"Oh hi again nameless girl. We met again!"
Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa secretary ni Cholo na namumutla ang mukha habang nakatingin sa akin mula sa upuan nito. Inayos ko muna ang pagkakalugay ng buhok bago nilapitan ang babae na ngayon ay nagkukumahog na sa pagtayo.
"G-good day, Mrs. Gastrell. What can I do for you, ma'am?"
Lumigid ito sa mesa at aabutin sana ang dala kong mga paper bags nang pigilan ko siya.
"Oh no, no. No need to do that. I can handle this perfectly. Go back to your work and just don't mind my presence. Remember, we don't have a dark past together."
Kinindatan ko siya saka tinumbok ang pinto.
"M-ma'am," pigil nito sa tangkang pagtulak ko sa pinto.
Nilingon ko ang babae na namumutla pa rin ang mukha.
"What?"
"Ms. Elizabeth Asturia is inside po."
Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi nito. A vicious smile appeared in the corner of my lips.
"The mistress is here?"
Umawang ang bibig ng secretary bago ito nagyuko ng ulo na para bang hindi nito alam ang magiging reaksiyon sa sinabi ko.
"Nameless girl, ano ba ang in-i-expect mo na itatawag ko sa kaniya? Mrs. Gastrell? No. That title will only belong to me forever."
Itinulak ko pabukas ang pinto at pumasok sa opisina. Saktong pagsarado ko rito gamit ang paa ay ang pagsungaw ng mala-anghel na mukha ni Elizabeth Asturia mula sa pinto ng banyo.
Our eyes met. Hers so innocent and pure while mine is that of someone who has tasted every bitter pill in the world.
Nauna itong nagbawi ng tingin saka tumikhim.
"Y-you're here," saad nito sa napakabait na boses na hindi makabasag-pinggan.
Naglaro ang isang nanunuyang ngiti sa mga labi ko.
"Of course. What do you expect from a wife like me who only wants to serve her beloved husband? Surely, you don't believe the rumors that I am such a bad wife, do you?"
Naupo ito sa sofa chair at puno nang pino ang ginawa nitong pag-angat ng isang hita para ipatong sa kabilang hita nito.
This woman right here screams elegance. Her white dress almost sticks to her skin like a shining stardust. Her hair is in a perfect bun with a pin that matches her pearl earrings and necklace.
The woman is such an air of beauty given that the Asturian clan is of Spanish descent. Wala ako sa kalingkingan niya mula sa ganda, talino, at yaman.
Noon iyon. Iba na ngayon.
Mabilis ang naging pag-ikot ng gulong para sa bentahe ko.
Maingat na inilagay ko sa mesa ang dala kong paper bag na naglalaman ng niluto kong lunch para sa asawa. Nang matapos ay umupo ako sa kaharap na upuan ni Elizabeth at tumunganga rito.
Kahit saang anggulo mo tingnan ang babae, spotless ang beauty nito. She is like a perfect glass. Clear, beautiful... but fragile.
"So? What are you doing here in my husband's office while he is not here?"
Sinadya kong diinan ang pagkakasabi ko sa salitang husband para maiparating ko sa kaniya ang mensahe na akin lang ang asawa ko.
"I need to discuss business with him if you don't mind," pormal nito na sagot.
Ngumisi ako at napatango rito.
"It's good to know that you have changed now."
Napahinto ito sa pagbubukas ng bag at tumingin sa akin.
"What do you mean by that?"
Nagkibit-balikat ako at ginaya ang pagkaka-krus ng mga hita nito. I crossed my arms and leaned my body toward her direction.
"Forgetful aren't we? But if you insist, I'll help you remember some of the details. Naaalala mo pa ba nung araw na nalaman mong asawa na ako ni Cholo? For the first time in history, you lost your composure there and acted like you owned him. I get it that you were so hurt back then. After all, ikaw naman talaga ang mahal at siyang dapat na pinakasalan. But now, I can see that you already know your place in his life. Ako ang pinakasalan. Ako ang asawa at mananatili kang kabit sa mata ng lahat. Ikaw lang ang magiging tagasalo ng tira-tira ko kapag pinagsawaan ko na si Cholo. But that won't happen. I won't make it happen. The only chance you will get with him is when I'm a cold corpse. You have to kill me first before you can have him, Ely."
Namutla ito at nag-iwas ng tingin sa akin. She opened her bag with her trembling hands and picked out a tissue to dab on her perfect face.
"We did nothing wrong, Karina. We really thought you were dead that's why I agreed when Cholo asked me for another chance. We were supposed to..."
She stopped and looked down at her clasped hands.
"You were supposed to get married. I know about it. You were engaged to be married already. You guys were supposed to marry each other and live happily ever after next month." Nginitian ko siya. "Kaya nga umuwi na kaagad ako sa mga bisig nang pinakamamahal ko bago pa mahuli ang lahat. Napagtanto ko kasing selfish pala ako pagdating sa kasiyahan ko. My happiness is Cholo so I decided to come back to be happy again. I know my comeback ruined the chance for the two of you to be happy together but who cares, right? Ang mahalaga ay masaya ako. That's what matters."
Nakaawang ang bibig nito habang nakikinig sa akin. The look on her face is that of someone who is not quite certain about what she had just heard.
"I can't believe I'm hearing this from you, Karina. Wala kaming ginagawa sa iyo ni Cholo. We were so kind to you kahit noon pa. Hindi ko alam kung bakit ka naging ganito sa amin. Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit ba para ka pang masaya na nakikita mo kaming nahihirapan? Why are you like this? Wala kaming ipinakita sa iyo noon kundi kabutihan lang. Why... Why do I think that you're just playing around?"
Lumabi ako saka nangalumbaba. "Nothing. Nothing happened to me. Nagsawa lang akong maging palaging tagahintay sa mga tira-tira ng iba kaya ipinangako ko sa sarili na gagawin ko ang lahat para ako naman ang sumaya. Naniniwala kasi ako sa kasabihang life is fair because it's unfair to everybody. It was not fair for you to have all the happiness in the world so I'm coming in to be your equalizer. Ang sayang pakinggan 'di ba?"
Nakita ko na naguguluhan pa rin ito sa sinasabi ko. Naroong kagatin nito ang labi at magpakawala nang malalim na hininga.
"It's obvious that Cholo loves me. Bakit mo pa isinisiksik ang sarili mo sa buhay niya kung alam mo namang wala na kayong pag-asa? Bakit ba kasi ngayon ka lang bumalik? Nagsawa ka na ba sa lalaking ipinalit mo kay Cholo? Bakit ngayon pa kung kailan abot-kamay na namin ang pangarap namin? Why would you come back just to hurt people, Karina?"
Nanginginig na ang boses nito sa labis na emosyon pero himalang wala akong maramdaman na kahit na ano. Nakaupo lang ako, nakatitig sa magandang mukha ni Elizabeth na nagpipigil ng luha.
"Iyan ba ang sinabi niya sa iyo? Did he tell you about my secret lover being my reason for leaving Cerro Roca?"
"That's what everyone in the town believes, Karina. Na sumama ka sa ibang lalaki na mas mayaman kay Cholo. You know how he loves you so much. Ipinaglaban ka ni Cholo sa buong angkan niya. He begged his mother to accept you but you betrayed him. Now tell me, karapat-dapat ka pa ba sa sinasabi mong kasiyahan kung ang taong sinasabi mong makapagpapasaya sa iyo ang siyang mismong taong iniwan at sinaktan mo? How could you ask for something that you deliberately threw in the past?"
Natigilan ako sa mga winika nito. Her words were like poisoned arrows that pierced right through my bone. Nanuot ang lamig sa bawat himaymay ng kalamnan ko.
"Kahit ano pa ang sabihin mo, ako ang asawa sa mata ng diyos at tao. I'm the legal wife." Humalakhak ako nang nanunuya. "Who would have thought that the oh-so elegant and prim and proper princess of one of the most powerful and wealthy clans in the country will only end up as a mistress, a homewrecker, and a good-for-nothing sperm-catcher of my husband? What a demotion, Ms. Asturia. I'm not at all disappointed. After all, kilala ang angkan niyo sa larangang iyan."
Namula ang buong mukha nito sa tinuran ko. For a second, I thought she would come up to me and slapped me real hard but she was able to hold her temper the last second I saw it slipping through.
Sayang.
Kita ko kung paano nito kontrolin ang sarili para hindi sumabog. Humanga ako sa babae. It takes a great amount of restraint to do that. Baka kapag ako ang sinabihan nang ganun ay nanampal na ako.
"I know you're just provoking me but sorry to say this but I am not getting into your trap. Hindi ako bababa sa lebel mo, Karina. I still respect myself and Cholo."
Doon na ako napatawa nang histerikal.
"Respect? Really? You're talking now about respect? Sabihin mo nga sa akin kung dapat bang bigyan ng isang respeto ang taong kumakain ng pagkain ng iba nang walang paalam? Well, not that I tasted my husband's dick but for a woman who preaches about chastity, you sure are enjoying my husband's dick. Walang kasinsarap ba? Napatirik ba ang mga mata mo? Sayang dahil balahura ka. Pi-ni-im mo sana ako bago mo nilaplap. Mabait naman ako. I'm willing to share him to dogs like you."
Tumalim ang tingin niya sa akin. "Mabait din akong tao, Karina. As much as possible I hold my temper but you're drawing me to cross the line."
Sasagot pa sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Cholo kasunod si nameless girl. Agad na natutok kay Ely ang tingin nito. His eyes became soft while looking at her. Ngumiti ito kay Ely na parang bula na nawala nang mahagip niya ako ng tingin. His smiling eyes vanished instantly. Pumalit ang guarded at blankong eskpresyon sa mukha nito.
"I'll call you later when I need you," sabi nito kay nameless girl habang hindi inihihiwalay ang tingin sa akin.
Tumango ang babae na bahagya munang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo. "Yes, sir."
Cholo sighed and closed the door behind him. Nakapagkit pa rin ang tingin sa akin na naglakad ito papunta sa desk nito at naupo sa swivel chair. Tumayo ako at inayos ang medyo nagusot na laylayan ng Hepburn style black dress. Nagpaskil ako ng ngiti sa mga labi at kinuha ang mga laman sa paper bag at proud na inihilera ito sa mesa.
"I brought you lunch. Hindi ka kumain kanina kaya nag-aalala ako sa iyo. I know it's not easy to run a gigantic company, hubby."
Pinagbubuksan ko ang mga canisters at pumuno ang nakakatakam na amoy sa buong silid.
"Wait here. I'll just get some utensils."
"Karina, stop this already," pigil sa akin ni Cholo. "You're not really helping the situation now. Umalis ka na muna. Ely and I have to go somewhere." Nagbuga ito ng hininga saka inihilamos ang palad sa mukha.
Napahinto ako sa pagkuha ng kutsara at tinidor sa loob ng bag sa sinabi nito.
"Oh, I'm sorry. Hindi ko alam." Nginitian ko si Cholo bago bumaling kay Elizabeth na mataman lang na nakatingin sa aming dalawa. "You didn't tell me na may lakad pala kayo ng asawa ko. Sige na. Umalis na kayo. Hub, I'm really sorry for not knowing. Go now. I'll just save this up for later."
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Or not."
Itinapon ko ang mga laman ng mga canisters sa mesa at sahig ng opisina. Tumilamsik ang sarsa sa damit at sa nabiglang mukha ni Cholo. Nabasa ang mga papeles nito sa mesa at nag-amoy kaldereta ang buong lugar.
Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya. "Iyan ba ang gusto niyong marinig mula sa akin? You're going somewhere? Where? To somewhere cold so you could fuck your brains out? Pwede bang makisali? Threesome tayo." Nilingon ko si Elizabeth na nakanganga at nanlalaki ang mga mata. "You like that? What do you think?"
Nilapitan ko si Cholo at pinunasan ang likido sa mukha nito gamit ang kamay saka isa-isang inilagay sa bibig ko ang mga daliri at sinipsip.
"Oohh.. yum," ungol ko.
Nginisihan ko ito bago parang model na kinuha ang tote bag sa sofa at kumaway kay Elizabeth na dali-daling nagpunta kay Cholo at kumuha ng tissue para punasan ang mukha nito.
I walked out of the room grinning but the moment I entered the elevator, tears started streaming down my face.