Habang sila ay naglalakad papuntang Baganhi ay biglang sumulpot mula sa ere ang isang grupo ng mga bandido, bale mga 7 o 8 katao sila.
Ibigay nyo ang inyong mga armas, baluti at mga hiyas sa katawan kung ayaw nyong masaktan. Pati pagkain at mga dala nyong kalakal.
Bago pa man ilabas ng mga kawal ang kanilang espada ay sinenyasan sila ng hari na huwag at sumunod na lang kaya kanilang unti-unting hinuhubad ang alahas, baluti at inaalis ang armas.
Nang akmang hinuhubad na ang lahat ang kanilang mga gamit napansin ng isa sa kanila na ang prinsesang inaantay nila ay kasama ng mga iyon.
Pagkakuha natin ng gamit nila ay lumayas na tayo dahil kasama nya ang ating prinsesa si Prinsesa Adlawan, marahil bihag nila ito.
Sumagot ang hari...di namin bihag ang inyong prinsesa Reyna ko sya at ako nga pala ang hari nya.
Nagtawanan ang mga bandido...
Mga hangal sabi ni Suyong di nyo ba alam hari sya ng kaharian ng Dalhaebyeol!
Ha? Ano! Dagliang nagsiluhod at humingi ng tawad ang mga bandido.
Kung ganon bilang patunay ng inyong paggalang ipakita nyo sa amin ang daan patungong Baganhi.
Masusunod kamahalan...kinakabahang sagot habang nagtitinginan sa isa't isa.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ang mga ito sa labas ng Baganhi at doon ay nagkampo ang mga tagaKalikasan.
...
Datu ano po yaong nasaisip nyo?
Si Adlawan at ika ang sitwasyon natin, makakain ng lahat at pangaraw-araw na pangangailangan.
Tunay nga kamahalan...
...di pa man tapos magusap ay pumasok na agad ang balitang...ì
Kamahalan, narito na po ang inyong anak.
Si, si...Adlawan?
Syang tunay. Kasama ang ilang bandido natin at ang 10 kawal pati si Suyong.
Oh, si Suyong kasama nila?
Opo!
Mainam, mainam!
Lumabas agad ang Raja upsng salubungin sila.
...
Hinanap agad ni Adlawan ang ama...
Ama!
Oh, Adlawan yaong ganda mo'y di kumukupas. 50 taong gulang ka na ngunit maganda ka pa rin.
Tulad mo ama, 80 taong gulang ka na ngunit di kumukupas yaong iyong kakisigan.
...nagtawanan lang sila.
May naglabas ng alak at napansin ito ni Suyong...
Manayon itago mo muna ang yong alak di ito ang tamang panahon upang tayo ay magsaya. Tandaan nyo nasagitna tayo ng isang digmaan laban sa mga dayuhang Espanyol.
Syang tunay, tugon ng Raja.
Itago nyo muna ang mga inuming nakalalasing.
Imbis na tayo'y magsaya aa aming pagdating. bakit di natin ihanda ang ating sarili upang maging handa sa naturang digmaang ating kahaharapin.
Mabuti pa nga!~tugon ng mga tao, sabay usap-usap para sa pagpaplano hinggil sa naturang digmaan.
Anong plano nyo ama nakainkwentro na namin ang mga Espanyol, ikinalulungkot lo pong ibalita na si ninong ay yumao na.
Gayon ba, paano mo nalaman, anak?
Dahil inatake nya kami kanina, tapos nagkakwentuhan kami hanggang sa pagdaong siya at ang lahat niyang mga tauhan ay namatay gayun din ang aming kasamahan, kung di lang dahil sa ikalawang barko na kasamahan namin na dumaong na huli ay marahil bihag nila kami ngayon.
Kung gayon dapat natin silang bigyang parangal sa kanilang katapangan.
Syang tunay ngunit pagkatapos na ng digmaan.
Oo, anak.
...