ดาวน์โหลดแอป
73.91% DEREF / Chapter 34: DEREF CHAPTER THIRTY TWO

บท 34: DEREF CHAPTER THIRTY TWO

Jairus POV

"Hoodlum." Gulat na gulat na sabi ni Joree.

"Where is your room?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Parehas kayo ng mga kaibigan mo...

Mayayabang." Maangas na sabi ni Dylan.

"Don't worry no one can beat you." Nag-igting naman yung panga nya dahil dun.

"Sealtiel, you can sleep in the family room." Napatango naman sila dahil dun at kasamang naglakad paalis kasama yung limang kengkoy.

"Ayoko ng paulit-ulit, where's your room?" Seryoso kong sabi ilang saglit may kinuha sya sa bulsa nya at iniabot sa 'kin yung susi ng tignan ko yun nakita ko yung room number nya. Hindi na 'ko nag aksaya ng oras at nilayasan sila.

Hindi ko pa nasasabi na tinawagan ako ni miss Keilla at sinabing nandito daw si Joree para sa isang taping. Sinama ko yung deathrose at yung limang kengkoy para naman makapag relax sila at mag-enjoy man lang.

Nang nasa harapan na 'ko ng room ni Joree, sinusian ko ito at itinulak ng bahagya. Inilibot ko yung paningin ko sa loob ng kwarto at napatango-tango ako. Maganda sya pero mas maganda yung bahay ni tanda. Sakto dalawang kama para sa 'ming dalawa, nilagay ko sa closet yung dala kong bag at isinarado iyon.

Naglakad ako papuntang veranda at sumalubong sa 'kin ang sariwang simoy ng hangin, malaki talaga ang pinagkaiba ng probinsya sa manila.

Hindi ko maiwasang maalala yung mga panahong nilamon ako ng kadiliman dulot ng nangyari sa pamilya ko. Walang katapusang pagsasanay yan ang ginagawa ko. At sa lugar na 'yun tahimik ang paligid at wala kang maririnig bukod sa mga huni ng ibon at alon ng mga dagat.

Hindi ako lumingon ng marinig kong bumukas at sumarado yung pintuan ng kwarto, senyales na may pumasok.

"Hoodlum." Nilingon ko sya pagkatapos nya 'kong tawagin.

"Yu-yung nangyar-

"Wala kang dapat ipaliwanag at hindi naman yun ang pinunta ko dito." Pagputol ko ng sasabihin nya.

"Pa-pa 'no mo nga pala nalamang nandito ako?" Bahagya syang umatras ng akala nyang lalapit ako sa kanya pero napatulala sya ng lagpasan ko lamang sya.

"Dapat alam mo na ang sagot." Sabi ko at binuksan yung pintuan ng kwarto at naglakad palabas.

Naglakad-lakad ako at nakita ko sa malapit sa outdoor pool na may nag aayos na mga kung ano-ano para sa gagamitin nila sa shooting nila mamaya.

Nakita ko sa isang tabi si Brianna habang hawak-hawak yung phone nya. Tatalikod na sana ako kaso...

"Napakatanga mo naman tignan mo yung nangyari sa iniinom ko!" Tss, ikaw na nakatapon sa damit ko ikaw pa galit, kung di ka lang babae tinadyakan na kita.

"Judith what's going on here?" Nang tignan ko kung sino yun si Brianna lang pala.

"Haharang-harang kase tong bobo na 'to, look natapon yung iniinom ko!" Nanggigigil na sabi nung Judith. Hindi na 'ko nagulat ng may humablot sa kwelyo nung Judith na ikinagulat ni Brianna lalo na yung Judith.

Tsk.tsk

"W-what are you doing?! Who are you?! Let me go!" Buong lakas na sigaw nung Judith kahit halatang natatakot na sya.

"Sealtiel." Padabog nyang binitiwan yung Judith at bahagyang umatras dahil sa sinabi ko.

Tuwang-tuwa sila Ariza habang naglalakad kami palayo sa kanila.

"Nasan yung limang kengkoy?" Nagtataka kong tanong.

"Tulog na tulog dun sa kwarto nila." Natatawang sabi ni Fiona.

"Napagod ata kaya mga tulog." Natawa sila dahil sa sinabi ni Shannice.

"Pagbuhatin nyo ba naman ng mga gamit nyo e." Napailing na lang kami dahil sa sinabi ni Ariza.

"Master, maganda yung poolside bar at napagpasyahan naming pumunta dun mamaya sama ka." - Sealtiel.

"Hindi ako sanay uminom." Natawa ko ng magprotesta silang lima dahil sa sinabi ko.

...

"Jairus." Napahinto ako sa pagkain namin dahil sa pamilyar na tumawag sa 'kin.

"Pwede ba 'kong makisabay?" Tanong ni Hazel naramdaman kong nakatingin sila Joree sa pwesto namin.

"Oo naman." Naglakad ako at tinungo yung kabilang puwesto at ilang saglit nilapag ko yung upuan na kinuha ko at naupo sya dun.

"Tapos na kayo?" Napahinto sya sa pagsasandok dahil sa tanong ko.

"Oo, kaya bukas uuwi na sila direk at desisyon namin kung magi-istay pa kami ng ilang araw o sasabay kami sa kanila." Napatango-tango ako dahil sa paliwanag nya.

"Gusto nyo bang magistay?" Tanong ko sa deathrose at kengkoy na kasabay naming kumakain.

"Ikaw bahala tol." Sabi ni Kyle.

"Stay tayo may gusto pa 'kong makita." Pinaningkitan ni Jessel si Raymond pagkasabi nya nun.

"Guys alam nyo bang may multo daw na gumagala sa mga kwarto." Napatingin kaming lahat kay Ariza dahil dun.

"Bakit hindi pa tayo tumawag ng pari?!" Natawa naman kami dahil sa inasta ni Jhared.

"Bakit pa tayo tatawag ng pari kung may sakristan naman dito, diba Covie?" Nagkantyawan sila matapos sabihin yun ni Kyle.

"Bakit ka nag sakristan?" Tanong ni Shannice. Kaso ayaw magsalita ni Covie.

"Kase nahuli sya ng papa nya na may FHM sa kwarto nya." Natawa sila dahil sa sinabi ko.

"Tol hindi sa 'kin yun." Pagdepensa ni Covie.

"Mga manyakis." Napanganga sila dahil sa sinabi ni Fiona. Hindi sya nakagalaw at halatang naiilang ng lapitan sya ni Paolo at onting agwat na lamang magkakadikit na yung muka nila.

"Manyakis parin ba ang tawag mo dito?" Napaatras si Paolo ng ikiskis ni Fiona yung sili na galing sa bicol express sa labi nya.

"Putang*na ang hot...

Mo." Natawa kami lalo ng buhusan ng tubig sa muka si Paolo.

"Aba Fiona kung gusto mong mag swimming, halika at mauna na tayo." Wala ng nagawa si Fiona ng hilain sya ni Paolo at naglakad paalis.

"Jairus kanina pa nakatingin si Joree sa 'yo." Hindi na 'ko nagulat ng sabihin yun sa 'kin ni Hazel.

"Selos ka?" Natawa ko ng subuan nya 'ko ng suman dahil dun.

"Baliw." Natatawang sabi nya.

"Guys laro tayo." Nagtaka naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Raymond.

"Nakitang kumakain e." Naiiling na sabi ni Jessel.

"Ano namang klaseng laro?" Interesadong tanong ni Ariza.

"Habul-habulan tas pag nahuli, hahalikan." Binatukan ni Shannice si Covie dahil dun.

"Pervert!" Sigaw ni Shannice.

"Waiter give me hot ice cream." Kaagad kumilos yung waiter matapos isigaw ni Raymond yun.

"Hot ice cream?!" Nagtatakang tanong ni Sealtiel.

"Mas hot ako dun." Sinamaan ng tingin ni Sealtiel si Kyle dahil dun.

Aba luma-love-life tong mga kengkoy na 'to ah. Tsk. Tsk.

Namangha kami ng ilapag nung waiter isa-isa yung hot ice cream.

O_O

"Gawa sa sili." Napangiwi silang lahat dahil sa sinabi ko.

"Ano namang gagawin natin dyan?" Tanong ni Jhared.

"Ipapahid ko sa mata mo para mawala yang kamanyakan mo." Natawa kami dahil sa sinabi ni Ariza.

"Kakain tayong lahat syempre with a twist...

Kapag uminom ka ng tubig or buko juice ng hindi mo pa nauubos yan sasabihin mo kung sino ang taong mahal mo." Napakurap-kurap sila dahil sa paliwanag ni Raymond.

"Wala kong gusto sa 'yo, uunahan na kita." - Jessel.

"Tamo to hindi pa tayo nagsisimula defensive kana kaagad, sige iisipin kong hindi totoo yan." Inambaan sya ni Jessel dahil dun.

"Game?" Sigaw ni Raymond sabay taas nung hawak nyang baso. Itinaas din namin iyon at pinagsalubong na nakalikha ng tunog.

"Game!" Sigaw naming lahat at sabay-sabay na nilantakan.

Masarap sya lasang-lasa mo yung anghang at tamis dahil sa sili na ipinanggawa dito. Nang balingan ko ng atensyon si Hazel, pinapaypayan nya yung bibig nya gamit yung kamay nya. Yung deathrose naman sarap na sarap pa.

"Ano, ano talo kayo!" Tuwang-tuwang sigaw ni Shannice kila kyle. Napatingin ako kay Hazel ng tapik-tapikin nya yung braso ko at sumesenyas na nanghihingi ng maiinom. Tumayo ako at hinila ko sya papuntang kusina nitong restaurant.

"Pahingi ng tubig at pakitimpla sya ng gatas." Inabutan ako ng tubig nung isa sa mga waiter at nagsimula ng magtimpla.

"Sir eto na po yung gatas." Dali-dali ko iyong kinuha at inalalayang uminom si Hazel.

"Sa-salamat." Nakangiti nyang sabi at iniabot yung braso dun sa waitress, lumabas na kami ng kusina nagtaka ko ng makita kong lumabas mag isa si Joree.

"Sandali lang mauna kana." Tumango si Hazel matapos kong sabihin yun at naglakad patungo sa labas.

Joree POV

Kakain-kain ng ganun tas magpapasama sa kusina pag naanghangan!

"Argghh bwisit!" Sigaw ko habang naglalakad palayo. Teka bakit nga ba 'ko naiinis?!

Kase nagseselos ka ayaw mo lang aminin.

Anong pakielam ko sa kanila?!

Kay Jairus meron.

Kahit maghalikan pa sila dun sa kusina wala kong pake!

Weh? Parang di naman.

Tinapik-tapik ko yung ulo ko para bumalik ako sa ulirat. Napahinto ako sa paglalakad at nagsimula ng kabahan ng husto.

Teka bakit andilim dito? Nagpalinga-linga pa 'ko pero puro kadiliman lang yung nakikita ko.

Shit! Nasan na 'ko?! Anong lugar to?!

Hindi naman kaya...

NALILIGAW AKO?! PUNYETA! Tatakbo na sana 'ko...

"A-AHHH NADIMUNYUNG KAPRE, LAYO-LAYUAN MO 'KO!" Gulat na gulat kong sigaw ng may sumulpot sa harap ko. Ganun na lang yung panlalaki ng dalawa kong mata ng hawak nya ako...

"LUMAYO KA KAPRE!" Nagpupumiglas ko sabay hampas sa kanya. Wala kong pakielam kung may sa maligno o dimunyung hayup na 'to.

"Stop!" Shit... That voice its very familiar to me. Dahan-dahan Kong iniangat yung tingin ko sa kanya at napangiti ako ng makita ko yung mga mata nya na nagniningning kahit madilim at tanging sinag lamang ng bwan ang nagbibigay liwanag sa 'min.

"Hoodlum." Yayakap sana 'ko sa kanya pero na out of balance ako...

Shit..

O_O

Inaantay kong lumagapak sa sahig yung maganda kong muka pero matigas na mga bisig ang naramdaman ko...

Sinalo nya ko...

Naramdaman kong dahan-dahan nya kong itinatayo ng diretso pero napakapit uli ako sa kanya ng maramdaman kong may sumasakit sa binti ko.

"Ma-masakit yung binti ko." Napakapit ako sa batok nya ng buhatin nya 'ko ng pa bridal style.

"Mas masakit yung ginawa mo." Napakunot yung noo ko dahil parang may binubulong sya.

"Hoodlum hindi ako magaan, ibaba mo na 'ko." Nahihiya kong sabi pero ganun na lang yung inis ko ng hindi nya 'ko imikin. Ganern?!

"Hoodlum mabigat ako sabing-

Hindi ko alam kung sa 'ng parts ng katawan ko ang hahawakan ko dahil sa sakit.

" PUNYETA KA BAKIT MO 'KO BINAGSAK?!" Hindi ko alam kung sa 'n ako nakakuha ng energy para makatayo, ganun na lang yung karipas ng takbo nya ng habulin ko sya.

...

"Your voic- Naputol ang pagsabay ko ng kanta sa video dahil may humablot ng headphone mula sa tenga ko.

"Kanina kapa paulit-ulit sa kantang yan, mali-mali ka naman." Pinaningkitan ko sya ng mga mata dahil sa sinabi nya.

"Insecure ka lang kase mas gwapo to sayong kumakanta!" Sigaw ko sa kanya, aba ang hayop ngingisi-ngisi.

"Mas gwapo sya? Edi gwapo din ako?" Nagtaka ko dahil sa sinabi nya at napa-isip.

O_O

"HOY HINDI KA GWAPO!" Napatango-tango sya dahil sa sinigaw ko, nagulat ako ng umupo sya sa kama ko. Bale magkatabi na kami. Napabangon ako ng hablutin nya yung phone ko at kinabahan ako ng matigilan sya.

"Ako to, bakit pinapanuod mo?" Napalunok ako dahil sa tinanong nya.

Pinapanuod ko kase yung kumanta sya ng thunder sa rob.

"Da-dahil, oo tama wala akong music sa phone." Pagpapalusot ko.

"Higa." Napatakip ako ng kumot dahil sa sinabi nya. Shit wag mo 'tong gawin hindi porke-

Nagulat ako ng alalayan nya kong humiga uli sa kama at inayos yung pagkakakumot sa 'kin.

"Kakantahan kita, pumikit kana." Dahil ako si tanga at tuwang-tuwa na marinig uli yung boses nya na humahaplos sa puso ko, pumikit ako.

"Nang ikaw ay dumating

Nadama'y iba sa damdamin,

Kilos mo't mga paglalambing

Ang s'yang lagi ay umaakit sa akin.

Parang ayoko ng matulog dahil sa liriko ng lumalabas mula sa kanyang bibig.

"Kahit dayain pa ang puso at isipa'y hanap ka

Bakit nga ba gan'yan?"

Na para bang may pinaghuhugutan ito.

"Kung malaya lang ako

Kung malaya lang ako

Ipagsisigawan kong mahal kita

Kung malaya lang ako

Kung malaya lang ako

Ay ikaw ang tanging pipiliin ko

Sana ay mahal mo rin ako."

Patawarin mo 'ko kung nasaktan kita.

"Kung may isang pagkakataon

Na ikaw ay makapiling ko

Init ng aking pagmamahal

Ang s'yang lagi ay ipadarama sa 'yo."

Hindi ko kase alam na ganun ang magiging reaksyon mo.

"Kahit dayain pa ang puso at isipa'y hanap ka

Bakit nga ba gan'yan?

Kung sana nalaman ko na, hindi na sana nagawa pa.

"Kung malaya lang ako

Kung malaya lang ako

Ipagsisigawan kong mahal kita

Kung malaya lang ako

Kung malaya lang ako

Ay ikaw ang tanging pipiliin ko

Sana ay mahal mo rin ako...

Napangiti ako ng halikan nya ako sa noo ko at pinagpatuloy ang kanta nya.

"Kung malaya lang ako

Kung malaya lang ako

Ipagsisigawan kong mahal kita

Kung malaya lang ako

Kung malaya lang ako

Ay ikaw ang tanging pipiliin ko

Sana ay mahal mo rin ako

Sana ay mahal mo rin ako, ooh."

Isa lang ang sigurado ko...

Mahal ko nga ang hoodlum na 'to.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C34
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ