ดาวน์โหลดแอป
42.85% KIDNAPPED (Mafia Macro series 1) / Chapter 3: PROLOGUE

บท 3: PROLOGUE

SINISTER

"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan Maximo. Kahit kailan walang lugar ang batang 'yan sa mansyon na 'to!"

"Anak ko rin siya Sheila, at mula ngayon ay dito na siya titira sa ayaw at sa gusto mo." Kalmado ang boses ni Papa, hindi niya alintana ang galit ni Mama.

Mula sa pinagtataguan kong cabinet ay sumilip ako.

Naaawa kong tinignan si Mama na ngayon ay puno ng luha ang mga mata habang mababakas ang matinding galit sa kaniyang mukha para kay papa.

"Kumuha ako ng taong personal na mag-aalaga sa bata, wala kang dapat ikabahala dahil hindi mo magiging problema ang pag-aalaga sa kaniya," pagpapagtuloy ni Papa. Pero hindi man lang iyon napakalma si Mama.

Mas mababakas ngayon ang matindi nitong galit para kay Papa.

"Hindi ako papayag na makihati ang batang 'yan sa kayamanang dapat ay para sa anak ko lang, Maximo! Ilang taon na akong nagtitiis sa mga pananakit mo, sa pangbabae mo..." Nanginginig ang boses niya habang patuloy sa pagluha.

"Tinanggap ko lahat para sa anak ko, pero iyong magkaroon ka pa ng anak sa iba at iuwi rito ay hinding hindi ko matatanggap!"

"Hindi ko hinihingi ang permiso mo para tanggapin ang bata, dahil sa ayaw at sa gusto mo dito siya titira dahil anak ko siya!" ang sigaw ni Papa kay Mama.

Tinalikuran na nito si Mama pero hinabol siya ni Mama at pinagsusuntok sa likod.

"Walang hiya ka! Lahat tiniis ko tapos ganito lang igaganti mo sa akin?!" umiiyak si Mama habang panay ang suntok nito sa likod ni Papa.

Pero galit din na hinarap siya ni Papa at binigyan ng malakas na sampal.

Hindi natinag si Mama at muling sinugod si Papa ng suntok kahit alam nitong wala rin naman siyang laban sa lakas ni Papa.

After he slapped my mom again, he snatched her hair and gripped it tightly in his hand.

I saw my mom winced in pain from Papa's tight grip on her hair.

Napahagulgol si Mama. "Walang hiya ka talaga Maximo! Wala kang kuwentang tao!" then, my Dad slapped her again. Dumugo ang labi niya. Napakuyom ang mga kamao ko.

Mula sa pinagtataguan ay agad akong lumabas at sinugod din si Papa.

The expression on his face instantly changed the moment he saw me.

I'm just eleven-years-old, patpatin, at alam kong wala pa akong sapat na lakas para labanan si Papa pero hindi ako natatakot na labanan siya.

Hindi ako papayag na basta na lamang niya saktan ang aking ina lalo na sa harapan ko.

"Binatawan mo ang mama ko!" I throw punches and kicked him, kahit alam kong parang wala lang ang lakas ko sa kaniya.

Parang duming niwaksi lamang niya ako at agad akong tumilapon sa sahig.

Umiiyak ngunit galit siyang sinugod muli ni Mama, pero tulad ko ay tumalipon lang din siya at sumadsad sa sahig dahil sa lakas ni Papa.

"Tandaan ninyong dalawa ito, ilagay n'yo sa mga kokote ninyo!" hingal sa galit niyang duro sa amin ni, Mama.

"Wala kayong karapatan para kuwestsunin ang mga ginagawa ko o kahit mga desisyon ko rito sa pamamahay ko! Ako ang masusunod at wala kayong magagawa!" galit niya kaming tinalikuran. Umiiyak na niyakap ako ni Mama. Hinalikan niya ako sa aking buhok. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya. Nanginginig rin ang labi niya sa pag-iyak.

Awang awa akong tinignan ang mga pasa niya sa mukha at braso. Madalas ito ang nangyayari at natatanggap niya sa aking ama sa tuwing nag-aaway sila at sumusuway siya sa gusto ni Papa.

Hindi naman sila ganito noon. Masaya ang pamilya namin at nagbago lamang ang lahat nang mag-umpisang pumasok sa isang negosyo si Papa. Mula noon, lagi na itong walang oras sa amin ni Mama.

Madalas ay umaalis ito at kung ilang buwan nawawala. Dumami rin ang mga tauhan niya na nagbabantay sa amin.

At habang nagtatagal parang hindi ko na kilala ang sarili kong ama.

Nag-iba na siya at parang naging ibang tao sa paningin ko.

Hindi naman naghihirap ang pamilya namin, at kung tutuusin ay isa kami sa mga maituturing na mayamang pamilya sa aming probensya.

Pero ang sabi ni Papa ay gusto pa niyang magkaroon ng maraming negosyo. Magkaroon ng maraming pera.

Maging mas makapangyarihan sa lahat at makilala sa buong mundo.

'Yan lagi ang naririnig kong sinasabi niya sa tuwing hihilingin ni Mama na manatili na lamang siya ng Pilipinas.

Hanggang sa ang simpling pagtatalo nila ay lumala. Nagiging mas pisikal. Naririnig ko rin ang tungkol sa pangbabae ni Papa.

Noon ay sinubukan pang itago sa akin ni Mama ang lahat. Pero s'yempre, habang nagkakaisip ako at habang tumatagal nagiging aware na ako sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Papa. Nagiging aware na ako sa mga issue ng pamilya namin.

"Hindi ako papayag na habang buhay akong maging sunod-sunuran sa kaniya. Aalis tayo, Sin. Aalis tayo at iiwan natin ang papa mo, ilalayo kita..." Ang paulit ulit niyang bulong sa akin.

"Mama, t-totoo po bang k-kapatid ko ang batang iyon?" Alanganin kong tanong kay Mama.

"Hindi, Sin." Ang agad na pagtutol ni Mama.

She cupped up my face and looked at me straight into my eyes.

"Hindi mo maaaring maging kapatid ang batang iyon, hindi ko matatanggap." Matigas ang tono ni Mama at bahagyang naging mabagsik rin ang kaniyang itsura.

Ako ang saksi sa pagtitiis ni Mama mula nang magbago si Papa. Siya ang unang unang naapektuhan at nag-suffer.

"K-kapag nawala po ba ang batang iyon, ay magiging okay na ulit ang pamilya natin?"

"Oo, Sin. Ang batang iyon ang dahilan at ang kaniyang ina kaya lumalayo ang papa mo sa atin," naiiyak na naman niyang sabi. Muli niya akong niyakap ng mahigpit.

"Kailangan mawala ang batang 'yon para bumalik sa atin ang papa mo."

Isang maitim na plano ang nabuo sa mura kong isip. Sinubaybayan ko ang sanggol, at humanap ng magandang pagkakataon para atakihin ito, ngunit hirap akong makakuha.

Mahigpit ang bantay ng sanggol na iyon at hindi siya iniiwan or hinahayaang mag-isa.

Naririnig ko pa ang mahigpit na bilin ni Papa sa bantay ng sanggol sa tuwing aalis ito papunta kung saang lupalop ng mundo.

Ilang buwan pa ang matuling lumipas, lagi lamang akong nakasubaybay sa batang iyon.

Araw-araw kong naririnig ang palahaw niya na masakit sa tainga.

Minsan nakikita ko siyang nilalabas ng babaeng nag-aalaga rito para paarawan.

Sa totoo lang ay naiirita ako sa iyak niya pero may iba rin akong nararamdaman sa tuwing maririnig ko ang maliliit nitong tawa.

Hindi dapat ako makaramdam ng pagkagiliw sa batang iyon.

Isiniksik ko sa napakamura kong isip na dapat mawala ang bata sa landas namin ni Mama para maging masaya na ulit ang pamilya namin.

Kailangan kong ipaalala sa isip na ang batang iyon ang isa sa mga dahilan kaya magulo ngayon ang aking pamilya.

"Nagugutom ka na? Naku, naubusan tayo ng mainit na tubig. Sandali lang at tatawagin ko si Solidad." Ang magaan nitong kausap sa bata.

Ilang beses nitong tinatawagan sa cellphone si Solidad ngunit kita ko sa mukha nito ang pagkayamot nang tila walang sumasagot sa mga tawag nito. Si Solidad ay isa sa mga katulong na lagi niyang tinatawagan kapag kailangan niya ng tulong.

I saw her dialed on her phone a couple of times pero bigo nitong binaba ang cellphone.

Nag-umpisang umiyak ng malakas ang bata kaya medyo naalarma ito.

"Sige na. Sige na. Baba na ako, dito ka lang saglit at babalik ako agad." Ang kausap nito sa bata.

Napakubli ako sa makapal na kurtina nang mabilis itong lumabas ng kuwarto.

Nang wala na siya ay dahan dahan akong umalis sa pinagkukublihan at sumilip sa loob ng silid. I evilly smirked as I looked at her from the distance. This is the chance that I always waiting for.

Saglit ko siyang pinagmasdan mula sa aking kinatatayuan.

Umiiyak ng malakas ang bata, kumakawagkawag at nang maglaon ay dumapa. Medyo malikot na ito at nakakagapang na.

Agad akong pumasok sa loob ng kuwarto nang makita ko itong malapit na sa gilid ng kama. Hindi ko alam pero awtomatiko ang aking naging aksyon.

Binuhat ko siya para sana ilagay sa gitna ng kama. Natigilan ako, dahil tumigil siya sa pag-iyak. Titig na titig siya sa akin.

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko habang tinititigan ko rin siya. Mabibilog ang mga mata niya at napa-cute ng mukha niya.

I softly pinched her cheek. She giggled.

Princess ang tawag sa kaniya ng bantay niya. And yeah, I agree. She looks like a little princess to me. Napanguso ako nang iangat nito ang maliliit na mga kamay.

She touched my face ang laughed again.

Napangiti ako,"huwag ka nang umiyak at huwag kang malikot baka mahulog ka," ang mahina kong sabi sa kaniya kahit na hindi ako sigurado kung maiintindihan niya ako.

Nang marinig ko ang ingay ng mga yapak ay agad na akong lumabas ng silid at nagtago.

Bumalik si Papa sa ilang buwan niyang pagkawala. Agad nitong pinuntahan ang bata at magiliw na kinarga. Samantalang ni hindi niya man lang naisipan kumustahin ang kalagayan namin ni Mama.

Muli, nakaramdam ako ng galit at pagkamuhi sa batang iyon at kay Papa. Nag-away muli si Papa at Mama ng araw na iyon. At tulad ng mga nauna nilang away, nasaktan niya muli ang mama ko.

Kailangan kong maisagawa agad ang aking plano...

Tahimik na ang buong paligid sa loob ng mansyon, marahan at maingat ang bawat hakbang ko.

Kinapa ko sa aking tagiliran ang baril na pinuslit ko kanina mula sa isang tauhan ni Papa.

Bahagyang bukas ang pintuan, napalunok ako. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko. Kaya ko ba? Oo,kakayanin ko para sa amin ni Mama. Sumilip ako, saglit akong natigilan.

Wala sa silid ang bantay ng bata, pumasok ako ngunit agad ring napatago sa loob ng mataas na closet nang makarinig ng mga yapak. Papalapit.

Malamlam lamang na liwanag mula sa lampshade ang tumatanglaw sa silid pero kitang kita ko ang pagkislap ng isang bagay sa dilim.

Dahan dahan akong lumabas ng closet. Nanginginig na nilabas ko ang baril.

Iniumang ko iyon kung saan nakahiga ang bata.

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa kailaliman ng gabi.

A/N: Only at G**DNOVEL SOON be available. Waiting for approval!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ