ดาวน์โหลดแอป
30% Lost (Tagalog) / Chapter 3: 3 Chapter 2

บท 3: 3 Chapter 2

Chapter 2

- Inara's POV -

Kakatapos ko lang maligo at shempre, nakabihis na ako. Nang lumabas ako ng bathroom ay nakaupo si Troy at nakatingin sa labas ng bintana na parang malalim ang iniisip.

By the way, ang kinuhang kwarto ni Troy ay medyo mamahalin. May king size bed, may bintanang malaki na nakikita mo ang mga tao sa labas, yon yung tinitingnan nya, at may malaking bathroom at walk-in-closet.

"Ang lalim, ahh?" Tanong ko dahil narinig ko ang malalim nyang buntong-hininga. Tumingin sya sa akin at nag-iwas ako ng tingin dahil nginitian nya ako.

"I'm just sad." Saad nito at lumapit sa akin. Naupo din ito sa tabi ko, nakaupo ako sa gilid ng kama ngayon. "May isang tao kasi na nagawan ko ng kasalanan. I don't know kung alam nya, but I think she didn't know that too." Saad nito ng makaupo ito sa tabi ko.

"Wait.... Hindi din nya alam? You mean may kasalanan kang hindi mo alam? At pati sya ay hindi nya malaman?" Tanong ko. Malungkot naman syang ngumiti sa akin.

"Yes, I just feel guilt, but I don't really know what my guilt is." Saad nito.

"Baliw ka na ata." Saad ko at tinawanan sya.

"Ikaw talaga." Saad nito at pabiro akong hinampas sa balikat tapos ginulo ang buhok ko. Tumawa lang kami ng tumawa hangggang sa gusto namin. Nang matapos kami sa pagtawa ay nagulat ako ng bigla nya akong pahigain.

"Ano ba!" Sigaw ko dahil sa pagkagulat. Sya naman ay binuhat ako tapos pinaayos ako ng higa pagkatapos ay nahiga na din sya sa tabi ko.

"Ahm... Nararamdaman mo din ba ang nararamdaman ko?" Tanong nito.

"Anong nararamdaman?" Tanong ko.

"Ahm.... Love?" Tanong nya. Napakunot naman ang noo ko.

"Love ka dyan." Saad ko at umayos ng higa. Tumagilid ako ng higa at napaigtad ako dahil magkaharap na ang muhla naming dalawa. "You know what? Feeling ko hindi na ito ang unang pagkakataon na natulog katabi ko. Parang sanay na sanay na ako sayo." Saad ko.

"Yeah." Sagot nito at bigla akong hinalikan sa labi. Napapikit ako ng biglang may pumasok na mga imahe sa ulo ko at bigla sumakit ang ulo ko.

"A-aray!" Sigaw ko sa sakit dahil kumirot ang talaga ang ulo ko.

"Hey, Inara. Are you ok?" Tanong nito. Nakaupo na kami ngayon sa kama habang namimilipit parin ako sa sakit.

"Ang sakit!!" Sigaw ko pa dahil hindi mawala ang sakit at parang mas lumalala pa ito sigu-sigundo. Patuloy lang ako sa pamimilipit ng ulo ko hanggang sa makatulog ako.

Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Troy. Nakaupo na sya sa may sofa na nakaharap sa malaking bintana. Nakatingin ulit ito sa malayo at parang malalim nanaman ang iniisip.

Dahan-dahan akong tumayo at parang malakas ang pakiramdam ng lalaking to dahil naramdaman nya akong tayo at gumalaw. Tumingin ito sa akin saglit at saka sya tumayo at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Ok ka na ba?" Tanong nito na puno ng pag-aalala.

"Hmm. Ok na ako. Sige na, maliligo na ako. Mag-gagala pa ako ngayong araw." Saad ko at umalis na sa harap nya. Kumuha ako mg damit at towel pero bago pa man ako makapasok ng bathroom ay nagsalita si Troy.

"Inara, uuwi na ako ng pilipinas. Mag-iingat ka." Saad nito dahilan para humarap ako sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Wala sa sariling saad ko.

"Just take care. Baka may mangyaring masama sayo dahil sumasakit ang ulo mo." Saad nito.

"Wag mo akong sabihan ng ganyan. I can take care of my self." Saad ko at tuluyan nang pumasok ng bathroom. Paglabas ko ay wala na sa loob ng kwarto si Troy. Napabuntong-hininga naman ako.

Ang harsh ko naman ata sa kanya. Concern lang naman sya, ehh. Wait? C-concern? San nanggaling iyon?! Bakit naman sya magiging concern, ehh, hindi nga kami magkakilala.

Bigla akong napatingin sa pinto ng bumukas iyon at nakita kong si Troy ang pumasok. Nakangiti itong lumapit sa akin at may dala-dalang tray na may pagkain.

"Hey, ahm... Here, kumain muna tayo bago tayo umalis." Saad nito at inilapag sa center table ang tray na may pagkain. Ako naman ay natakam sa pagkain at ayon, kumain na kami.

Tahimik lang kami dahil pinapanood nya lang akong kumain sa harap nya. Bahagya syang natatawa kapag puno na ng pagkain ang bibig ko. Sinasamaan ko lang sya ng tingin.

"Dahan-dahan, hindi naman kita aagawan." Natatawang saad nito. Inirapan ko naman sya. Nang matapos kaming kumain ay patuloy lang sya sa mahinang pagtawa at habang pinapanood parin akong kumain.

Nang matapos kaming kumain ay agad nya akong tinulungan sa bagahe ko at sya ang nagdala noon hanggang sa makalabas kami.

"Are you sure you're just going to walk?" Tanong nito. Nakangiti naman akong tumango.

"I'm fine. Thanks nga pala ulit." Saad ko. Nginitian nya ako at napakunot ang noo ko dahil bigla nyang inilahad sa akin ang kamay nya.

"Nice meeting you, Inara." Nakangiting sabi nito pero namumula na ang gilid ng mata at parang maiiyak na.

"Haha. Bakit parang maiiyak ka na? But, yeah. Nice meeting you too." Saad ko at tinanggap ang kamay nya. Ngumiti ako at pilit na pinapalakas ang loob nya dahil may luha nang pumapatak sa mata nya. "Sige na, alis na ako. Umiiyak ka na." Saad ko at kumaway muna sa kanya bago ako naglakad paalis at iniwan syang nakatayo doon.

"Hi, guys!!! This is the day three ng aking vacation sa Greece!!!! So, yeah, ahm.... Nandito ako ngayon sa labas ng hotel---" iniharap ko ang camera sa hotel na tinuluyan ko. "--- ayan!" Ibinalik ko na ito sa harap ko. "So, ngayon panibagong araw, panibagong pupuntahan natin ngayon!" Masayang sigaw ko sa harap ng camera.

Patuloy naman ako sa paglalakad habang ang pinapaikot-ikot ko sa paligid ng buong katawan para makita ng camera. Lahat ng nakikita ko ay sinisigurado kong makukuhanan ng camera ko. Shempre, hindi ko din malilimutang kunan ng litrato ang mga lugar.

"So, guys. Nandito tayo ngayon sa isang Starbucks. And, dito muna tayo magpapahinga ng mga siguro.... Ahm... 2 minutes? Or 5? I dunno, basta dito muna tayo kasi mainit din kaya mahirap magbabad lang sa labas." Saad ko. "See you nalang mamaya!" Saad ko at pinatay ang camera.

Ganon nga ang ginawa ko, nag-stay ako doon for 4 minutes at saka ko napagpatuloy sa paglalakad. Dahil kanina ay medyo umulan ng kaunti kaya hindi na sya masyadong mainit.

"Ayan, guys. So, I'm back again! So, ngayon ay maglalakad-lakad ulit tayo para makahanap ng bagong---" napatigil ako sa paglalakad at napalingon ako doon. Bigla bumagal ang buong mundo at ang tangi kong naririnig ay ang ingay ng kotse papalapit na sa akin ngayon. Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako ng makita kung sino ang driver.

Wala na akong maramdaman at bumalik na ako sa huwisyon. Tumama na ang katawan ko sa kotse at napahiga nalang ako sa kalsada kasabay ng pagligo ko sa sarili kong dugo. Napatingin ako sa kotse at nakita kong sumalpok ito ay umaapoy na ang ilalim.

Maya-maya pa ay nagkakagulo na ang paligid at may mga nakatingin lang sa akin. Pero ang iba ay inaasikaso ako at yung iba ay si Troy ang inaasikaso. Maya-maya ay biglang nagtakbuhan ang mga tao palayo at ang huli ko nalang narinig ay may malakas na pagsabog.

- To Be Continued -

(Sat, April 24, 2021)


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ