Chapter 17
"Kung papairalin mo ang init ng ulo mo, hindi tayo matatapos dito." Sabi ni Noah sa nakakabata nyang kapatid. Naupo na silang lahat ng kumalma si Travis.
"Anong mangyayari ngayon?" Tanong ni Spencer.
"Ngayon ay magkakaroon ng imbistigasyon at kailangan ang statement nating lahat." Tahimik na sabi ni Noah. Nag-iisip sya kung anong mangyayari sa asawa nya.
"Ano bang kasing ginawa ni Camille? Bakit ba sya hinuli?" Tanong ni Spencer.
"Pumatay nga sya, hindi ka ba nakikinig?" Inis na bukyaw ni Travis.
"Hindi magagawa ni Camille yon." Reklamo ni Spencer.
"Nagawa na nga nya, ehh." Tahimik na sabi ni Nash habang nakatulala parin sa kung saan. Nag-usap-usqp pa sila doon hanggang sa dumating ang isang psychologist.
"Doc, anong problema kay Marie?" Tanong ni Noah sa kaibigan din nila.
"May psychology problem ang asawa nyo. May Dissociative Identity Disorder sya. Ito yung sakit na nakukuha dahil sa mga trauma or abuse victim. May nangyari ba sa kanya para makaranas sya ngtrauma?" Tanong ng psychologist. Lahat naman sila ay napalingon kay Nash.
"Nasaan na ba sya?" Tanong ni Nash.
"Pwede nyo syang puntahan maya-maya." Sabi naman ng psychologist.
___________________________________
Nakaupo ngayon sa loob ng silid si Marie habang nasa loob sya ng madilim at masikip at ang tanging nakikita nya lang ay isang malesa at dalawang lamesa, ang inuupuan nya at isa pa sa kabilang parte ng lamesa. Biglang tumawa si Marie na ikinagulat nila at ikinainis.
"Ano bang ginagawa mo?!" Malakas na sabi ni Marie. Kung kanina ay tumatawa ito, ngayon ay galit na itong sumisigaw. "Bakit ka naman sumama sa mga pulis?! Tanga ka ba talaga?!" Sigaw pa nya.
"Wag mo nga sya sigawan, Ate!" Sigaw ni Scarlett.
"Ate?! Kailan mo pa ako naging ate?!" Sigaw pa ni Marie. Lingid sa kaalaman nila ay may nanonood sa kanila sa kabilang silid. Nakatingin sa kanila ang mga asawa nila at pare-pareho lang silang nawawalan ng pag-asa.
"Ano bang nangyayari?" Tanong nila.
"Ganyan siguro ang nangyayari sa kanya. Hindi lang nag-iiba ang personality at pagkatao nya, kinakausap nya pa ito na parang ibang tao talaga." Paliwanag sa kanila ni Andrei. Pinanood pa nila saglit si Marie hanggang sa may biglang pumasok sa kabilang kwarto. Napakunot ang noo nila dahil lalaki ang pumasok sa silid.
"Sino yon? Asawa nya din?" Tanong ni Travis.
"Hindi. Kapatid nya yan." Sagot ni Andrei. Pinanood nilang makipag-usap si Marie sa kapatid nito.
"Ate..." Naiiyak na sabi ni Ian. Lumapit sya sa ate nya at yumakap. Pagkatapos ay agad silang bumitaw at naupo sa mga bakanteng upuan. "Ate, ano bang nangyari?" Tanong nya sa ate Marie nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Marie sa kanya. "Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong pa nya.
"Nakita ko sa balita." Naiiyak paring sabi ni Ian.
"Bakit ka pa pumunta dito? Ayokong madamay ka." Nakangiting sabi ni Marie.
"Ate, matagal na kitang gustong makita, tapos ngayong nakita na kita, papaalisin mo ako?" Tanong ni Ian sa ate nya. Ngumiti lang si Marie at hinawakan ang kamay ni Ian.
"Ian, ayoko lang na mapahamak ka. Ayoko lang na madamay ka kasi may pamilya ka na." Nakangiti paring sabi ni Marie. "I'm proud of you, bro." Nakangiti paring sabi ni Marie. Napangiti din si Ian at hinawakan ang kamay ng ate nya.
"Lalabas ka na, ha? Tapos sumama ka na sa amin." Nakangiting sabi ni Ian. Umiling naman si Marie.
"Hindi na ako makakasama sayo. Kailangan kong magpagaling at kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko." Nakangiting sabi nya. Lalo namang naiyak si Ian at niyakap sya.
________________________________
Nakaupo ngayon si Noah sa harap ni Marie at nakatingin lang ito sa kanya na parang asiwang-asiwa. Habang si Noah ay tinatago ang pangungulila sa asawa.
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit ako nahuli?" Mataray na tanong ni Marie. Si Noah naman ay ikinukunot lang ang noo nya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako palaging nawawala?" Tanong ni Marie habang dahan-dahang umuupo sa mga hita ni Noah.
"Nasaan ang anak natin?" Tanong ni Noah dito.
"Malamang nakatago." Pilosopong sagot ni Marie tapos kinuha ang phone nya at pinakita ang litrato ng anak nila. "Mahirap magtago lalo na ang dami nyong nakapaligid sa akin. Lalo na yung pagbubuntis ko dahil binababoy din ako ng magaling mong pinsan." Mataray pa nyang sabi.
"I'm sorry." Senserong sabi ni Noah habang nakatingin ng may awa sa nakangiti nyang asawa. Dahan-dahan din syang napatingin sa ibang litrato. May iba pang bata doon. "Sino sila?" Tanong nya.
"Malamang, anak ko parin. Ilan ba naman kayong gumagalaw sa akin." Mataray parin nyang sabi na para bang biro lang iyon.
____________________________
Tahimik silang nanonood sa natutulog na si Marie habang sila ay nakatingin lang dito. Maya-maya pa ay may biglang pumasok na limang bata at lumapit kay Marie.
"Mama!" Sigaw nila tapos lumapit kay Marie. Si Marie naman na natutulog ay biglang naalimpungatan dahil sa ingay. Agad syang napaupo at nagulat ng makita ang mga anak nyang nasa harap nya.
"Paano kayo nakapunta?" Nakangiti nyang tanong sa mga ito.
"Hinatid po kami ni Daddy." Sabi ng panganay nya na hawak ang bunso nya. Agad syang napaharap sa likod at nakita doon si Noah na nakangiti kaya nginitian din nya ito. Bumalik na sya ng tingin sa mga anak nya at ngumiti ulit.
"Mama, nagugutom na po ako." Sabi ng pangatlo nyang anak. Agad naman syang napatingin dito.
"Bakit? Hindi pa ba kayo kumakain?" Tanong nya dito.
"Hindi pa po, ehh." Sabi ng pangatlo nya.
"Sabi po kasi nung mga lalaki, papakainin daw po nila kami, ehh. Pero hindi naman pala." Reklamo ng pangalawa nya. "Ang dami ng po nila, ehh. Kung hindi lang pulis yung isa, iisipin ko na kinikidnap na kami, ehh." Sabi nito tapos humawak din sa tyan nya, nagugutom na rin.
"Sige, kakausapin ko muna si Noah. Hintayin nyo lang si Mama, ok?" Nakangiting sabi nya tapos akmang lalabas na ng bigla syang pigilan ng mga guards.
"Saan ang punta mo?" Tanong ng isa.
"Manghihingi lang sana ako ng pagkain. Nagugutom na kasi ang mga anak ko." Sabi nya pero hindi padin nakinig ang mga ito. Pinapasok parin sya ng mga ito at sinasabing maghintay sa loob.
Maya-maya pa ay biglang pumasok ang mga asawa nya na may dalang pagkain. Pinakain nila ang mga batang naroon. Habang sya naman ay tahimik lang na nanonood.
"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ni Noah sa kanya.
"Mamaya na." Sabi nya tapos napangiti ng makitang malakas ang kain ng bunso nya. Maya-maya pa ay natapos na din ang kain ng mga ito at nagyaya nang umuwi ang pangalawa nyang anak.
"Paano si Mama?" Tanong ng pangatlo nya.
"Ok lang si Mama nyo. Dito muna sya. Kami na munang bahala sa inyo." Sabi ni Noah at dinala na ang mga bata. Sya naman ay kumaway muna sa mga ito bago nahiga sa kama at natulog ulit.
___________________________
Nasa kalagitnaan ng pagtulog si Marie ng biglang bumukas ang pinto. Umaga na at dinalahan sya ng pagkain ni Noah. Kumain sya at bumalik na ulit sa pagtulog at makalipas ang ilang oras ay may dumating na abogado.
Nag-usap sila tungkol sa kaso nya at nasabi din nito na kapag napatunayang may sala sya ay kailangan nya munang dalhin sa isang institute para magpagaling sa sakit nya.
Dahil wala naman syang magagawa ay pumayag nalang sya. Pero bumalik din ang mga anak nya para bisitahin nya at umalis din kinagabihan.
- To Be Continued -
(Mon, September 20, 2021)