ดาวน์โหลดแอป
53.06% Throne Ring [battle of two kingdom] / Chapter 26: chapter 22

บท 26: chapter 22

Nabalot ng mahika ang kunseho ng mga dwarves dahil sa mahikang nilikha ni tamberow.

"Mga inutil! Walang mangyayari sa inyo kung mag-aaway away kayo! Ang susi ay hindi nilikha ng nino man! Ito'y nilikha ni aces tactirien of balandor!"

"Sino siya?"

"Si aces tactirien ang manunulat ng balandor mountain! Siya ang lumikha ng susi para sa aklat, pagkatapos ng digmaan sa nuhrim eartin ipinag-utos ni lord airin enirin na magkaroon ng dagdag proteksiyon ang aklat kaya't doon nya nilikha ang susi nito!"

Si aces tactirien ng balandor ay kilalang manunulat at kilalang salamangkero. Siya ang nagsulat ng kasaysayan ng nuhrim eartin gayun ding siya ang isa sa pinuno ng zbeirn land of magic.

Nilikha ni aces tactirien ang susi dahil sa utos ni lord airin enirin, nang matapos ang digmaan noon ay ipinagkatiwala ni lord airin ang itim na aklat sa mga kamay ni aces tactirien.

Kasalukoyang si aces tactirien ay naglalakbay noon at sa hindi inaasahang pagkakataon natagpuan nya ang hari ng mga elves kaya't sila'y nagkakilala.

Siya ang nagdesenyo ng susi at hindi lang basta-basta ang paglikha nya sa susi dahil nilikha nya iyon kasama ang mga diyos.

Tanging siya lamang ang nakaaalam kung paano masisira ang susi.

"Kailangan natin siya! Kailangan nating mahanap ang kanyang lungga!"

"Sa balandor tayo tutungo para hanapin siya!"

Saad ng hari ng mga elfs ngunit hindi sumang-ayon ang matandang salamangkero.

"Hindi!maiwan kayo! Kayo ang mga hari na dapat mag bantay! Dahil mayroon pang hukbo mula sa sagador ang darating dito!"

Isinama ni tamberow laurhim ang dalawang dwarves, tinungo nila ang bahay aliwan ng balandor kung saan naroroon ang kanilang hinahanap.

Sa paglalakbay nila isang estrangherong lalaki ang kanilang nakasalamuha. May kakaiba itong espada dahil ang dala nitong espada ay may mahika.

"Ang lalaking iyon! Ang nawawalang hari ng mga tao!"

Naramdaman ni tamberow laurhim ang mahika ng espada mula sa tarzanaria. Pinanday gamit ang tubig mula sa sisidlan ng mga diyos ang espada at ang mahika nito'y nagmumula sa kapangyarihan ng mga diyos.

Nang makapasok ang tatlong manlalakbay sa bahay aliwan nagulat sila dahil kakaunti lamang ang tao sa loob hindi gaya ng dati na lagi itong puno.

"Ano ang nangyari sa lugar na ito!"

"Mga orc! Tinatakot nila ang mga mamamayan ng balandor kaya't kakaunti na lamang ang pumupunta dito!" Saad ng estrangherong lalaki mula sa likod ni tamberow laurhim.

"Mga orc!"

"Matagal na silang burado sa ating kasaysayan mula pa noong panahon ng mga diyos!"

Wika naman ng dalawang dwarves sa estrangherong lalaki na nakasuot ng itim na balabal.

"Nagkakamali ka dwarves!! Ang mga orocs ay namamalagi sa nether land at doon sila nagpaparami ng bilang!"

"Ikaw ang anak ni haring reirun burin high? Tama ba ako?"

"Tama ka salamangkero ako nga ang nag iisang anak ni haring reirun burin high! Ako si staider burin high ang nawawalang hari ng tarzanaria!"

Siya ang hari ng mga tao at ang nag iisang tagapagmana ng tarzanaria. Labis ang pagdadalamhati ni staider nang malaman nyang nasakop ng mga evilders ang kanyang kaharian.

Pinagsisihan nya ring umalis sa trono bilang hari, umalis si staider burin high dahil pinatalsik ito ni lord airin enirin dahil sa kasalanang hindi nya dapat ginawa.

Nagulat din siya nang sabihin ni tamberow ang tungkol kay haring thron. Ang dating kaibigan ng kanyang ama na noo'y tapat sa isa't isa.

"Si haring thron? Pero paano?"

"Ang hari na puro pangsarili lamang ang kagustohan ay madaling matalo ng kadiliman! Kung ang diyos ng white counsel ay nasa mga kamay ni lord teraiziter dejirin paano pa kaya ang gaya nyang mahina!"

Ikinagulat rin ni staider ang tungkol sa punong kunseho ng white counsel na nasa mga kamay na ni lord teraiziter dejirin. Hindi pa nga nakararating sa katimogan ang mga naganap sa nuhrim eartin dahil ang katimogan ay malayo sa lupain ng nuhrim eartin.

"Habang nagaganap ang digmaan sa tarzanaria ay siya namang namataan ang mga orocs na patawid ng dagat! May mga kasama silang evilders!"

Saad ni staider burin high kay tamberow laurhim, labis na nagtaka si tamberow laurhim sa sinabi nito.

Naglakbay ng ilang daang milya ang mga mandirigma ng teruvron patungo sa nether land. Ibig sabihin nito nais nilang makipag alyansa sa diyos ng nether land at may nais silang gawin.

"Masama ang kutob ko!"

"Gano'n din ako! Marahil may maitim silang balak sa nuhrim eartin!" Saad ni haring staider burin high sa mga kasamahan niya.

Noong mga gabing iyon abalang pinagmamasdan ni tamberow laurhim ang kabilang parteng lupain ng balandor. Ang lupain ng toretirim ay nasa kabila lamang ng matataas na puno at malawak na karagatan at nakikita nya ang tuktok ng mga tore ng toretirim.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C26
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ