ดาวน์โหลดแอป
21.05% Pagdating Ng Panahon / Chapter 12: Chapter 12: Babalik

บท 12: Chapter 12: Babalik

"Kendra, bumili ka ngang soft drinks kila Aling Mer.."

Tanghaling tapat. Jusko!. Nagmamadali na nga yung tao dahil anong oras na, tapos uutusan pa ako?. Nasaan ang konsensya ni Mama?. Tapos pag nalamang nalate ako, sandamakmak na sermon pa ang ipapaalmusal sakin. Anak kaya nya ako?.

"Ma, bakit ako pa?." dumaan ako sa gitna ng sala para pumuntang banyo sa may kusina. Gustuhin ko mang wag makita ang taong kinaiinisan ko ngayon. Wala akong choice. Bisita namin sila. Tsaka. Isa pa. Tinatamad akong umakyat sa taas.

"Bakit naman hinde?. Naku Kendra ha.. pag may hiningi ka.. wala ka ng naririnig na iba samin ng Papa mo.. ngayong inuutusan ka lang.." parang kasalanan ko pa ngayon e sila naman nagbubulantaryong magbigay. Hello.

Mama naman! May bisita po tayo sa labas!. Pwede tama na?. Nakakahiya!

Pikit mata ko nalang ininda ang hiya kahit hindi ko malunok ang bagay na yun. Kung bakit kasi sa lahat ng oras. Sa lahat ng panahon. Sa lahat ng pagkakataon. Sa lahat ng tao sa mundo. Ganitong sitwasyon pa kami pinagtagpo. Ganito ba magbiro ang tadhana?. Hindi nakakatuwa! Oy ha! Badtrip lang kasi ako sa bansag nya. Yun lang.

Nagflash ako sa inidoro bago naghugas ng kamay. Saka na lumabas.

"Opo na po. Wag nang maingay.." halos ibulong ko nalang ito dahil ayokong marinig ni Toro ang boses ko.

"Apow.. yang bibig mo pag sinesermunan.." pagdidiin nya pa. "Kung di ko pa pinakiusapan ang Papa mo noon na wag ka ng hanapin nung nakaraang linggo dahil sa tagal mong umuwi.. hay.. ewan ko sayong bata ka."

"Opo na nga po.. eto na nga.. bibili na.." kinuha ko lang ang pera sa may mesa "Ilan ho ba kukuhanin ko?." syempre. Ang utos nya lang. Bibili ako. Wala naman syang sinambit na ilang piraso. Tapos heto pa sya't parang galit. Sino ngayon ang tama samin?. Hay... malamang, ako na naman ang mali. Bata e. Matanda daw kasi sya kaya sya ang tama samin. Ang bulong pa nya. Marami na syang dinanas na hirap. Anong konek ng utos nya sa mga hirap nya?. Prinsipyo nga naman!

"Ikaw, kung kasya yang pera mo para bilhin ng buo ang tindahan ni Aling Mer.." alam kong sarkastiko ang ibig nyang iparating. Aware ako, kingina! May lugar ba para magreklamo ako dito?. Wala!. Kainis!. Nasaan ba kasi si Ate?. Tsaka si Papa?. Bakit iniwan nila ng basta ang mga bisita?. Karen, uwi na!!!

Gusto kong matawa kasabay ng pagbuntong ng galit sa pitsel na walang laman. Kung pwede lang, ibato ito kahit saan. Makabasag man lang. Kaso alam na. Hindi pwede!. Laking sermon o kurot o baka palo pa ang makuha ko kapag ginawa ko 'yon.

Parang bata!

Dinaig ko pa ang bata.

Dinig ko ang hagikgikan ng magkaibigan sa may sala. Alam kong ako ang pinagtatawanan nila. Tas nahagip din ng mata ko si Papa na pababa mula hagdanan. Mukha itong bagong ligo. Hawak pa nito ang gamit na tuwalya na kasalukuyang pinapatuyo ang basang buhok.

Huminto ako sa may pintuan. Para panoorin si Papa. Para sana kausapin pa sya, na sya nalang ang bibili dahil may pasok pa ako. Pero nawala ang buong atensyon ko kay Papa dahil sa mabigat na tingin ng isang tao. Kumunot ang noo ko. Nagkatinginan kami. Di iyon napansin ni Kian dahil tumayo ito para sagutin ang tawag sa phone nya. Hindi ba uuwi si Karen ngayon?. Sya dapat andito, hindi ako!.

Lumabas ako ng gate matapos irapan ang isa. Tinakbo ko na rin ang pagitan ng bahay at nila Aling Mer kahit tirik ang araw. Kamay lang ang gamit kong panangga. Kumuha ako ng dalawang malalaking coke saka mabilis ding bumalik ng bahay. Hinihingal. Pawisan ang buong katawan ko. Buti nalang, nakasuot ako ng malaking damit. Ayokong mangitim tong batok ko.

At ang hindi ko inasahan. Nasa labas na pala ng bahay si Toro. Nakatayo sa mismong pinto. Nakasandal duon at magka-ekis pa ang mga paa. Ganun din ang mga braso sa dibdib nya.

"Ah. excuse me.." dadaan ang reyna. Idadagdag ko pa sana kaso wag nalang pala. Baka mahulog bigla e. Di ko sya masalo. Bugok ang ulo.

"Need help.." napapaos pa nitong saad.

Di ko sya pinansin. Basta sa baba lang ako tumingin. Habang sinasabi ang,

"Psh.. no thanks.. just excuse me.. dadaan ako.." irap ko sa ilalim ng paninitig ko sa paa nya. Gumalaw naman sya pero hindi rin naman umalis sa pwesto. Sumama na ang timpla ng mukha ko. "Dali na kasi.. may pasok pa ako.." sabay ng padyak ko ang pag-angat ng ulo.

Then I saw how his lips, smirk.

Naggirian tuloy ang mga ngipin ko. Naiinis ako sa kung paano sya ngumisi. Parang... Parang tama nga si Ate... gwapo?. Eh?. Gwapo nga ang kingina!.

"Sabi ng Papa mo.. wala ka raw pasok?. Sino ngayon ang nagsasabi ng totoo?." tumaas ang kilay ko dito. Si Papa?. Sinabi nya yun?. Sa kanya?. Paanong?. Wait.

Laglag ang panga ko. Kumibot din maging ang labi ko.

"So, sinungaling ako, ganun?." pagtataray ko pa. Trying my best not to slide from knowing that, he's this too handsome when it's closer to him. Napansin ko na rin naman iyon kanina pa. Iba nga lang pag malapitan. Tsaka napangunahan lang talaga ako ng masamang tabil ng dila nya. Kaya inis ako't hindi maganda ang timpla ng mata kong tumingin sa kanya.

"Wala akong sinasabi. Ang tanong ko, may pasok ka ba talaga?."

"Pake mo kung wala o meron.. tabi.." sinagi ko sya para malaman nyang seryoso ako pero kingwa sya talaga!. Ayaw paawat. Ang init na, huy!

"Ano ba!?." nagtaas na ako ng bosss. Sana lang. Di nila marinig sa loob.

Itinaas nya ang dalawang kamay nya. Pinapakitang, wala syang ginagawang masama. "Look.. I'm just talking here.. bat ba ang high blood mo?."

"E kasi.. ang papansin mo.. umalis ka na nga!.." tinulak ko na sya ngayon para makapasok na ako. Ang sakit sakit na ng tirik ng araw sa likod ko tapos kung anu-anong sinasabi. Bwiset!. Bwiset talaga yang Toro na yan!.

"Salamat hijo.. kung sana, kumain na muna kayo.." dinig na ang boses ni Papa, palabas. Huminto ako sa tapat ng pintuan. Hihintayin kung sinong kausap nya. Malamang, si Kian na yun. Nasa labas yung isa eh.

"Sa uulitin nalang po Tito.. dadaan pa po kasi akong school para i-check si Karen.." si Kian ito.

Sana all sis.. bulong ko sa isip.

"Tsaka, nagmamadali rin ho si Poro.. may pasok pa po kasi sya.." dagdag paliwanag naman nya. Eksaktong nasa harapan ko na sila. At naglakad din ang tinutukoy nya palapit samin. Actually. Tumabi pa sa akin.

Ang bango nya! Putek!.

Sya pala ang may pasok eh. Hindi ako. Tama nga sya. Wala akong pasok. Pero may gagawin kaming group works. Tsk.

"Ganun ba?." Nagkamot si Papa ng noo. "Kayong bahala. Basta ba, sa sabado o linggo.. balik kayo rito para maghapunan.. hindi ako tumatanggap ng pagtanggi.." paniniguro pa ni Papa. Napalunok ako sa totoo lang. Ibig sabihin. Babalik pa sya rito para maghapunan?. Sila pala. I get it. I owe him, nor them. Pero kailangan pa ba yun?. Di pa ba sapat ang isang thank you nalang?.

Babalik sya?. Si Kian, okay pa. Pero sya?. No way please! Wag nalang!. Papa naman! Kulang nalang magdabog ako rito. But knowing Papa. Hindi nya iyon magugustuhan. At sigurado akong kapag ginawa ko ang naisip. Grounded ako for one month. No night life. No extra allowances. No freedom. Kaya behave Kendra. Behave!

"Opo Tito.. babalik po kami rito.." ani Poro sabay baling sakin. He lick his lower lip when I met his damn eyes. "Gusto ko pong bumalik pa rito.." he said clearly to my Father but I knew, it is a message for me too. "Para makipagkwentuhan pa po sa inyo.." dagdag pa nya. Kay Papa ba talaga nya gustong makipagkwentuhan o may iba pa?. Psh!. Asa kang ikaw ang gusto nyang kausapin, Ken!. In your wildest dreams!

Psh!. Grabe! Oo na!.

Masama bang umasa kahit minsan?. Psh!.

"Walang problema hijo.. basta kayo.. bukas lagi ang bahay para sa inyo.."

Abot tainga naman ang ngiti ng Toro. "Andyan naman si Kendra kung wala ako.. kaya anytime.. you can go here.. just update me ha.." ani Papa sa kanila habang naglalakad patungong sasakyan nila.

Ha?. Paanong ako?. Bakit narinig ko ang pangalan ko?. Akala ko ba, sya ang may bisita sa kanila?. Bat pa ako damay?.

Nalilito na talaga ako kay Papa.

"Sige po Tito.. sinabi nyo po yan ha?." ani Poro pa. Inakbayan sya ni Papa at binulungan pa. Gumewang nalang ang ulo ko dahil wala na akong narinig sa usapan nila. Hanggang sa sumakay na sila't umalis na.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Wala na ang mga bwisita. Este. Bisita pala. Ako'y, makakagala na!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C12
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ