ดาวน์โหลดแอป
61.76% My Husband's Revenge / Chapter 21: Chapter 21

บท 21: Chapter 21

Hindi makapaniwala si Arabella na kasama niya ngayon si Tyron habang naglalamiyerda sa Europe. Noong isang araw lang ay magkahawak kamay silang naglalakad sa Plaza Mayor sa Madrid na animoy magkasintahan lamang o di kaya ay bagong kasal lamang.

May kinausap lang itong mga kapwa businessman ngunit sandali lamang kung kayat madami ang oras nilang naglagalag sa Spain.

Nag enjoy din sila sa mga magaganda at unique na buildings and museum sa Old Town ng Geneva bago lumipad papuntang Parish kung saan isa sa mga favorite ni Arabella na lugar. Nakapunta na siya dito ng dalawang beses ngunit wala siyang oras para mamasyal at puntahan ang pinakasikat at pinag-uusapang Eiffel Tower. At siyempre gusto niyang maglakad sa pinakaromantic na street sa Parish kasama ang kanyang si Tyron.

Sa Presidential suite ng Four Seasons Hotel sila tumuloy at mula sa kanilang bintana ay tanaw na tanaw niya ang napakagandang Eiffel Tower. Napapikit pa siya sa labis na excitement habang tinatanaw ang sikat na tower sa Parish. Iniimagine pa niya ang sarili habang magkahawak kamay sila ng binata na naglalakad sa ilalim nito, tuloy pumasok sa isip niya ang favorite niyang Korean drama na Lovers in Parish.

Nakangiti ang dalaga habang kinikilig, ngunit nang maalalang naghihintay sa living area ng suite si Tyron ay dali dali tinungo ang pintuan.

Pagbukas niya ng silid narinig niya ang boses ni Tyron na parang may kadebate sa telepono. Palakad lakad pa ito habang kumukumpas ang mga kamay at kitang kita sa aura nito ang labis na pagkairita. Hindi man niya nauulinigan ng maliwanag ang mga sinasabi nito ngunit sa kilos nito ay mukhang nakikipag argumento sa telepono. Imbis na lapitan niya ito ay nanatili siya sa kinatatayuan at hinayaan ito hanggang matapos ang pakikipag usap. Pagkababa nito ng telepono ay galit na isinalampak ang sarili sa couch, hinalikamus ang mukha at ibinato sa kung saan ang hawak na telepono.

Nabigla ang dalaga sa ginawi nito kung kayat napaatras siya at itinago ang sarili sa likod ng pintuan. Maya maya ay tumayo si Tyron, kinuha sa rack ang coat at tuloy tuloy na lumabas sa kanilang suite. Pagsara ng pintuan na linabasan ng binata ay saka lang niya pinakawalan ang kaninay nakahang na paghinga. Parang ninerbiyos siya bigla, oo at nawitness na niya kung paano magalit sa kanya ang binata noon ngunit ang nasaksihan niya ngayon ay parang bigla siyang natakot ulit dito. Kinailangan pa niyang kumuha ng tubig sa ref para payapain ang loob sa pamamagitan ng pag inom ng tubig.

Akala niya mag uunwind lang si Tyron sa labas o sa kung saan upang maibsan ang kung ano mang galit na nadarama ngunit lumipas na ang ilang oras ay hindi ito bumabalik. Nasira tuloy ang schedule nila na pamamasyal sa Eiffel Tower. Maghahapon na ngunit hindi pa ito bumabalik kung kayat nagdesisyon siyang lumabas at maglakad lakad kaysa magburo sa suite habang iniisip kung ano ang nangyari at kung saan naroon ang binata.

Naglakad lakad lang siya sa malapit ngunit ng makakita ng coffee shop ay pumasok siya dito at umorder ng expresso. Habang naghihintay sa order ay umupo siya malapit sa may bintana at doon nakikita niya magandang tanawin kasama na ang sikat na tower. Napangiti nalang siya sa sarili dahil hindi natuloy ang kaninay balak nila ng binata na pagpunta doon. Pagdating ng kanyang coffee ay napangiti siya ng matamis sa napakasarap na amoy nito. Ramdam na ramdam pa niya ang init nito kung kaya ay napapikit siya sa paghigop.

Pagmulat niya ay napatigil siya ng may biglang nakatayo sa kanyang harapan. Unti unti pa niyang itinaas ang paningin at gulat na gulat siya ng mapagsino ang ito. Napatayo pa ang dalaga sa labis na saya at excitement.

" Alex!", tuwang tuwang saad niya nang makita ang matalik na kaibigan. Ngunit bigla siyang nagtake back dahil sa seryosong mukha nito habang walang imik na nakatingin lang sa kanya.

" Ah...alex?", sambit niya ulit sa pangalan ng kaibigan. Bigla siyang nailang ng todo at halos di niya alam ang gagawin. Nahihiya siya na di niya mawari sapagkat hindi maganda ang lahat sa kanila lalo na sa huli nilang pag uusap.

" Upo ka", turan niya sa wala pa ring imik na kaibigan.

Tumalima naman ang kaharap at walang salitang hinila ang upuan sa harap ng kanyang mesa. Ipinatong nito ang mamahaling bag sa free space ng kanilang table saka ipinaikot ang paningin sa buong cafe.

" Gusto mo nang kape? sandali at ikukuha kita", maliksing saad.

" No thanks!", maiksing saad ni Alex kung kayat napatigil siya sa pagtayo. Ngumiti na lamang siya ng pilit saka dahan dahang bumalik sa kanyang pagkakaupo.

Aligaga siya sa labis na kaseryosohan ng kaibigan at hindi siya sanay na parang piniprito siya nito sa pamamagitan ng hindi pagsasalita.

" Alex...", mula sa ilang minutong katahimikan ay saad niya sa kaharap. Tumingin naman ito straight sa kanyang mata at lalo siyang nailang.

" I'm sorry for what happened", madamdaming pahayag niya dito. Alam niyang galit si Alex sa kanya dahil ang pagkakaalam nito ay pinikot niya ang kanyang kuya. Kung hindi man nito pinakinggan noon ang kanyang paliwanag ay susubukan niya ulit. Mahal niya ang kaibigan at ayaw niyang tuluyang magalit ito sa kanya at lumayo.

" Maniwala ka saakin hindi ko yun sinadya, nagpaliwanag ako pero hindi naman ako pinakinggan ng daddy at mommy niyo", hinawakan pa niya ang kamay nitong nakapatong sa mesa ngunit wala man lang reaction na galing dito.

" Kaibigan kita at mabuti saakin sina tito at tita, hinding hindi ko yun magagawa sa pamilya mo.", pagsusumamo niya. Naiiyak na siya dahil sa katunayan nasasaktan siya sa kinahinatnan ng relasyon nila bilang matalik na kaibigan.

" How did you survive my brother's revenge?", sa halip ay saad nito.

" Ha?", si Arabella na nabigla sa tinuran nito.

" He was damn furious and i can't imagine how bad he'd treated you", si Alex na ewan kung curious o ano. Ngunit napailing iling siya nang maalala kung paano siya tratuhin ni Tyron noong hindi pa nito narinig ang kanyang paliwanag.

" It was terrible", mahinang pahayag niya na sarili lang sana niya ang kausap ngunit nakarating iyon sa pandinig ng kaharap.

" Tell me!", matigas na saad ni Alex, biglang nalukot ang mukha nito na animo galit.

" It's fine... we're ok now", pag aalo niya dito. Ngunit pinandilatan siya nito

" Don't ever ever fall inlove with him", parang batang babala nito sa kanya at napalunok siya sa tinuran nito.

"Masasaktan ka lang, he loves Samantha more than anyone else", pahayag nito at sunod sunod na paglunok ang kanyang ginawa.

" Alex...",garalgal niyang pahayag ngunit dipa niya nasasabi ang gustong sabihin ay naghisterika na ito.

" No! tell me you're not inlove with him!",

" I'm inlove with him.", sa halip ay direchong pahayag niya dito. Tinignan siya ni Alex ng mariin saka umiling iling na parang hindi makapaniwala. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan.

"I love him, i dont know how or why? basta nararamdaman ko na mahal ko siya",

" He can't be with you, you can't own him!",

" I know! anong magagawa ko? After all hindi man required na mahalin din niya ako.", pahayag niya dito. Nakita niyang napapikit si Alex sa sinabi niya at lihim siyang nasaktan sa ginawi nito.

" Unloved him now!", maya maya ay pahayag nito. Ngunit sa tinuran ng kaibigan ay napatawa siya ng mahina. As if naman ganun kadali, akala yata ng kaibigan niya nakaprogram ang puso niya sa parang computer.

" Why?" mulagat nito sa kanya.

" I can't do that!",

" Your insane Arabella! Can't you see? Iniwan ka niya sa ere dahil kay Samantha", inis na saad ni Alex at lihim siyang napalunok sa narinig. Anong ibig sabihin nito?

"I'm sorry, but Samantha is here. May shooting siya ngayon sa City.", ang kaibigan na siyang kasagutan sa kanyang tanong sa isip.

" If that's the case, i should be happy for him.", wala sa sariling pahayag niya at kulang na lang sigawan siya ng kaibigan.

" Are you serious!?",

"He's happiness is mine, let him be", saad niya at kulang na lang kutusan siya ng kaharap.

" Ito na ang pinakaayaw ko! Ara i treated you as my sister from the very start, ayaw kong masasaktan ka. And i also love my brother, gusto ko rin siyang maging masaya!", tulirong pahayag ni Alex at di siya makapaniwala sa tinuran nito. Ibig bang sabihin nito hindi ito galit sa kanya? Sa kasiyahan ay agad siyang tumayo at niyakap ng mahigpit ang matalik na kaibigan. Napaiyak pa siya ng tuluyan ng yakapin din siya nito ng mahigpit.

" I miss you so much!",

" I miss you more",

" Hindi kana galit saakin?",

" I'll never be, nagtampo lang pero hindi naman ako nagalit saiyo. Hindi ko lang alam kung saan ako lulugar sainyo ni kuya kaya mas pinili kong lumayo para hindi ako masyadong affected sa kung ano mang gagawin ni kuya laban saiyo or kung ano ang gawin mo para kay kuya." paliwanag ni Alex at natatawang pinanggigilan niya ang pisngi nito.

" You are sooo cute! Huwag mo akong intindihin, okey? At huwag na huwag mong ipagkanulo ang kuya mo dahil saakin. Higit sa lahat siya dapat ang palagi mong unawain kaysa sa ibang tao huh?",

" i love you both!",

" Shhhhh! I can handle myself, at una sa lahat hinding hindi ako magiging sagabal sa kaligayahan ng kuya mo.",

" I'm sorry, hindi kita maipagtangol",

" No problem! Wala siyang responsibilidad saakin.",

" But you are his wife",

" Just for 3 years, after that we will be strangers again otherwise, we will also best friends just like us."

" Okey lang ba saiyo yun?",

" Okey na okey! ang mahalaga magkaibigan parin tayo, at huwag na huwag ka nang magtatampo saakin ah, sobra akong nalulungkot", saad niya at natatawang tumayo iyon at ito naman ang yumakap ng mahigpit sa kanya.

Napakasaya ni Arabella sa pagkakataong iyon sapagkat nagbalik si Alex na itinuturing niyang nag iisang kapamilya lalo noong biglang nawala ng pareho ang kanyang mga magulang. She comforted her, she cared for her and loved her like she was her true family. Alex was her strength that time na kung wala ito ay hindi niya maisip ang ano na ang kinahihitnatnan niya ngayon.

Pakiramdam niya bigla siyang nagkaroon ng kakaibang sigla, bigla siyang nagkaroon ng buhay at naexcite siyang makasama at makakwentuhan ng mahabang oras ang kaibigan. Kahit nga magdamag silang nagchichikahan kahit wala namang importanteng pinag uusapan ay kinekeri nila habang pakapekape, kung hindi sa kanyang apartment ay sa condo nito o di kaya ay sa villa ng mga Alegre. Kumbaga matagal na siyang parte ng pamilya Alegre ngunit naging stranger siya sa mga ito noong napagkamalang pinikot niya ang binatang Alegre. Napabuntunghininga si Arabella ngunit ngumiti siya kay Alex nang mapatingin ito bigla sa kanya. Naglakadlakad sila sa sikat na kalye sa City. Pinuntahan din nila ang Eiffel Tower na kung saan doon kumuha ng napakaraming picture shots nila si Alex.

" Mom just commented in my post, shes so excited", nakangiting pahayag ni Alex habang nakaupo sila sa bleacher.

" Did you post it?", curious namang saad niya, kailan pa naging active ang best friend niya sa social media?

" Yes, look at this...andaming mga likes and comments.",

"Kailan ka pa naging active sa social media?", di niya napigilang tanong dito.

" 5 months ago? and I have 500k followers", pagmamalaki pa nito at natawa nalang siya dito.

Meron din naman siyang social media account pero kokonti lang ang nasa friend list niya at nakaprivate pa ito. Pinopost lang niya doon yung mga magagandang lugar kung saan siya pumupunta. Hindi siya nagpopost ng tungkol sa kanyang buhay o sa mga taong nakikilala niya o malalapit sa kanya.

Papadilim na nang magkayayaang umuwi na sa kanilang suite ang dalawa. Kumain na rin sila sa isang sikat na resto sa city bago nagpasyang itutuloy nila ang gala sa Parish bukas. Kailangan nilang mag make up sa mga buwan na hindi sila nag-usap at nagkasama.

" Tara sa suite ko, nood tayo ng Korean drama may bago ngayon si Joongki yung Vincenzo" excited na saad ni Alex habang papalabas sila sa resto.

" I heard that too kaso baka nasa suite na si Tyron, baka hanapin ako", medyo alanganing sagot niya dito.

" I doubt, baka bukas na iyon makakauwi siguradong magbabantay kay Samantha yun magdamag!", pasimangot na pahayag nito.

Lihim siyang napangiwi sa tinuran ni Alex subalit pasimpleng kinagat na lamang ang kanyang labi bago niya nginitian ito.

" Well, what are we waiting for? Tara na sa suite mo!", excited niyang turan tsaka hinila ang braso nito para pumara ng taxi.

Excited ding nagpaakay si Alex at gaya ng dati ineenjoy ng bawat sandali ng pagkikita. Pagdating sa suite ni Alex ay parehong isinalampak sa couch ang kani kanilang katawan. Napagod sila sa paglalagalag, ngunit hindi naman napapagod ang kanikanilang bunganga sa kakakwento ng kung ano ano. Mag uumaga na nang ihinto nila ang panonood sa Vincenzo at gaya ng dati magulo pa din sila sa kanilang pagtulog.

Almost 10 am na sila nagising at nagkatawanan pa sila nang kapwa mamulatan sa iisang higaan ang isat isa. Niyakap pa siya ng mahigpit ni Alex bago tuluyang tumayo at nagkalkal ng kung ano ano sa kanyang closet. Mayamaya ay may inabot sa kanyang damit na kulay puti.

" I bought this when I was in Germany. Limited edition lang siya so kumuha ako ng atin. Black for me and yours is white, your all time favorite", nakangiti nitong pahayag at tuwang tuwa naman ang dalaga sa napakatoughtfull na kaibigan.

" Ohhh! thank you, i love you so much", ang dalagang touch na touch sa ideyang iniisip pa din siya ng kaibigan kahit may tampururot ito sa kanya.

Niyakap niya si Alex ng mahigpit saka ginawaran pa ng halik sa pisngi.

"We go shopping today, ligo kana dali!", maluha luha ngunit nakatawang utos nito sa kanya.

" Right away boss!", nakatawa ring pahayag ni Arabella kasabay ng pagtalima nito papunta sa banyo.

Pagkatapos nilang magbrunch sa Hotel ay sumakay sila ng taxi papunta sa mga luxury store. Ginalugad nila ang mga branded store at sobrang nalula siya sa mga prices kung kayat hindi siya humahawak sa mga items kundi hangang tingin lamang siya.

" What do you think for this bag? si Alex sa isang white na bag.

" Maganda, cute it suits you", turan niya dito.

" Don't you like it?",

" Marami pa naman akong bags sa bahay, hindi ko pa halos nagagamit yung mga binigay mo", saad niya dito.

" Haist! Outdated na ang mga yun, pati yang bag mo palitan mo na.",

" Ok pa naman, saka ang mamahal.", turan niya sa kaibigan at tinawanan siya nito.

" You're so kuripot, treat yourself once in a while",

" No!",

" Common! My treat, get whatever you want", si Alex ngunit hindi pa rin siya tumitingin ng para sa kanya. Diyos por santo, sa napakamahal na bayad ng mga items dito parang nakapatayo na siya ng bahay na bongalow.

Maya maya ay nagawi siya sa may shades section. Tumingin tingin siya dito at talagang nalulula siya sa mga prices nito.

" Kailan ka pa nahilig sa shades?", takang tanong ni Alex paglapit nito sa kanya.

" Para sa friends ko",

"You have friends?"

" Oo, si Joy my officemate and Dr. Chan.",

" Oh, ok! kuhanan mo sila ng pasalubong, my treat.",

" Sigurado ka?",

" Yup!",

" Thank you!", masayang saad niya sa kaibigan at saka excited na pumili ng bagay na shades kina Joy at Dr. Chan.

" Ano kayang pwedeng pasalubong kay tita?", maya mya ay tanong niya kay Alex.

" Oh, shes loves shoals", ang si Alex habang busy sa pagpilili ng mga sandals.

" Ok cge, punta ako sa shoal section", paalam niya dito at tumango naman iyon.

" Wala kang kukunin para kay kuya?", si Alex nang puntahan siya sa kinaroroonan niyang area.

" May kailangan paba yun? I mean he owns everything, nakakahiyang magbigay...",

" He loves Bleu cologne, limited edition lang yun he will be happy if we can get some for him.", si Alex at tumango tango naman siya. Kaya pala sa iisang tao lang niya naamoy ang pabangong iyon dahil sobrang mahal at limited edition pa.

Nakakuha sila ng tatlong bottle ng perfume para kay Tyron, naimagine niya tuloy kung anong reaction nito kapag nakita ang binili nila para dito.

" Baka makalimutan natin si Tito?",

"Dad fonds of expensive wines, daan tayo mamaya sa wine stores.", ang kaibigan na itinuro muna ang couch para maupo habang hinihintay sa pagbabalot ng mga pinamili.

Pagkaupo niya ay ibinulsa sa suot na fur coat ang mga kamay at patingin tingin lang sa paligid habang si Alex ay busy sa kanyang cellphone. Maya maya lamang ay biglang may naamoy ang kanyang ilong. Lihim pa siyang suminghot singhot habang pasimpleng hinahanap ang pinaggagalingan ng amoy na iyon. Saktong paglingon niya sa likod ay nakapatong na ang mga kamay ni Tyron sa mga balikat nila ni Alex.

"Thanks God, your here!", kunwa ay nagtatampong saad ni Alex ngunit napangiti rin ito ng guluhin ni Tyron ang buhok kapatid at halikan ito sa noo. Samantalang hindi siya makagalaw ng halikan siya nito malapit sa kanyang labi. Bukod kasi sa tense siya sa presensiya ni Tyron ay nahihiya din siya sa kanyang kaibigan kung kayat nagpakawala nalang siya ng isang pilit na ngiti para dito.

" Your card!", si Alex sa kapatid na binuksan pa ang kamay para sa hinihingi dito.

Tumawa naman ang kapatid ngunit wala namang pag aalinlangang nilabas ang gold card at inilagay sa kamay ni Alex.

" Ayieh! your the best!", tuwang tuwang turan ni Alex ng mapasakamay ang card ng kapatid saka binigyan ng halik sa pisngi bago kumembot na pumunta sa counter.

Susundan din sana ni Arabella ang kaibigan ngunit nahawakan siya ni Tyron sa kamay kung kayat pasimple siyang bumalik sa kinauupan saka nginitian ng bahagya ang binata. Di niya tuloy malaman kung anong reaction niya dito to think na kagagaling lang nito kay Samantha.

Maya maya ay narinig niya ang malalim na paghinga ni Tyron habang linalaro ang kanyang kamay.

" How is she?", sa wakas ay pahayag niya, alam niya kasi na si Samantha ang nasa isip nito kung kayat hindi ito mapakali.

Tinignan siya ng binata ngunit di niya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng expression ng mukha nito.

" Shes good! I apologize for leaving you yesterday, it's urgent and it is not something that i can't compromise. I hope you understand", si Tyron na itinaas ang paningin habang hawak parin ang kanyang kamay.

Ngumiti siya sa binata kasabay ng pagkuha sa mga kamay nito at tinapik tapik iyon.

" It's alright! Of course, I do. I understand", mahinang pahayag niya dito kahit sa kabila noon ay parang tinutusok ng pinong karayim ang kanyang puso. Nauunawaan niya ang binata, ika nga niya kung saan ito masaya ay ikakasaya niya ngunit tao lang naman siya na kahit paano ay nasasaktan. Pero sino ba siya para makaramdam ng ganoon, oo nga at mahal niya ito pero may magagawa ba siya? Sa isiping iyon ay lalong nagpakawala siya ng ngiti; kahit paano naiibsan ng mainit na mga kamay ng binata ang lihim na paghihinagpis.

" I'm trying to contact you when I was on my way kaso out of reach ang cellphone mo",

" Oh, oo nga!", turan niya. Sinadya niya talagang nakaoff iyon dahil ayaw niyang maistress habang nakabaskyon.

"Switch it on lalo na kung wala ako sa tabi mo", si Tyron na animo concern na concern kung kayat nakaramdam siya ng kilig kahit kanikanina lang ay parang pinipiga ang dibdib. Hindi man niya aminin ngunit naglight up bigla ang kanyang mga mata.

" Nakaclosed lang talaga yun. Nasa vacation ako, ayokong maistress.", saad niyang nakatawa ng abot sa kanyang mga mata at tumawa rin iyon ng mahina.

" I missed you!", seryosong pahayag ni Tyron habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. Sa tinuran nito ay natigilan ang dalaga sa kanyang pagtawa, ikiniling ang ulo ngunit unti unti ay kumawala ang pinakamatamis niyang ngiti. Kung nakilig siya kanina, ngayon naman ay sobrang kilig na kilig na siya. Kung wala lang siguro sila sa public place siguradong nahalikan at nayakap na niya ito. Nagsettle na lamang siya sa paggagap sa kamay ng binata at dinama ang mainit nitong mga palad.

" We're done!", hindi pa man nakakalapit si Alex ay tinawag na ang kanilang pansin habang pakembot kembot na palapit sa kinaroroonan nila.

Agad namang binawi ni Arabella ang kamay mula sa pagkakawahak ni Tyron ay pasimpleng itinago ito sa bulsa ng kanyang dress. Halatang nabigla si Tyron sa kaniyang ginawa dahil napatingin pa ito sa kanya subalit tumayo si Arabella para salubungin ang kaibigan.

Napakunot siya ng noo nang makita ang sangkaterbang paper bags na hawak nito.

" Binayaram mo nalang sana lahat ng paninda dito", si Tyron sa kapatid ng makita ang napakaraming paper bags na dala dala.

Sa halip ay tumawa si Alex sa turan ng kapatid iniabot ang card nito.

" Got it all, thank you brother", nakangising pahayag ni Alex sa kapatid subalit natatawang umiling iling lamang si Tyron sa trip ng kapatid.

" Let's go? gutom na ako, ilibre mo kami", paglalambing ni Alex at pabirong napakamot sa ulo ang kapatid lalo na nang ibigay nito ang napakaraming paper bags para ito ang magbuhat.

Hindi tuloy mapakali si Arabella hilahin siya ni Alex upang mauna na sa paglabas. Lihim pa niyang sinulyapan ang binata na nagmukhang kargador sa mga pinamili ng kanyang kapatid.

" Bitbitin naman natin yung iba, nagmukha na siyang kargador", pasimpleng turan niya kay Alex ngunit nagkibit lamang iyon, saka mas lalo pa siyang hinila patalikod sa binata.

Naawa tuloy siya sa binata, sa itsura nito hindi mo mapagkakamalang CEO ito sa isang multinational company.

" hoy CEO yun, ginawa mong alalay!", saad pa niya dito.

" Walang CEO CEO dito, wala siya sa Pilipinas", matigas pa ring saad ni Alex kung kayat wala na siyang nagawa kundi lihin ma sulyapan si Tyron na nakasunod sa kanila.

" Akin na yung iba", hindi mapakali si Arabella kung kayat tumabi siya sa binata at pilit kinuha ang ilan nitong dala nang makarating sila sa wine store.

Si Alex ang pumipili ng wine para kay Ginoong Alegre kung kayat nakahulagpos siya sa pagkakahawak nito habang sila ay naglalakad.

Agad namang ibinigay ni Tyron ang ilang bitbit sa kabilang kamay, nagulat siya dahil napakagaan nga ang mga iyon. Napataas pa nang kilay si Alex nang makita ang kanyang bitbit ngunit pinagkibitan na lamang niya ito ng balikat.

Papunta na sila sa restaurant nang tumabi si Tyron sa dalaga at pasimpleng hinagilap ang kanyang kaliwang kamay. Nagulat siya ngunit nagkibit iyon saka inilock ang mga daliri niya sa mga daliri nito. Magkaholding hands tuloy sila habang naglalakad. Nang makita iyon ni Alex ay humawak ito sa kanyang kanang braso tsaka pasimpleng hinila siya palapit dito.

Pinandilatan siya ng kapatid ngunit inisnub niya ito.

"Hmmmp!", narinig niyang angil ni Alex kung kayat napapangiti na lamang siya habang nasa pagitan ng magkapatid. Kahit malalaki na ang mga ito ay para paring mga bata kung mag asaran.

Sa isang cozy restaurant sila napadpad, favorite daw nila ang resto na iyon lalo na kapag kasama ang mga magulang. Tuwang tuwa pa si Alex habang kumukuha ng selfies nilang tatlo.

Pagkatapos nilang kumain ay nagtalo pa ang magkapatid kung kanino sasama si Arabella.

' Ara lets get some food, kainin natin mamaya sa suite", masayang pahayag ni Alex habang tumingin tingin ulit sa mga menus.

"Just get your own, uwi kami sa suite namin.", agad na entra ni Tyron habang nakakunot noo sa kapatid.

"Really? eh anong ibig sabihin nito?", si Alex sa kapatid sa iwinagayway ang cellphone dito.

" Si Samantha mo kanina pa naghihisterika, puntahan mo na siya", pasimangot na saad sa kapatid.

Agad namang kinuha ni Tyron ang cp ng kapatid ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay parang dismayadong ibinalik ito sa kapatid. Tinignan niya ang kanina pang walang imik na si Arabella ngunit ngumiti iyon saka tumango sa kanya. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito ngunit usual na ganon ang reaction ni Arabella everytime na kailangan niyang umalis. Never itong nagdisagree instead she always show kind and understanding gesture. Nacucurious tuloy siya kung nakakaramdam ba ito ng pagkadismaya everytime na bigla bigla nalang siyang nawawala at sumusulpot.

" Go! baka mag iiyak yon kung hindi ka pa darating", untag ni Alex sa kanya kung kayat wala siyang nagawa kundi tumayo at isuot ang nooy tinanggal na coat.

Ngunit bago siya umalis ay hinarap niy si Arabella saka ginagap ang mga kamay nito. Her hand is so warm na kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang nakahawak lang dito dahil sa calmness na hatid nito sa kanyang buong katawan. He felt her uneasiness, ewan niya kung dahil nandiyan ang bestfriend nito or shes fighting something inside her. Nayakap niya tuloy ang dalaga ng wala sa oras. Ewan ba niya parang bigla siyang nasaktan para dito at wala siyang pakialam kung lumaki pati ang mata ng kapatid sa ginawi.

" Its alright, andito naman si Alex", mahinahong pahayag ni Arabella sa binata habang pagkaingat ingatan niyang huwag pumiyok dahil sa pilit niyang ikinukubling bigat ng loob. Matagal na niyang ikinundisyon ang sarili na wala siya sa listahan para sa mga priorities nito ngunit bat parang bumabara pa rin ang kirot sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang lalamunan. She wanted to cry but she nod and smile instead, ngunit nagulat siya nga biglang hawakan ni Tyron ang kanyang mukha and sealed her lips.

" I'll be back shortly", turan nito pagkatapos bago tumalikod at tinungo ang pinto.

" Take your time!", mula sa namumulang mukha ay sambit niya sa binata bago pa man ito lumayo sa kanila. Ginulo lang din nito ang buhok ng kapatid na mukhang nalulon ang dila dahil sa ginawa nito sa kanya.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C21
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ