ดาวน์โหลดแอป
42.85% Chase and Jade / Chapter 3: Kabanata 3

บท 3: Kabanata 3

"Chase..Chase" bulong ni Francis sa akin habang nakatalikod akong naka higa sa kama. "Chase gising na bro, kailangan mo nang bumangon," pilit niya sakin habang niyugyog ang balikat ko. Ang hindi alam ni Francis ay gising na ako nung pumasok na siya sa aking kwarto, at alam kong aasarin niya lang ako kaya nagtutulog-tulugan nalang  ako. "Today is your wedding, remember?" bulong niya ulit sa akin.

Bigla akong namulat at dali-dali kong inangat ang aking kamay para kunin ang cellphone sa ibabaw ng lamesa, katabi ng kamang hinihigaan ko. Tinignan ko kung anong oras na,7:06 na pala nang umaga at tinignan ko rin kung nag message na ba sakin si kuya, ilang araw nang nakalipas ay hindi ko parin siya ma kontak at wala paring tawag o ni text man lang galing sa kanya, at hindi ko mawari kung bakit. Sumimangot ako at ibinalik ang cellpone at agad namang bumalik sa paghiga sabay ipinikit ang aking mga mata.

"Francis naman maaga pa, my wedding is 10:30 am, kaya pwede ba," I mumbled. Kumuha siya nang unan at ibinato sa akin kaya agad naman akong napatingin sa kanya. "sira ka ba! anong oras kaba babangon, 11am? ba't ka kasi  nag lasing kagabi, alam mo namang ngayong araw ang kasal mo, di ba?..o, sinadya mo lang talaga?" tanong niya sakin habang nakatayo at naka pamaywang sa harap ko. 

"alam mo bang ako ang naghatid sayo pauwi? kung hindi ako tinawagan ni James kagabi siguradong malaking gulo na naman ito at sukdulan na naman ang galit ng daddy mo sayo, as if you can run away from this wedding," sabi niya sakin na may kunting simangot sa kanyang mukha.

Bumangon ako at sumandal muna sa duluhan ng kama. Tinignan ko si Francis sa ulo hanggang paa at na pangisi ako sa porma nito. "wow naman bro, ganda ng damit mo ah, ba't di nalang kaya ikaw ang magpakasal," biro ko sa kanya. "..huh?" sagot naman niya sakin habang magkasalubong ang mga kilay nito. "sa porma mo, parang ikaw tong ikakasal, ah!" sabi ko sa kanya habang pinipigilan kong tumawa.  "hahaha!.." tumawa siya saglit at biglang naging seryoso ang mukha nito. "wether you like it or not, ikakasal ka parin, kaya bumangon kana diyan dahil kailangan mo nang maghanda, bilis!" pilit nito sa akin at binigyan ko siya nang hindi ka aya-aya na tingin.

Simple lang ang magiging kasal namin at limitado din ang mga taong magiging saksi sa kasal, ayon sa pagkakarinig ko galing mismo kay dad nung minsan ko siyang marinig tungkol sa magiging kasal namin ni Jade.

It was all dad's plan, ni hindi niya ko tinanong kung sang ayon ba ako dito o hindi, at hindi ko rin alam kung sang ayon  din ba si Jade tungkol dito. Siguradong napipilitan lang si Jade sa lahat ng ito, sino ba naman ang gustong magpakasal sa taong kagaya ko, na isa lang daw ang gusto sa isang babae, ni hindi naman nila alam kung ano talagang nangyari, kagaya nalang ni dad na kulang nalang ay itaboy ako palayo.

Dalawang oras nang nakalipas at handa na ako para sa wedding ceremony. Naka suot ako ng kulay gray na Toxido at pang ilalim na bagay na bagay dito. Maayos ang pagkagawa ng buhok ko na para bang perfect na ang lahat according sa plano ni dad. Nandito narin kami sa simbahan kasama si Francis at ang mga magulang niya na si Mr. Ray at Mrs. Ray. Sila lang ang magiging bisita namin at wala ng iba bukod ky daddy at sa uncle ni Jade na magiging saksi sa kasal namin. 

Tingin ako nang tingin sa aking relo kung anong oras na. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang kasal, nagbabakasakali akong dumating si kuya. Siguradong alam niya na ngayong araw ang kasal ko at dapat nandito siya para sa akin, kahit hindi ito ang kasal na inaasahan namin. Sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone ngunit hindi ito ma kontak. Iniisip ko nalang na busy siya sa kanyang trabaho, pero nag-aalala  narin ako sa kanya dahil ngayon lang siya naging ganito, namaging malamig sa akin. May kinalaman ba kaya 'to sa sinabi ni dad sa akin.

Noong hindi pa nangyari ang lahat ng 'to ay madalas niya kong tinatawagan malayo man siya o malapit, ni kailan ay hindi ito nakalimot kamustahin ako. Madalas kasi siyang wala sa bahay dahil sa kanyang trabaho. Isa kasi siyang Traveling psychiatrist na madalas na dedestino sa malayo. Pero hindi ito hadlang sa aming dalawang magkapatid ,dahil maalalahanin si kuya at lagi niyang pinaparamdam sakin na kung gaano ako ka importante sa kanya at ramdam ko rin ang pagmamahal niya sakin, na kahit kailan ay hindi ipinaramdam ni dad sa akin.

Nakatayo na ako malapit sa Pari at naghihintay na sa babaeng pakakasalan ko. Dumating si dad at tumabi sa akin. "umayos ka, huwag na huwag kang magtangkang guluhin itong kasal mo, sinasabi ko sayo...huwag mo kong subukan," bulong nito sa akin. I just rolled my eyes to what he just said. Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin, "what?" tanong niya sabay kunot ng kanyang kilay. "...darating ba si kuya?" tanong ko sa kanya. Hindi ito  sumagot binigyan niya lang ako nang hindi magandang impresyon sa mukha. "dad, hindi kaba nagaalala kay kuya?, he's not answering my calls at ngayon hindi ko na siya ma kontak," lakas loob kong tinanong sa kanya. 

"nag-aaala ka sa kanya?, sa tingin mo ano kaya ang dahilan?" tanong nito sakin habang nanlilisik ang mga mata nito. Nagtaka ako sa itinanong niya, bakit kaya? may nagawa ba akong mali kay kuya dahil ba ito sa nagawa ko kaya ayaw niya akong makausap, pero bakit?, tanong ko sa sarili ko na naguguluhan. 

"huwag munang intindihin ang kuya mo, ang isipin mo ang kasal mo ngayon," anya nito sa akin. "but dad.." pilit ko sa kanya. "he's just busy, okay? tumigil kana!" galit na bulong nito sa akin. Hindi ako sang ayon sa sinabi ni dad na busy lang si kuya sa trabaho niya, alam kong mahalaga kay kuya ang trabaho niya, pero ikakasal nako ngayon, hindi man lang niya ba ako e-congratulate man lang. Alam kong may itinatago si dad sa akin at ayaw niya lang sabihin. Kung ano man ito ay kailangan kong malaman kung kaugnay ba ito kay Jade o hindi.

Dumating na ang oras para simulan na ang kasal. Tumayo narin ang pamilyang Ray para saksihan at bigyan ng blessing ang kasal namin ni Jade. Hindi ko na malayan na nagsisimula na pala ang kasal sapagkat malayo ang iniisip ko. Hindi ko rin na malayan na dumating na si Jade kasama ang kanyang uncle na tumayo bilang ama nito sa kanya. Nagulat nalang ako bigla kung bakit nanlalaki ang mga mata nila, hanggang sa nakita ko na si Jade papalapit sa akin.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ