ดาวน์โหลดแอป
36.36% Cassanova's Guardian / Chapter 4: Chapter 4

บท 4: Chapter 4

Hindi nya kaagad nakita  ang sumipa sa lalaki dahil sa madilim ang lugar. tinignan nyang mabuti kung sino ang taong yun, at walang iba kundi si Ysabelle. Magre-react palang sana sya ng tumayo ang lalake. natakot sya para kay Ysabelle malaki ang katawan at matangkad ang lalake para itong bouncer sa laki ng katawan nito. . 

"Miss hindi ako pumapatol sa Babae, if I were you wag ka ng makialam" pananakot ng lalaki dito. 

Tinignan nya si Ysabelle pero walang reaction ang mukha nito ni wala man lang bahid ng takot. nakita nya ang pagnigisi ng babae at itinaas nito ang kamay na akala mo ay nagaaya ng away, nag igting ang panga ng lalake. 

"Ang yabang mong Babae ka! " sigaw ng lalaki.

Mabilis na sumugod ang lalaki, at agad din namang nakaiwas si Ysabelle sa suntok nito, siniko nya ang likod ng lalaki at napadaing ito, nginisian ulit ni Ysabelle Ang lalaki kaya mas gigil na gigil ang lalaki na saktan si Ysabelle,hindi niya alam kung aawat ba siya sa dalawa o panoorin na lang ang nangyayari, sumugod ulit ang lalaki pero sinalag ni Ysabelle gamit ang braso ang suntok nito, sinipa ni Ysabelle ang tiyan ng lalaki at napa-aray ang lalaki, pero hindi pa dun nagtapos, pagsipa ni Ysabelle sa tiyan nito ay siya namang pagsapak nya sa mukha ng lalaki , bumagsak ang lalaki sa sahig. Hindi kaagad nakatayo ang lalaki dahil sa tingin nya ay nahilo ito. Tumalikod na si Ysabelle at tutulungan sana syang tumayo pero nakita nya ang pagtayo ng lalaki at kumuha ng bote ng alak, ihahampas nya sana kay Ysabelle ang alak.

"Ysabelleeeeee" sigaw niya dito, mabilis syang tumayo at hahatakin sana nya si Ysabelle pero mabilis itong humarap sa lalake. mabilis ang naging galaw ni Ysabelle at sinipa ito sa tyan, pagkatapos ay binigyan niya ng uppercut ang lalaki. Bumagsak ulit ang lalake, sakto naman ang dating ng mga guards sa Club, hindi sya makapaniwala na sa payat ng Babae ay magaling pala talaga itong makipaglaban. 

"Are you okay Sir?" tanong sa kanya ni Ysabelle, She's amazing sa isip isip nya, sa laki ng katawan ng lalaki ay napatumba niya yun. sasagot sana sya ng lumapit ang mga Guard sa kanya. 

"Sir anong gagawin namin dito?" tanong ng Guard sa kanya.Nag-Igting ang panga nya at naramdaman na naman nya ang sakit ng sapak nito sa kanya, kinwelyuhan nya ang lalaki , tinignan naman sya ng masama nito. 

"Who are you? and why did you punch me?!" Tanong niya sa lalaki . nagulat sya ng biglang pumagitna sa kanila ang babaeng kahalikan nya kanina. 

"I'm really sorry Arthur, are you alright?" worried na tanong ng babae. 

"Why are you sorry to him? hindi ba dapat ay sa akin ka nag so-sorry because you cheated on me!" sigaw ng lalake, So she was a cheater?. 

"Anong sabi mo? cheater ako?! FYI ikaw ang unang nagloko sa ating dalawa! ang kapal ng mukha mo!" She's mad at hindi na mapigilan ang sarili at pinaghahampas ng Babae ang Lalaki. mabilis namang umawat ang mga guard sa Club at pinaglayo sila. 

After noon ay na-settle din naman agad. Nag sorry ang lalake sa kanya at pati na din kay Ysabelle, hindi lang nya sure kung magkakabalikan pa ang dalawang yun. basta ang alam nya ang sakit ng sapak sa kanya.

"Are you alright?" Aniya kay Ysabelle, hinawakan nya ang kamay nito. Namumula ang mga kamay nya, nagulat siya ng biglang agawin nito ang kamay na akala mo ay nakuryente ito. 

"I'm okay Sir" malamig na sabi nito sa kanya, tinignan nya ulit ang kamay nitong namumul, kahit sandali lang nya nahawakan ang kamay nito ay naramdaman nya malambot malambot na kamay nito. 

"Let's go" aniya, sumunod naman ito sa kanya, He drove his car. Nakasunod sa kanya si Ysabelle naisipan nyang bilan ito ng Band Aid para sa kamay nito, nakita nya na may konting sugat yun. May nakita syang malapit na pharmacy kaya naman  inihinto nya ang kotse nya, tumigil din ang minamanehong kotse ni Ysabelle. Pumasok sya at nasa likod nya si Ysabelle, medyo uncomfortable sya dahil pinagtitinginan sila ng mga taong bumibili sa Pharmacy, ang suot nya ay pangclub ang suot namn ni Ysabelle ay Suit. napangisi sya, Naisipan niyang pagtripan ang Bodyguard nya, gusto nyang malaman kung anong reaksyon ng Babae kapag nagdikit ang katawan nila. 

"Ysabelle come here" aya nya dito, Tahimik na sumunod naman ito sa kanya. 

"Huwag mong tanggalin ang kamay ko or else" babala nya dito, nagtaka naman ito at napakunot ang noo. Mabilis nyang inakbayan si Ysabelle, ang sumunod na nangyare ay hindi sya makapaniwala, bigla nalang nyang naramdaman ang sahig na inaapakan lang nya kanina,  walang kahirap hirap syang naihiga sa sahig ng babae. 

"What the f*ck" gulat na sabi nya. Napangiwi sya dahil sa sakit dulot ng ginawa ng babae. 

"I'm sorry Sir, nabigla lang ako" mahinahong sabi nito, iniabot nito ang kamay para tulungan syang makatayo, inabot niya ang kamay nito. Napa-aray sya ng makatayo, sumakit ang balakang nya sa ginawa nito pati ang likod nya. 

"Ouchhh, ang sakit ng balakang ko" Daing nya dito, tinaasan lang sya ng kilay nito na akala mo ay sinasabi nyang 'kasalanan mo kung bakit sumakit yan' ganyan ang nakita nyang rumehistro sa mukha nito. 

Ang mga tao sa Pharmacy ay na-shock din, tumingin na lang siya sa mga ito, piling niya ay nakilala siya ng mga tao doon, bigla syang nahiya sa ginawa nya, samantalang ang babae ay walang reaksyon. 

"*ehem* Ysabelle ikaw nalang ang bumili ng Bandaid at Ointment" binigyan lamang nya ng pambili ang babae at mabilis siyang lumabas at pumunta sa kotse nya, pambihirang babae yun, hindi talaga sya na kung sino lang na babae, ang ganda at lakas nito ay talagang na-amaze siya, bigla tuloy siyang na challenge dito, unang araw palang ng pagkikita nila ay nakita nya na trabaho lang talaga ang pinunta ni Ysabelle, ni wala manlang bahid ng paghanga ng makita siya nito, samantalang ang ibang babae ay nagkakandarapa makasama lang sya, pero hindi sya makakapayag lahat ng Babae ay nagkakagusto sa kanya pero bakit hindi ang babaeng yun? o baka naman tinatago lang nito pero attracted na pala sa kanya. 

Nang makauwi sila ay nagulat ang Manang nya dahil maaga syang nakauwi at bigla itong nagaalala ng makitang may sugat sya sa labi. 

"Anong nangyari sayo anak? sinong gumawa nyan sayo? halika at gamutin natin" saad nito, mabilis siyang umiling at sinabing sya nalang ang gagamot pero ang totoo ay may naisip sya. 

"Ako na Manang, ok lang ho ako salamat po kay Ysabelle" aniya. salamat kung di dahil sa kanya ay sanay hindi masakit ang balakang at likod nya, dinagdagan pa nito ang sakit ng katawan nya. 

"Hayy nako Bata ka, Salamat Ysabelle ha, magpasensyahan mo na ang batang to, unang araw mo palang ay mukhang binigyan ka na agad ng problema" Manang said, nakita naman nyang ngumiti si Ysabelle sa Manang nya. Nagulat sya sa pag ngiti nito kay Manang, pag sa kanya ay sobrang seryoso nito at walang emosyon pero pagdating kay Manang ay ngumingiti ito. Anong problema ng babaeng to sa kanya?. 

"Okay lang, that's my job to protect him" saad nito, hindi nya mapigilan na mapatitig sa ngiti nito,  nang makita nitong nakatitig sya ay nawala agad ang ngiti sa labi nito. 

"Ngumingiti ka naman pala" Sabi nya dito, Nagpaalam na sya sa Manang nyang aakyat na at gagamutin ang sugat pero ang totoo ay si Ysabelle talaga ang gustong nyang gumamot dito, napangisi sya sa naisip. He intends to seduce Ysabelle, , wala namang nakakahindi sa taglay niyang kagwapuhan, kaya tignan natin Ysabelle kung hanggang saan ang pagiging Cold mo. 

Nang makaakyat sila at pumasok sya sa kwarto nya, sinabi nya kay Ysabelle na maghintay sa labas. When he entered to his room, he immediately went to the Bathroom. Habang naliligo ay hindi mawala ang ngiti sa labi nya. 'Humanda ka Ysabelle ngayon mo makikita ang Alindog ng Isang Arthur Jake Gamboa' sa isip isip nya.  After maligo ay lumabas sya ng Topless tinignan nya muna ang sarili sa salamin. Nang makontento sya sa kanyang kagwapuhan ay tinawag nya si Ysabelle. 

"Ysabelleeeeee" Sigaw nya, hindi naman sumagot ang babae sa labas, He wondered kung bakit hindi pa ito pumapasok sa kwarto, mabilis nyang binuksan ang kwarto at halos atakihin siya sa puso, When he opened the door, Ysabelle was there and they were both shocked. halos magkadikit sila ng labi dahil sa sobrang lapit nya dito. 

***

A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ