ดาวน์โหลดแอป
76.08% DEREF / Chapter 35: DEREF CHAPTER THIRTY THREE

บท 35: DEREF CHAPTER THIRTY THREE

Joree POV

"Magkuwento ka naman, kanina ka pa ngiting-ngiti dyan." Natawa ako at hinampas yung braso ni Brianna.

"Bawal ba?" Sabi ko at sabay subo ng kanin. Nandito kase kami sa cecilia's restaurant dito sa tugawe at naga-almusal.

"Nakakapanibago lang iba na kase yang ngiting yan." Nagiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya.

"Nasan nga pala sila Caleb?" Pagiiba ko ng usapan.

"Nag chat sila sa 'kin kanina, nasa game room daw sila." Napatango-tango ako dahil sa sinabi nya. Habang nagaalmusal hindi ko maiwasang magpalinga-linga dito sa loob ng restaurant dahil may hinahanap ako.

"Diba kasama mo sya, bakit mo sya hinahanap?" Napaharap ako sa kanya dahil dun.

"Pag gising ko kase kanina wala na sya sa tabi ko." Sabi ko. Sa 'n kaya sya pumunta? At hanggang ngayon hindi parin sya makita ng dalawa kong mata.

"Kaya ka pala ngiting-ngiti dahil magkatabi kayo kagabi."

O_O

Kaagad kong ininom yung tubig na inabot nya ng mabulunan ako dahil sa sinabi nya.

"W-walang nangyari sa 'min wah, pinatulog nya lang ako." Pag-amin ko sa kanya.

"Sayang." Natawa kami pareho ng sabihin nya yun.

"Nga pala anong oras tayo magsu-swimming?" Napaisip sya dahil sa tinanong ko.

"Bago magtanghali ata." Ah tanghali so may oras pa 'ko para magpaganda, enebe perekenemeng tenge! Bat ka megpapagende?! Syempre para sa kanya. Nakalimutan kong matagal na nga pala 'kong maganda, tanungin ko nga si hoodlum mamaya. ^_^

...

"Tanga tirahin mo yung otso!" Sigaw ko kay Dylan habang naglalaro ng bilyar dito sa game room kalaban nya si Caleb.

"Sanay ka na nyan?" Nag pout ako at umiling-iling, natawa naman si Brianna dahil dun.

"Gusto kong matuto kaso walang nagtuturo sa 'kin tyaka diba nga mahirap akong turuan." Seryoso kong sabi.

"Diba tinuruan ka ni Dylan?" Natawa sya ng ngumiwi ako.

"Wala syang kwenta magturo, tyaka ambigat-bigat nung bola tas pagdating sa 'kin tumatalbog yun na parang bola ng jackstone." Natawa naman sila dahil dun. Napatingin kami sa pintuan ng makarinig kami ng tawanan, nagulat ako ng isa-isang magsipasukan yung mga kaibigan ni hoodlum.

"Hindi ako sanay nyan, pero kaya kong ibato yung bola sa muka mo." Rinig naming sabi nung magandang babae.

"Ariza basta isunod mo yung puso mo ibato sa 'kin." Nagtawanan sila dahil dun.

Kating-kati na 'kong makita si hoodlum pero ganun na lang yung dismaya ko, dahil hindi nya kasama yung mga kaibigan nyang pumasok dito. Tinalikuran ko sila at nag cross arm dahil sa inis. Nasan na naman nagsuot yun?

"Jairus turuan mo 'ko, gusto kong matuto nyan." Parang pumalakpak yung tenga ko dahil sa narinig ko. Dahan-dahan akong humarap sa direksyon na 'yun at nakita kong magkasama si...

Hoodlum at Hazel at kakapasok lang nila dito sa game room. Nagsisimula ng kumulo yung dugo ko at inaantay ko na lang ang pagbulusok nito.

Kaya ba sya wala sa kwarto pag gising ko dahil lumalandi sya?!

Kaya pala kanina pa kita hindi makita dahil may kasama kang iba!

Malandi kang hoodlum ka!

Sa 'kin ka kagabi tapos sa kanya ka sa umaga. Aba matindi tinamaan na ng lintek. Inagaw ko kay Dylan yung tako na ikinagulat nila. Padabog akong nag martya papunta sa puwesto ni hoodlum.

Tignan mo 'tong gunggong na 'to nagsolo pa ng billiard table at malala kasama nya pa si Hazel!

Silang dalawa lang!!!

"Hoodlum." Pagtawag ko sa kanya habang pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko.

"Bakit?" Aba bakit daw? Paluin ko kaya to ng tako o kaya dukutin ko yung mata nya tapos ipalit ko yung billiard ball!

"Pwede mo ba 'kong turuan?" Tanong ko, aba ang hayop nag-isip pa tapos tumingin kay Hazel.

Baliw neto wala dyan ang sagot, kundi sayo...

SAYO!!!

"Ayoko." Para kong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinagot nya.

Napayuko ako dahil dun at lumuluwag ang pagkakahawak nung tako, at lumikha yun ng ingay ng bumagsak 'yun sa sahig.

Pag sa kanya gusto mo?! Peste ka. Tatalikod na sana ko pero nagulat ako ng...

"Sa 'n punta?" Napataas yung kilay ko ng dahil sa tanong nya. Tinignan ko yung braso ko at...

Huminga ng pagkalalim-lalim dahil pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin, at pasimpleng inipit yung buhok ko sa gilid ng tenga ko, pa 'no nakahawak kase sya sa braso ko.

"Aalis, diba ayaw mo!" Seryoso kong sabi. Uunahin ko muna ang galit ko bago ang pa-cute.

"Oo ayoko." Ang gago inulit pa talaga. Pilit 'kong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nya pero hindi ako makawala. Aba! Tigilan mo yan! Baka bumigay ako.

"Ayoko, ayokong tanggihan ka." Napalunok ako dahil sa sinabi nya.

Wait hindi pa 'ko handa pakiulit pls! Inayos ko yung buhok ko para makita nya yung ganda ko.

"Maganda na ba 'ko?" Nakarinig ako ng mahinang tawanan sa paligid pero wala 'kong pakielam dahil inaantay ko yung sagot nya.

"Halika tuturuan na kita." Kung kanina mahinang mga tawanan ngayon parang wala ng bukas.

Pag nahuli ko kung sino yun TODAS ka.

"Tinatanong kita!" Naiinis kong sigaw sa kanya.

"Alam mo na dapat ang sagot." Sabi nya at hinila ako.

...

"Witwiw." Natawa ako dahil sa pagsipol ni Brianna.

"Ang sexy mo." Hindi na 'ko nagulat ng puriin ako ni Dylan.

"Takpan mo yung legs mo mapapaaway kami nyan." Natatawang sabi ni Caleb. Bakit? Bakit nila 'ko pinupuri? Well naka black two piece lang naman ako dahil magsu-swimming na kami. Tinignan ko si hoodlum at nakita kong...

O_O

Imbis na sya yung magulat at ngumanga dahil sa suot ko pero nabaliktad ata yung mundo. Nakasuot kase sya ng short na below the knee at naka button down polo na kulay itim tapos...

O_O

Nakabukas lahat nung butones nun, ng pasadahan ko ng tingin yun...

SHEYT NAMAN, SIX AYY HINDE EIGHT PACK ABS SYA TAPOS YUNG BICEPS NYA SA DIBDIB NA PARANG PUPUTOK DAHIL SA LAKE NUN!

Pasimple kong hinawakan yung panty ko dahil baka nalaglag na yun, laking tuwa ko ng nakasuot parin iyon sa 'kin.

Nakuha ko yung atensyon nila hoodlum at nung mga kaibigan nya ng dumaan ako na parang isang beauty queen at naupo sa tabi ni Brianna. Tinignan ko si hoodlum at kinawayan ko sya pero parang wala man lang syang pakielam.

"Jairus nandyan na si Hazel." Napatingin kaming lahat dahil dun sa tinuro nung kaibigan ni hoodlum. Napanganga sila ng makita nila si Hazel na naka red na two piece. Dahan-dahan kong ipinilig yung ulo ko papunta sa direksyon ni hoodlum... pero hindi ko maiwasang nainis dahil antagal nyang nakatingin kay Hazel tapos sa 'kin pinasadahan lang!

Napabalik ako sa huwisyo ng may kumalabit sa 'kin at ng tignan ko kung sino 'yun...

"Bakit?" Tanong ko kay Dylan, pero hindi nya 'ko sinagot at iniabot nya yung kamay nya sa 'kin. Nagdadalawang isip pa 'ko kung kukuhanin ko 'yun pero bandang huli hinawakan ko 'yun at tumayo at sabay na tumalon sa pool.

Jairus POV

"Ketchup ka ba?" Rinig naming tanong ni Raymond kay Jessel.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Jessel.

"Kase bagay ka sa hotdog ko." Sabi ni Raymond habang humahagikhik. Natawa kami ng sampalin nya si Raymond dahil dun.

"Ang sagwa nun dude, ganto kase Ariza ibon ka ba?" Tumingin naman si Ariza dahil sa tanong ni Jhared.

"Bakit?" Seryosong tanong ni Ariza.

"Kase nanggagalaiti na 'ko." Napakunot naman yung noo namin dahil dun.

Ano daw?

"Konek non!" Sigaw ni Ariza.

"Yung ibon ko nanggagalaiti na." Natawa kami ng pagsusuntukin ni Ariza si Jhared.

Kasalukuyan kaming nandito sa labas habang nanunuod ng fire dance. Kanina pagtas naming mag swimming kaninang tanghali nangisda kami malapit dito. Sila Ariza naman nagpa-spa sila Kyle naman nagpa-massage. Si Hazel naman nahilo kanina kaya nagpapahinga na sa kwarto nya.

Tinignan ko yung itaas at nakita ko yung madilim na langit at walang kabit-bi-bitwin niisa. Uulan siguro.

"Hoodlum, wala kang pick up line sa 'kin?" Natawa ako sa tinanong ni Joree.

"Hindi ako sanay nun." Sinamaan nya 'ko ng tingin dahil dun. Katabi ko kase sya sila Brianna binabantayan yung dalawa sa poolside bar.

"Bat yung mga kaibigan mo meron bat ikaw wala." Nagkibit balikat lang ako dahil dun.

"Hoodlum ka ba?" Tss. Yan na naman sya.

"Bakit?" Tanong ko. Sa lahat ng ipi-pick up nya hoodlum pa talaga.

"Anong bakit? Oo tanga." Napailing na lang ako ng tumawa-tawa sya. Napahinto sya ng hindi ako nagsalita.

"Kanina ka pa ah." Napakunot naman yung noo ko dahil sa sinabi nya.

"Inaano kita?" Nagulat ako ng makita kong kumikislap yung mga mata nya na nakatingin sa 'kin. Para bang pinipigilang umiyak.

"Kanina kaya ka umalis ng maaga sa kwarto dahil lumalandi ka tapos nung sa swimming pool pinasadahan mo lang ako ng tingin tapos pagdating kay Hazel parang ayaw mo ng ihiwalay yung paningin mo sa 'kanya!" Natawa ako dahil sa haba nung sinabi ni Joree.

Tumingin ako sa mga nagfa-fire dance at nakita ko itong sumasayaw. Tinignan ko yung sila Sealtiel pero abala sila dun sa pagbugbog dun sa limang kengkoy.

Hindi nila napapansin. Ako kanina pa 'ko naghihinala at yung paghihinala ko na 'yun ay tama. Tumayo ako at kumuha nung ginagamit nila sa pagsayaw at sinindihan ko 'yun.

"HOoOooo sasayaw yung best friend namin." Narinig ko pa yung sigawan nila pero hindi ko sila nilingon. Halatang nagulat yung limang nagfa-fire dance ng lumapit ako at iwasiwas ko yung hawak ko namay apoy. Lima silang sumasayaw. Tatlong lalaki at dalawang babae.

Nagsimula na silang kumilos!

Sealtiel POV

"HOoOooo sasayaw yung best friend namin." Napatingin kami kay master dahil sa sinigaw ni Kyle. Sanay ba sya nun? Nagsimula na syang lumapit sa mga sumasayaw at nakisali.

"Ahhh! Tulong! Putang*na!" Sigaw nung isang lalaki ng sadyain ni master na idikit sa kanya yung hawak nya at nagpagulong gulong yun dahil nagliliyab na sya. Naalarma kami ng maglabas yung isang lalaki ng baril at itutok 'yun kay master.

"Lumayo na kayo protektahan si Joree!" Sigaw ni master habang nakikipaglaban dun.

"Ako na bahala kay Joree, Ariza mauna na kayo sa loob!" Sigaw ko sa kanila, hinila nila yung limang kengkoy at sabay-sabay na pumasok sa loob.

Tumakbo ako nakita ko si Joree na...

Nakatulala habang nakatayo. Mukang hindi sya makagalaw at pinapanuod lang si master. Naramdaman kong nanginginig sya ng hilain ko sya at naglakad palayo.

"S-SI HOODLUM WAG NATING IWAN!" Napatakip sya ng tenga nya ng may pumutok na baril.

Nagmadali kaming pumasok sa loob at naglakad ng pagkabilis-bilis. Nagpalinga-linga ako at kaagad itinulak si Joree para mapaupo at kinuha ko ang pagkakataon na 'yun para kunin yung baril ko sa bewang ko at ipaputok yun sa dalawang lalaki na may hawak na baril.

Joree POV

Napahiga ako sa sahig ng itulak ako nung kaibigang babae ni hoodlum. Nanlaki yung mata ko at napatakip ng tenga dahil may binaril yung humila sa 'kin. Shit anong nangyayare?! Bakit sinusugod kami ng mga armadong lalaki?!

Sila Brianna!

Tatakbo na sana ako pero may humila sa 'kin ng tignan ko 'yun yung kaibigan lang pa lang babae ni hoodlum.

"BITAWAN MO 'KO YUNG MGA KAIBIGAN KO NASA POOL SIDE BAR PA! PUPUNTAHAN KO SILA!" Sigaw ko habang nagpupumiglas mula sa pagkakahila nya sa 'kin pero sadyang malakas tong babae na 'to!

"Nakuha na sila ng mga kaibigan ko." Pa-panong nagagawa nyang kalmado kahit nasa gantong sitwasyon kami.

Pumasok kami sa isang kwarto at nagulat ako sa nakita ko...

"Hazel." Niyakap nya 'ko at ramdam kong nanginginig din sya dahil sa takot.

"A-anong na-nangyari?!" Hindi ako makasagot dahil maski ako hindi ko alam kung anong nangyayari.

Tinignan ko yung babae at nanlaki yung mata ko ng kumportable syang nakaupo sa sofa habang nakapikit.

"Hindi tayo pwedeng tumunga-nga na lang!" Natatarantang sigaw ko sa babaeng humila sa 'kin. Napatingin kami sa pintuan ng bumukas 'yun ng pagkalakas-lakas.

"Joree!" Nanlaki yung mata ko at sinalubong sila Brianna ng mahigpit na yakap.

Nakita kong isa-isang nagsipasukan yung mga kaibigan ni hoodlum.

Inaantay kong pumasok sya pero maski anino nya hindi ko makita!

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi nung kaibigan ni hoodlum.

"WA-WALA PA SI HOODLUM HINDI PA TAYO AALIS NG WALA SYA!" Sigaw ko sa kanila pero nagulat ako ng pagbuhul-buhulin nila yung kumot dito sa kwarto.

Nang maidugtong-dugtong nila yun itinali nila sa railings ng veranda ng kwarto at ibinagsak sa baba.

"Dyan kayo bababa, bilisan nyo." O_O wtf seriously?! Nagulat kaming lahat na yung limang babaeng kaibigan ni hoodlum sabay-sabay na tumalon dun sa veranda.

Pinauna kami nung mga lalaki makababa ni Brianna.

Habang nakakapit sa kumot hindi ako tumintingin sa baba pero alam kong nagaabang yung limang babaeng kaibigan ni hoodlum.

Lumilingon-lingon pa 'ko sa likod habang tumatakbo kami papuntang sasakyan.

Isa-isa kaming nagsakayan sa bus ng marating namin 'yun.

"Yuko!" Kaagad kaming yumuko ng may sumigaw nun. Napapikit ako at napatakip ng tenga dahil sa nakabibinging ingay na nanggagaling sa baril. Napadilat ako ng tumahimik ang paligid at nakita kong medyo mausok sa paligid.

"Maupo na kayo aalis na tayo!" Sigaw ng kung sino. Naupo kami kaagad at naramdaman kong umandar yung bus.

"WALA PA SI HOODLUM!" Sigaw ko sa kanila. Tangina lang mga kaibigan nya iiwanan sya?! Nakita kong nilapitan ako ni Dylan at niyakap.

Nagulat kaming lahat ng may kumalampag na kung ano sa gilid ng bus.

"Jai sakay!" Napatingin kaagad ako at hindi ko maiwasang maluha ng makita ko syang tumatakbo at hinahabol ang sinasakyan namin.

"IHINTO NYO SASAKAY SYA!" Halos mapunit na yung ugat ko sa leeg dahil sa sigaw ko.

Nanlaki yung mga mata ko ng bumilis ang takbo nitong bus na sinasakyan namin!

Dali-dali akong dinungaw yung ulo ko sa labas nung bintana pero wala akong nakitang hoodlum.

"Wala na sya dyan, nasa bubong sya ng bus." Nanlaki yung mata ko dahil dun.

Anong ginagawa nya dun?!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C35
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ