Bumalik ako ng bahay para tignan kung ano nang ginagawa nila. Buti nalang din. Nakabalik na si Mama. Abala na sila ngayon sa kay Kim. Nilalaro ito.
"Nakahabol ba sya Ate?." sinalubong ko ni Karen sa may hagdanan. Tinatanong nya si Poro kung umabot ba ito sa tamang oras o hinde.
"Sakto lang.." saad ko saka na nagpatuloy sa pag-akyat.
"May pasok ka?." habol nya. Di ko alam na umakyat uli ito at sundan ako hanggang silid. Akala ko ba, bababa na sya?. Anong ginagawa nya pa rito?.
"Wala pero may tatapusin akong Thesis.. may gagawin pa kaming case study.. kailangan pumunta akong school.."
"Same school pala kayo ni Kuya Poro?."
Naglakad ako sa may kabinet ko at naghanap ng maisusuot mamaya. Naupo sya sa kama ko't ipinatong ang unan sa binti nya. Mukhang walang problema ah.
"Matagal na ba kayong magkaibigan?." taliwas sa naging tanong nya ang sinabi ko. Alam kong magtataka ito mamaya pero hindi nya iyon ipapakita pa.
"Parang ganun na nga.. kaibigan sya ni Kuya Mark.. Kuya ni Bamby... kilala mo?."
"By name but not personally.." gaya nga ng sabi ko. Hindi ko pa namimeet ang mga kapatid ni Bamby. Tuwing pumupunta naman kasi sila dito noon. Tyempong, wala ako. May lakad o night life ganun. Ngayong nasa abroad na sila. Ngayon naman akong naging tambay dito sa bahay. Pero, nakita ko na sa larawan ang mga itsura nila. Tulad din ng hinala ko. Mga gwapo ito. Si Mark na manly ang dating, hindi gaanong singkit, matangkad at pang model talaga ang katawan. Habang si Lance naman ay, soft ang features ng buong mukha. Singkit at mukhang tahimik na suplado. At tama ako sa hula kong ito dahil kinumpirma nga ni Karen na mabait ang panganay at masungit yung pangalawa.
"La Salle din nag-aral yun ah.. pati si Lance.." aniya pa. Pero lumipat na rin kalaunan sa Australia.
"I don't have any idea.." sa totoo lang. I have an idea about the two siblings. Sadyang. Wala lang talaga sa kanila ang atensyon ko't hindi din sila ang gusto kong malaman ang background. It's not them. It's their friend.
"Talaga?. But you know Kuya Poro na? Bago pa sya pumunta dito?."
"Honestly. Nope.. nagulat na nga lang ako na kaibigan nya pala ikaw.." kinuha ko ang white long sleeve at fitted black pants upang ipakita sa kanya. "Okay lang bang ipares ito?." tinignan nya ang hawak kong damit. Tumango naman na sya kaya ok's na. "At close pa ni Papa.. madalas ba kayo ng grupo nyo rito habang wala kami ni Ate?."
Nagulat din ako, actually. Na close sya ni Papa tapos ako?. Hay.. Nakakatampo!
Nag-isip sya ng matagal. Habang pinapanood ako. "Parang.. kasi nung andito pa sila Bamby.. Tambayan din namin tong bahay.. Kasama ng mga Kuya nya kaya napasama na rin si Kuya Poro.. Si Kuya Dennis at Zaldy?. Kilala mo rin?."
Parang mga pamilyar ang pangalan nila. Teka. Bat naririnig ko din sa Med Department ang pangalan nila. "Not sure if I already saw them but I'm pretty sure, sikat sila sa school.." paliwanag ko habang gumegewang ng ulo.
"But you once met Kuya Poro in school?." muli ko syang inilingan. "As in, hinde?. Impossible naman! Schoolmastes kayo eh.." di sya makapaniwala.
"I am.. not sure if not.. sa dami ng lalaki sa school Kaka.."
"Psh.. ang sabihin mo.. sa dami ng lalaking nanliligaw sa'yo.. hindi mo na alam kung nag-cross na ba landas nyo o hinde pa.. hay Ate.. paano ka magkakaboyfriend nyan?."
"Psh!.. wag ka ngang madaldal. hilahin ko buhok mo eh.." ang harsh mo girl!. Atleast. Hanggang salita lang naman. Never ko pang hinila buhok nyan. Lagot ako kay Papa kapag ginawa ko yun. Favorite daughter yan e.
"Yung Troy, boyfriend mo yun noh?."
"Pake mo?." irap ko sa kanya.
"Kita mo to.. e kung isumbong kita?."
"As if naman gagawin mo yun?. Alam kong hindi lang ako ang masesermunan kapag ginawa mo yang naisip mo, Karen.. psh.. lucky you kasi, si Kian yang bf mo.. pero pag hinde.. malamang, gaya mo rin ako.. itatago ito hanggat hindi nagiging seryoso.."
Totoo. Lahat kami ay istrikto pagdating sa pakikipagrelasyon namin. Maswerte lang talaga kasi si Karen because I already mentioned it. Kian's father is his friend. Kaya walang problema ang dalawa. Sa Mommy lang ni Kian ang meron.
Hindi pa sana matatapos ang kwentuhan namin kung di ko sya pinaalala. Kailangan ko na ring magmadali. Kanina pa naghihintay si Jane sa library.
I drove faster, as much as I can. As fast as possible.
"Sorry.. kanina ka pa ba?." umirap sya. Pati labi pa nya. Ngumiwi. Naupo ako sa harap nya't nilapag ang mga gamit sa kaharap na mesa.
"Bruha ka talaga.. isang oras na akong naghihintay sa'yo.." bulong nya. Sinamaan ako ng tingin.
Inilabas ko ang mga gamit saka nagpaliwanag. "Traffic girl.. tsaka, inasikaso ko pa mga bisita sa bahay.. alam mo naman na si Mama?."
Hindi na sya tumugon pa. Mukhang galit nga. Paanong late ako. Pagkatapos kasi ng usapan namin ni Karen. Dumating na din si Papa at nagpaasikaso. Anong magagawa ko diba?. I have to be obidient para kahit papaano, may panggala ako. May extrang pera at may permit na umalis ng bahay kahit gabi na. I am doing this not just for myself. Para na rin ito sa kanya para makasama ako sa mga invites nya. Sana lang maintindihan nya ito kahit di na sya magsalita pa.
Katahimikan na ang pumagitan sa amin.
"Yo bro.. kahit minsan lang. ngayong gabi lang.. kantahan mo na kami.." dinig ko sa kabilang side ang boses ng isang lalaki. Di ko sila makita dahil nakatalikod ang upuan ko sa gawi nila. I tried my best to focus on my work but, I just can't. Lalo na't narinig ko pa ang pangalang Poro. Si Toro! Andito. Bully mo ha!
"I'm very busy bro.. maybe next time.."
"Bro naman.. isang kanta lang naman request namin.. kahit after class.. Rooftop tayo.. dun ka nalang kumanta.."
"Mas lalong ayoko.. tsaka gabi. Marami pa akong gagawin.."
"Paano kung imbitahin namin yung crush mo?. Pupunta ka ba?."
"Busy nga ako.." giit pa ni Poro sa kausap.
Crush nya?. Sino din kaya?. Lucky ha?.
"Psh.. killjoy mo talaga.. noong isang araw.. bigla ka nalang umalis.. may pasok pa nun.. saan ka ba pumunta ha?. Nag-girl hunting ba o.."
Saan pumunta?. Di kaya. Iyon yung araw na pinakiusapan sya ni Kian para kay Papa?. Maybe not. Pero sure akong iyon nga ang dahilan ay kay Papa.. ang pinagtaka ko. Bakit kailangan nyang umabsent para lang puntahan si Papa at samahan si Kian?. Anong dahilan nya?. Kung tutuusin naman. May abogado na sila Kian. What's his main reason?. O baka naman. Totoo yung sabi ng kausap nyang nag-girl hunting sya?. Hay. Ewan.
"Mag-aaral ka pa ba Dennis o magdadaldal lang dito?. Labas ka na nga.. Shu.."
"Grabe! Hahaha.." tahimik na natawa ang taong tinawag nyang Dennis. "Zaldy, tara na nga. iwan na nating yang hopeless romantic na taong yan.. kung nandito lang si Eugenio.. naku!.."
Ang sinabi nilang iwan ito, ay di naman nangyari. Dahil, "Ms. Manalo, ikaw ba yan?." hindi ko inasahan ang pagkasulyap nila sakin nung dumaan sila galing kumuha ng aklat. Sinilip nila ako pailalim. Maging si Jane ay napaangat ng tingin sakin, tas sa taong nakatayo sa gilid ko ngayon. "Bro, si Kendra oh.. nasa likod mo.." hindi ko alam kung anong ginagawa ng dalawang kasama nya sa kanya. Basta ang tanging nananaig sakin ngayon, ay ang kagustuhang, marinig ang bosss nya.
Hindi ko nilingon ang gawi nya. Di rin sya nagbigay ng tugon sa dalawa. Di ko din sure kung anong naging reaksyon nya. How would I know?. Di nga ako tumingin sa inuupuan nya.
"May lakad ba kayo mamaya?." The tall one ask me. Tas kay Jane sya tumingin pagkatapos ako.
"Busy kami. Bakit?." pagtataray ni Jane sa nagsalita kanina.
"Imbitahin sana namin kayo sa The Rooftop Bar and Cafe.. kakanta kasi duon si Poro.. kaibigan namin.." saad naman ng medyo hindi katangkaran at may suot na eyeglasses na lalaki. "Kung gusto nyo lang naman.." dagdag pa nya. Not pressuring us.
"We're busy.. sor—.." nabitin sa ere ang sasabihin ni Jane ng sapawan ko sya.
"Totoong kakanta ang kailangan nyo?." itinuon ko na ang buong atensyon sa kanila. Marahan silang tumango.
"I'm busy, Kendra.. Don't go." sa likod ko. Saka ko lamang narinig ang boses nya. Nagtulakan naman ang dalawa saka iminuwestra ang gawi ni Poro. Tinaasan ako ng kilay ni Jane. Pagtataka ang meron sa kanya.
"Pero kakanta ka raw.." giit ko naman. Tinaasan din ng kilay si Jane. Pataasan ng kilay to. Baka, umabot hanggang buhok ang kayang abutin nito.
"Hindi maganda boses ko.."
"Pero.." pangungulit ko pa. Then, Jane mouthed. "You know him?." tumango lang ako. Tas umiling na sya. Iniisip nya sigurong, bagong manliligaw ko. Kahit hindi naman.
"Sige na kasi bro.. gusto nyang pumunta e.." anang isa sa dalawang kaibigan nya.
"Hindi nga pwede.."
"Bakit ba ayaw mo?. Kanina lang, nag-aya ka.. tapos ngayon. Tatanggi ka na. ang gulo mo kaya.. hahaha.." giit pa ng isa. Natatawa.
"Sa ngayon ayoko. Busy ako.. at sya?. Wag nyo nang pilitin.. bawal."
"Bawal!?.." halos sabay na tanong nila.
At hindi na natapos ang naging tanong nila sa kanya patungkol sa sinabi nyang bawal akong lumabas. Kahit sandamakmak ang naging tanong nila. Ni isa dito, ay wala syang sinagot. Naging tahimik na sya't hinayaan nalang ang mga kaibigan.
Ako din naman. Nagtaka. Bakit bawal?. Anong bawal?. Saan banda ang bawal?.
Hindi na Toro ang itatawag ko sa'yo ngayon. Bagay na ulit sa'yo ang pangalan mong Poro.