"Doon na talaga kayo titira?. How about your work here?. Still studying diba?." Kian is so shocked. Hindi ko rin naman kinuwento sa kanya ito. Busy kasi din sya sa family matter nila lalo na kay Karen kaya ayoko na ring dagdagan pa iyon. Tsaka. Sa totoo lang. Ayoko ring ipaalam sa kanila dahil baka kantyawan lang nila ako. Lalo na ang mga Eugenio. Knowing Mark and the two idiots. Zaldy and Dennis. Baka hindi pa ako nakababalik dito galing Zambales. Sinugod na nila ako ng hampas at sakal. Mga sadista ang mga iyon pagdating sa kwento ng buhay ko. Kaya madalas. Kahit ayokong manahimik. Hindi ko maiwasan sapagkat pahamak ang mga ito. Gaya nalang nitong si Angelo! They are all alike!
"Yeah.. duon ko nalang ipagpapatuloy ang schooling....while working. I guess." Hindi naman din siguro mahirap maghanap ng trabaho sa Singapore. May linsensya naman ako to work. At kung kailangan pang mag-aral ulit to enhance more my learning about my work. Gagawin ko. Gabi naman ang pasok ko sa Law. Parang kakayanin ko naman.
"Iyon ba ang rason kung bakit bigla ka nalang nawala?." Tumayo si Karen at nagsalin ng juice sa bawat baso na nilapag nya kanina. Para kasing walang balak ang sinuman samin na maglagay duon ngayon. Kaya sya na rin ang nag-abot samin. Isa-isa. "Kasi, pati kami nagulat. Kahit ang phone mo at social media accounts mo. Hindi active and can't be reached." Hirit pa nya habang ang biscuit naman ang binubuksan nya. "Muntik nang mabaliw ang Ate ko, alam mo ba yun?."
Kung kanina ay pinapanood ko lang ang ginagawa nya. Ngayon. Biglang nag-init ang batok ko't umakyat sa ulo at nagkalat sa buong mukha ko. Ramdam ko ang pamumula ko.
It hurts knowing that! Hindi ko inasahan na didiretsuhin ako ni Karen. I feel so overwhelmed and let myself at home gayong ganito ang nararamdaman nila. Am I not welcome here?. Kung ganun. Sana nakinig nalang ako kay Angelo kanina. Parang wala tuloy akong kwenta! Disregarding their feelings kahit alam kong, dismayado sila sa nagawa ko.
"I didn't mean..." I cut myself off. Yumuko ako upang humanap ng tamang salita. Ngunit kahit anong gawin ko't pumikit ng mariin. Walang pumapasok sa utak ko. Basta nalang itong nablangko.
"You didn't mean but you already did?.." slowly. Pumapasok sa utak ko ang mga salitang binibitawan ni Karen. I'm not yet ready for this. Hindi nga ba?. Kung hindi ka pala ready na makarinig ng masasakit na salita rito Poro. Ano pang ipinunta mo rito?. Ang magpaliwanag lang ba?. Inaasahan mong sasalubungin ka nila ng yakap at halakhak. Mangungunusta kung saan galing at kung anong ginawa mo sa taong nagdaan?. Gago! Baliw ka pala e! Sino ka naman?. Siniswerte! Malas mo dahil iba ang iniisip mo at iba sila sa'yo na nasa isip mo! Hindi ito isang laro lang Poro Aelus. You yourself ruin their good trust on you! Ikaw ang syang sumira sa tiwalang binuo nila sa sarili nila para sa'yo. Tapos eto ka pa ngayon?. Taas noong humarap sa kanila?. Wala ka talagang hiya!
"Karen.." tumikhim si Kian at pinaupo si Karen sa dati nitong pwesto. Nagkapalit na sila ngayon ng inuupuan. "We are not here to judge someone. Why not, let's hear first his reason before commenting anything, huh?."
"E kasi naman.."
Pinutol muli sya ni Kian. "Paalis na nga. Papuntang ibang bansa tapos hahayaan nalang ba natin na hindi na marinig pa ang dahilan nya?. Come on love. Let's listen please.."
Mariin akong tinapunan ng tingin ni Karen. Si Kian naman, tinanguan lang ako. Wanting me to continue what did his wife disrupted a while ago.
"Huwag mong isipin na galit ako sa'yo Kuya.. Naiinis lang ako sa ginawa mo. Alam kong magkaibigan lang kayo ng Ate ko. Magkaibigan lang ba?. I don't want to know more kasi takot akong masabunutan ng walang dahilan ng Ate ko. But because she acted so weird and unusual simula noong umalis ka. Without a trace. Duon ko natanto na, aba! Baka hindi lang magkaibigan ang dalawa. Am I right?." Lumunok ako. Umiling sa naging tanong nya. Walang label samin. Totoong magkaibigan lang kami. But upon saying no to them is like saying the biggest lie in my life. Alam ko sa sarili ko na higit pa sa magkaibigan ang turing namin sa isa't-isa subalit nga lang. Hindi namin alam kung paano aminin ito sa aming mga sarili at kung paano ito masabi. O baka. Ako lang itong ganito ang iniisip, kasi nga. Higit pa sa kaibigan ko tingin ko kanya. I didn't even realize that. We're just too happy being with each other until dumating ang family ko at ang kababata kong si Liz sa bahay. She's living with me again after their family affair na dahil din sa akin. That day on. Nagbago nalang bigla ang lahat. Naging malamig sya't hindi ko mahagilap. Tuwing pinupuntahan ko sya noon sa department nila. O sa mismong room nya. Wala na sya. Alam ko din naman ang schedule nya. Actually sya rin. Knew my schedule. Pero wala. Biglang hindi ko na alam kung paano sya patutunguhan.
"Magkaibigan lang talaga kami." I let out a sigh first bago nagsalita. Mukhang dismayado si Karen sa iling ko. "She knows that. At alam ko din iyon. We both know that. Iyon ang naging usapan namin simula noong sa bahay sya tumira." Natanaw ko kung paano lagukin ni Karen ang juice na hawak nya. Uhaw. Para bang hindi sya kuntento sa naging sagot ko. Still, disappointed.
"Kaka! Nakapagsaing ka na ba?. Tumawag ang Ate Kiona mo. Parating na raw sya. Gutom. Kaya pakibilisan please.." mula sa labas ay narinig namin pare-pareho ang boses ni Tita. Napaahon tuloy ako bigla sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko na naman. Wala akong karapatan na umupo ng husto rito. Kingwa! Anong nangyayari sa'yo Poro!?.
Natigilan saglit si Karen. Maging si Kian ay napatayo. Binaba ng mabilis ang hawak na baso kahit kaunti palang ang nabawas dito. Hindi ko rin kung bakit bigla nalang nanuyo ang lalamunan ko't napainom sa hawak na baso.
"We are not welcome here bruh. Uwi na tayo.." Bulong sabay kalabit ng kapatid ko sa tabi. Nilunok ko ang natirang lasa ng mango juice sa lalamunan ko. Matamis. Nadismaya ako bigla sa sarili ko sapagkat wala silang ibang ginawa kundi pakitaan ako ng maganda noon tapos ako?. Anong ginawa ko?. Gago ka kasi Poro! Anong tumakbo noon sa isip mo't nagpakalayo-layo!
It's not me who chooses that.
But you have your choice right?.
Yeah. I have but Mom is too eager to get Kendra out of my life! Lahat gagawin nya para lang mawala sya sa akin. She even warned me that if I didn't stop what am I doing with her. Just caring and being friendly. Sisirain nya raw ang pangalan nito. Sa university. At maging sa lahat ng taong nakakakilala sa kanya. Hindi ko kayang maliitin ang mga salita ni Mommy. I know her. Kaya nyang gawin ang mga sinabi nya in just a snap of her hand. That's why. I choose to let go of her instead of holding her knowing that Mom is just around. Trying to ruin her life. Hindi ko kayang makita syang nahihirapan. Noong umiyak na nga lang sya dahil sa parents nya. Nadudurog na ang puso ko. Ito pa kayang, si Mom na ang may pakana. I can't just stand here. Kung ang paglaya ang syang paraan para protektahan sya. I would rather let her kahit alam kong masasaktan sya sa desisyon ko.
At kung magalit man sya sakin. It's okay. I think. That's the best way kaysa kamuhian nya ako buong buhay nya at di na kakausapin pa kahit kailan.
Maybe. Sa darating na araw. Kung hindi man swertehin. Sa ilang linggo bago ang alis namin. I'll wait. I'm willing to talk to her and explain my side of story to her.