ดาวน์โหลดแอป
21.42% Hate You to Love Me / Chapter 3: CHAPTER 2: Help

บท 3: CHAPTER 2: Help

Jayzi's Point Of View

Napakuyom nalang ako ng aking kamay habang nakatingin sa mga mata ng aking Ama.

"Napaka-walang kwenta mo talaga kahit kailan." Bulong nito pero dahil sa sobrang katahimikan rinig na rinig ko 'yon. "Anong bang meron jan sa kukote mo para gawin ang mga bagay na'to ha?" Hindi sya sumisigaw pero ramdam ko na gusto na nya 'kong sapakin anytime.

"Pagod ako,gusto ko ng magpahinga." Medyo sumasakit na ang ulo ko dahil naparami kami ng inom ni Alvin.

"Pagod ka? Bakit? Dahil sa pagbubulakbol mo? Ayos pa sana kung napagod ka ng dahil sa pag-aaral mo pero hindi 'e,puro kalokohan nalang ang nanjan sa utak mo." Diniin nito ang kanyang daliri sa'king noo. Agad ko naman itong inalis na ikinagulat nya.

"Pwede ba? Kung puro ganito nalang ang sasabihin nyo magpapahinga na'ko,pagod na'kong makinig sa mga walang kwentang parangal nyo." Napahawak nalang ako sa'king pisnge ng sapakin ako nito.

"Ang kapal ng mukha mong sumagot! Pag-katapos mo 'kong sumawayin,nakuha mo na'kong sagutin ngayon ha?!" Napangisi nalang ako. "Ano bang nangyayari sa'yo Jayzi?!"

"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong anak?"

"'Wag mong idamay ang kapatid mo sa usapang 'to."

"Bakit naman hindi? Sya ang dahilan kung bakit ako nagka-ganito,palibhasa puro kabaitan lang ang nakikita mo sa kanya pero hindi mo alam na pati ikaw tinitira na nya patalikod." Bahagya kong natawa. Hindi nakapagsalita si Dad kaya tumayo na'ko. "Sabihin nyo lang kung pagod na ka'yo,ako na ang magkukusa na umalis sa bahay na'to."

Muli akong lumabas ng bahay,dahil sa sapak ni Dad nawala ang antok ko. Sanay na'ko sa mga gano'ng eksena dahil kada uuwi ako,sermon ang palaging bungad sa'kin.

Ayokong maghabol ng atensyon mula sa kanila kaya gumawa ako ng sarili kong landas,kung mapapasunod nila 'ko katulad ni Andrei pwes hindi ako kasing tanga ni Andrei para mangyari 'yon.

Balak ko sanang makitulog kila Alvin kaso kakauwi lang ng mga magulang nya kaya nakakahiya. Dumeretso nalang ako Campus,as usual sa dating entrance ako dumaan dahil sarado na ang gate ng Campus.

Gabi na kaya wala ng tao rito,kahit guard wala na rin. Madalas akong natutulog rito lalo na kapag nag away kami ni Dad,buti nga hindi ako nahuhuli 'e.

Habang nag-lalakad ako sa madilim na hallway may naririnig akong kumakalabog sa isang silid.

"Tulong!" Napako ako sa'king kinatatayuan. "May tao pa ba riyan?! Tulong!"

Dali-dali kong nilapitan ang silid ng marinig ko ang isang boses ng babae.

"Hello?" Tanong ko sa harap ng pintuan.

"Hello?! May tao ba jan?!" Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock na 'to.

"Miss ayos kalang?"

"Manong guard! Tulungan mo naman ako 'o! May nag-lock kasi sa'kin rito sa classroom 'e!" Nanginginig ang boses nito na parang naiiyak.

"S-sige...Lumayo ka muna sa pintuan." Paalala ko.

"Okay!" Bumuwelo ako at agad na tinulak ang pinto gamit ang braso ko. Medyo nahihilo ako kaya wala 'kong pwersa. Makalipas ang tatlong tulak nabuksan ko na ang pinto.

Madilim ang silid kaya agad kong hinanap ang switch pero bago ko pa man 'yon mabuksan,naramdaman ko nalang na nakayakap na sa'kin yung babae.

"Salamat,Manong guard!" Tuluyan na 'tong umiyak sa braso ko.

"E-excuse me.." Kakalas na sana ako sa pagkayakap ng mawalan ako ng balanse.

"Uyy,ayos kalang?" Tanong nito habang nananatiling nakayakap sa'kin.

Sumasakit ang ulo ko at parang umiikot ang paligid ko. Napasobra ata ako sa inom.

Hinarap ako ng babae,hindi ko naaninag ang mukha nito dahil nanlalabo na ang paningin ko hanggang sa mawalan na'ko ng malay.

---------

Nagising ako ng maamoy ang masarap na pagkain. Iminulat ko ang aking mata.

"Nasa'n ako?" Tanong ko sa'king sarili.

Nandito ako ngayon sa isang kwarto,kwartong hindi pamilyar sa'kin.

Napahawak ako sa'king ulo ng bigla itong sumakit. "Fuck." Bulong ko.

Bigla 'kong napatingin sa pintuan ng may narinig akong nabasag na baso. Nalaglag ang panga ko ng makita kung sino ito.

"A-anong--i-ikaw yung tum--"

"Uyy,gising kana pala!" May dumating pa na isang babae. "Shit Sam! Anong nangyari?! Bakit may bubog dito?! Teka kukuha lang ako ng dustpan." Umalis na ang babae. Habang ako hindi ko maialis ang tingin sa isang babae.

Kusa nalang napangisi ang aking labi. Hindi ko inaakalang dito ko lang pala sya makikita.

"It's been a while,Ms. Lim."


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ