PROLOGUE
"Head Master, a well known archeologist has found an ancient codex inside a tomb somewhere in the Mediterranean Region." A man donning in long red cloak said as he kneeled with only one knee on the floor, his left elbow was resting in his other knee while his right fist is touching the floor. He bowed his head low as a sign of deep respect towards the old man in front of him. His head was covered by the red hood of his cloak making his facial features unrecognizable. "The said ancient codex carried an unknown seal, but our scout identified that it belongs to the Giles." He added with looking at the man that he's talking to.
"The Giles?" Kaagad namang napaharap dito ang Head Master matapos marinig ang salitang 'Giles'. Kita sa kanyang nag-aalab na mga mata ang kakaibang emosyong nabuhay matapos marinig ang huling sinabi ng lalaki.
Pananabik. Pananabik dahil sa nadiskobreng codex na maaaring konektado sa matagal nang naglahong tribo ng mga Giles? O pananabik dahil sa may kaakibat na misteryo ang tribong yun na isa sya sa nakakaalam?
"Get that ancient codex and bring it to me now! Tell the international media not to tell the world a single bit of information about it." Seryosong utos ng Head Master sa lalaki. "Go now." Dagdag pa niya.
"Yes Head Master!" Tugon naman ng lalaki matapos tumayo. Pagkatapos ay biglang naging apoy ang katawan nito at lumakad ito patungo sa nag-aapoy na pugon malapit sa kinatatayuan ng Head Master at para itong pumasok sa loob ng pugon at naglaho.
"Ahh!" Napasigaw naman ang isang babaeng kapapasok lang sa silid na kinaroroonan ng Head Master matapos makita ang nangyari sa lalaking nakapula. Muntik pa nitong mabitawan ang dalang tray ng alak dahil sa gulat.
"What an ignorant kid." Bulong ng Head Master matapos makita ang reaksyon ng babae. "You should get used to unbelievable things that you're seeing in this place, as you'll be seeing them everyday as long as you're here." Seryosong patuloy nito sabay lapit sa babae at kinuha ang dala nitong alak.
"Leave. Next time, you should knock before entering this room."
Agad namang yumuko sa harap ng Head Master ang babae matapos marinig ang sinabi nito at dali-daling umalis sa loob ng silid.
Pagkalipas ng kalahating oras ay biglang nagliyab ang apoy sa pugon na nasa harapan ng Head Master na ngayon ay nakaupo sa isang upuan habang umiinom ng alak.
"What took you so long Davian? Are my portals not enough to make you move faster?" Seryosong tanong ng Head Master na animo'y kinakausap ang apoy.
Lumakas naman ang apoy hanggang sa lumabas ito sa pugon at nag-anyong tao at naglakad patungo sa harapan ng Head Master. Maya-maya lang namatay yung apoy at tumambad sa harapan ng Head Master ang lalaking kausap niya kani-kanina lang at may dala na itong isang maliit na purong gintong kahon.
"Forgive me Head Master. It took me long trying to negotiate with the archeologist. He didn't agreed and thus I took this codex by force. He's been silenced since he saw my powers." Sabi ng lalaki habang nakaluhod na tulad kanina ay isang tuhod lang ang lumapat sa sahig. Binuksan nya ang gintong kahon at itinaas ito.
Isang parang napakalumang libro na kulay kayumanggi ang laman nito. Makapal ito dahil sa gawa ito mula sa balat ng isang hayop. Sa kabila ng kakapalan ng librong ito ay isang pahina lang ang laman nito.
Agad itong kinuha ng Head Master at tiningnang mabuti. May silyo ngang nakalagay sa pabalat ng libro. Isa itong bilog na may isang pentagram sa loob. Sa bawat gilid ng sulok ng pentagrama na ito ay nakaukit ang iba't ibang natural na elemento tulad ng apoy, hangin, lupa, tubig at liwanag. Sa gitna naman ng pentagrama na ito ay may isang lumang symbolo.
"It is indeed the Seal of Giles. A pentagram inside a circle, the five elements written beside the points of the pentagram represents the Gile's Great Disciples, the five Justices who controls the different elements. The ancient symbol in the center of the pentagram means soul, nobody knew why its included in there." Parang wala sa sariling sabi ng Head Master habang binabaybay ng kanyang mga daliri ang guhit ng silyo.
Pagkatapos nito ay binuksan nya ang libro at tumambad sa kanila ang mga iskrip o mga titik na sinulat gamit ang sinaunang sistema ng pagsulat na kahit ang mga dalubhasa ay mahihirapang intindihin ito.
"The Gileans Hieroglyphs, it's indeed an artifact belonging to the Giles." Nagliliwanag ang mga matang sabi nito matapos makita ang laman ng libro.
"Summon Zane of the wind faction, she know how to translate this script." Seryosong sabi nito sabay tingin kay Davian.
Agad namang tumango si Davian at tumungo sa gilid ng pugon kung saan may isang maliit na Bolang Kristal na gawa sa asul na salamin na nakapatong sa isang lumang mesa malapit sa bintana.
"Master Zane, the Head Master wished to see you now." Malakas na sabi ni Davian sa Bolang Kristal.
Para namang narinig nung mahiwagang bola ang sinabi ni Davian. Gumalaw yung asul na usok sa loob nito at naghugis mukha ng isang magandang babae.
"Kindly tell the Head Master that I will be there after a minute." Isang malamyos na boses ang kumawala mula sa mahiwagang bola habang gumagalaw yung mga labi ng magandang babae sa loob nito.
Napatango lang si Davian matapos marinig ang sinabi nito. Pagtapos ay gumalaw ulit ang asul na usok at nawala na ang mukha ng babae sa loob ng bolang kristal.
"She will be here in a minute, Head Master." Magalang na sabi ni Davian sa Head Master matapos makausap ang bolang kristal.
Tumango lang ang Head Master habang nakatingin parin sa lumang libro na nasa mga kamay nito.
Pagkalipas ng isang minuto ay biglang umihip ang isang malakas na hangin dahilan upang mabuksan ang isa sa mga bintana ng silid na kinaroroonan nina Davian at ng Head Master.
Maya-maya lang ay may isang ipo-ipong kasing laki ng katawan ng tao ang nakapasok sa bintana. Nagliyab ang apoy sa pugon dahil sa lakas ng ihip ng hangin at nagsimula itong lumaki nang lumaki na animoy masusunog na ang buong silid. Ngunit matapos itaas ng Head Master ang kanyang kanang kamay ay biglang lumiit at naging maliit na bolang apoy ang apoy ng pugon. At pagkatapos ay mabilis itong tumungo sa kamay ng Head Master.
"Your entrance is really a pain in the ass, Zane. However, it would always boost the strength and power of our flames." Seryosong sabi ng Head Master habang kinuyom ang kanyang kamay na may hawak na bolang apoy.
"Apologies Head Master."
Sabi ng isang malamyos na boses ng isang babae na mula sa hanging patuloy paring umiihip. Pagkatapos ay unti-unting nag-anyong tao yung ipo-ipong nakapasok sa loob ng silid.
At maya-maya lang ay tumambad sa harapan ng Head Master ang magandang babae na nakasuot ng berdeng damit.
"You've summoned me Head Master." Sabi nito habang nakayuko sa harapan ng Head Master.
"I want you to translate this Hieroglyphs." Diretsang sabi ng Head Master sabay abot sa bagong dating na babae ang hawak niyang lumang libro.
"The Gileans Hieroglyphs." Gulat na sabi nang babae habang nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang libro.
May mga asul na usok na lumabas sa dulo ng kanyang mga daliri habang binabaybay ang script na nakasulat sa libro.
"Harken ye, to awaken the might
Of Supreme Nature, hidden from sight
Cultivate thy soul, with utmost care
And secrets revealed, passed down with great heir
Through elemental scrolls, the five justices know
The technique to nurture and make it grow
Harness the power, to protect and free
Eden from shadows, of Evil Celestials' spree
Let this be the prophecy, written in verse
The key to triumph, we must not reverse
Goodness shall reign, and darkness shall flee
With Supreme Nature's strength, let us all be free."
Sabi ng babae habang binabaybay ng mga daliri ang lahat nang titik na nakasulat sa libro.
"What does this mean Head Master?" Naguguluhang tanong ng babae matapos basahin ang hieroglyphs.
"With your current level, this thing is beyond your comprehension." Tugon ng Head Master habang nagniningning ang mga mata na animo'y nananabik.
"Gather the five different factions. The search for the five scrolls that was once possessed by the Giles and was passed down to the five justices will start today." Utos nito kina Davian at ng babaeng naka berdeng damit.
'The one who'll awaken the Supreme Nature will be me.' Bulong nito sa
sarili sabay hagis ng hawak na maliit na bolang apoy sa pugon dahilan upang bigla itong nagliyab.
I hope you'll give this simple work a chance.