ดาวน์โหลดแอป
50% Her familiar scent / Chapter 13: Capitulo Labing dalawa

บท 13: Capitulo Labing dalawa

Chapter 12 : leaving

HAWAK hawak ni shakira ang kamay ng kaniyang anak habang sinisilip ang pagliwanag ng langit..

'mag uumaga na..' aniya nito sa sarili.

Wala siyang tulog habang ang anak niya naman ay ginising nya kanina lang. Kagabi nya pa pinag iisipan kung paano siya tatakas, kung anong oras at kung saan siya pupunta.

At ang naisip niyang plano ay sa umaga umalis dahil alam niyang tahimik ang kagubatan dahil sa umaga-- tulog ang mga nabubuhay dito. Iyon lang rin ang oras na tulog ang dalawa. 

Pero hindi niya maisip kung saan siya pupunta. Nagising sya sa isang madilim na kwarto at napag alamang isa pala iyong truck na kikidnap sakanila. Kung sa bahay nila ay may mga lalaking naroon na tila isang gwardyang nangmamanman sakanilang dalawa.. at nung tanggapin at patuluyan sila ni rozzen akala niya ay nakahanap na sila ng tahanan pero.. mali pala ako.

Wala nang safe na lugar sakanilang dalawa sa kagubatang ito.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at parang nakaangat na ang kanilang paa habang naglalakad upang hindi makagawa ng ingay.

Asuswal, madilim at tahimik ang bahay.

Tinignan tignan niya pa ang paligid bago naglakad patungong main door munit bago pa man sila makalabas ay nagsalita si julia.

"Mama saan po tayo pupunta?" natigilan siya at napabuntong hininga.

Alam niyang matalino ang anak niya, mabilis itong maka intindi sa lahat ng bagay.

Pilit ang ngiting nilingon niya si julia. "Anak, kailangan na nating umuwi." mahinang sambit niya.

Nakita niyang kung paano nalungkot ang mukha ni julia.. Tumungo ito at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Pero paano po sila?" malungkot nitong tanong.

Napailing siya at umupo upang magkapantay silang dalawa. "Anak, ayaw mo bang umuwi sa atin?" tanong niya rin.

Nakasimangot na iniangat ni julia ang paningin nito kay shakira. "Gusto ko pong umuwi, mama.." mahina nitong sabi. "Pero hindi po ba kayo na rin ang nagsabi na masama ang umalis ng walang paalam?"

Natigilan siya sa sinabi nito.

Natatandaan niya kung paano niya sinabi kay julia noong tatlong taon pa lamang ito na huwag na huwag aalis ng hindi nagpapaalam dahil mag aalala at malulungkot ang iiwan nito.

"Aalis po tayo pero kailangan po muna nating magpaalam sakanila.." Desidido nitong ani.

Ngumiti si shakira at hinakawan ang buhok ng anak. "Sinabi ko ngang magpaalam kapag aalis ka pero anak, may mga bagay na hindi mo na kailangang ipaalam sa iba.."

"Dahil po ba hindi na tayo babalik pa?" mas lalo siyang natigilan sa narinig. "Mahirap pong umalis sa tahanan kung may dala dala po kayong mabigat na nararamdaman, mama.." napatitig sya sa mga mata ng anak at kitang kita nya roon ang pagiintindi. "Kanina po naka tip toe na tayong naglalakad pero sobrang bigat pa rin po ng hakbang nyo po.."

napayuko siya at hindi alam ang sasabihin.

Hindi niya masabi sabi ang totoong dahilan kung bakit kinakailangan nilang umalis dalawa-- kahit kasi ganito ang kinalabasan ng lahat ay ayaw niya pa ring masira ang dalawang iyon sa mata ng kaniyang anak.

"Kaya mama sana po ay magpaalam po tayo kina mister rozzen and mister khironny.." dagdag pa nito.

Nakagat niya nalang ang sariling labi at tumayo. 'hindi ko mapagbibigyan ang sinabi mo anak, dahil maski ako.. hindi ko kayang magpaalam sakanila. Lalo na sakanya.' mariin niyang ani sa isip.

"Huwag na natin silang istorbohin pa, julia." seryoso niyang sabi. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni julia, alam kasi nitong wala na siyang magagawa pa.

Humawak ulit ito sa kaniyang kamay kung kaya't binuksan niya na ang pintuan pero agad silang natigilan nung makita kung sino ang nasa labas ng pinto!!

Seryoso ang tingin nito habang deretso ang tingin sakaniya! Bigla nalang tumambol ng malakas at mabilis ang puso niya na para bang nakikipag karerahan ito sa kabayo..

"Mister rozzen.." rinig niyang ani ng anak niya na para bang iyon ang naging senyales na hindi siya namamalikmata lang-- narito talaga sa harap niya ang taong minsan niya nang pinagkatiwalaan pero trinaydor lang siya.

"Aalis kayo?" tanong nito, hindi siya nakasagot. "Aalis kayo." ani nito na ang boses ay tila alam niya na rin ang sagot.

Bumuntong hininga sya at pasimpleng sinulyapan si julia na malaki ang ngiting nakatingin sa lalaki.

"Aalis nga kami, bakit? Pipigilan mo ba kami?" seryoso niyang sabi na nagpatigil sa lalaki. Umiwas ito ng tingin na tila ba nawalan ng sasabihin kung kaya't siya na ang nagsalita. "Kung pipigilan mo kami, pwes ngayon pa lang ay sasabihin ko sa'yong hindi magiging madali iyon." bakas ang galit sa boses niya.

Iniangat nito ang tingin na deretsong napunta sakaniya. Wala na itong kahit na emosyon sa mukha..

"Hindi ko kayo pipigilan. Malaya kayong umalis rito." doon siya nagulat.

Akala niya ay kapag nakita siya, sila ni rozzen ay itatali ng lalaki sila upang hindi makatakas at roon tatapusin.. Pero sa nakikita niya ay mukhang mali siya.

Kalmado lamang na nakatayo si rozzen sa harapan niya-- hindi niya tuloy maiwasang tumingin sa paligid upang malaman kung may mga tao nga bang nakapalibot sakanila.. pero mukhang wala.

"Ano pang hinihintay nyo?" doon niya naibalik ang tingin kay rozzen. Napaka lamig ng boses nito at wala ring emosyon ang mga mata..

'may plinaplano ka bang iba?' hindi niya na maiwasang mapatanong sa isip habang nakatitig sa mga mata nito.

Kinagat niya ang labi at umiling iling. Isang kalokohan lang ang mag overthink sa sitwasyon ngayon-- kailangan na nilang tumakas.

"Kung gayon aalis na kami." seryosong sabi nya at bahagya pang yumuko. Mabilis nyang hinila si Julia at nagsimula nang maglakad.. munit hindi pa sila nakakalayo nung marinig niya ang sunod na sinabi ni rozzen.

"May narinig ka?" tanong na naman nito. "May narinig ka.." sagot na naman nito sa sarili.

Pikit matang bumuntong hininga siya at nilingon ang lalaki. Nakatalikod ito sakanila kung kaya't binitawan nya ang kamay ng anak at hinarap ang lalaki.

"Bakit mo sinabi 'yon?" seryoso niyang tanong. Unti unti niya nang nararamdaman ang galit na naramdaman nya nung gabing iyon. "Sagutin mo'ko.. bakit mo sinabi ang mga bagay na 'yon?!" hindi nya na napigilan ang sigaw. 

Ayos lang kahit sumigaw sigaw sila dahil medyo malayo naman sakanila si Julia, posible mang marinig nito sila pero parang bubuyog nalang sa pandinig.

"Kayong dalawa ang bagyo para sa aming naninirahan dito.." malamig nitong sabi. "Kayo-- ikaw ang magiging malaking delubyo sa amin.. Kaya kailangan na kitang tapusin."

Nanlabo ang mga mata niya at nun niya lang nalaman na namumuo na pala ang luha sa mga mata niya katulad na lamang ng pagmuo ng galit sa puso niya.

"Yon ba ang plano mo? Ang kupkupin kami upang patayin din?!" Sigaw nya! "Anong klaseng tao ang gagawa non?! Ano?! Tao ka pa ba?!" naluluha at puno ng sakit nyang tanong.

"Alam mong hindi ako tao." natigilan sya at napa atras. "Isa akong bampira, shakira. Kaya kong kainin kayo kahit putok na ang araw.." nung ngumisi ito ay nakita niya ang pangel na hindi niya nakita nung mga panahong iyon..

Gulat siyang napayuko at bumalik ang tingin sa lalaki. "B-Bampira ka?"

Unti unting tumango ito dahilan para mas lalo siyang matigilan at tuluyan na ngang tumulo ang luha sakaniyang mga mata..

Hindi niya mapigilang alalahanin ang mga ilang sitwasyong naroon ito.

Ang mabilis na galaw...

Ang saktong pagdating niya...

'Bakit kailangan kauri mo pa sila? Rozzen, bakit?!'

Unti unti siyang lumayo rito at nasa lupa ang tingin.. "A-Alam mo ba kung anong naramdaman ko nung gabing may nagmamasid sa amin?" Kunwareng tanong nya pero nanatiling nakatingin si rozzen sakaniya. "Takot.. T-Takot ang nararamdaman ko nun rozzen.. Hindi para sa'kin, k-kung hindi para kay julia.." umiiyak nyang ani. "P-Pero nung bigla kang m-magtext.. Bigla akong napayapa.. K-Kasi naisip ko na p-proprotektahan mo kami at iyon nga ang ginawa mo.. At iyon ang mga ginagawa mo t-tuwing nasa alanganin kami pero.." iniangat nya ang tingin at tinitigan ang mga mata nito. "P-Pero bakit kailangan mo 'kong traydorin ngayong malapit kana sa anak ko?" Nakita nya ang isang kislap ng mga mata nito..

Isang lungkot na mata na mabilis lang na dumaan sa mga mata nito at agad ring nawala!

"I feel betrayed, rozzen.. Pakiramdam ko ngayon ay hindi ko deserve nikatiting na awa mo-- dahil ang deserve ko ay ang sinabi mo.." umiiyak niyang sabi. "I'm not selfish.. If i have something i'll share it.. But why does it always end like this.. I always  e-ending up b-betrayed..?"

Hindi niya na napigilan ang sarili nya at napahagulgol nalang. Pinangako niya sa sarili niyang hindi sya iiyak sa kahit kanino man pero heto siya, umiiyak sa lalaking nangtraydor sakaniya.

Well, hindi niya alam kung pantratraydor nga iyon dahil ang alam niya lang ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil naloko na naman siya. Naloko na naman sya ng taong pinagkakatiwalaan niya.

"Even if its fake and its just an act.. I'm still glad because if you weren't there.. I'll be humiliated by the people who was there.."  pagpapakatotoo niya at yumuko na naman. "B-But how i wish we didn't met.." seryosong sabi niya.

Tumigil na rin ang pag iyak nya kung kaya't iniangat niya ang paningin nya..

At hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng disappoinment.. Siguro dahil may inaabangan siyang reaksyon nito..

'pero sino ba naman ako para malungkot siya?'

Iniiwas niya ang tingin niya tsaka bumuntong hininga bago nagsimulang maglakad.. At doon niya lang napansin kung gaano kabigat ang hakbang niya habang papalayo sa taong nagsilbing hero niya..

"Paalam.. Rozzen" bulong nya tsaka pinuntahan ang anak..

Ramdam niya ang tingin ng lalaki sakaniyang likod pero pinilit niya ang sariling huwag nang lumingon. Humigpit ang hawak nya sakanyang anak kasabay ng paglayo nya sa tahanang iyon.

Hindi niya alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman niya, gayong ginawa niya lamang ito dahil sa nalaman at narinig nya.

'hindi ko alam na ganito pala kasakit iyon..'

Sa loob loob ay umiiyak siya dahil sa naghahalo halong pakiramdam. Nariyan ang lungkot, awa sa sarili, dismaya at galit munit alinmandoon ay walang nakalagpas sa sakit.

Masakit ang magpaalam, pero alam mo ba ang pinaka masakit? Ang magpaalam gayong ayaw mo namang umalis..

Pero alam niyang huli na ang lahat.

Huli na para lumingon siya at tumakbo pabalik kay rozzen dahil kapag ginawa niya yon-- mas manganganib ang buhay niya.. Ang buhay nilang dalawa.

Kung sana ay hindi niya na lamang ang narinig ang bagay na yon..Ano kayang mararamdaman niya non? Galit ba? Puot? O sakit?

Naikagat niya ang kaniyang labi nung maramdaman ang muling pamumuo ng tubig sa kaniyang mga mata.

Ayaw kong umiyak. mariin niyang sabi sa sarili habang binabaybay ang daanan palabas ng kagubatan.

Ilang beses niyang pinagsabihan ang sariling huwag umiyak dahil ayaw niyang maging mahina sa harapan ng anak niya-- pero sadya nga talagang pasaway ang luha nya dahil kusa itong tumulo sa pisnge niya.

'Patawad rozz, patawad..' umiiyak siya ng tahimik habang naglalakad.

Hindi niya pinahalata sa anak ang tahimik niyang pagdadalamhati-- dahil gusto niyang sarilihin iyon.

Pinunasan niya ang kaniyang luha nung makarating na sila sa bukana ng gubat.

"Hindi tayo babalik sa dati nating bahay anak, ah? Doon muna tayo sa lola mo.." pilit ang ngiting sabi niya. "We'll call her later, understand?" ani nya pero nanatili lamang nakatingin sakaniya ang anak.

Iiwas na sana siya ng tingin nung bigla itong magsalita na dahilan para matigilan na naman siya. 

"Malungkot po siya, mama.." anito. Napalingon siya sa anak at naguguluhang napatitig rito. "Si mister rozzen po.. Noong tumalikod kayo, wala man pong luha ay masasabi kong napaka lungkot ng puso niya dahil sa walang buhay na nakita ko pong ekspresyon ng mukha niya.." hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahilan para magpatuloy lamang ito sa pagsasalita. "Nakatingin lang po siya sa inyo at titig na titig sa likod nyo po na parang nilulubos niya ang oras dahil alam niyang matatagalan pa po ang muli ninyong pagkikitang dalawa.."

Nakagat niya ang sarili labi at hindi na nakapagsalita..

Meron sa puso niya na umaasa, pero alam niyang malabong mangyari ang sinasabi ni julia! Malabong malungkot ang isang taong traydor lalo pa kung dahil iyon sa taong trinaydor niya..

Pero..

Bakit sa loob loob ko ay may tuwa at naniniwala sa sinasabi ng kanyang anak? Alam niya kung gaano niya kadisgusto ang taong nagsisinungaling kung kaya't lumaki rin si julia na sinasabi ang kung ano mang nakikita o napapansin niya sa lahat ng bagay-- kung kaya't hindi imposibleng mangyari nga iyon..

Ngunit bakit ito pumayag sa gusto ng babaeng 'yon kung talagang ayaw niya rin kaming umalis?

Sa iisipin iyon ay mas gumulo ang utak niya. Mas dumami ang tanong na bigla nalang sumabog sa utak niya, at sa hindi malamang dahilan ay gusto niyang tuklasin ang lahat. Kailangan niyang bumalik kay rozzen..

Huminga siya ng malalim at tumingin sa anak.

Pero bago muna ang lahat ay kailangan niyang ipadala si julia sa lola nito-- kailangan niya munang masigurado ang kaligtasan nito.

Naglakad sila patungo sa labasan ng gubat munit bigla nalang nandilim ang kanilang paningin kasabay ng tunog ng isang lalaki na tila ay may sinasabing kung ano..

Bago nya pa man malaman kung sino iyon ay agad nandilim ang paningin ni shakira..

"BAKIT hindi mo sila pinigilan buddy? Akala ko ba payag ka kay adrasteia?" hindi nilingon ni rozzen ang kaibigan bagkos ay nanatili ang kaniyang tingin sa dereksyong tinahak ni shakira. "Hello? Buddy? Ano? Kaya pa ba?"

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago walang salitang tumalikod at pumasok sa bahay. Bawat hakbang na ginagawa niya ay bumibigat ang dibdib nya..

"Nalaman ko palang hindi ka nag destribute ng gamot ngayon, kaya pala wala akong makitang bampira na nasa labas.." nakangiting sabi ni khironny.

Pumasok nalang sya sa bahay at naupo sa sofa. Itinanday nya ang likod sa tandayan ng sofa at sinandal ang ulo roon.

"Ano na buddy? Ano nang plano mo?" makulit na namang tanong ni khiro.

Hindi talaga ito titigil hangga't walang nakukuhang sagot-- mas lalo tuloy sumasakit ang sentido nya.

"Hindi ko alam, wala akong plano ngayon khiro." seryoso niyang sagot. "I just want to rest for a while.."

At syempre dahil hindi sapat ang sagot na iyon para kay khironny-- ay naramdaman nya ang tingin nito sakaniya dahilan para wala siyang magawa kung hindi ang imulat ang mata..

Para nga lang siyang walang lakas na nakatingin lamang sa ceiling.

"This is new.. Biro mo, ang rozzen na laging may plano sa lahat ng galaw ay walang plano ngayon?" Biro pa nito. "Ano na dude? Gusto mo bang ako na ang gumawa nu--"

"Let them scape here, khiro.." halos pabulong na sabi niya.

Naramdaman niya ang paggalaw ni khironny at maya maya lamang ay nasa harapan na ng mukha niya ang mukha nito!

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo na ba gagawin ang pinag uutos ni adrasteia?" mabilis nitong tanong.

Napapikit nalang siya at napabuntong hininga. "Umalis ka sa harapan ko." seryosong utos niya na agad namang sinunod ni khironny.

Hindi niya alam pero naiirita siya ngayon sa tanong ni khironny. Ayaw niyang sagutin ang mga nonsense na questions at tinatamad rin siyang gumalaw ngayon..

"Even if its fake and its just an act.. I'm still glad because if you weren't there.. I'll be humiliated by the people who was there.. But how i wish we didn't met"

Naipikit nya ng mariin ang mga mata.

Paulit ulit na nagrereplay sa utak nya ang itsura at ang mga salitang sinabi ni shakira kanina.. Parang tinusok tusok ang puso nya habang nakatingin sa maamo nitong mukha na lumuluha dahil sa kagagawan niya.

"Khironny.. Tama ba ang ginawa ko?" Hindi nya na mapigilang magtanong. "Tama bang pinaalis ko sila para lang maligtas sila mula sa kamay ko?"

Isang malalim na buntong hininga ang narinig nya at ilang sandali pa ay naramdaman nya ang kamay ng kanyang kaibigan sa balikat nya.

"There's no wrong action or mistake when it comes to the person who's thinking about his love ones safety dude.." anito. "There's no wrong with that.. but you know what's you did wrong? Iyon ay 'yung paluyuin sila nang hindi sinasabi kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit mo 'yon ginawa."

Parang may isang tinik na lumalim sa puso niya dahilan para may isang butil ng luha ang kumawala sa mga mata nya. 

"I can't see her walking out to my life, khiro.. I love her so d*mn much that it kills me seeing her tears falling down to her beautiful cheeks and it k*lls me more knowing that i can't do anything about it because that's the only thing that will make them stay away from me-- from here.." hindi nya na napigilan ang mapaluha.

Yes, he loves her. But that love isn't enough to save her-- save them from himself. 

He loves her so much that when he see her walking away-- there's some piece of him missing. Like as if she take it away..

"You really love her so much.. That's why you did that?" hindi sya nakasagot sa sinabi ni khiro. He just sighed and close his eyes again. "Alam mong mauubos ang stock ng gamot na binibigay mo sa mga bampira dito kung kaya't hinayaan mo silang makatakas, gayon ba?"

doon sya tumayo at napatitig kay khiro na nakatingin lang rin sakanya.

"Ang gamot na ginawa mo ay ang dahilan kung bakit nakakalabas ang mga bampira kahit sa umaga.. Kung kaya't ngayon ay nakaupo ka lang dyan, payapa dahil alam mong walang gagalaw sakanila dahil putok na putok ang araw.. Hindi ba?" umiwas sya ng tingin at napabuntong hininga.

"Khironny, that's the only way to them to scape.. Seriously, i thought of it deeply.." nakangiwi niyang sabi. Nginiwian lang rin siya ni khironny at umiling iling.

"So what's your plan now?" Tanong nito.

Tumaas ang kilay niya at unti unting ngumisi. "Like what i did before."

Medyo nangunot ang noo ni khironny munit agad ring tumawa at hinagisan pa sya ng unan na mabilis niya namang nasalo.

"Seriously buddy, i thought you'll do what's adrasteia wants you to do."

" I can't do that, khiro.. And even i can, my hearts would never makes my body do that." napapabuntong hiningang sabi niya.

"Then what's you gonna do now? What would you do to makes adrasteia believe that you k*lled them?"

Rozzen just tsked while grinning.

"Well, for now... We just need to be an actor of the f*ckng year.." makahulugan nitong sabi at walang ano ano'y tumayo.

Agad na nakuha iyon ng kaibigan kung kaya't agad siyang tumayo.

"Let's get it on, my friend." nakangising sabi ni khironny.

Matunog siyang ngumisi. "Let's get it on." aniya.

Ginulo niya ang maayos na buhok kasabay ng pagpasok ng mukha ng babae sa kaniyang isip.

'Thanks for leaving me again..'


ความคิดของผู้สร้าง
moonlatelea moonlatelea

hi! it's been one year! i missed writing here huhu! i hope u missed me too:))

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C13
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ