ดาวน์โหลดแอป

บท 3: You need me

•••

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ang pamilyar na kisame ang una kong nakita. Napabangon ako bigla sa pagkakahiga at saka biglang sumalakay ang kirot sa ulo ko. Napahawak ako doon at ilang segundong ipinikit ang ulo ko, bwiset... bakit ba ang sakit ng ulo ko? Anong nangyari?

Atsaka... bakit nasa kama ako? Paano ako nakarating dito?

Wala akong maalala. Ang huling naalala ko na lang ay ang babaeng... agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa babaeng iyon. Paano niya nagawa iyon? May mahika ba siyang ginawa sa akin?

Napatigil ako sa pag-iisip at agad na napatingin sa pinto ng kwarto kung nasaan ako nang biglang bumukas 'yon. At ang nag-aalalang mukha ni Ryouhei ang bumungad sa akin.

"Gising ka na pala," mahinang sambit nito at saka ngumiti.

"P-paano ka nakapasok dito?" utal kong tanong dito pero bigla na lang siyang pumasok habang may dala-dalang isang tray na may lamang pagkain.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko at inilapag 'yon sa tabi ko, saka niya ako muling tinignan. Ganun pa rin ang damit niya, naka-uniform at naka-jacket, kagaya nang makita ko siya kanina.

Hindi na siya pumasok?

"Kumain ka na muna, para magkaroon ka ng lakas." turan nito na ipinagtaka ko.

Si Ryouhei ba ito?

"Ano bang nangyari?" pang-iiba ko nang usapan.

"Nawalan ka nang malay sa bisig ko kanina." Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napahawak sa dibdib ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang pakiramdam 'yon, nakakapanghina, nakakapanginig ng laman, para akong sinusunog ng buhay.

"Dapat dadalhin kita sa ospital kasi halos hindi ka na makahinga kanina, pero sabi mo sa bahay mo na lang kita dalhin, kaya dito kita dinala." paliwanag niya.

Kung dito niya ako dinala? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

"Kung itatanong mo kung paano kita nadala dito, 'wag ka mag-alala nakita ko sa id mo, maya nalaman ko." dagdag pa nito.

Napatango na lang ako bilang sagot. Napatitig na lang ako sa kawalan matapos kong marinig 'yon mula sa kaniya. Hindi niya talaga ako pwedeng dalhin sa ospital, wala silang mahihita sa akin. Kahit mukha akong tao para sa kanila, ay hindi pa rin ako... totoong tao.

"Salamat, Ryouhei. Pero pwede ka nang umuwi."

"Ano bang nangyari sayo?" Doon na ako natigilan.

Tinignan ko siya nang masama. "Nagpasalamat na ako tapos magtatanong--"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko." Mabilis niyang sabi sa akin.

Bakit parang nagagalit siya?

Kapag ba sinabi ko sa kaniya maniniwala ba siya? Hindi. Walang maniniwala dahil ang mga gaya ko ay gawa-gawa lang ng mga isip nila. Ang mga gaya ko ay galing lang sa mga kwento ng mga matatanda, inilagay sa mga libro, at pati sa mga palabas sa telebisyon.

At ang kagaya ni Ryouhei ay kagaya lang rin ng mga taong sinabihan ko noon, hindi siya maniniwala kahit na ipagpilitan ko pa.

Sasabihin ko sa kaniya na isa akong bampira? Hindi na muli. Mabubuhay ako kagaya noon, kagaya noong walang nakaka-alam kung sino ba talaga ako.

"Ano bang gusto mong malaman?" panghahamon kong tanong dito.

Naghintay ako nang salita mula sa kaniya. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang yumukyok sa mga kamay niya. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa hita niya at hawak-hawak niya ang mukha niya. Para siyang pagod na pagod. Mas pagod pa kaysa sa akin.

"Kung wala ka namang palang tanong, makaka-alis ka---"

"Alam mo ba kung anong dahilan kaya kita nilapitan at kinausap ng araw na 'yon?" bigla nitong tanong.

Napatingala ako at muling humiga. "Hindi... at wala akong pakialam." sagot ko naman. Totoo naman eh, wala naman akong pakialam dahil pare-parehas lang naman sila.

Lalapitan ako para? Para kunin ang loob ko? Tapos kapag nagtiwala na ako sa kanila at sinabi ko ang totoo? Hindi sila maniniwala at sasabihin nilang halimaw ako at bigla nila akong lalayuan?

Narinig ko na lang siyang natawa kaya napalingon ako mula sa kaniya. Nakikita ko lang ay ang gilid nang mukha niya ngunit nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin at tumitig deretso sa mga mata ko.

"Because I feel that you will need me."

Napatigil ako bigla sa isinagot nito sa akin. Kung dugo man 'yon, kahit na sobrang pangit nang lasa ng artificial blood, hinding-hindi ko pa rin iinumin ang dugo mo.

Hindi ako sumagot, hinintay ko pa kung anong mga sasabihin niya. Pero bigla na lang siyang tumayo na ikinagulat ko.

"Teka---"

"Kaya mo na ang sarili mo hindi ba?" muli nitong tanong sa akin.

"Oo. Kumikirot lang ang ulo ko, pero kaya ko naman. Hindi na rin sumasakit ang dibdib ko kaya---"

"Maayos kung ganun." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Ano bang problema niya?

"May problema---"

"Mauuna na ako. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka." Pagtapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na siya ng kwarto ko nang hindi lumilingon sa akin.

Naiwan akong naguguluhan na nakaupo sa kama ko. Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa pinto at ilang sandali lang ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng apartment ko.

Doon na ako tuluyang napatayo at lumabas ng kwarto.

Isang pamilyar na katahimikan ang bumungad sa akin doon. Nakalagay ang bag ko sa isang upuan, at ang sapatos na alam kong suot ko kanina sa likod ng pinto.

Umalis na nga talaga siya. Pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot?

Napahawak ako sa ulo ko at ipinilig iyon. Kakausapin ko na lang siya bukas, magpapasalamat ako sa ginawa niyang pagtulong sa akin para makauwi dito sa bahay ko.

Pero may isang tanong lang ako... bakit niya sinabi 'yon? Ano namang kinalaman 'nun sa pagtulong niya sa akin?

Dahil wala akong makuhang sagot ay muli akong pumasok sa loob ng kwarto. Nakita ko ang niluto niyang pagkain na nasa tray na nakapatong sa kama.

Napapikit ako sa inis. Bakit kailangan niya pang magluto ng ganito? Parang ang dami ko namang utang na loob sa kaniya? Unang taong nagligtas sa akin sa pangyayari na 'yon.

Kinain ko na lang 'yon para hindi ako mas lalong maguilty sa ginawa niya. Atsaka anong klaseng attitude 'yon? Bakit niya kaya biglang sinabi 'yon, ayoko ng alalahanin 'yung unang araw na nilapitan niya ako at kinausap. Nakakabanas lang.

Matapos kong kumain ay agad ko ring hinugasan 'yon. Kahit na hindi ko naman need kainin 'yon dahil marami naman akong nakaimbak na artificial blood, ay kinain ko pa rin. Ayokong maguilty kasi nageffort 'yung taong 'yon na ipagluto ako tapos hindi ko lang kakainin.

At saka naman ako pumunta sa fridge, pagbukas ko nito ay ang mangkok na may lamang pagkain ang nandoon. Teka? Siya rin ang nagluto nito?

Hinayaan ko na lang ang pagkain na 'yon doon saka ako kumuha ng isang maliit na bag ng dugo. Inilock ko ang pinto ng apartment at muli akong pumunta sa kwarto para ipagpatuloy ang pamamahinga ko doon.

Pagkaupong-pagkaupo ko doon ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman 'yon at pagbukas ko ay ang message niya agad ang nakita ko.

Agad na nangunot ang noo ko ng mabasa ko 'yon.

"Anong problema ng taong 'to?" Naiinis kong bulong.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at muling humiga sa kama.

*Goodnight. Dream of me, Yuki.*

The fuck?

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin akong nakatulog kagabi pero hindi ko naubos ang dugong iniinom ko kagabi kaya natapon siya sa ibaba ng kama.

Kaya pag-gising ko, umaalingasaw na mabahong dugo ang naamoy ko. Nabalikwas pa ako sa kama kasi akala ko may nagpatayan sa loob ng kwarto ko.

Mabuti na lang at wala.

Dahil hapon pa ang klase ko ay naisipan kong bumili ng ilang mga kakailanganin ko sa apartment. Sa totoo lang, ayos lang kung hindi ako bumili ng mga bagay na ginagamit ng mga tao. Pero kung hindi ko 'yon gagawin, iisipan nila ako ng hindi maganda.

Nami-misunderstand ng mga tao ang mga bagay na hindi nila alam o wala silang kinalaman. Kaya mabilis akong nagbihis at lumabas ng apartment ko para pumunta sa malapit na grocery store.

Malapit lang naman 'yon at hindi na kakailanganin pang bumyahe. Mainit ang sikat ng araw kaya nagjacket ako, ang weird 'di ba? Pero ayoko magdala ng payong dahil alam kong mapaparami ang dala ko pag-uwi ko sa apartment.

Nang makarating ako doon ay mabilis ang naging galaw ko. Hindi rin ako pwedeng magtagal dito, dahil ramdam kong hindi pa ako maayos. Sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan kung paano ko naramdaman at saan ko nakuha ang matinding sakit na 'yon.

Sa ilang taon kong pamumuhay kasama ang mga tao na nasa paligid ko, ngayon ko lang naramdaman ana para bang sinusunog ang kalamnan ko, na sinusunog ako ng buhay. Hindi ko rin alam kung si Veronica ba ang may kagagawan 'nun o dahil sa hindi na tinatanggap ng katawan ko ang mga artificial blood na iniinom ko.

Kung iisipin ay parang ito na ang stage kung saan... iinom na ako ng dugo ng tao na ayoko. Pinigilan ko ang sarili kong inumin ang dugo nila, naghanap ako ng mga ospital na pwedeng magbenta sa akin ng kahit ilang bag ng dugo.

Pero alam kong hindi sila basta-basta nagbibigay o nagbebenta ng dugo. Kaya kahit na ayoko, nakahanap pa rin ako. Hindi siya kagaya sa dugo ng tao, pero ayos na din kaysa ang mamatay ako sa uhaw.

Pero hindi ko naisip na... sa dulo ay kailangan ko ring uminom kahit na matagal kong sinanay ang sarili kong wag iinom sa mga gaya nila.

Bakit kasi hindi na lang rin ako nawala kagaya nila? Bakit natira ako? Bakit nandito pa ako? Bakit hindi na lang ako nasama sa kanila? Bakit kailangan kong mamuhay kasama ang mga tao? Bakit kailangan kong magtiis ng ilang taon? Bakit kailangan ko pang uminom ng pekeng dugo kung iinumin ko rin ang dugo ng mga tao?

Nakakasira ng utak. Bakit pa kasi ako natira mag-isa dito.

"Salamat." Sagot ko matapos kong makapagbayad at maiplastic ang mga ipinamili ko.

Pagkakuha ko 'nun ay mabilis akong lumabas ng grocery store at naglakad pabalik sa apartment ko. Mas tumindi ang sikat ng araw at tila ba tumatagos 'yon sa likod ko.

Hindi ako namamatay sa sikat ng araw, pero sa nangyayari ngayon... parang sa init pa ako nito mamamatay. Habang naglalakad sa gilid ng daan ay unti-unti kong napapansin ang pagkakaiba ng mga gusali noon sa ngayon.

*Hindi ko alam na ganun katagal na pala akong namumuhay simula ng malaman kong nag-iisa na lang ako.*

Ang daming nagbago, pero para sa akin... walang pagbabago. Hinihintay ko pa rin na may babalik sa kanila, kahit na isa man lang, ngunit nagkamali ako... maraming taon ang lumipas pero walang bumalik ni isa man lang sa kanila.

Walang bumalik para kunin ako.

Walang bumalik para sabihan ako na kailangan ko ng umuwi.

Walang bumalik para sa akin.

*Dahil patay na silang lahat.*

Hindi ko alam kung ano nga bang saysay ng buhay ko dito, kasi parang hindi naman ako nageexist sa mundong 'to. Nag-iisa lang ako, at mundo ng mga tao ang pansamantalang tinitirhan ko.

Pero ang pansamantalang 'yon, sobrang tagal na. Napakatagal at para bang dito na ako mabubuhay at mamamatay mag-isa.

*Ah, badtrip na buhay naman 'to.*

Hindi ko maisip kung saan sila nagpunta, wala akong ideya, para silang bulang biglang naglaho. Matapos ang araw na 'yon... parang bumalik sa umpisa.

Lalagpas na sana ako sa isang eskenita ngunit napatigil ako ng marinig ko ang tila mahinang bulong.

"Tulong..."

Kahit bulong lang 'yon ay rinig na rinig ko 'yon ng mas malinaw. Napalingon ako doon, madilim, pero parang may nakikita akong kulay pulang bagay.

Humakbang ako papasok doon. Hindi alintana ang mga susunod na mangyayari dahil gusto kong malaman kung bakit siya humihingi ng tulong.

Pero napabitaw na lang ako sa plastic na hawak ko ng maamoy ko ang mas masangsang na amoy. Nanlalaki ang mga mata ko at dahil doon ay biglang tumapat sa akin ang pares na pulang bagay na 'yon.

*Ang masangsang na amoy na 'yon, nanggagaling sa taong ito?*

Hanggang sa mapagtanto kong... isang bampira iyon. Pulang mga mata, matalas na pangil at umaagos pa ang dugo sa bibig niya na galing sa taong nakahiga ngayon sa malamig na sahig ng masikip na eskinita.

*Tao ba? O bampira?*

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hibdi maaari... Paanong nangyari... paanong... may... may kauri pa ako?

Hindi ako nag-iisa?

Tumagal ang titig ng dalawa niyang mata sa akin. At hindi ko na alam ang sunod na nangyari, dahil naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa matigas na semento at ang pagtakbo ng... bampira na 'yon.

"A-Anong... paano?" Bulong ko habang nakatingin sa direksyon kung saan siya tumakbo.

Bumangon ako at muling napatingin sa taong wala ng malay sa harap ko. Kahit na amoy na amoy ko ang dugong nasa leeg niya ay pinilit ko ang sarili kong huwag siyang atakihin.

Hinubad ko ang jacket na suot ko at lumapit ako dito, itinakip ko ang jacket na 'yon sa katawan niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero sa ngayon... kailangan ko ng makabalik agad.

Dahil once na may makakita sa akin dito, ako ang mapagbibintangan.

Ngunit napatingin ako sa kamay kong may bahid ng dugo.

*Dugo ng taong ito.*

Napatitig ako doon ng ilang segundo. Siguro kahit isang lunok lang, malasahan ko lang kung anong lasa ng dugo ng mga tao.

Ilang taon akong nagpigil, gusto ko ring matikman, gusto ko ring malasahan, gusto ko ring malasap... kahit na isang beses lang.

Dahan-dahan kong inilapit ang bibig ko sa kamay ko, amoy na amoy ko ang dugo na 'yon, mabango, masarap, gusto kong tikman, gusto kong uminom, kahit isang beses lang.

Nang ilang hibla na lang ang layo nito sa bibig ko ay may bigla na lang akong naalala.

*"Yuki! Tumingin ka sa akin"*

Napasinghap ako gulat na gulat. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at wala sa sariling ipinulot ang dalawang plastic na naglalaman ng mga kagamitan na binili ko. Patakbo akong umalis sa lugar na 'yon.

Iniisip ang isang bagay na matagal ko ng gustong inumin.

*Ang leeg niya, ang ugat kung saan dumadaloy ang dugo mula sa katawan niya.*

Napalunok ako. Hindi Yuki! Tigilan mo na ang pag-iisip! Kailangan na nating makabalik agad sa apartment!

Hinihingal man sa pagtakbo ay agad kong binuksan ang pinto gamit ang susi. Pagpasok at paglock ko nito sa loob ay saka lang ako napaupo sa lapag.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay para na akong aatakihin o baka bigla na lang itong lumabas mula sa dibdib ko. Bigla ko ring naamoy ang dugong kumapit sa balat ko, napalunok ko at patakbo akong pumunta sa kusina at inalis ang dugo na 'yon gamit ang tubig..

Nang mawala ang amoy nito sa hangin ay napaupo na lang ako sa lapag.

Hindi... hindi Yuki! Hindi ka iinom ng dugo ng tao! Kahit na kailan! Hindi mo sila pwedeng patayin! Kahit na pagkain mo sila hindi mo 'yon dapat gawin!

Halos masabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang pagpipigil na gawin ang bagay na 'yon. Ilang beses kong ginustong matikman ang malapot na bagay na 'yon. Ilang beses kong sinubukan... pero hindi pwede.

Hindi ko pwedeng ulitin ang ginawa niya.

Hindi ako pwedeng pumatay ng taong walang kamuwang-muwang.

Masaya kasama ang mga tao... pero wala silang alam sa mga nangyayari sa paligid nila, sa mga taong nakakasalamuha nila, sa mga nakapaligid sa kanila.

Kailangan kong kumalma, kailangan ko uminom ng dugo. Kailangan kong uminom.

Ilang beses akong napalunok ng matagpuan ko ang sarili kong halos ibuhos ang laman ng ilang bag ng dugo sa bibig ko. Nang maibsan ang paulit-ulit na pagkauhaw ko sa mga nangyari kanina.

Kailangang maialis ko ang bagay na 'yon sa lalamunan ko, kailangan kong mabusog, kailangan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng dugo sa kusina ng marinig ko ang katok sa may pinto. Bigla akong natigilan at nag-isip kung may inaasahan ba akong bisita.

Pero ilang beses kong hinalungkat ang utak ko, kaso wala akong maisip na dadalaw sa akin ngayon. Para akong lasing na naglakad papunta sa pinto. Puno ng dugo ang suot kong puting t-shirt at hindi ko na pinansin ang mga 'yon.

Agad akong sumilip sa peephole at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko siya sa labas.

*Shit?!*

"Yuki! Ako 'to! Buksan mo 'tong pinto!" Sigaw niya sa labas.

*Ryouhei! Anong ginagawa mo dito?!*

•••


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ