ดาวน์โหลดแอป
17.39% US AND LOVE / Chapter 4: Chemistry

บท 4: Chemistry

"Okay class, first thing tomorrow may quiz tayo about the things that we've discussed today. So don't forget to review." ani Ms. Olavere habang nililigpit and mga gamit niya sa mesa. "Also, part ng quiz ay ang assignment niyo so make sure to do your assignments para may isasagot kayo sa quiz. okay?" dadgdag pa nito.

"Yes Ma'am." anila, saka lumabas na ang teacher sa classroom.

Napayuko si Blake sa desk niya

"Hay nakaka-drain talaga ang Chemistry." reklamo nito "Hindi ko alam kung may pumasok ba sa utak ko o wala." anito sabay hawak sa ulo niya, umiling-iling si Lyka na nakangiti.

"Alin ba dun ang hindi mo naintindihan?" tanong nito, Lumingon siya kay Lyka at nahihiyang nagsabi ng

"Lahat." sagot niya, natatawa itong umiling.

"Huwag ka mag alala Blake. Hindi ka nag-iisa." sabi naman ni Tammi na nasa likod. Lumingon sila, nakita nilang palapit si Tammi at Stan sa kanila

"Alam mo yung kapag si Ma'am ang nagtuturo hindi ko nagegets buti na lang katabi ko si Stan." dagdag pa nito, natawa si Stan halatang nahiya ito at nagsalita

"Gusto niyo magreview tayo mamaya after school." alok nito "Baka sakali maintindihan natin kapag nagtulong-tulong tayo." dagdag pa pagkuway tumingin kay Lyka tumango naman ito

"Sige." sang-ayon nito at lumingon sa kanya "Ano okay ba yun?" tanong nito sa kanya ngumiti siya at tumango

"Saan naman tayo magrereview?" tanong niya

"Kina Stan." mabilis na sagot ni Tammi, na nakataas pa ang kamay, napakunot ng noo si Stan

"Wow ha. Ikaw talaga nag-volunteer."anito, napasimangot si Lyka

"Malayo baka hindi ako payagan ni Tatay. Sa inyo na lang Tammi." ani Lyka, ngumiti siya at agad sumang-ayon kay Lyka

"Oo nga naman Tammi sa inyo na lang. Alam mo naman si Amang." aniya

"Aw oo nga pala." anito, saka tumingin kay Stan "Okay lang ba sayo pretty boy?" tanong nito kay Stan

"Pretty boy ng mukha mo." sagot nito "Sige kina Tammi na lang." sang-ayon nito "Anong oras?"

dagdag pa

"Pagkatapos ng Dinner mga 6:30." ani Blake. Maaga kasi naghahapunan sa probinsiya. Tumango sila as an agreement. Maya-maya pa'y may mga pumasok na malalaking lalake sa classroom. Mga kasing tangkad ni Tammi at Stan,

"Gonzales" tawag ng isa kay Tammi

"Captain." sagot nito at lumapit sa mga ito

"Umpisa na ng training sa basketball bukas after school hanggang 7pm." anito "May meeting tayo mamaya after school saglit lang naman yun. May sasabihin lang si coach." dagdag pa, tumango si Tammi

"Yes Captain." anito. Tumango din ito saka umalis na kasama ang dalawa pang lalake na puro miyembro ng basketball team. Bumalik si Tammi sa grupo nila

"Tsk, magiging busy na ako guys. Mag uumpisa na ang training namin." anito sa kanila "Kayo ba Blake kailan mag start ang club niyo?" tanong nito sa kanya

"Wala pa update si Direk." aniya "Usually naga-update yun mga 2nd week ng klase." dagdag pa niya

"Wala pa namang schedule of events na nada-draft ang SGO for this school year." ani naman ni Lyka "Pag-uusapan pa lang sa meeting namin mamaya." anito "Kapag may nafinalize kami, for sure magpaparamdam na si Direk." dagdag pa nito

"Nasabihan mo na ba ang ibang members?" tanong ni Stan kay Lyka na diretsong nakatingin dito

"Yes Pres. And lahat sila nag-confirm na po." sagot nito na diretso ding nakatingin kay Stan "May idadagdag ka bang instruction?" tanong nito

"Wala naman." sagot nito, nakaramdam siya ng kaunting selos

"So pano yung review mamaya kung may mga schedule pala kayo?" aniya sa tonong malungkot, nilipat ni Stan ang tingin sa kanya,

"4:30 tayo lumalabas. Siguro iusog natin ng 7pm para sure." sagot ni Stan, tumango naman si Tammi at Lyka na pag-sang-ayon.

"Okay" aniya, maya-maya'y pumasok na ang teacher nila sa Math subject. Bumalik na sila Stan at Tammi sa upuan nila. Nilabas naman nila ni Lyka ang notebook nila sa Math at libro. Tumingin siya kay Lyka saglit itong pinagmasdan at nagfocus na sa klase.

Tulad ng inaasahan. Nagkanya-kanya sila ng lakad ng maglabasan na ng hapon. Si Tammi dumiretso sa Gym kung saan sila magmeeting ng Baskteball Team. Si Stan at Lyka ay pumunta sa Main Building kung saan nandoon ang opisina ng SGO. Si Blake naman imbes na maglakad pauwi ay nagpasundo ito sa driver ng tricycle nila na pinapabyahe. Siya lang kasi ang wala pang schedule ngayon at wala pang update ang club president pati ang Director nila sa Arts And Music.

Pagdating sa bahay agad siyang umakyat sa silid at nagmukmok. Kinuha niya ang celphone at nagbrowse sa facebook. Nakita niya ang bagong post lang picture ng members ng SGO na kasama si Lyka at Stan. Nakaakbay ang binata kay Lyka. Ni-like niya ito saka pumunta sa messenger niya at hinanap ang pangalan ng nagpost.

"Hanggang what time ang meeting niyo?" tanong niya, nagreply naman ito agad

"Hindi ko alam kay Pres. Medyo madami kami dinidiscuss." sagot nito, napaismid siya

"Okay." aniya, saka padabog na pumunta sa banyo, naglagay siya ng milk bath at rose petals sa bathtub. Nagsindi ng Lavander incense. Saka nilubog ang katawan dito at nirelax ang sarili.

Anak siya ng mag-asawang OFW. Ang Mommy niya ay Nurse sa Saint Thomas Hospital sa UK. Ang Daddy niya naman ay Assistant Cook sa Bulgari Hotel sa kaparehong bansa. Dalawa silang magkapatid. Ang bunso na si Blaze, tulad niya ay dito din nag-aral sa probinsya. Naniniwala kasi ang magulang niya na kailangan nila mag-aral sa public school para maranasan nila ang buhay na normal at simple. Kaya kahit na pwedeng-pwede sila magprivate school ay dito sila pinag-aral kung saan din nagtapos ang mga magulang niya. Mga magulang ni Stan ang nagplano at nagmanage ng pagpapatayo ng bahay nila. Though hindi ito kasing bongga ng bahay nila Stan kasi gusto ng Parents niya na simple at humble ang style ng bahay kaya naman bungalow lang ang ipinatayo nila. Dahan-dahan niya kinuskos ang braso at tuhod. Bumuntong hininga siya at nahiga habang naka-unan sa gilid ng bathtub.

7PM

Naghihintay na si Blake sa may upuan sa labas ng pinto. Ang usapan kasi ay sabay sila ni Stan na pupunta sa bahay nila Tammi. May bag siyang dala kung nasaan ang mga notebook na may assignment sila, libro at tablet.

Blink! tunog ng cp niya

"Ready ka na ba? Palabas na ako." text ni Stan.

"Yup. Labas ka na." reply niya saka kinuha ang bag at lumabas na sa gate.

Paglabas niya ay siyang labas din ni Stan, tulad niya may bag din itong dala.

"Tara na." aniya tumango ito at naglakad na sila.

Medyo may kalayuan ang bahay nila Tammi sa kanila kaya medyo matagal sila makarating. Habang naglalakad may sumagi sa isip ni Blake,

"Stan." aniya

"Hmmm?" sagot nito na hindi lumilingon sa kanya.

"May itatanong ako sayo, pero wag ka magagalit ha." aniya, napakunot noo nito pero hindi pa din tumitingin sa kanya

"uhm?" tugon lang nito

"Uhmmm what do you think about Lyka?" tanong niya, huminto ito saglit at nag-isip

"Lyka?" tanong nito at tumingin sa kanya, tumango siya, nag isip ito at muling naglakad

"Uhmmm, Lyka is cute. Boyish at masayahin." anito "Magaan kasama." dagdag pa

"Do you like Her?" tanong niya ulit, tumingin ito sa kanya at nilagay ang kamay sa bulsa

"Like?" tanong nito

"Like. Yung you know, kung may gusto ka ba sa kanya?" aniya, muling kumunot ang noo nito at naglakad

"Bakit gusto mo malaman?" balik na tanong nito sa kanya

"Ha?" aniya hindi niya inasahan ang tanong ni Stan kaya medyo nagpanic siya "Well, gusto ko malaman kasi lagi mo siyang tinitingnan at madalas kayo magkasama so, you know." aniya

"Ah," anito "Well" buntong hininga "uhm madalas kami magkasama kasi pareho kaming nasa SGO at madalas kapag walang ginagawa pinag uusapan namin ang mga plano na dinadraft namin." paliwanag nito "And, siyempre, I have to look at Her when we talk di ba?" dagdag pa, tumango siya

"Sabagay, tama ka." aniya, saka naman nila nakita sa di kalayuan si Lyka at Tammi na magkasama. Naka-T-shirt sila na parehong kulay white at ang usual na Boyish look ni Lyka with matching blue na sumbrero na nakatalikod. Nakangiting nag-uusap habang naglalakad ang dalawa. Napatitig sila sa dalawang parating na kaibigan na parang walang ibang tao sa paligid. Bagay na bagay kasi ang dalawa at nagko-compliment ang height nila sa isa't isa. Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Napabuntong hininga naman si Stan. Nagkatinginan sila saka muling tumingin sa dalawa. Saka naman sila napansin ni Lyka. Kumaway ito sa kanila ng nakangiti. Titig na titig siya at nakangiti din habang naglalakad palapit sa mga ito.

"Hello." bati ni Lyka sa kanila saka lumapit kay Blake "Ang ganda mo naman." anito, napangiti siya at kinurot ang pisngi nito, natawa naman si Tammi

"Oo nga eh, bagay na bagay kayo ni Stan" anito sabay kindat kay Stan, tumingin ng masama si Stan kay Tammi

"Issue ka." anito sabay batok kay Tammi tawa naman ito ng tawa

"Oo nga bagay nga kayo." dagdag pa nito "Di ba Lyka?" baling nito kay Lyka, ngumiti ito at lumapit sa kanila, sumenyas ito na pinapayuko si Tammi. Yumuko naman ito pagkuway piningot niya sa tainga si Tammi

"Aray, aray, aray, aray" ani Tammi

"Yan." ani Lyka "Yan ang bagay sayo. Issue ka eh." anito saka binitawan ang tainga ni Tammi habang nagtatawanan sila

"Masakit yun ah!" himutok ni Tammi "pasalamat ka maliit ka." Dagdag pa nito

"Huh, maliit nga ako pero papawisan ka din sa akin" sagot ni Lyka natawang tumingin ng nang-aasar si Tammi

"Paanong papawis ba yan?" anito binatukan siya ulit ni Stan

"Tama na yan. Tara na sa loob para matapos tayo ng maaga." anito, napakamot sa ulo si Tammi saka binuksan na ang kahoy na gate.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ