"Contemporary Math-15/60, Natural Science-12/60, Filipino-10/60, History-3/60, PE-20/60..." Tumigil siya sa pagsabi ng mga score ko sa 2nd quarter exam kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang frustrations ng mukha niya at pagkainis. "Bobo ka ba talaga?"
Ouch!
Ang sakit noon!
Hindi ako nakasagot at nag-iwas ulit ako ng tingin sa kanya.
"Diba taga-England ka, bakit English mo 2/60?" Inis na tanong niya sa akin.
"Kasi tita, sa Filipino school naman ako nag-aaral doon..." mahinang tinig na sagot ko. Atsaka hello, 16 years old pa ako noon.
Eh 21 na ako ngayon.
Napapitlag ako ng hinampas niya ang kamay niya sa lamesa.
"Seriously, Anna Maria Tan!" Sigaw ng tita ko sa akin. "Kung inuuna mo pa kasi yang pag-aaral mo kaysa sa pageant-pageant at modelling-modelling na yan, sana may natutunan ka sa school!"
"Ano ba kasi ang makukuha mo dyan sa pagsali mo sa mga ganyan?! Sash? Crown? Hindi naman kasi pwede pera kasi yung nakukuha mo dyan sa mga ginagawa mo, pinapambayad mo rin naman sa mga manager mong naghahandle sa yo! So ano?! Ano ang makukuha mo sa pagsali sa mga pesting model-model na yan at mga beauty contest na yan?!" Galit na sigaw niya.
Nakagat ko ang labi ko.
"Sagutin mo ako?!" Tanong niya.
"Kasikatan." Sagot ko. "Gusto ko pong sumikat, tita." Narinig ko siyang napasinghap at alam ko na mag lilitanya ulit siya kaya mabilis na dinugtungan ko ang sagot ko.
"Kasi gusto ko pong makita ako ni papa sa TV." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Napatigil siya at narinig ko ang pagmura niya.
"Tita, alam kong pinigilan niyo akong hanapin si papa kasi alam kong itatakwil lang niya ako lalong-lalo na ang pamilya niya." Nabasag ang boses ko sa huling dalawang salitang binitawan ko. Anak ako sa pagkabinata ng papa ko.
College sila ni mama ng mabuo ako at hindi sila nagkatuluyan ni mama.
Namatay ang mama ko ng pinapanaganak ako at si tita Carmen ang nag-alaga sa akin mamatay si mama. Pero noong 10 years old ako, kinuha ako noong isa pang kapatid ni mama, dinala niya ako sa England para tumulong sa negosyo nila kaso na-bankrupt eh kaya umuwi ako rito sa Pilipinas.
Si papa ko. Siya na lang ang masasabi kong pamilya ngayon.
Kaso masyadong maldita ang asawa niya kaya naman hindi ako pinapalapit sa kanya. Noong bata pa ako, pinapadalhan ako ni papa ng pera at binibisita pero ng mag 10 years old ako, hindi ko na siya nakita at nawala na lang siya bigla.
Nabalitaan ko na lang na pumunta na pala sila ng China ng asawa niya at mga anak niya kaya sumasali ako sa mga pageant at modelling para makapag ipon para mapuntahan siya sa China at kapag naging isang sikat na tao na ako, papalapitin na ako ng asawa ni papa sa kanya.
Tingin ko kasi kaya binabawalan ako ng asawa ni papa na lunapit sa kanya ay dahil tingin niya lumalapit lang ako para sa pera niya pero hindi.
Gusto kong makasama ang papa ko. Mahal ko ang papa ko-
"Kung yan ang dahilan mo, Anna, tumigil ka na diyan." Madiin na sabi ni tita.
Parang naguho ang mundo ko sa sinabi niya. Dapat siya ang nakakaintidi sa akin dahil alam niya ang nararamdaman ko ngauon. Saksi siya sa mga gabing hinahanap ko ang papa ko. Alam niyang miss na miss ko na ang tatay ko.
"P-pero-
"Ang mabuti pa, mag-aral ka na lang ng mabuti Anna. Para rin yan sa kinakabukasan mo." Sabi niya at iniwan ako doon kasama ng mga test paper ko.
Naikuyom ko ang kamay ko.
Masama bang hanapin ang tatay ko?
Wala na ba talagang karapatan ang tulad kong bastarda na makasama ang papa ko?
Hindi ko napigilan ang mga luha kong tumulo sa mga mata ko.
Ang unfair naman yata ng life!
---
"Hello, Anna..." bati ng lalaking taga-basketball team sa akin nang makapasok ako sa school canteen.
Ngumiti lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Tinalikuran ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ayieee...." rinig kong sabi noong kasama niya kaya napangiti ako.
"Daming fanboys ah." Sabi bigla ng kaibigan kong si Alissa na katabi ko lang. Sumimangot lang ako sa sinabi niya.
"Ayiee..." tukso nito sa akin. "Pa echos-echos ka pa, diba crush mo rin naman si Daryl." Sabi niya sa akin.
"Shh!" Inis na sabi ko at tinakpan ang bibig niya at napalinga-linga sa paligid namin. Nakahinga ako ng maluwg ng makita ko ang taga basketball team na busy sa paglamon at yung mga taong nasa canteen ay busy sa pamimili.
Pinandilatan ko agad si Alissa!
"Alissa naman, nakakahiya." Inis na sabi ko sa kanya. Oo crush ko si Daryl ng basketball team. Sini ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalaking yun. Gwapo, matalino, talented, magaling mag basketball at mabait. Pero hindi ibig sabihin noon na pakitaan lang niya ako ng maganda o sabihan niya ako na crush niya ako, bibigay na ako sa kanya.
Hindi ako mag bo-boyfriend hanggang hindi ako nakakapagtapos ng pag-aaral na tingin ko impossible! Bagsak-bagsak ang exam ko eh!
Pero kakayanin ko 'to!
Atsaka may plus points naman siguro ako!
I represent the school sa mga contest na sinasalihan ko! Dinadala ko kasi ang pangalan ng school namin sa bawat contest na sinasalihan ko at sa maniwala kayo't sa hindi, nanalo ako!
Ako pa yung title holder!
Which is pinagtataka ng mga teacher ko. Hindi ko rin alam eh bakit ang galing ko sa mga question and answer portion eh bobita naman ako.
Well siguro gaya ng sabi ni Alissa kaya magaling ako sa Q and A sa mga contest ay dahil hindi naman siya lesson sa school kundi lesson sa life. Char. At relate na relate daw ako sa question na yun dahil ang dami kong pinagdaanan sa life!
"Aliss pakibilihan naman ako ng-
"Hoy, Anna!" Naputol ang pag utos ko kay Alissa nang may tumawag sa akin.
Napakunot ang noo ko nang makita ko yung kaklase ko sa isang subject na inis na inis sa akin.
Wala naman akong ginagawa sa kanya pero inis na inis siya sa akin. Lalo na kapag galing ako sa mga contest, pinaparinggan niya ako na kesyo daw unfair ang school dahil ini-excuse ako sa mga activity sa subject namin.
Shunga!
Hindi lang naman para sa akin ang contest na yun! Sa school rin!
Siguro naiinis lang talaga siya sa beauty ko.
"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam ang pangalan ng babaeng to. "May kailangan ka?" Dugtong ko.
"Tawag ka ng subject teacher natin." Sabi niya at may tinatago siyang ngiti sa labi niya.
Oh.
I have a bad feeling about this.
"Bakit daw?"tanong ko sa kanya at hindi pinahalata na kinakabahan ako.
"Malay ko." Sagot niya. "Baka sa grades mong bagsak." Sabi niya at tumawa pa ng pang demonyo.
Tsk!
Inggit ka lang sa ganda ko.
---
"Ma'am..." bati ko sa kanya nang makapasok ako sa faculty. Siya lang mag-isa sa faculty dahil yung ibang teacher, kumakain na, siya nag kikilay pa!
Ma'am kilay ang tawag namin sa kanya eh!
"Miss Tan..." sabi niya. Napatigil siya sa pagkikilay niya at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin. Pagkatapos.
"Pinatawag niyo daw po ako?" Tanong ko sa kanya.
"Oh yes!" Sabi niya. "Halika rito!" At sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Hinila niya yung upuan sa tabi niya at nilagay sa tabi niya. "Umupo ka muna dito." Tinap niya yung upuang hinila niya.
Lumapit ako sa kanya at umupo roon.
"Bakit niyo po ako pinatawag ma'am?" Tanong ko sa kanya.
Kahit alam ko naman. Tingin ko tungkol na naman to sa grades ko at hindi na ako nahihiya. Sanay na ako eh!
Humugot muna si ma'am ng malalim na buntong hininga at tumingin sa akin.
"Anna, nahihirapan ka ba sa course mo?" Tanong niya sa akin.
Nakagat ko ang labi ko.
"Hindi naman po." Mahinang sagot ko. "Tungkol po ba 'to sa gardes ko ma'am?" I probed.
Huminga siya ng malalim at tumango.
"Anna gusto mo bang mag shift sa Tourism to HRM?" Suggest niya.
Umiling ako. "Ayoko." Firm na sagot ko.
"Ah..." tumango-tango lang si ma'am sa sinabi ko. "Then, Anna. 'Wag mo sanang mamasamain ano, kasi... " huminga ulit siya ng malalim. Ilang beses kaya si ma'am mag bubuntong hininga sa araw na to!? "Anna, inutusan kami ng program head ng Tourism na kapag may bagsak ka pa ngayon sem, kailangan mo na daw mag shift sa ibang program." "Diba alam mo naman na binigyan ka ng chance last sem kasi nga sumasali ka sa contest na kung saaan rinerepresent mo ang school pero kasi, Anna. Ang baba lahat ng score mo ngayon kaya kahit na ang laki ng ginawa mong karangalan para sa school, hindi pa rin maitatanggi na hindi ka na pwede sa program mo."
"Pero ma'am..."
"Pero 'wag kang mag-alala. May naisip naman ako-kami palang mga teachers mo," sabi niya at binigyan niya ako ng assurance. "Pinakuha ka namin ng tutor."
"Tutor?" Tanong ko. Tinitigan ako ni ma'am na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Eh? What's with that look? Nakakainis ah! Don't get me wrong. "Wala akong pambayad." dugtong ko pa.
"Oo." Sagot niya at tumingin sa relo niya. "Oh baka nandito na siya." Sabi niya at ilang segundo lang ay may pumasok sa faculty.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang running for summa cum laude ng Civil Engineering.
"Oh ito pala ang tutor mo, si Dallas Engalgado." Sabi ni ma'am.
Napalunok ako.
Oh my God!
Oh my God!
Totoo ba to?!
Gusto kong paypayan ang sarili ko.
Bago pa ako nag ka-crush kay Daryl, itong si Dallas ang pinagpantasyahan ko. Kaso hindi konsiya ma reach kasi ang tali-talino niya tapos siya pa ang president ng student council...kaya binaon ko na lang sa limot ang nararamdaman ko sa kanya... pero ngayon... pero seriously?!
Tumingin siya sa akin ng seryoso kaya kinabahan ako.
Oh my God!
Yung crush ko! Grabe kong makatingin sa akin!!!!
"Hi." Mahinang bati ko. Oh my God! Gusto kong mag paparty dahil hindi ako nabulol!
Tinitigan lang niya ako at tumingin sa teacher ko.
Eh?
Dinedma lang niya ako!? Napatingin ako kay Dallas nang magsalita siya.
"Ma'am, ano nga ho yung mga subject na ire-review ko sa kanya?" Tanong ni Dallas kay ma'am.
My God!
Major hearttttttbreaaaakkkkkkk!!!!!
First meet-up namin ng crush ko tapos ito pa?!
---
Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakatingin kay Dallas habang tinitingnan ang test paper ko.
Nasa may dulo kami ng Library para may kaunting privacy. First and last time na niya ako i-tu-tutor ni Dallas dito dahil sa bahay ko na daw namin kami mag re-review.
Kinakabahan ako at nahihiya ngayon.
Oo sanay na akong masabihan ng bobo. Pero nakakahiya pala kapag isang matalinong tulad ni Dallas ang titingin sa mga score mo sa exam! Idagdag mo pa na crush ko siya!
Nakakahiya!
Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon.
Narinig ko siyang huminga ng malalim.
Napalunok ako.
"Bobo ka ba talaga?" Tanong niya sa akin bigla. Para akong tinarakan ng kutsilyo sa sinabi niya.
Wala man lang flowery words!?
"Grabe ka naman sa akin!" Inis na sabi ko. Ang sakit sa heart ha! "Diba pwedeng slow learner lang?" Dugtong ko. Naaalala kong sabi ng teacher ko noong highschool wala daw bobo na tao, slow learner lang daw.
"Hindi. Bobo ka talaga." Madiin na sabi niya. Aray! Ang sakiiit!
Napairap na lang ako sa kanya. Porket matalino ka! Aish!
"But naguguluhan ako sa yo." Sabi niya bigla. Nakita kong nakakunot ang noo niya na para bang confuse na confuse siya! "Nakita na kitang sumali sa contest noon..." napakurap siya at tumingin sa akin. "Sa school. Nakita kitang sumali ng contest sa school." Sabi niya ulit na nagpakagulo sa akin. Bakit kailangan pa niyang ulitin? Atsaka bakit defensive?
Naningkit ang mga mata ko.
Tingin niya ba hindi ko makukuha agad ang sasabihin niya?
Ang lalaking to! Kainis!
"Yung grammar mo, hindi naman mali-mali at yung nilalaman ng sagot mo, ayos naman kaya akala ko nga matalino ka talagang babae." Tumingin siya sa akin. "Anong nangyari sa mga exam mo?" Tanong niya sa akin.
Ang sakit noong sinabi niya ah!
Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam!
"Hey sagutin mo nga ako ng totoo... May nakukuha ka bang leak ng mga question kaya nasasagot mo ang tanong sa mga contest na sinasalihan mo?" Seryosong tanong niya.
"Hoy grabe ka ah! Oo bobo ako pero hindi ako mandaraya!" Inis na sabi ko sa kanya. Kung makahusga siya sa akin kala mo kilala niya ako! Hindi niya ba alam na pinag-aaralan ko yun! Lalo na yung mga hot issue! At okay fine! Tsismosa rin ako kaya alam ko ang mga nangyayari sa lipunan natin ngayon!
Atsaka nahasa na rin talaga ako sa mga Q and A kasi ilang taon na ba ako sumasali sa contest!
5 years old pa nga lang yata ako sumasali na ako sa mga ganoon!
Eh 21 na ako ngayon!
Kainis!
Inirapan ko siya!
"Eh paano mo mapapaliwanag to!" frustrated na tanong niya at tinapon sa akin ang mga exam ko.
"Hindi ko rin nga kayang i-explain eh!" Inis na sagot ko sa kanya. "Kaya nga siguro bobo ako!" Galit na sabi ko. Narinig kong nag shh yung librarian kaya hininaan ko ang boses ko.
Napahilot siya sa ulo niya pagkatapos ay tumingin sa akin ng seryoso.
"Sagutin mo nga ako, nahihirapan ka ba sa exam niyo?" Tanong niya.
Nahihirapan ba ako sa exam namin?
"Oo." Sagot ko. "Kaya nga bagsak-bagsak ako eh." Sarcastic na sagot ko. Pero ito ha, kahit na minsan hindi ako nangopya sa mga kaklase ko. Kasi kung ano yung alam ko, yun lang ang sinasagutan ko. Oo honesto ako! Ayoko ng dagdagan ang kasalanan ko. Bobo na nga kasi ako, mangongopya pa?!
Napatingin ako sa kanya.
Atsaka, nag bobo-bobohan lang?!
O gusto lang talaga niyang ipamukha sa akin na bobo ako!
Edi siya na ang matalino!
Ang galing!
"Hmmm..." sabi niya sabay tango. Nag-iisip siya ng malalim.
"Nakapag-aral ka ba bago ang exam?" Tanong niya.
Oops!
Buti na lang wala akong iniinom na tubig kasi kung meron, baka nailabas ko na.
Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin sa tanong niya.
"Hindi ka nakapag-aral?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Kasi... "Hindi nga." Conclude ng lalaking katabi ko.
Hindi talaga.
"Nakikinig ka ba sa discussion ng prof mo?" Tanong niya ulit.
Napanguso ako at umiling.
Nakakahiya.
"Hey, woman. Anong ginagawa mo sa classroom? Nagpapaganda?" Inis na tanong niya.
Masama ang tingin akong tumingin sa kanya.
I need to clarify my name to him! Charot!
"Nakikinig naman ako." Sagot ko sa kanya. Gusto kong maklaro sa kanya ang bagay na yun. "Kaso wala akong maintidihan kasi minsanan lang ako pumapasok sa klase dahil sa pagsali ko sa mga pageant. Tapos hindi ako nagpapaganda sa classroom no! Tingnan mo nga ang mukha ko! May bakas ba yan ng foundation o na kahit na anong make-up!" Sabi ko at nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya para maipakita sa kanya ang mukha ko.
Nanlaki ang mata niya.
"H-hoy!" Inis na sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko at tumigil sa paglapit sa kanya.
Bakit kabado siya?
Unti-unti kong napagtanto kung bakit kinabahan siya.
Napalunok ako. Kaya pala. Ang lapit ng mukha namin. Dahan-dahan akong unatras sa kanya.
Tumikhim siya pagkatapos.
"Ilang beses ba sa isang linggo sumasali ng contest?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Isa. Pero minsan may mga event akong pinupuntahan." Sagot ko.
Tumango siya.
"Anong mas importante sa yo, pag-aaral o yang pageant na yan!"
"Syempre ang makapagtapos ng pag-aaral!" Sagot ko sa kanya. Duh! Kaya nga kahit nahihirapan na ako, pinagsasabay ko pa rin ang pag-aaral ko at pag pa-pageant! Baliw lang to!
"Edi tumigil ka sa pag papageant mo." Madiin na sabi niya
"Not gonna happen." Mabilis na sagot ko.
Pinangnikitan niya ako ng mga mata.
"Edi tumigil ka sa pag-aaral." Sabi naman niya.
"Pero gusto kong makapagtapos." Sagot ko naman.
"Aish!" Frustrated na sabi niya at kinati pa ang ulo niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa yo! Naguguluhan na ako!" Sabi niya.
Gago ba siya?!
Diba tutor ko siya?!
Hindi ba dapat turuan niya ako sa mga lesson namin!?
May tinatago rin palang kabobohan itong si Dallas eh..
Tumingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Fine! Alam ko na ang gagawin ko." Seryosong saad niya. Kinabahan naman ako. Hindi ko alam pero tingin ko papatayin niya ako sa mga titig niya.
"Anna Maria Tan." Sambit niya sa pangalan ko.
Napalunok ako.
"Bakit?" Kinakabahang tanong ko. At may bigla akong naisip na hindi ko alam bakit naisip ko at worst sinabi ko pa sa kanya. "Pakopyahin mo na lang kaya ako sa lahat ng assignment, quizes, exam at kung ano-ano pa. Para perfect ako." Suggest ko sa kanya
Gulat na napatingin siya sa akin.
"Sinuswerte ka?!" Galit na tanong niya at pinaikot pa talaga ang mga mata niya sa akin.
Hayst!
Ang sarap batuhin ng libro.
"Listen to me, stupid girl. At kapag hindi ka nakasagot sa mga tanong ko, sunog ang isang sash mo! From latest tayo to oldest."
Huh?
"P-pe-
"Nakuha ko na ang problema mo, bobo ka talaga. Kaya everyday meron tayong two-four hours na review sa lahat ng subject na meron ka sa araw na yun at kapag checking time na at nagkamali ka nang more than 5, alam mo na ang mangyayari sa sash and crown mo."
Napalunok ako.
Napatitig ako sa mukha niya na sobrang seryoso.
Matangos ang ilong niya. Makapal ang kilay niya-shit! Hindi yun dapat ang iniisip ko!
"Ah... ano..." kinakabahan kong wika.."Pwede naman ako mag self review-
"Are you kidding me?!" Putol niya sa sasabihin ko.
Napalunok ako.
"Ang sched natin ay M W F pero dahil sa nakita ko, everyday tayong mag re-review." Sabi niya.
Huh?
"What if may pagean-
"Edi after o before pageant."
Nanlilisik ang mga mata niya kaya naitikom ko ang bibig ko.
"Opo." Natitiklop na sabi ko.
Tumingin ako sa kanya saglit at nakita ko siyang nakangiti pero nang makita niya akong nakatingin sa kanya, sumeryoso ang tingin niya.
Nag-iwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
-
"Nakakamatay!" Nanghihinang saad ko at sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa tabi sa mga sinasagutan kong word problem. "Bakit ba naimbento ang Maaatttthhhh?!" Parang baliw na sabi ko.
"Pwede ba, tumigil ka na sa pagrereklamo at sagutan mo na nga yang pinapasagot ko sa yo." Napanguso ako sa sinabi ng strikto kong tutor at tumingin sa kanya.
"Hindi mo man lang ako bibigyan ng wisdom words, Dallas." Reklamo ko sa kanya.
Tinitigan niya ako.
Kinabahan tuloy ako.
Napapansin ko lately-dalawang linggo na kasi nang mag tutor siya sa akin, kapag tinitigan niya ako, kinakabahan ako. Pagkalipas ng ilang segundo, nakita kong kumunot ng bahagya ang noo niya na para bang nag-iisip siya.
Oh...
Napangiti ako.
Bibigyan niya ako ng wisdom words.
Inabangan ko talaga ang sasabihin niya.
"Kapag hindi ka magseseryoso, goodbye Tourism at hello HRM ka. Balik ka pa ng first year." Saad bi Dallas. Huh? Nakakainissss! Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Nakakainis ka!" Sabi ko at umupo ng maayos at kinuha yung work sheet.
Sinagutan ko yung woork sheet habang busangot na busangot ang mukha ko.
"Ah!" Sigaw ko ng bigla na lang umupo sa tabi ko si Dallas. "H-hoy!" Tarantang sabi ko. "Ba-
"Saan ka ba dito nahihirapan?" Seryosong tanong niya at tumingin doon sa worksheet na iniwan ko. Napatitig ako sa mukha niya. Ano daw? Nakalimutan ko yata lahat ng tinuro niya. Ang nasa utak ko lang ay ang mukha niya at ang lakas ng tibok ng puso ko haabang nakatitig ako sa mukha niya.
"Ito?" Tanong sa akin ni Dallas.
Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil nakatitig lang ako sa mukha niya.
Ang gwapo niya.
Ang talino pa.
Kaya naman hindi makapagtataka na nagka crush ako sa mokong 'to.
Ang sarap haplusin ng mukha niya kaya hindi nakakapagtaka, tinaas ko ang kamay ko para sana haplusin ang mukha niya-
Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin bigla. "Anna..." tawag niya.
Kumunot ang noo ko para matago ang pagkapahiya ko at binaba ang kamay niya.
"O-o! 'Yan!" Sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya."Whoo! Ang init!" Sabi ko at kinuha yung isang papel at pinaypay sa sarili ko. Pasimpleng tumingin sa kanya nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya nag iwas ulit ako ng tingin kay Dallas.
"Ang init!" Sigaw ko at binaba ko ang papel na hawak ko at pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko-ang tanga! Napasulyap ako kay Dallas. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya mabilis na napaypay ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Wala na akong pakialam kong mukha akong tanga. Pero mukha naman talaga akong tanga!
Sino bang normal na tao ang itatapon ang papel bilang pamaypay at papalitan ng kamay?
Shunga lang diba?!
Kaya naman, kinuha ko pa ang notebook ko at ginamit na pamaypay yun.
"Hindi naman mainit ah." Sabi ni Dallas. Napatigil ako sa pagpaypay sa sarilinko at dahan-dahan na napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin at parang naaaliw sa akin.
Pack!
Parang alam niya ang nangyayari sa akin!
Namula ang mga pisngi ko. Pwede ba kainin na lang ako ng lupa ngayon?!
Nakakahiya!
"Atsaka naiinitan ka ba sa sout mo?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa suot ko. Naka sleeveless na white ako at naka-short na hanggang tuhod.
Hindi ako nag suot ng ganito para akitin siya, wala lang talaga akong ibang damit!
"Pakialam mo! Ako yung naiinitan hindi ikaw!" Inis na sabi ko sa kanya at inirapan siya.
"Hmmm!" Sabi niya at napatingin ako sa kanya. "Naiintindihan ko naman, ang hot ko naman kasi..." may himig na panunukso ang boses niya.
Manghang napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Kita niya ang manghang mukha ko, pero ang gago, ngumiti lang sa akin at pinataas-baba ang kilay niya.
Wow!
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tapos yun pa ang makukuha kong expression ng mukha niya.
"Alam mo mahangin ka rin pala!" Sabi ko. "Akala ko pa naman, matino ka kasi yun ang palagi mong pinapakita sa harap ng mga tao."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Napapansin mo pala ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya pero ang weird lang din. Nahimigan ko ang pagkasaya niya sa pagtanong sa akin noon.
Aish!
Napangiwi na lang ako.
"Paano hindi kita mapapansin, ikaw lagi yata ang pinapatawag ng mga teacher kapag may gusto silang ipaggawa sa mga events na nakatuka sa kanila. Tapos ikaw pa MC lagi. Tapos president ka pa ng student council." Sabi ko.
Napatango-tango siya.
"Nga naman." Sabi niya pero parang may himig ng lungkot ang boses niya. "Trabaho kasi yun ng SSG president." Dugtong niya at nagkibit balikat lang siya.
"Alam ko!" Inis na sang-ayon ko! Baka masabihan pa niya akong bobo.
Tumitig siya sa akin pagkatapos.
"Yeah..." sabi niya habang nakatitig sa akin. Na-conscious tuloy ako.
"B-bakit?" Tanong ko.
Hukinga siya ng malalim.
"Dense ka rin pala..." mahinang saad niya kaya hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Ano?!" Tanong ko para ipaulit sa kanya yung sinabi niya.
"Wala. Sagutin mo na lang 'yang activity 4 hanggang 7." Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Saan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Titingnan ang sched mo kung kailan ang pageant na sasalihan mo para mai-arrange ko ang sched na mag tutp" Sabi niya.
Oh tama. Parang manager ko na din pala siya. Inaarange niya kasi ang scheds ko para maayos yun.
Napangiti ako.
Feeling ko mayroon akong boyfriend, isang gwapo at matalinong lalaki.
Napahagikhik ako sa iniisip ko.
Mangarap na lang tayo ng gising, Anna!
----
"OKAY ka lang?" Tanong sa akin ni Dallas. Sumama kasi siya para tingnan kong totoo ba talaga bang hindi ako nandaraya sa mga contest. Kasi binanatayan talaga ako ng mokong na to kung may pinag-aaralan ba akong question eh wala naman.
"Kinakabahan ako ng kaunti." Honest na sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako.
"Kaya mo yan. Magaling ka naman eh." Sincere na sabi niya.
Nag-angat ako ng tingin kay Dallas. Nakaupo kasi ako sa isnag upuan. Pinaupo niya ako doon para hindi ako mangawit sa katatayo.
"Tsk." Sabi niya na nakasimangot. "Akala ko pa naman may makikita akong maganda rito kaya sumama ako pero wala naman. Ikaw lang yata ang pinakamaganda sa kwartong to." Sabi niya at tumingin sa akin.
Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko ngayon.
Kumunot ang noo niya nang makita ko niyang nakatitig ako.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin.
"No." Nakapagat ako ng labi ko at gusto kong umiyak sa harapan niya. Kasi ito yung unang beses na may nagtanong sa akin kung okay lang ako. Alam kong ang OA ko. Pero sa first time kong maka experience na may nag tanong sa akin ng ganoon! Ang lagi kasing sinasabi sa akin ng manager/coach ko ay dapat galingan ko! Lagi ko kasing tandaan na sa pageant lang ako magaling at kung papalpak pa ako dito, saan na ako pupulutin. Kaya naman 101% ang binibigay ko tuwing may contest...
Kaya yung sinasabi nilang enjoyin ang moment kapag naglalakad ka sa stage?
Screw that!
Never ko yung naexperience!
Kaya malaking bagay sa akin ang sinabi ni Dallas.
"Magsisimula na." Sabi ni Dallas nang marinig namin na tinatawag na kami noong tumatayong director. Tumango ako kay Dallas.
Simula ng sumali ako sa nga contest ngayon lang akong nakaramdam na para bang nakalipad ang mga paa ko habang naglalakad. Ang gaan-gaan ng feeling ko. Hindi ako pressured.
Confident na tumayo ako at tumingin kay Dallas.
"Para sa yo ang laban kong 'to, Dallas!" Sabi ko at nag two thumbs up pa ako sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
Nagulat yata siya sa ginawa ko kasi natulala lang siya sa ginawa ko kaya ng tinawag ang number ko-which ia number 2 nagmamadaling pumunta ako doon.
Hindi ko na alam ang nangyari kay Dallas dahil nag focus ako sa contest na sinalihan ko.
Bawat lakad, pose, ngiti ko ay confident ako.
This is my day. Kaya dapat ako ang manalo sa araw na to.
----
"Hmmm..." narinig kong sabi ni Dallas habang nanonood noong video ko. Kinuhaan niya kasi ako ng video habang sumasago-from the start yata ng contest, kinuhaan niya ako ng video.
Alam ko na dapat akong kiligin kasi feeling ko, may boyfriend akong super supportive-FEELING KO LANG.
Napangiwi ako.
Assumera din ako eh!
Atsaka ang gago lang din kasi ng lalaking 'to, siya ang nag video noon, tapos siya rin ang manonood. Akala ko kasi ibibigay niya eh ayaw naman niyang ibigay, remembrance ko daw sa kanya.
"Kung magkakaroon ako ng aklat, abg magiging pamagat noon ay ang Storya ng buhay ko." Napatingin ako kay Dallas nang inuulit niya ang sagot ko kanina.
Adik!
"Dahil gusto kong mainspire ang mga tulad ko, tulad kong sinasabihan ng mga taong maganda lang, walang utak
"Ahhhh!" Sigaw ko at mabilis na kinuha ko ang cellphone niya pero tinaas niya ang kamay niya para hindi ko maabot. "Dallas! Tumigil ka na! Nakakahiya yung sagot ko kanina!" Inis na sigaw ko.
"Na-
"Dalllassssss!" Sigaw ko. Dahil nakakahiya yung sunod na sagot ko. Hindi ko nga alam bakit ako ang nag champion eh ang pangit ng sagot ko! Pinagtitinginan na kami ng tao, alam ko.
"Ang ingay mo!" Sabi ni Dallas at binaba ang cellphone niya at tinago sa bulsa ng pantalon niya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Naglakad na lamg kami.
May utak ka din naman pala." Muntik na akong madapa sa sinabi niya.
"Ang sakit noon ah!" Sabi ko. Kung hindi lang talaga siya ang may dala ng mga ganit ko, masasapak ko na talaga siya.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Tsk. Bully." Mahinang sabi ko.
"Ready ka na ba sa exam niyo?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kanya at tumango.
"Readying-ready na!" Masayang saad ko. "At dahil yun sa yo! Thank you so muchhh!!!!" At yinakap ko siya ng mahigpit.
Nagulat siya sa ginawa ko. Ako man din ay nagulat siguro dahil sa sobrang saya ko, nagawa ko yun.
Pero mas nagulat ako nang bigla niya rin akong niyakap ng mahipit.
"Walang anuman, Anna. Walang anuman." Sabi niya at naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko-Eh?
Baka nananaginip na naman ako ng gising! Hoy, gisng Anna!!!
---
"Ang highest natin ngayon ay si... Ms. Tan!" Confident na tumayo ako at lumapit sa teacher ko sa Contemporary Math nang i-announce niya ang magandang balita.
Manghang nakatingin sa akin ang mga kaklase ko.
Oh, ano kayo ngayon mga inggitera?!
"Magugunaw na yata talaga ang mundo. Akala ko tsamba lang yung na perfect niya ang Natural Science pero ngayon, siya ang highest sa contemporary Math?!"
Gusto kong malditahan ang nasabi noon pero nang may narinig akong ibang side comment ng mga hampaslupa kong kaklase, binawela ko na lang yun.
"Ang galing naman niya."
"Matalino naman talaga si Anna, tamad lang talaga mag-aral."
"Ang ganda na nga niya, ang talino pa."
Gusto kong kiligin sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko.
And thanks to, Dallas. Dahil sa kanya nararanasan ko ang mga bagay na to! Ang mga papuri ng mga kaklase kong tingin sa akin na ganda lang ang meron ako!
Heh!
Mga pangit!
"Ms. Tan, ang score mo ay 64/70. " nginitian ako ni sir pagkatapos niyang sabihin sa akin yun. Narinig ko ang singhapan ng kaklase ko at pinilit kong hindi mainis ng marinig ko yung kaklase kong nagsabi na 'totoo?' 'di nga'.
"You are improving. Matataas ang score mo sa quiz at activities, tiyak akong hindi ka babagsak sa subject ko." Pahabol ma sabi ni sir.
Parang may mga anghel sa ulo ko at umiikot doon.
Ang saya!
Makapapasa ako!
"Salamat sir." Sabi ko at masayang kinuha ko yung test paper ko sa kanya.
Pagkatalikod ko kay sir, nakangiting bumalik ako sa upuan ko.
Pagkaupo na pagkaupo ko, kinuha ni Alissa ang test paper ko at tinitigan ng maayos yun.
"Wala ka man lang bura..." binilang niya ang tamang sagot ko-letche lang ha! "At totoo nga! 64/70 ka!" Sabi niya at manghang tumingin sa akin. "May himala talaga!" Sabi niya sabay tingala sa langit.
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong mapatawa sa sinabi niya.
Siguro talaga may himala!
-------
"Kain tayo sa canteen, Anna! Libre ko! Ang galing mo sa exam natin eh!" Sigaw ni Alissa nang magdismiss ang teacher namin.
"May pupuntahan lang ako!" Nagmamadaling umalis ako sa classroom. Hindi ko na nga narinig ang sinabi pa ni Alis.
Kanina ko pa gustong pumunta sa Engineering department para puntahan si Dallas. Gusto ko kasing ipakita sa kanya ang mga score ko sa exam.
Gusto kong ipagmalaki sa kanya ang mga score ko. Para ma-proud siya sa akin.
Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis na makapunta sa building nila. Ang alam ko nasa may third floor siya ngayon, sa office ng student council.
Hinihingal na napasandal ako sa may dingding ng 3rd floor.
"Bakit walang elevator sa school mamin?" Mahinang tanong ko.
Inayos ko muna ang paghinga ko bago naglakad papunta sa office nila Dallas. Chineck ko rin muna ang sarili ko sa salamin ko para tingnan ang sarili kung haggard ba ako.
Ngumiti muna ako at naglakad papunta sa office ni Dallas...
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Dallas na lumabas sa opisina nila.
"Da-
Napatigil ako sa pagsigaw nang pangalan niya nang makita kong may babaeng sumunod na lumabas din sa opisina niya.
Maganda ito at... nalugmok ako nang makilala ko kung sino yun.
Si Bernadette. Yung sikat na volleyball player ng engineering department. Sikat siya, mayaman at higit sa lahat matalino.
Bakit magkasama sila?
Mag jowa ba sila?
Nataranta ako ng bigla silang naglakad papunta sa akin.
Oh my God!
Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko.
Dapat bang bumalik ako maglakad na lang ulit palapit sa kanya. Pero na realize ko. Ano naman ngayon?!
Bakit ako aalis?!
Ang layo kaya ng nilakadan ko para makapunta rito sa building nila!
"Dallas!" Sigaw ko sa pangalan niya.
Naputol ang pag-uusap ni Dallas at ni Bernadette dahil tumingin sa banda ko yung dalawa.
Nakangiting kumaway ako sa kanya at lumapit sa kanila.
"Dallas!" Tawag ko at pinakita ko sa kanya ang mga nakarolyo kong mga test paper.
"Ano yan?" Tanong ni Dallas. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sasabihin ko sanang gift ko nang biglang sumingit ang babaeng katabi niya.
"Love letter?" Tanong nito. Hindi ko man gusto, tumingin ako ng masama sa Bernang yun.
Tsismosa!
Atsaka news print ang papel, love letter?!
Shunga!
Bobo lang?! Tulad ko?!
"Berna..." may himig ng pagbabanta ang boses ni Dallas ng sabihin niya yun sa babae. Tsk. Bahala kayo jan Tumingin sa akin si Dallas. "Ahmmm..."
"Test paper ko!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Dallas at binato ko sa kanya ang test paper ko sa kanya. "Thank you!" Sabi ko. "Yan lang ang pinunta ko dito. Bye!" Sabi ko. Ang totoo niyan ay gusto ko sana siyang iinvite na kumain sa labas bilang pasasalamat. Libre ko! Kaso mabwisit ako sa Bernadette na to. Bakit ba mainit ang dugo niya sa akin?!
Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Dallas.
"Teka, wait lang Anna-
"Ang galing mo talaga, Dallas!" Masayang saad noong babae. "Pati yung pinakabobong babae sa campus, napatalino mo!" Sabi ni Bernadette at tumawa pa nagpainis sa akin to the highest level!
Naikuyom ko ang kamay ko at nag isip ng maraming paraan para patayin siya.
Relax lang, Anna.
Hinarap ko sila. Ngumiti ako kay Berna ng napakatamis. "Yeah ang galing talaga ni Dallas. Kaya nga yung babaeng katulad mong mahinhin nagiging malandi kapag katabi siya!" Sabi ko sabay irap sa kanya. "Bye sa inyo! Mga pangit!" Sabi ko at tumakbong umalis sa lugar na yun!
Tsk. Mga pangit talaga ang dalawang yun!
Bahala kayo jan!
---
"Oh bakit ba nakasimangot ka palagi? Meron ka ba?" Tanong sa akin ni Alissa.
Inirapan ko lang siya at hindi sinagot ang tanong niya.
"Meron ka yata ngayon eh." Sabi niya. Bumalik si Alissa sa pag-aaral kaya wala akong nagawa, kinuha ko yung notebook ko at riniview ko ang mga notes ko. Hindi ako busy ngayon week. Wala kasi akong sched na mga contest. Kaso itong si Dallas, siya yung busy.
Hindi niya natuturuan!
Mayroon kasing Alumni Party para sa batch 1996 sa school kaya busy siya. Sila kasi ang napa-utusan mag organize kasama yung president noong batch na yun!
Nakakainis!
Hindi na kami nagkita simula noong 'trahedya' sa building nila. Galit ba siya sa inasal ko? Bahala nga siya!
Busy ako sa pag-aaral nang may lumapit sa amin ni Alissa. Hindi ko naman sana yun papansinin ng tumigil siya sa harap namin at kinausap kami.
"Hi ate Anne." Napakunot ang noo ko.
Ate Anne?
Ako ba ang tinutukoy niya?
Pero bakit Ate Anne?
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
Oy!
Hindi ko kilala ang taong to!
"Ate? Pft!" Pingilan ni Alissa na mapatawa dahil sa sinabi noong lalaki na nasa harapan namin. Feeling ko freshman pa to. Napatingin ako kay Alissa at tinuturo ako. "Ate?" At tumawa siya ng malakas.
May nakakatawa ba?
Umaandar na naman ang pagkabaliw ni Alissa.
Pinandilatan ko ng mga mata si Alissa at sinikohan. Pinigilan lang niya ang pagtawa pero nakakainis, tumatawa pa rin siya!
Psh!
Sana pasukan ng langaw ang bunganga niya.
"May kailangan po kayo sa akin?" Baling ko doon sa nagtanong sa akin kanina.
"Pinag-utusan po kasi ako ni president..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"President? Duterte?" Tanong ko sa kaharap ko.
Napatawa ng malakas si Alissa sa sinabi ko.
"Ano bang nakakatawa?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Pinipigilan niya ring tumawa.
Napakunot ang noo ko.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hay naku, Arnold!" Tumatawang sabi ni Alissa. "Ako na ang bahala sa kanya." Sabi niya.
Naguluhan ako sa sinabi ni Alissa. Atsaka, kilala niya ang batang to?
"P-per-"
"Ako na ang bahala, umalis ka na. Marami pa naman kayong gagawin sa student council." Sabi niya.
Tumango-tango lang yung lalaki. "Sige po." Sabi niya at tumango siya sa amin at "Una na po ako." Paalam niya at umalis na siya sa harapan niya.
Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon!
Tumingin ako kay Alissa para sana masagot niya ang mga tanong ko pero mas lalo akong naguluhan nang makita ko ang mukha niya na para bang ang saya-saya niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang si Alissa at umiling-iling pagkatapos.
"Wala lang." Sabi niya at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin.
Anong wala lang?
Eh bakit nakangiti siya sa akin?
May pinaplano ba ang isang to sa akin ng hindi maganda?
"Slow ka nga talaga..." sabi niya sa akin.
"What?!" Inis na sabi ko. "Hiyang-hiya naman ako sa yo-
"Blablablabla!" Sabi niya sabay takip ng tenga niya.
"Aish!" Inis na sabi ko at tatayo na sana ako para sana umalis dahil naiinis na ako kay Alissa nang magsalita ang gaga.
"Oh, kailangan mo pa lang bumili ng magandang damit."
Huh?
Bakit niya ako bibilhan ng damit?
Nagpadala ba ang mama niya ng pera? Nagtatrabaho kasi nanau ni Alissa sa Canada as nurse tapos kapag nagpapadala ito ng pera sa kanya, pinabibili siya nito ng regalo para sa akin.
Tumino daw kasi si Alissa nang naging kaibigan ako.
Bulakbol kasi to noong high school kami tapos nang maging magkaklase kami at naging magkaibigan, tumino na daw ang kaibigan kong to.
"Regalo ng mama mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya kaya naguluhan ako.
Kuripot ang isang to kaya noong hindi niya ako binigyan ng regalo noong nagpadala mama niy, sa akin pinadala ng mama niya yung pera niya. Diba ang addict lang?!
"Para sa event ng student council." Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo.
Parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang kalituhan. Bakit naman nasali ang Student Council!
Narinig kong huminga ng malalim si Alissa.
"An, kaya kita bibilhan ng damit ay dahil mayroon kang ganap sa Homecoming na event ng school." Sabi niya. "Pinakausapan ako noong president ng student council na sabihan ka. Ang gagawin mo lang naman daw ay i greet ang mga bisita at escortin yung mga VIP na lalaki sa table nila."
So escort na pala ako?!
Pero teka...
President ng Student Council...
Teka lang... Yung tinutukoy noong lalaki kanina...
"So yung tinutukoy noong lalaki na presidente ay si... Dallas?!"
Tumango siya.
Oh my!
Nakakahiya!
Ang shunga ko naman!
Pero...
"Ayoko." Madiin na sabi ko kay Alissa.
Inis pa rin ako kay Dallas.
Atsaka, hindi man lang niya ako nilapitan para i-explain ang nakita ko-wait lang!
Bakit niya kailangang mag-explain sa akin?
Ano ba kami?
Tutor ko lang naman siya.
Pwede ring sabihin na kaibigan kami pero hanggang lang dun.... Kaya ano ang inaarte ko?!
"Bakit aya-
Mabilis na tumayo ako at sumigaw nang...
"Pupunta akooooooo!!!!!!!"
----
"THIS WAY sir..." sabi ko sa giniya ko siya sa magiging table niya.
"Thank you," sabi noong lalaki nang makaupo na siya doon sa asign table niya.
"You're welcome." Nakangiting saad ko at umalis na roon. Nagmamadaling nagpunta ako sa lugar namin at nanghihinang napahawak sa lamesa.
"Success! Tapos na ako!" Sabi ko doon. Tumingin saakin ang mga kasama ko at sinamaan ako ng tingin. Nginisihan ko lang sila.
Tulad ko, ganoon din ang trabaho nila.
"Nakakabwisit ka An," sabi noong isa at umakis rin ng makita niya yung i-escortan niya.
Tumawa lang ako at tumingin sa party. Vintage ang theme ng party. And I love it! Pang instgramable!
Luminga-linga ako.
May hinahanap ako!
Kaso kanina pa ako lingon nang lingon, hindi ko siya makita. Busy siguro siya.
Nakagat ko ang labi ko.
Bakit ko ba siya hinahanap!?
Kinuha ko na lang yung phone ko at nagselfie doon sa mga design ng party. Minsan nakikiusap pa ako sa mga dumadaan para picturan ako.
Busy ako sa pag pili ng magandang picture na ipost sa instagram ko nang may magsalita sa harapan.
"Good evening everyone!" Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa may stage.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko at nakangangang tumingin sa harapan.
Ang gwapo!
Yung lalaking hinahanap ko... Naka suit siya ... at ang gwapo-gwapo niya ngayong gabi.
"Enjoy ba kayo?" Nakangiting tanong niya sa mga bisita. Tingin ko siya ang MC ngayon.
Napatikom ang bibig ko nang madako ang tingin sa may banda ko. Tumitig siya sa akin ng ilang segundo kaya napayuko ako. May sinabi siya sa mga guest pero hindi ko marinig at maintindiham dahil sa malakas na tibok ng puso ko. Nakakabingi.
"....Please help me welcome, our host for tonight ms Bernadette!"
Kunit noong tumingin agad ako. Lumabas si Bernadette gaking sa gilid ng stage suot ang isang napakagandang gown. Napanganga ako dahil sa sobrang ganda niya.
May nanalo na bes!
Ang ganda bes!
Parang binagsakan ako ng 1 milliong sako ng semento dahil sa nakita ko. Inalalayan lang naman ni Dallas ang Berna na yun. Tapos nagkangitian pa sila na para bang sila lang ang tao sa ulagar na yun!
Psh!
Gawin kaya nila ang trabaho nila!
Inis na kinuha ko ang phone ko at pinost yung picture na kinuhaan ko sa party.
Nilagyan ko pa ng captio "Heart Broken pero pretty pa rin! 😒"
Tumingin ulit ako sa stage. Naitaas ko ang kilay ko nang makita ko si Dallas na nakatingin sa akin. Tingin-tingin ng gago?!Inirapan ko lang siya at kinuha ang phone ko at nag selfie ulit! Pagkatapos noon ay nag Mobile Legend ako!
At nang hindi ko na makaya dahil nagpapatwetums yung MC sa stage, galit na umalis ako sa lugar na yun! Pumunta ako sa CR. Pumasok ako sa isang cubicle. At doon naglaro ng ML.
Bahala sila sa buhay nila!
Basta mag ran-rank ako ngayon!
----
"Ihahatid na kita." Napatingin ako sa gilid ko nang may nagsalita noon. Nagulat pa ako na si Dallas ang nakita ko. Luminga-linga ako kong may kasama ba ako rito kasi baka assuming lang ako at hindi ako yung kausap niya pero nang marealize kong dalawa lang kami sa may kanto ng school... ako talaga ang kinakausap niya.
"Salamat pero, wag na. Sasakay na lang ako ng jeep" Mahinahong sagot ko.
Kanina ang saya-saya ko dahil tumaas ang rank ko tapos nandito na naman siya, umiinit tuloy ulo ko sa hindi ko malamang
Katatapos lang ng party. Umuwi agad ako, hindi na ako nakipag pa picture sa mga nandoon. Kapagod magplastikan eh!
"Nang nakaganyan?" Tanong ni Dallas sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Nakadress kasi ako-yung suot ko kanina na black na 2 inches above the knee pero nakatsinelas ako. "Ihahatid na nga kita." Dugtong niya.
Concern ba siya?
Bakit ba siya nag-aalala? Kapag may nanggago naman sa akin, ihahampas ko lang sa mukha nila ang dala kong 5 inches na sapatos eh!
"Hwag na nga." ulit ko. Hindi ako mahina tulad ng inaasahan mo, sraulo ka.
"Ihahatid kita." May pagkainis na rin ang boses niya. Aish!
Bakit siya naiinis?!
"Sabing 'wag na!" Inis na sabi ko. Tumaas na rin ang boses ko dahil sa sobrang inis. Nakakabwisit eh!
Paulit-ulit na lang!
"Wow ha! Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na magalit!" Inis na sabi niya.
Naguluhan ako sa sinabi niya pero nang marealize ko ang punto niya, gusto kong ihampas sa mukha niya ang dala kong sapatos.
"Thank you sa concern mo. At kung tingin mo, I'm ungrateful bitch dahil tinanggihan ko ang pagkukusang loob mong ihatid ako, pwes, bahala ka jan! Basta ayokong magpahatid sa yo sa bahay namin!" Inis na sabi ko at inirapan siya!
Naglakad ako palayo sa kanya! Walang lingon-lingon akong tumingin sa kanya. Dapat matuwa ako dahil nakalayo ako pero parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko.
Hindi man lang ako pinigilan ni Dallas!
----
"Annnnaaaaaaaaaa!" Halos mabingi ako sa malakas na sigaw niya.
"Kung makasigaw, Alissa ha!" Inis na sabi ko sa kanya nang makaupo siya sa tapat na upuan ko. "Ano ba kasi ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Nagpapahinga kasi ako sa may bench dahil kailangan kong mag focus, mababaliw na kasi ako.
Para akong sira!
Kapag lumalapit si Dallas sa akin, umiiwas ako. Sinabihan ko na rin ang teacher ko na hindi ko na kailangan ng tutor dahil mag fo-focus na ako sa pag-aaral ko.
Nalaman ko na kasi ang totoo mula kay tita Carmen.
Wala na ang papa ko. Kaya pala umalis sila ng pamilya niya sa China noon para magpaopera sa sakit niya kaso hindi siya natulungan doon. Namatay si papa. Nag-asawa ang asawa ni papa sa China kaya naman hindi na talaga sila bumalik sa Pilipinas.
Huminga ako ng malalim. Wala na akong rason para pumageant diba?
"Kamusta?" Excited na tanong niya.
Huh?
Bakit excited ang isang to? Ito kasi ang mukha niya kapag nag ku-kuwento sa mga ganap ng paborito niyang K-pop group!
Atsaka anong kinakamusta niya?
Ah!
Baka yung nangyari sa homecoming?
Pero anong nakaka-excite doon!?
Wala! Walang ka-excite-excite!
"Kapagod." Bored na sagot ko. "Kailangan kong makipagplastikan sa mga taong hindi ko kilala." Sabi dugtong ko.
"Huh?" Rinig kong saad niya. "Yun lang ang ishe-share mo?" Inis na tanong niya at hinampas pa ako sa balikat.
"Ano ba kasing gusto mong i-share ko?" Inis na tanong ko sa kanya. "Ang sakit noon ah!" Dugtong ko. Sabay haplos ng balikat ko.
"Hey..." sabi niya at tinitigan ako na para bang alien ako.
"Wala bang magandang nangyari sa yo sa Homecoming?"
"Wala!" Mabilis na sagot ko at ngumiwi pa ako.
"Wala talaga?" Paninigurado niya. Tsk.
Inisip ko ang mga nangyari sa homecoming. From the start, middle, end. Wala. Na-badtrip nga ako dahil sa pesteng MC na yun eh! Pero...
Wait a minute! meron pala! Meron palang nangyari sa akin na maganda sa homecoming!
"Ah meron!" Masayang sabi ko.
Bumalik ang pagkaexcited ni Alissa.
"Ano?!" Masayang tanong niya.
"Nag rank ako sa ML!" Masayang balita ko.
Hindi maipinta ang mukha ni Alissa dahil sa sinagot ko at parang nabingi ako sa lakas ng sigaw ni Alissa.
"AHHHHH!!!" sigaw niya sabay tayo at hinampas ang mesa! "Bakit kinaibigan ko ang isang tulad mo!!!!" Sigaw niya at tumakbong umalis.
Eh?
Naiwan akong naguguluhan kay Alissa.
Tsk.
Babalik na sana ako sa pag-iisip kung ano ang mga dapat gawin ko ngayong sem nang makita ko si Dallas na para bang may hinahanap. Nang magkasalubong ang tingin namin, nakita ko ang pagkarelax niya na para bang nakita niya ang hinahanap niya. Napalunok ako at kinabahan.
Naglakad siya palapit sa akin kaya mabilis na kinuha ko ang bag ko at tumakbo!
"Anna!" Tawag niya sa akin. "Tinawag niya ulit ako ng maraming beses.
Hindi ko siya pinakinggan.
Tumakbo ako ng mabilis! Sobrang bilis! Ayokong maabutan niya ako. Hindi ko alam kong bakit ako gumaganito?! Hindi ko alam! Basta kailangan kong lumayo sa kanya!
Nakalabas ako sa campus sa pagtakbo.
May nakita akong tricycle, pinara ko yun at sumakay sa tricycle.
"Kuya magbabayad ako ng malaki, basta ilayo mo lang ako sa lugar na to!" Sigaw ko sa driver!
Naguguluhan ang driver sa akin at mang makita ko si Dallas sa may gate, hinampas ko si kuya driver!
"Kuya! Babayaran kita ng isang libo! Patakbuhin mo na tong tricycle mooooo!" Sigaw ko.
Kahit na naguguluhan si kuya, pinatakbo niya ang tricycle niya. In the name of isang libo!
-----
"Ang daming stars." Wala sa sariling wika ko habang nakatingin sa kalangitan. Gusto kong gayahin yung mga napapanood ko sa movie na kung saan itataas nila yung hintuturo nila para guhutin yung cassiopeia, at kung ano-ano pang form ng star.
Hindi ko naman alam ang mga star na yun. Hindi ko nga alam kong may cassiopeia ba na star. Narinig ko lang naman yun sa teacher ko sa science at hindi ko alam kung ano yun.
Naalala ko ang ginawa ko kay Dallas. Alam kong hindi maganda yun. Kaso...
Napahawak ako sa puso ko.
Ang hirap aminin.
Noon hanggang ngayon, ang hirap aminin.
Noon, hindi ko maamin na gusto ko siya dahil iba siya. Matalino siya ako bobo.
Nang maging sikat ako sa school dahil sa mga pageant at modelling sa school, hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa sarili ko dahil sikat ako sa paggandahan, siya sikat siya dahil sa katalinuhan niya at sobrang galing niyang estudyante kaya binaon ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob at bumangon ulit ang nararamdaman ko kay Dallas pero nang makita ko si Bernadette, gusto kong sakalin ang sarili ko, bakit ko hinalukay ang nararamdaman ko sa kanya noon!
Kaya ngayon, nganga ako!
Ang sakit!
Huminga ako nang malalim.
Nasa bintana ako ng bahay namin habang nakatingala sa kalangitan.
Ako lang dito sa bahay ngayon. Si tita kasi may raket. Inimbitahan siya ng kaibigan niyang may-ari ng catering services.
Inimbitahan ko si Alissa na dito muna matulog sa amin pero ang gaga, tumanggi. Meron daw concert yung k-pop group na idolo niya at gusto niyang panoorin sa TV. Hindi pa naman cable ang TV namin kaya daw kapag dito siya matutulog, hindi niya mapapanood yun. GMA, ABS-CBN at TV5 ang channel namin bes.
Hay....
Hindi ako inaantok.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa may railing ng terasa ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ko.
Bababa ako sa kusina para uminom ng gatas para makatulog ako pero-tinatamad ako! Kaya imbes bumaba sa kusina, padapang bumagsak ako sa kama.
Gusto kong makatulog pero hindi ako inaantok. Pero tinatamad akong bumaba para uminom ng gatas!
My God!
Tumunog ang phone kong nasa may bedside table. Kinuha ko yun at napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang text ni Alissa.
"Pupunta ako sa bahay niyo pero pagkatapos na ng streaming ng album launch ng BTS ko! Love you!"
Tsk.
Album launch pala, hindi concert!
Inis na pumikit na lang ako. Alam naman ni Alissa kung saan namin tinatago ang susi sa bahay kaya pwede siyang pumasok sa bahay anytime. Nilalagay kasi namin yung susi sa malaking paso.
Habang nakapikit ako, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
----
Nagising ako nang may narinig na kaluskos sa labas ng kwarto ko.
Napatingin ako sa may bedside table.
20 minutes pa la akong nakatulog. Umupo ako sa kama ko.
"Alissa..." mahinang sambit ko sa pangalan niya habang kinukusot ang mga mata ko. Tiyak akong si Alissa yan. Tiyak akong hindi pa siya pumapasok sa kwarto ko dahil nakikinig pa yan noong music ng idol niya.
Hihiga na sana ulit ako nang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Aish!
Kung mangyayari pala to, hindi ko na sana siya pinapunta sa bahay namin!
Inis na bumangon ako sa kama ko at pinuntahan si Alissa!
"Alissa!" Inis na sambit ko nang mabuksan ko ang pinto. "Sana hindi ka na lang-Dallas!!!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang lumapit sa akin at yinakap niya ako ng sobrang higpit. Yung yakap na parang tatay ko siya at ilang taon kami hindi nagkita dahil nagtatrabaho siya sa ibang bansa!
Pero iba ang yakap niya.
Hindi pang tatay, kamag-anak o di kaya naman kaibigan.
Lihim na kinurot ko ang sarili ko kung nanaginip lang ba ako pero ang sakit ng kurot ko kaya totoo!
Totoo ang nangyayari ngayon!;
"Finally!" Masayang sabi ni Dallas!
"A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko.
"Trapping you." Sagot niya at hinalikan pa ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko. Kinakabahan ako at kinikilig at the same time! "Hindi kasi kita mahuli-huli." Sabi niya at nilayo ako sa kanya ng kaunti. Hawak niya ang balikat ko at mayaman na tinitigan.
Na co-conscious ako kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Ahm..." Hindi ko ang dapat kong sabihin at gawin. Nakagat ko na lang ang labi ko.
Para akong kinuryente ng sinapo ng kamay niya ang magkabilang pisngi ko.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong niya. "Wag mong sabihin hindi," may pagbabanta sa boses niya.
"It's obvious, Anna. Kapag nagtatangkang lumapit ako sa yo, umiiwas ka, worst-tumatbo ka tulad ng ginawa mo noong nakaraan. Hinabol kita at tinawag ko ang pangalan mo pero tumakbo ka lang." Mariin na sabi niya.
Naguilty naman ako sa sinabi niya.
"Tapos ngayon, ayaw mo na akong maging tutor?" May bahid ng lungkot at galit ang boses niya. "Bakit Anna?" Puno ng sakit na tanong niya.
"Kasi..." hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Kaya nga mag bi-break kami!
"Kasi..." gusto niya talagang tapusin ko ang gusto kong sabihin
"Ayoko lang! Ayoko lang talagang maging tutor ka at yung tumakbo ako, may pupuntahan lang talaga ako!" Pinatigas ko ang boses ko. Gusto oong palakpakan ang sarili ko dahil naisip ko pa yun. "Atsaka bakit ka nasa kwarto ko?!" inis na tanong ko at pilit na kumukawala sa hawak niya. "Tresspassing ka ah! Bitawan mo ako!" Sigaw ko ng ayaw niya akong bitawan. Nasaan si Alissa.
"Gaya ng sabi ko kanina, nandito ako para hulihin ka." Sabi niya at ayaw niya talaga akong pakawalan. "Stop squirming, Anna, kapag hindi ka tumigil, bubuntisin kita!"
Napatigil ako sa ginagawa ko at manghang tumingin sa kanya.
"What?" Tanong ko.
Ngumiti siya.
"Ayan, tumigil ka rin." Sabi niya.
Kumuko ang dugo ko to the highest level sa sinabi niya. Sinabi lang niya ba yun para tumigil ako?!
Baliw ka Anna!
Mas lalong nadagdagan ang galit ko dahil sa mga pinag-iisip ko!
"Though, pakakasalan naman kita agad kung mangyayari yun."
Hindi na ako nagpadala sa sinabi niya ulit. Though may iba akong naramdaman noong sinabi niya pero winaksi ko yun!
Pinagtitripan ka lang ng lalaking to, Anna!
"Pwede ba Dallas, hindi magandang biro yan!" Sabi ko.
"Sa tingin mo nagbibiro ako?!" Malakas ang boses na sabi niya.
Natigilan ako sa ginagawa ko ulit.
"D-Dallas." Sabi ko sa kinakabahang boses. Ito yung unang beses na nakita ko siyang ganito. Yung parang helpless at hopeless. Napatitig ako sa mukha niya.
Nagkatitigan kami.
Para akong nawala sa mundo ngayon dahil nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niya.
Parang ako yung mundo niya sa mga matang niya.
"Frustrated, dissapointed, galit at inis na inis ako sa iyo." Puno ng hinanakit na saad niya.
"Ano bang dapat kong gawin, Anna para makita mo ang nararamdaman ko?" Tanong niya. Umawang ang labi ko, pero walang salita ang lumabas. Wala rin naman akong sasabihin. Tinikom ko na lang yun!
"First year ka, 3rd year ako. Secretary pa lang ako sa student council noon pero kasama ako sa mga nag-aasist sa mga mag e-entrance exam, yun yung unang nagkita tayo. Ang ganda-ganda mo kaya nag ka crush ako sa yo noon."
Huh?
Napalunok ako sa sinabi niya. Crush niya ako?
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Simula noon, kapag nagkakaroon ako ng pagkakataon, tinitingnan kita mapa social network mo o dito sa school. Kaya nalaman ko na hindi ka lang pala maganda kundi mabait ka rin palang tao." Sabi niya. "Kaya... Kaya mas nagustuhan kita."
Oh my!
Nataranta ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Ginawa ko lahat. Nag offer ako na maging tutor mo... para mapalapit sa yo kasi hindi na ako kuntento sa patingin-tingin sa yo. Gusto kong makausap ka ng personal, makasama ka... at ..." sabi at biglang lumawag ang pagkakahawak niya. "Handa na akong magtapat sa yo noon sa Homecoming pero wala ka. Hindi kita mahagilap." Napayuko siya. Parang naghihina siya. "Galit na galit ako sa yo kasi plinano ko yun ng mabuti. Ginamit ko ang event na yun para magtapat sa yo kaso wala ka... At nang magkita tayo, galit ka pa sa akin." Narinig ko siyang tumawa ng mapakla. "Nakakabwisit lang. Ako yung nasaktan mo, ikaw pa ang galit."
"Tapos ngayon, iniiwasan mo ako? Anna-
"Iniiwasan kita dahil natatakot ako!" Putol ko sa sasabihin niya.
Hindi ko na nakayanan.
"Natatakot?" Tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.
"Natatakot sa nararamdaman ko para sa yo." Mahinang sabi ko. Nailagay ko ang dalawang kamay kong nakasiklop sa dibdib ko. "Gustong-gusto rin kita." Sabi ko. Narinig ko siyang suminghap.
"I like you so much.To the point nakakasakit na. Kasi at maaalala kong sino ka-si Mr. Perfect guy ng campus at nang makita ko si Bernang yun, lagi kong sinasabi na tumigil na ako sa pag i-ilusyon sa yo kasi hindi tayo bagay. Mas bagay kayo ni Berna-
"Bullshit!" Rinig kong sabi niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi.
Nilayo niya ang labi namin ng kaunti.
"Wag mong isipin yun. Mahal kita, Anna." Madamdaming sabi niya. Gusto kong mapaiyak sa sinabi niya. "Mahal na mahal." Madamdaming dugtong niya.
Hindi ko na kaya.
"I love you too." Sagot ko. Hinalikan ulit ako ni Dallas.
Kung may thermometer lang ako ngayon siguro basag na ang mercury na yun dahil sa nararamdaman ko ngayon. Dahil sa halik ni Dallas.
Napapikit ako at ninamnam ang halik niya.
Nilayo niya ang labi namin pagkatapos ng ilang segundo.
"So kaya iniiwasan mo ako ay dahil nagseselos ka kay Bernadette?" May ngiti sa labi niyang tanong.
Tumango lang ako at mas lalong pumula ang pisngi ko sa sobrang pagkapahiya.
Tumawa lang siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
"Silly. Hindi ko siya gusto. Ikaw lang ang gusto ko at mahal ko." Sabi niya at yinakap ako ng mahigpit.
Napangiti ako dahil sa sobrang kilig dahil sa sinabi niya. Sinong mag-aakala na mangyayati sa akin ang ganitong bagay?
"Anna, baba na tayo sa sala niyo baka matukso akong gawin ang mga nasa utak ko ngayon." Sabi niya. Namula ako dahil sa sinabi niya.
"Baliw!" Sabi ko.
Hinampas ko siya ng may maalala ako.
"Paano ka pala nakapasok sa bahay namin?" Tanong ko.
"Dahil kay Alissa." Sagot niya at bumaba na kami ng kwarto. "Humingi ako ng tulong sa kanya. Simula pa noong Homecoming at willing naman siyang tumulong." Sabi niya.
Biglang nag sink in lahat.
Kaya pala.
Kaya pala ganoon ang gaga noong bago at pagkatapos ng homecoming.
Napangiti ako.
Sinong mag-aakala?
Kami rin pala ng crush ko ang magkakatuluyan.
— จบบริบูรณ์ — เขียนรีวิว