Joree POV
Kanina pa'ko bumibungis-ngis at parang baliw kakangiti.
Masisisi nyo ba'ko e masaya ako bakit?
Dahil andami naming pictures at may video pa'ko na kumakanta sya...
Grabe ang ganda nung boses nya...
Hindi mo aakalaing hoodlum e. ^__^
Kanina ko pa rin hawak yung picture namin sa photo booth...
Tulog naman sya kaya hindi nya makikita ang ginagawa ko.
Nandito kami sa jeep na hindi ko alam kung saang ruta kami dadalhin dahil si hoodlum lang ang nakaka-alam.
Madami parin ang mga nakasakay sa jeep at para kaming mga sardinas dahil sa siksikan...
Panatag naman ako at hindi nila ko nakikilala dahil bumili kami kanina ng 'black' mask diba lahat ng suot ko black.
Hindi ko nga lang sure kung pati yung undies ko black...
Tignan ko nga...
Wag na maraming 'hayop'...
Yes 'hayop dahil sa lalakas ng mga amoy...
Nagsiligo kaya to?
Lalo na yung nasa harapan ko na ngingiti-ngiti pa kala mo napakaganda e sobra naman sa lake yung mata...
Yung ngipin parang hinukay pa nung kapanahunan ni kopong-kopong...
Nakakapit pa dun sa hawakan nung jeep...
Nang hindi ko sinadyang mapatingin sa kili-kili nya...
Wow as in wow, hindi pa siguro na di-discover na may amazon forest na dito sa pilipinas.
Bago ko pa to ilusot sa bintana ng jeep back to the topic na nga.
Ayokong tignan yung undies ko kung kulay itim...
Mamaya na lang siguro pagnagising na si hoodlum...
AS IN HINDI KA MALANDI NYAN GHORL!!!
Syempre charing lang di pa'ko ready next time na lang.
Tinignan ko sya habang natutulog dito sa loob ng jeep...
Infairness matino sya matulog hindi katulad ko na kahit artista mukang ewan matulog.
Napagod sya dahil sa ginawa ko... =>
*Flashback*
"Hello sa inyong lahat nag bi-benta kami ng mga karaoke at dvd pero kung sino ang may gustong kumanta dito sa karaoke at ang score ng kumanta ay 100 o perfect libre na ang karaoke bilang pa-premyo sa pagiging perfect nya!" Nang dahil sa sinabi nung sales lady nayun...
Dinumog sila ng mga tao at karamihan mga college student pa'no ko nalaman?
Madali lang dahil naka id pa sila...
Umupo muna kami ni hoodlum sa isang tabi at pinapanuod yung mga sumusubok makuha ang premyo sa pagkanta.
Pero syempre hindi pu-puwedeng mawawala ang pop corn kapag nanunuod ka lalo na kapag live show.
Nagulat din ako dahil pag harap ko sa kanya may kinakain na syang pop corn na diko alam kung sa'n galing.
Tinanong ko sya kung sa'n nya nakuha yun at sinabi nyang binili nya daw sa sinehan sa forth floor.
Habang kumakain kami ng pop corn at nanunuod sa mga nag aagawan sa mic.
"Bat kanta sila ng kanta? Kung ganyan din sila?" Nagtataka kong tanong pa'no nagkakatuwaan lang sila.
"Baka nagtatawag ng ulan." Natawa ako dahil sa sinabi nya.
"Hoodlum pls kanta ka dun pls?" Nagpapa-puppy eyes pa'ko habang nagmamakaawa sa hinayupak na'to.
"Sige...
Ikaw." Binatukan ko kaagad sya na ikinatawa nya lang.
Ganern?!
Nagtaka sya ng tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko at lumapit don sa nagkakantahan.
May kukuha sana nung mic kaso tinignan nya ako ng masama ng maunahan ko syang kunin.
"NGAYON GUYS AYAW MAKI-JOIN NG BOY FRIEND KO SA KANTAHANG NANGYAYARI DITO KAYA BIGYAN NATIN SYA NG LAKAS NG LOOB AT ISIGAW NATING...
KAKANTA NA YAN, HOODLUM, HOODLUM KAKANTA NA YAN!" Sigaw ko sa mic at dahil dun para kaming nag ra-rally dito sa loob ng rob.
Isinigaw ng mga tao kung ano yung sinabi ko.
"GUYS AYUN SYA OH MUKANG AYAW TALAGA!" Tinignan nila si hoodlum at sabay-sabay na sumigaw na 'KAKANTA NA YAN, HOODLUM, HOODLUM KAKANTA NA YAN!' At mas malakas sa kanina kaya dinumog pa kami lalo ng mga tao dito sa rob.
Inilabas ko yung phone ko at vinidiohan ko sya ng makita kong tumayo sya at lumapit sa'kin at kinuha yung mic.
Naghiyawan kaming lahat nung binuklat nya ng mabilis an yung song book tapos pinindot nya yung numero.
Ifinocus ko lang yung vid. ko sa kanya at intro palang nung kanta napatahimik na kami...
Thunder / Boys Like Girls
"Today is a winding road that's taking me to places that I didn't want to go Whoa (whoa, whoa, whoa).
Today in the blink of an eye I'm holding on to something and I do not know whyI tried I tried to read between the lines.
I tried to look in your eyes.
I want a simple explanation For what I'm feeling inside I gotta find a way out.
Maybe there's a way out." 🎶
Eto ang pangalawang beses na narinig ko syang kumanta. Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko para sa'kin yung kinakanta nya ngayon?
"Your voice was the soundtrack of my summer Do you know you're unlike any other? You'll always be my thunder and I said.
Your eyes are the brightest of all the colors.
I don't wanna ever love another.
You'll always be my thunder.
So bring on the rain And bring on the thunder."🎶
Ngayon ko lang narinig tong kinakanta nya pero sobrang ganda pala lalo kapag sya yung kumakanta.
"Today is a winding road.
Tell me where to start and tell me something I don't know Whoa (whoja, whoa, whoa).
Today I'm on my own I can't move a muscle and I can't pick up the phone I don't know (I don't know, I don't know, I don't know).
And now I'm itching for the tall grass And longing for the breeze.
I need to step outside.
Just to see if I can breathe.
I gotta find a way out Maybe there's a way out."🎶
Nai-imagine ko nasa alapaap ako at tanging sya lang ang kasama ko.
"Your voice was the soundtrack of my summer.
Do you know you're unlike any other?
You'll always be my thunder, and I said.
Your eyes are the brightest of all the colors.
I don't wanna ever love another You'll always be my thunder.
So bring on the rain."
Oh my ghad! Kaya nya ba 'ko kinakanta dahil eto ang tactics nya sa panliligaw. Grabe ansarap pala sa pakiramdam na hinahanara ka ng mahal mo.
"Yeah I'm walking on a tightrope I'm wrapped up in vines.
I think we'll make it out But you just gotta give me time.
Strike me down with lightning.
Let me feel you in my veins.
I wanna let you know how much I feel your pain."🎶
Wait kailangan kong ipusod yung hair ko, baka hilain ng escalator sa sobrang haba.
Today is a winding road that's taking me to places that I didn't want to go Whoa."
Ang sarap nyang panuorin habang binubuka nya yung bibig nya para kumanta. Ayokong mag video kase mas gusto kong panuorin sa personal kaso para remembrance na rin.
"Your voice was the soundtrack of my summer.
Do you know you're unlike any other?
Thunder, yan yung kinakanta nya. Ako kase hindi na kailangan pang tamaan ng kidlat kase matagal na 'kong tinamaan...
Sa kanya.
"You'll always be my thunder, and I said.
Your eyes are the brightest of all the colors.
I don't wanna ever love another You'll always be my thunder."
"Your voice was the soundtrack of my summer.
Do you know you're unlike any other? You'll always be my thunder.
So bring on the rain. Oh baby bring on the pain..
And listen to the thunder." 🎶
Nagpalak-pakan kami nung matapos nya yung kanta at...
Perfect sya! Wow sinasabi ko na nga ba magaling tong manok ko.
"May winner na tayo guys! Ngayon kuya pakisulat na lang dito yung address nung bahay nyo para mai-deliver na namin." Pagkasabi nung sales lady na babae nun kay hoodlum, kinuha nya yung ballpen at walang pakundangang tinusok sa mata nung babae...
Kidding.
Ilang saglit lang syang nagsulat at nagulat kaming lahat ng ibato nya yung mic sa...
Baba!
Napapitlag ako ng may humila sa 'kin at nung tignan ko yun...
Si hoodlum.
Aba mukang gusto ko masolo ni hoodlum ah.
^_^
*End of the Flashback*
Jairus POV
"A-AHHH!" Napa dilat ako ng wala sa oras dahil nauntog yung ulo ko sa matigas na bagay.
Shit!
Ano ba yun?
Kinusot-kusot ko yung mga mata ko at tinignan ko si joree na nag pe-peace sign sa mga tao.
"Ineng, bakit kaba sumisigaw?!" Tanong nung driver nung jeep.
"A-ah a-ano p-po, oo tama binabangungot kase ko sa panaginip ko." Nakatulog din pala sya.
"May binabangungot bang gising?!" Tila nag init yung ulo ni joree dahil sa narinig nya dun sa medyo matandang lalaki na kaharap ko sa jeep, balak pa sana nyang patulan kaso pinigilan ko sya. Nagtaka naman ako dahil ngiting-ngiti sya, ng tignan ko yung kamay ko...
Nakapatong dun sa kamay nya...
"Mga kabataan ngayon napaka sinungaling na, e nung panahon namin halos matitino at walang mga loko-loko." Sabat naman nung kaharap ni joree sa jeep
"ANONG SABI MO KANINA KAPANG BARAKUDA KA WA! WAG MO KO PIGILAN HOODLUM PAPATAYIN KO YAN! TAKTE KABAHO-BAHO NG HININGA NYAN NAGSASALITA PA, ANDAMI-DAMING NAKIKITA PALIBHASA DILAT NA DILAT YUNG MATA!" Inaawat ko sya at pilit syang ibinababa sa jeep naririnig ko pa yung mga ibang pasahero na sinisigawan kami tsk.tsk.
Nang magtagumpay akong ibaba sya hinarap ko yung lalaki na nakasagutan nya.
"Halata ngang walang loko-loko dati nung panahon mo, pero bakit yang ityura mo mukang pinagtripan." Hahablutin nya sana ko kaso tinapik ko na ng pagkalakas-lakas yung jeep ng umandar yun at...
Sumubsob sya sa lapag. Hinarap ko na si joree na parang tangang ngingiti-ngiti.
"Bat ka ba kase sumigaw?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang mini forest, bawal kaseng magbaba dun sa harap nun kaya dito kami sa lagpas ibinababa.
"Ano, ang ganda ko kase alam mo yun?" Sabi nya habang nag hahawi pa ng buhok nya tapos iipit nya sa gilid ng tenga nya.
"Abnormal, kaya ka napapa-away e." Sabi ko habang umiiling-iling.
"Excuse me? Pakielemero kase syang tarsier kaya-
"Kaya pinatulan ng bibe." Natawa ko ng samaan nya ko ng tingin.
"Bibe ka dyan, HOODLUM!" Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa pagsigaw nya.
"Mukang maraming tao sa mini-forest kaya wag mong ibababa yang hood mo tsaka face mask." Simpleng tango lang ang sinagot nya sa 'kin.
Nasa labas palang kami ng mini-forest nakikita na naming marami na ang mga tao na nakatambay at yung iba nakahiga pa sa 'kemeroot grass'.
Yes kemeroot grass ang tawag ko dyan dahil peke lang yun at hindi totoong damo pero malinis naman dun.
"Hoodlum! Picturan mo 'ko dito dali!" Napapitlag ako dahil sa sigaw nya mula sa malayo, nang tignan ko sya naka-upo na sya sa kemeroot grass...
Papasok pa lang kami ah e bat nandyan na kaagad sya?
Halatang excited e.
Nang makalapit ako sa pwesto nya kinuha ko yung phone sa kamay nya at umatras ng kaunti...
Umupo ako at tinantya ko yung anggulo para maganda yung kuha kaso hindi ko alam kung bat naiilang ako.
"HOY WAG KA NG MAG ALA PHOTOGRAPHER DYAN, MAGANDA KO KAHIT SA 'NG ANGGULO!" Nakarinig ako ng mahinang tawanan sa tabi-tabi dahil sa sinigaw ni joree.
"Umayos ka kase." Sabi ko at umayos naman sya ng upo at nag fierce.
Shit, bakit ba naiilang ako yung fierce nya although maganda kaso parang nang-aakit e.
Tinignan ko yung mga tao sa paligid pero parang wala lang sa kanila yung fierce na pose ni joree.
Bat tingin ko nang-aakit e...
Bahala na.
"Oh ayan na." Tuwang-tuwa sya ng kunin nya yung phone nya mula sa kanang kamay ko pero...
"ANO TO BAT ULO LANG YUNG KINUHANAN MO?!" Kung kanina mahinang tawanan lang, ngayon naman parang wala ng bukas.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya.
"A-ano wag na lang yung ganyang pose." Nagtaka sya dahil sa sinabi ko.
"BAKIT?!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw nya.
"Dahil naakit mo 'ko." Direct to the point kong sabi at napakurap-kurap pa sya dahil dun
"P-para ka-kang ta-tanga ba-bakit a-anong masama sa fierce?" Nauutal nyang sabi pero nagkibit-balikat lang ako.
Natawa ko ng itaas nya yung mask nya sa pisngi nya tapos ihinarang yung shoulder bag sa muka nya.
"Ginagawa mo?" Tanong ko pero umiiwas lang sya.
"W-wag nakakahiya pakiramdam ko sasabog na 'ko sa ginagawa mo." Nahihiya nyang sabi.
"Kapag dimo tinanggal yan iiwan kita dito." Kinuha ko kaagad yung bimpo ko at itinakip sa muka nya dahil pagkasabi ko nun tinapon nya sa kung sa 'n yung face mask nya.
"Sabi ko tanggalin mo hindi itapon. Pasalamat ka at walang naka mukha sayo." Mahinang kong sabi at hinayaan syang takpan yung muka nya gamit yung bimpo ko.
Tumayo ako at kinuha ko yung face mask nya at ipinagpag ko iyon, pagkaraan ng ilang saglit bumalik na 'ko sa pwesto at naupo sa tabi nya.
"O suotin mo uli akina bimpo ko." Dali-dali nyang kinuha sa 'kin yung face mask at isinuot iyon.
"Salamat dito sa panyo, buti hindi amoy multi-insect killer." Napailing na lang ako dahil sa inasta nya.
"Gusto mo kumain tayo?" Pagkasabi ko nun walang pakundangan nya kong hinila at naglakad.
"Antagal mo naman maglakad!" Sigaw nya sa 'kin.
"Ayaw mo nun para nae-enjoy mo yung holding hands natin." Napahinto sya dahil sa sinabi ko at tinignan yung magkahawak naming kamay. Kinuha nya yung phone nya sa shoulder bag nya at itinapat iyon sa kamay namin.