naman ang binata na hinoldap saka ang anghel ng kaligtasan.

"maraming salamat po sainyo kasi kung di po kayo dumating baka napaano na ako, hulog po kayo ng Diyos mula sa langit, para sa akin isa po kayong anghel ng Diyos" masiglang banggit ng binata saka nilapitan siya ni Lorenzo at hinawakan sa kamay.

"ang Diyos ay lagi lamang nandiyan, wag mong kakalimutan yan, wag kang mahihiya na magdasal sakanya sapagkat siya ay nasa tabi mo lamang at di ka niya pababayaan" sagot naman ng Anghel. Napayakap nalang ang lalaki sa anghel.

"ako nga po pala si Geno Alcantara" banggit pa nito. Biglang may lumabas na imahinasiyon sa isipan ng lalaki ng marinig ang pangalan na iyon, imahinasiyon na maaring may kinalaman sa mangyayari sa kinabukasan ng mundo.

Isang mundo na puno ng mga bagong nilalang na maninirahan at maghahari. Mga buhay na mga patay, mga tao na may dugo sa katawan na kumakain din ng tao.

Biglang napakalas sa pagkakayakap ang anghel saka pinagmasdan nito ang mukha ni Geno.

"sino ka ba talaga?" nagtataka na tanong nito sa kanyang isipan habang nakatitig sa mukha ng binata na tinulungan niya.

"may dumi po ba ako sa mukha?" tanong naman ng binata sakanya.

"ah wala, umuwi ka na baka hinahanap ka na sainyo ng mga magulang mo" sagot naman ng anghel sa binata.

"kayo po ba saan kayo pupunta, ihatid ko na po kayo para makabawi man lang, madilim na po sa daan saka may sasakyan naman po ako" sagot ng binata sa anghel na nagbigay lakas ng loob sakanya. Napaisip ang anghel na baka ito na ang sinabi ng Diyos na tutulong sa mundo.

"Ah, wag na, malapit lang naman dito ang bahay namin, salamat nalang" sagot ng anghel saka nagpaalam na nga ang binata, tinungo na nito ang kanyang sasakyan na di ko layuan sa lugar na kinatatayuan nila.

Samantala, nagpatuloy naman na ang anghel sa paglipad para hanapin ang nawawala niyang kasamahan na anghel, si Jude. Hindi niya alam na habang pinapalabas niya pala ang pakpak sa likuran ay nakita siya ng binata na noon ay tahimik na nakaupo lamang sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan siya.,

Nakita nito ang paglabas ng malaki, malambot, at kulay puti niya na pakpak hanggang sakanyang paglipad sa hangin ay nakita rin ito ng binata.

"aswang!!!!" takot na sigaw ng binata kaya nagmamadali nitong binuhay ang makina ng sasakyan saka  pinakuripas ng takbo.

Ang mundo ay ginawa ng may kabuluhan, hindi lamang para sa kabutihan kundi kasama na dito ang kasamaan. Nasa tao na lamang kung saan siya dito makikibagay.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C9
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ