ดาวน์โหลดแอป
70.73% THE REJECTED WIFE / Chapter 28: CHAPTER 28: WHY DON'T YOU MARRY ME?

บท 28: CHAPTER 28: WHY DON'T YOU MARRY ME?

Pagkalabas ko sa beach house ay agad akong pumunta sa pwesto nina Lieutenant Arla na ngayon ay prenteng nakaupo sa upuan sa ilalim ng malaking hut. Kasama niya si Captain Xu at naguusap sila ng masinsinan. Seryoso silang dalawa pero syempre mas gusto ko namang tumambay dito kesa doon kay Eisha na nanggugulo lamang sa mga nagluluto. Si Captain Masashi naman ay nasa labas na din sa wakas at ngayon nga ay tumutulong na din kina Lieutenant Leigh na nagluluto. Pero nakaguhit sa mukha niya na ayaw niya tumulong. Talagang papatay lang talaga ang mga kasama niya kapag tumanggi siya.

Nang makalapit naman ako ay agad akong bumati kaya pareho silang napalingon sa akin at ngumiti.

"Oh, Nyssa! Bagay na bagay sayo ang suot mo." Nakangising puri ni Captain Xu. Ngumiti naman ako at pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko ng konti.

"Salamat?" Awkward kong sagot saka umupo sa bakanteng upuan. "Mukhang seryoso kayo kanina dito ah. Medyo mainit ang panahon at baka lalo kayong maging hot niyan. Pati ang ulo niyo ay iinit din." Sambit ko saka ngumiti.

"Ahahaha! Tama ka naman dyan. Pero tungkol lang naman iyon sa mga bagay na syempre...sekreto namin yun." Tumawa lang si Captain Xu at ngumisi naman ako. Alam ko naman iyon.

"Siya nga pala, narinig ko ang tungkol doon sa lote na gusto niyo sanang bilhin sa pamilya ni Captain Zeid. Kahit pumuti ang uwak ay hindi niyo mabibili sa kanila iyon. Lalo pa't narinig kong ibibigay na daw iyon kay Captain. Hindi ba't pagagawan niya iyon ng bahay?" Sabi ni Lieutenant Arla saka tumingin kay Captain Xu para kumumpirma. Tumango naman si Captain Xu saka ngumisi.

"Mukhang balak humiwalay sa bahay nila. Tingin niyo, mamamahay na ba yan ng babae?" Natatawang tanong ni Captain Xu.

"Imposible naman yata yun. Unless, ipakasal na naman siya kay Aina. Bakit nga pala hindi natuloy ang kasal nila?" Curious na tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa saka lumapit ng kaunti sa mesa. Lumapit din ako at mahinang nagsalita si Lieutenant Arla.

"Sa totoo lang hindi namin alam. Pero kung ako ang tatanungin niyo, may kinalaman ito sa nangyare sa hall. Hindi ba nakita ka nila?" Aniya saka tumingin sa akin. Napakurap naman ako at itinuro ang sarili ko. Tumango siya saka nagpatuloy. "Alam kong nalaman mo na ang tungkol sa dati niyang asawa na kamukhang kamukha mo. Walang palya. Kaya naman kung nakita ka nila, mag do doubt sila. Bakit nandoon ka-- Si Mira? At iyong sinabi ba ng mga Chen sa Hong Clan ay isang kasinungalingan lamang? Madaming posibilidad. Pero wala talaga akong alam sa rason." Aniya saka sumandal na sa upuan. Umayos na din kami ng upo ni Captain Xu.

"May punto ka naman." Sabi ko na lang.

Hindi malabo na ako nga ang maging rason. Pero maaari ding naisip nila na masyadong delikado sa puder ng Chen Clan kaya pinostpone ang kasal o hininto. Kasi diba noong time ng kasal nila ay nagkaroon ng gulo?

Hayys pero hindi ko na din naman iyon problema. Bahala na sila doon. Huwag lamang nila akong idawit sa problema nila..

Sana nga'y wag akong madawit.

"Tara! Maligo na tayo!" Sigaw ni Eisha saka tumakbo papunta sa dagat. Napatingin ako sa langit. Medyo tirik ang araw. Maganda nga maligo. Pero good luck na lamang sa balat naming masusunog.

Tumayo na ako saka tinignan sina Captain Xu. Umiling naman sila at sinabi na mamaya na sila maliligo. Kaya naman ako na lamang ang naglakad papunta sa dagat at lumangoy langoy. Pinuntahan ako ni Eisha saka Leigh at sabay sabay kaming lumangoy langoy. Sumali din ako sa paglalaro nila. Kahit sa totoo lang hindi ko naman hilig to. Nadadala lang ako sa kanila. Maya maya pa ay tumakbo papunta sa amin si Ren at inabutan kami ng barbecue.

"Yan ang gusto ko sayo, Ren!" Puri ni Eisha saka silang dalawa naman ang naghabulan ni Ren dahil kinuha ni Eisha ang barbecue ni Ren.

Napailing na lamang kami ni Leigh saka natawa.

Napadako naman ang tingin ko sa kabilang hut na medyo may kalayuan sa hut kung nasaan sina Lieutenant Arla. Nandoon si Zeid at nakikipag usap kay Captain Kei. Sa may malilim na parte naman ay nagluluto sina Captain Masashi at Captain Kaito na pareho ng pinagpapawisan. Nakahubad na sila ng pang itaas at naka trunks na lamang.

Natawa naman ako.

Matapos naman ang pagliligo namin nina Leigh ay umalis na kami sa dagat. Naghintay lamang kami na matapos lutuin ang ibang pagkain saka tumulong sa paghahanda ng pagkain sa mahabang mesa. Ilang minuto pa ang natapos namin ang paghahanda bago kami sabay sabay na kumain.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. I mean, sila pala. Kasi kumakain ako ng maayos dito hahaha!

Ngayon ko lamang napansin na katapat ko pala si Zeid. Tahimik lang siyang kumakain. Pero maya maya ay napansin kong napahinto siya at napatitig sa pagkain niya. Napasilip din ako at nakita ang carrots. Allergic siya sa carrots.

Napakurap naman ako at kinuha ang carrots mula sa plato niya at kinain iyon.

"Favorite ko ang carrots. Kung ayaw mo ng carrots, ibigay mo na lang sa akin." Sabi ko saka nagpatuloy na sa pagkain.

Napansin ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Nga pala, kumusta naman kayo ni Maxson?" Tanong ni Lieutenant Arla saka isinubo ang malaking meat.

Napaangat naman ako ng tingin. Lahat sila ay naghihintay ng sagot ko. Kami ni Maxson? Kakaiba ang tanong na iyon ah.

"Ayos lang naman kami. Medyo naging busy nitong mga nakaraang araw." Sagot ko.

Napangisi naman si Lieutenant Ren na parang may binabalak.

"Talaga? Edi wala na kayong time para sa isa't isa?"

Huh? Huh?!

Nakita ko ang cold na tingin sa akin ni Zeid. Problema nito?

"Hindi naman kami magkasintahan para dapat na magkaroon ng oras para sa isa't isa. Isa pa, madami kaming pinoproblema." Sagot ko.

Kahit na babae lang siguro ang problema ni Maxson.

Biniro biro pa nila ako. Maging ang ibang mga Captain. Natatawa na lamang ako sa pinagsasabi nila. Kahit alam ko naman na alam na nila ang boundaries namin ni Maxson ay binibiro pa din nila ako.

"Why don't you marry him?" Biglang tanong ni Zeid saka inangat ang isang kilay. Seryoso ang mukha niya.

Problema niya?

At bakit ko naman gagawin iyon?!

"No, thank you. Hanggang magkaibigan lang talaga kami ni Maxson. That's it." Sagot ko saka ngumisi na parang nang aasar. "You. Why don't you marry me?"

Sabay sabay na nabilaukan ang mga kasama namin sa tanong ko. Para naman kaming nag contest sa titigan nitong si Zeid. Parang anytime ay makakapatay siya kung tumitig pero hindi naman ako nagpapatinag, ano.

"Why would I marry you?" Para bang nanghahamon niyang tanong.

Natawa naman ako.

"Of course. You hate me." Bigla ko na lang nasabi. Para bang nagbago ang ekspresyon niya. Iwinasiwas ko ang kamay ko ng marealized ang sinabi ko. "Ang ibig kong sabihin, hindi mo type ang mga gaya ko, tama? Kaya hindi ako ang best choice."

Para bang nakahinga ako ng maluwag ng may nasabi akong palusot. Nasabi ko tuloy ang iniisip ko dati pa. Tskk!

"Buti alam mo." Ang sabi niya lang bago nagpatuloy sa pagkain. Mukhang na-angat naman ang mainit na atmosphere sa paligid at malakas na nagsalita si Lieutenant Eisha na dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon. Nagkwento siya ng kung ano ano na nagpa-aliw naman sa lahat.

Hindi ako makapaniwalang ganito na kalakas ang loob ko para magtanong ng ganoon hahaha! Well, sana lang ay huwag akong abangan ni Zeid dyan at bigla na lamang pugutan ng ulo.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C28
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ