ดาวน์โหลดแอป

บท 4: Sweet Gesture

•••

Sa sobrang gulat ko ay nanatili lang ako sa harap ng pinto. Nakatitig doon at hindi alam ang gagawin.

*Anong ginagawa niya dito? Nandito lang siya kahapon ah? Gusto niya ba talaga ako bigyan ng sakit sa ulo?*

Biglang bumaba ang tingin ko sa suot kong damit. Puno iyon ng dugo at kapag nakita niyang ganito ang suot ko, iba ang iisipin niya. Mas malala pa siguro sa kung anong iniisip ko ngayon.

Mabilis akong nag-isip at kinuha ang cellphone ko sa kwarto. Pagkakuha ko 'nun ay bigla iyong tumunog, at siya na nga ang natawag sa akin ngayon.

*Sasagutin ko ba? Shit lang!*

"Hello?" Sagot ko.

*"Hello, Yuki? Nasaan ka? Nandito ako sa tapat ng apartment mo."* Sagot niya.

Lumunok ako, kailangan kong kumalma, kailangan kong makaisip ng idadahilan sa kaniya. Dahil kapag nalaman niyang nandito ako sa loob, tiyak na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat.

"W-Wala ako sa bahay. Umalis ako. May kailangan ka ba?" Shit! Bakit kailangan ko pang mautal?!

Habang naghihintay ako ng sagot mula sa kaniya, amoy na amoy ko naman ang masangsang na amoy ng natuyong dugo sa t-shirt na suot ko.

*"Nasaan ka ba?"* Tanong nanaman niya.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

*"Sagutin mo na lang ang tanong ko!"* Sigaw na sagot niya.

Paano ko sasagutin kung ganiyan ang tono mo?

"Malayo sayo." Sagot ko sa kabilang linya.

Tumayo ako sa kama at dumeretso sa kusina. Doon, nakita ko ang nagkakalat na dugo mula sa mga artificial blood na binuksan ko kanina.

Hindi ko na ramdam ang uhaw kagaya ng naramdaman ko kanina. Lilinisin ko na lang ito kapag umalis na siya.

*"Nasaan ka? Pupuntahan kita."* Dahil doon ay bigla akong napatigil.

"Ryouhei? Ano bang pinagsasabi mo? Naririnig mo ba mga sinasabi mo?" Naguguluhan kong sagot sa kaniya.

Anong akala niya sa sarili niya? Aso? Kailangan kung nasaan ako? Nandoon rin siya?

*"Sabihin mo na lang kung nasaan ka!"*

"Hindi ko sasabihin sayo." At saka ko binaba iyon kagaya ng plano ko.

Napasandal ako sa gilid ng lababo at napahawak sa ulo ko. Shit? Ano bang ginagawa ko? Hindi naman ako ganito simula ng manirahan ako kasama sila. Pinigilan ko ang sarili kong inumin ang dugo nila tapos biglang ganito?

*Dahil ba sa may nakita akong kagaya ko?*

Akala ko ba ako na lang ang natitira? Bakit nakita ko siya? At bakit sa ganoong klaseng sitwasyon pa? Paano na lang kung magkita kami ulit? At worst... baka sa ganoong tagpo pa ulit.

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko, pinatay ko 'yon at ibinaba sa lamesang nasa harap ko. Alam kong umalis na siya pagtapos ng tawag ko kaya wala na akong dapat alalahanin pa sa kaniya.

Kumuha na lang ako ng basahan at tubig para ipang-punas sa natutuyo ng dugo sa sahig. Napabuntong-hininga ako habang ginagawa iyon.

Ito ang unang beses na naramdaman ako ng uhaw na. Nang matinding uhaw. Hindi 'yon maganda... dahil baka sa susunod ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Bwiset... ano bang nangyayari sa akin? Bakit paulit-ulit kong naiisip ang bagay na 'yon? Hindi ang tamang panahon para isipin 'yon.

Ang kailangan kong gawin ay kumpirmahin sa sarili ko ang nakita ko ngayong araw. Hindi ko alam kung paano ko aalamin pero... isa sa katangian ng mga kagaya ko. Ay lumabas sa ikalaliman ng gabi, upang makahanap ng makakain.

Maghapon kong inabala ang sarili ko. Dahil kinabukasan ay hindi ko naman 'yon magagawa ulit. Papasok ulit ako sa part time job--napatigil ako ng maalala ko ang babaeng 'yon.

Ang nakita ko sa mga mata niya, ang ginawa niya. At ang lalaking nakita ko. Ang pulang mga mata niya.

Bakit ang daming bagay na agad ang nangyayari sa akin ngayon? Ni hindi naman ito nangyari noon sa akin? Bakit ngayon pa? Ano bang meron? Darating na ba sila? Kung darating sila... dapat sinabihan na nila ako agad.

Pero bakit wala akong makuhang sagot o kahit na palatandaan? Ano 'yung nakita ko? Wala lang?

Kung nakita ko ang taong 'yon, ibig sabihin babalik sila para sa akin hindi ba? Pero bakit... wala?

At kailangan ba kapag darating sila? Kailangan ba nilang atakihin ang isang inosenteng nilalang na gaya nila? Hindi nila alam na ang mundong ito ay sakop na ng mga tao, na akala ko ay sakop pa rin ng mga kagaya ko noon.

Kung darating sila para manakit ng mga inosenteng tao, na nakasama ko sa mga panahong mag-isa ako... gagawin ko ang lahat para patigilin sila sa gagawin nila.

Alam kong hindi madali ang bagay na 'yon, pero ito lang nag naiisip kong paraan. Babalik sila? Magpapakita sila tapos ganun ang gagawin nila? Hindi pwede.

Nang makita kong maayos na ang lahat ay agad akong kumuha ng jacket sa cabinet sa kwarto ko. Bigla ko na lang naisip si Ryouhei, matapos niyang tumawag sa akin kaninang umaga... hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang tawag mula sa kaniya.

Narealize na kaya niyang hindi ko siya kailangan? Kahit na kailan ay hindi ko siya kinailangan. Hindi ko sinabing kailangan ko siya o kung ano pa man.

Sana maintindihan na niya 'yon at wag na niya akong lalapitan at kakausapin pa ulit. Kinuha ko ang cellphone ko at ang wallet, paglabas ko sa kwarto ko ay napatingin ako sa labas ng bintana.

Papalubog na ang araw. Ganun agad kabilis matatapos ang araw? Hindi ko namalayan 'yon. Mamayang gabi ko gagawin ang plano ko, sa ngayon ay kailangan kong bumili ng makakain.

Kahit na isa akong bampira... kumakain pa rin ako ng pagkain ng tao. Nagbibigay rin 'yon ng lakas sa akin, pero kung ikukumpara sa dugo na iniinom ko, masasabi kong mas nagbibigay 'yon ng maraming lakas sa akin.

Dumeretso ako sa pinto at pagbukas ko nito ay sariwang hangin ang agad na bumungad sa akin, at ang magandang sinag ng araw na papalubog na ngayon.

Pero napahinto ako ng makarinig ako ng kaluskos sa gilid ng pinto. At napahinto ako ng makita ko siya doon.

Dahan-dahan siyang tumayo at pinagpagan ang likod ng suot-suot niyang pantalon.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Hay! Sabi na nga ba... nandyan ka lang sa loob ng apartment mo." Sabi nito.

Hindi ako makapagsalita... anong ginagawa niya dito?! Naghintay siya dito ng ganito katagal?!

"A-anong ginagawa mo d-dito?" Shit? Bakit ako nauutal?!

Lumapit siya sa akin at 'yon ang hudyat para bumalik sa loob at isarado ang pinto. Ngunit hindi 'yon nangyari.

Dahil mabilis na napigilan ng kamay niya ang tuluyang pag-sara ng pinto. Sumilip siya doon at nginisihan ako.

"Yuki."

--

Hindi ko alam kung bakit ko pa siya pinapasok sa loob ng apartment ko.

"Oh? Uminom ka muna tsaka kumain." Sabi ko at saka inilapag ang pagkain sa harap niya.

Pero nakatingin lang siya sa akin.

"Ano pang hinihintay mo? Kakain ka o papalayasin kita dito?"

"Bakit nagsinungaling ka?" Tanong niya.

Napalunok ako at nakaramdam ng pagkaguilty dahil sa ginawa ko sa kaniya. Ang tagal niyang naghintay sa labas. Alangan namang pabayaan ko ang mokong na 'to doon?

"Wala lang. Atsaka ayaw kitang makita."

Mas mabuti ng ganito ng mabagot na siya sa akin.

"Kung ayaw mo akong makita, pwes, gusto kitang makita." Napatigil ako at napatingin sa kaniya.

Nginitian lang ako ng loko bago kainin ang binigay kong pagkain sa kaniya.

*Kung ano man yang umiikot sa isip mo, wag mo ng ituloy.*

Umupo ko sa harap niya at pinagmasdan siyang kumain.

"Bakit ka pala pumunta dito?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin matapos niyang ngumuya. Iba pala ang pakiramdam kapag may pinapanood kang kumain.

*"Bakit hindi ka kumain? Gusto mo bang ibigay ko ang ilang parte sayo?*

Napailing ako ng may biglang pumasok na senaryo sa isip ko.

"Dahil nag-aalala ako-- ayos ka lang ba?" Muli ay napatingin ako sa kaniya.

Kagaya ng nag-aalalang mukha ni Ryouhei ang nakikita ko ngayon.

"Wala-wala. Ano nga 'yung sinasabi mo?" Tanong kong muli.

Yumuko siya at umubo bigla. Ang weird ng isang 'to. Bakit ba ako nilapitan nito sa umpisa? Kinuha niya ang tubig sa tabi niya at uminom doon.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya at ang tunog ng tubig na dumadaloy papunta sa... lalamunan at sikmura niya. Paano kaya kapag... ibinaon ko ang mga pangil ko sa leeg niya?

*Shit?!*

"A-ano... nag-aalala ako sayo kaya pinuntahan kita dito." Nawala bigla sa isip ko ang mga 'yon dahil sa binanggit niya.

Nag-aalala siya sa akin? Bakit naman siya mag-aalala? Dahil sa nangyari sa akin? Mukha ba akong mamamatay ng ganun-ganun na lang sa paningin niya?

"Mag-alala ka para sa sarili mo." Sagot ko.

Dahil baka sa mga susunod na araw, ikaw na ang sunod na atakihin ng mga kagaya ko. Na akala ko noon ay biglang nawala ng parang bula.

Tapos ngayon, unti-unti na silang nagpapakita.

"Bakit naman?" Tanong niya.

Hindi pala maganda kapag binibigyan ng pagtataka ang mga tao. Dahil kapag nangyari 'yon... aalamin nila ng aalamin ang mga bagay na gumugulo sa isipan nila. Minsan... nagdudulot pa 'yon ng kasamaan. Kaya mas magandang 'wag ko na lang sabihin.

Tumayo ako sa pagkaka-upo at muling tumingin sa kaniya.

"Mag-ingat ka na lang at pagtapos mo diyang kumain, hugasan mo yang pinagkainan mo tapos umuwi ka na." Dahil marami pa akong gagawin.

Naglakad ako papunta sa sala ngunit lumingon rin ako agad sa kaniya. Nakita ko na parang namumula ang tenga niya at para siyang tangang nakangiti at nakatingin sa pagkaing nasa harap niya.

*Weird.*

**Ryouhei's POV**

INALIS ko sa isip ko ang mukha ni Yuki na nag-aalala para sa akin. Pero kahit na anong gawin ko... bumabalik at bumabalik pa rin 'yon.

Bwiset... hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang sasabog na siya at lalabas sa dibdib ko.

*Kumalma ka, Ryou. Kailangan mong kumalma. Baka marinig niya ang tibok ng puso mo. Hindi pwede 'yon.*

Nang matapos akong kumain ay ginawa ko ang sinabi niya kanina. Pagtapos kong hugasan 'yon ay naglakad ako papunta sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at titig na titig sa nakabukas na TV sa harap niya.

Agad akong pumuwesto sa likod niya at pinanood ang balita doon.

*"Isang bangkay ang nakita sa isang eskinita sa XX district."*

*"Natagpuan itong wala ng buhay kaninang 1PM ng hapon. At ayon sa nakasaksi nakita niyang may dugong umaagos mula sa eskinita papunta sa labas kung nasaan ang side walk. Pinuntahan niya ito upang tulungan kung sino man 'yon, ngunit nakita niya itong nakahandusay sa lapag at wala ng buhay."*

*"Ayon sa mga pulis ay ito ang unang beses na may nangyaring pagpatay sa nasabing lugar. Wala pang lead kung sinong makakapagpatunay kung sino ang salarin."*

*"Sa ngayon ay iniimbistigahan na ng mga otoridad ang nasabing insidente."*

May narinig rin akong ganito kanina. Dalawang babae naman 'yon galing sa kabilang apartment.

"May narinig din akong nag-uusap kanina about sa balitang yan. Wala na daw buhay ang taong 'yon at halos maligo na daw 'yon sa sarili niyang dugo." Sabi ko at saka ko tinignan si Yuki na nakaupo sa harap ko.

Pinagmasdan ko siya at agad na hinawakan sa balikat pero laking gulat ko ng halos mapasigaw siya sa gulat.

Napaatras ako ng isang beses dahil parehas kaming nagulat sa naging reaksyon niya.

"A-Ayos ka lang ba?" Tanong kong muli.

Ngunit hindi niya ako sinagot. Imbis ay bigla siyang napaupong muli sa sofa at pinatay ang TV na nagiingay lang kanina.

*Anong nangyari?*

Mabilis akong umupo sa tabi niya. Nakita kong nanginginig siya kaya agad ko siyang niyakap.

Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko, kahit na ako rin naman... pero wala akong maisip na paraan para mawala ang panginginig niya.

*Dahil ba 'to sa balita? May kinalaman ba siya sa biktima? Kaibigan niya? Kamag-anak niya ba?*

"Kung ano man ang dahilan ng nangyayari sayo. Nandito lang ako... hindi kita pababayaan." Shit?!

Hindi naman ako ganito!

Narinig ko siyang tumawa kaya nagtaka ako. Itulak niya ako palayo sa kaniya at nakita ko ng muli ang mukha niya.

"Ang korni mo." Korni? Korni ba 'yon? Alam mo bang halos lumabas ang puso ko dahil sa kaba?

"Ayos lang ako, Ryouhei." Sambit niya at tumingin sa akin, saka ngumiti. "Salamat."

The fuck?!

--

**Yuki's POV**

Hindi ako mapakali dahil bigla na lang niya akong niyakap kanina. Hindi ko rin alam kung bakit niya nasabi 'yon at kung bakit ko nasabi 'yon.

Siguro sa reflexes na rin, ayokong magtala siya sa nangyari sa akin. Na kung kay kinalaman ako sa taong 'yon.

Pero about sa naging balita, hindi ko inaakalang may makakakita sa bangkay ng taong 'yon.

Dahil sa pagkataranta ko kanina... hindi ko naisip na may pwede palang makakita or worst may makakita sa akin na nandoon sa lugar na 'yon.

Kung gagawa sila ng krimen... kailangan ko bang mangialam? Kailangan ko ba silang pigilan? Siguro kailangan.

Dahil sa mundong ito... wala kaming laban.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Hindi ko namalayan na kasama ko pa pala si Ryouhei dito sa loob ng apartment ko.

Humiwalay ako agad sa pagkakayakap ko sa kaniya kanina, dahil naaamoy ko nanaman ang mabangong bagay na 'yon. Hindi ko alam kung pabango niya ba 'yon o amoy ng *dugo* niya.

Masyadong masarap... masyadong matamis. At kung hindi ako bumitaw sa kaniya kanina... baka makaramdam nanaman ako ng uhaw.

Isa ring pagkakamali na naiwan kaming dalawa sa apartment ko.

"Oo, maayos na ako." Sagot ko habang nakatitig sa black screen ng TV sa harap ko.

"So... pwede na kitang hawakan ulit?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya dali-dali akong tumayo at humakbang paatras sa kaniya.

Bigla ko namang nakita na tumawa siya at napailing-iling.

*Pinagtitripan ba ako ng gagong 'to?*

"Umuwi ka na." Sambit ko at binuksan ang pinto.

Tinignan naman ako nito na parang gulat na gulat.

"Oh? Anong akala mo sa bahay ko? Bahay ampunan? Layas na may pupuntahan pa ako." Sagot ko.

Bigla namang siyang tumayo at naglakad na palapit sa akin. Huminto siya sa harap ko, hinawakan bigla ang baba ko para magtapat ang mukha naming dalawa.

*Ano nanaman bang kailangan niya?!*

"Nagsinungaling ka sa akin kanina, siguro naman ngayon... hindi na 'di ba?" Nangunot ang noo ko at sinampal ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.

"Umalis ka na lang. Ang dami mo pang sinasabi eh." Itinulak ko na siya palabas ng apartment ko.

Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan nanaman niya 'yon.

"Ano nanaman ba, Ryouhei?" Muli kong binuksan ang pinto at ganun na lang ang gulat ko ng hilahin niya ako palabas at saka pumalibot sa akin ang mga braso niya.

*Niyakap niya ako.*

"Next time, mag-iingat ka para hindi ako nag-aalala sayo." Bulong niya.

Napalunok ako.

Hindi dahil sa dugo niya na amoy na amoy ko. Kundi dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

*Anong ibig sabihin nito?*

Mabilis ko siyang tinulak at walang lingong-likod na pumasok muli sa loob ng apartment ko. At ramdam na ramdam ko ang pagdagundong ng puso ko.

*Anong ibig sabihin nito! Bwiset ka Ryouhei!*

•••


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ